Chapter 9

CHAPTER 9

YANZEE literally stopped breathing when she heard Ramm say those words. At sinamantala naman ‘yon ng binata.

Ihinarap siya ni Ramm at tinitigan ng matiim.

“Yanzee, nababaliw na ako sayo. This is my first time feeling this kind of emotion and I don’t know what to do with it.”

“Ramm…”

“I can’t think right when I’m away from you. That’s why I’m always here. Kinukulit ka. Kasi ‘yon lang ang alam kung paraan para mapalapit ako sayo. Gustong-guto kita, Yanzee. Bakit ba hindi mo nakikita ‘yon?” Niyugyug siya nito.

“Ramm… hindi kita maintindihan.”

“Stop pretending that you don’t understand.” He sighed. “You said I make your heart beat erratically. Pero hindi ko naman maramdaman na gusto mo ako e. Kasi palagi mo akong tinataboy. Bakit ba ha, Yanzee. Ano ba talaga ako sayo?”

Napamulagat siya at sinapo ang dibdib. “Yes, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit ka pero dahil ‘yon sa sakit mo na nahawa ako.”

Tumawa ng mapakla si Ramm. “And you believe that? Bobo ka kung naniniwala ka na may sakit akong nakakahawa. You’re heart is beating fast when I’m near because you like me!”

Itinulak niya ng malakas ang binata. “No! I don’t! Bakit naman kita magugustuhan? Ha? Oo, guwapo ka pero hindi ako magkakagusto sayo.”

“Bakit naman hindi? Kahit anung tanggi mo sa sarili mo, your heart knows the truth. It’s beating for me and only me!”

“Sino ka para sabihin yan?” Sinuntok niya ito sa dibdib. “Wala kang alam. Kasi puso ko yan. Puso ko! Ako ang nakakaramdam niyan at hindi ikaw! Kaya wala kang karapatan na sabihin yan sa akin. My heart is beating for you? Bakit nakapasok ka na ba sa puso ko para masabi mo yon?”

Ramm looked at her with pained expression on his handsome face. “Ganoon ba talaga kahirap aminin para sayo na gusto mo ako? Ganoon ba kahirap aminin, kahit nalang sa sarili mo, na mahal mo ako?”

Tumawa siya ng walang buhay. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ‘to?

“Una gusto kita, ngayon naman mahal kita? Ramm, naka-drugs ka ba? Hindi! Wala akong gusto sayo at hindi kita mahal. Hindi porke’t hinabol-habo kita sa Hawaii e mahal na kita. Na-guwapuhan lang ako sayo kasi talaga naman sobrang guwapo mo kaya kita hinabol-habol.”

Napiling-iling si Ramm. “No. Alam kung may gusto ka sa akin.”

“Wala nga akong gusto sayo.” Pinandilatan niya ito dahil naguumpisa na siyang mairita. “Ramm, bakit ba pinagpipilitan mong may gusto ako sayo? To make your ego happy?”

“Because I love you, dammit!” Sigaw ni Ramm na ikinalaki ng mata niya.

Ito rin ay nanlaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala na sinabi nito iyon.

“Paano mo nasabi na mahal mo ako samantalang inamin mo nga sa akin na babaero ka.”

“I’ve change, Yanzee. Simula ng makilala kita ang daming nagbago sa akin

“Yeah, right.” Hindi naniniwalang sabi niya. “Ramm, hindi ako bulag. Ano naman ang tawag mo sa mga babaeng dinadala mo sa Restaurant ko?”

“They were just date, Yanzee. Dinala ko lang sila doon para pagselosin ka.”

“Pambababae pa rin ‘yon at sinasaktan mo sila dahil ginagamit mo lang sila. Kaya naman hindi ako naniniwala sayo. Hindi ba inamin mo sa akin nuong nasa Hawaii tayo na ayaw mo ng girlfriend? Na hindi ka single kasi maraming nagmamay-ari sayo?”

“Oo babaero ako, pero nagbago na ako!”

“Mahirap magbago, Ramm. Lalo na ang mga katulad mo!”

“It hurts me that you don’t love me back. Hell, you don’t even believe me.” Puno ng kalungkutan ang mata nito. “Expectation really does hurt people. Because I expect too much from your words and actions, now I’m hurting. That crazy little thing called love sucks big time. I shouldn’t have felt this sick emotion for you. Because, yeah, I’m crazily in-love with you and it seems that I can’t erase this feeling. Trust me, I tried.”

Walang emosyon sa mukha nito habang sinasabi ‘yon. Kapagkuwan ay umalis ito at naiwan siyang magulo ang isip at masikip ang dibdib.

NANG GABING ‘yon, hindi makatulog si Yanzee sa kakaisip ng mga sinabi ni Ramm. Lahat bumalik sa balintataw niya at hindi niya mapigilan at napapangiti siya sa tuwing naaalala niya ang pag-amin nito ng nararamdaman sa kanya. Pero agad naman napalis iyon ng maalala ang sakit sa mga mata ng binata dahil sa kagagawan niya.

Gusto niyang sabihin sa sarili na tama lang ang ginawa niya pero hindi niya magawa. Alam niyang siya ang may kasalanan. Natatakot siya na masali sa mga babaeng sinaktan lang nito. Natatakot siya na saktan siya ni Ramm. Dahil alam niyang hindi niya kakayanin ‘yon. Kahit mahal niya ang binata, hinding-hindi niya ‘yon aaminin dito. Natatakot siya. Nuon, hinabol-habol niya ito dahil naga-guwapuhan siya dito. Pero ngayon na alam niyang tumitibok ang puso niya para dito, nunkang habulin niya ito.

Nang makitang sumilip ang liwanag sa bintana ng kuwarto niya, mabilis na bumangon si Yanzee. Pagkatapos niyang maligo at ayusan ang sarili, lumabas siya ng kanyang bahay para mag-jogging. Siguro naman kapag napagod siya e makakatulog na siya ng mahimbing.

Isang oras din siyang nag-jogging bago bumalik sa bahay niya. Natigilan siya ng makitang nakatayo si Ramm sa labas ng bahay niya at nakatingin sa pintuan na para bang hawak ‘non ang sekreto ng sanlibutan.

Ilang minuto itong nakatitig sa pintuan ng bahay niya at humakbang palapit doon. Kakatok sana ang binata ng parang nagdalawang isip ito at umatras.

Napailing-iling si Yanzee ng humakbang na naman ang binata palapit sa pinto at umatras na naman kapagkuwan.

Yanzee blow a loud breath. “What the heck are you doing?”

Mabilis na lumingon si Ramm sa direksiyon niya. Medyo nanlaki ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin. Hindi alam ni Yanzee kung imahinasyon lang niya ang nakita pero parang bahagyang namula ang binata.

“Ramm, anung ginagawa mo dito?” Usisa niya habang naglalakad palapit sa binata. “Ang aga-aga mangungulit ka na naman?”

Mataray siya habang inuusisa si Ramm pero ang gusto niyang gawin ay ipulupot ang braso niya sa katawan nito.

God! Ayaw niyang aminin pero gusto niya itong yakapin.

“Ahm… n-nakalimutan ko yung coat ko d-dito.” Nauutal na sagot nit Ramm.

Mataman niya itong tinitigan. Halatang nagsisinungaling ito sa kanya kasi hindi ang binata makatingin ng deretso.

Ng isang dangkal nalang ang layo ng katawan nila, kagat-labing pinigilan ni Yanzee ang sarili nayakapin ito.

“You’re lying.” Aniya.

Gusto niyang marinig ang tatlong salitan ‘yon na nagharakiri ang puso niya sa sobrang kaba.

“I’m not.”

“Yes, you are. Wala kang naiwan sa bahay ko. You are here because you want to see me.”

Katahimikan ang namagitan sa kanila.

“Fine! I’m here because I can’t sleep, I was thinking of you the whole night. I have to see you. Happy?”

Nawalan siya ng imik sa sinabi ni Ramm kasi ganoon din siya. Hindi siya nakatulog sa kaiisip dito.

“Ikaw? Bakit nangingitim ‘yang ibaba ng mata mo. Can’t sleep too?”

Tumango siya.

“Why?”

“Wala.” Mabilis niyang sagot.

“Keep denying it, Yanzee. Magigising ka nalang isang araw na wala na ako.”

Tinitigan niya si Ramm. “Kapag dumating ang araw na ‘yon, na wala ka na. Masasabi kung tama ang naging desisyon ko. Kasi ang pagmamahal, nararamdaman nalang bigla pero hindi ‘yon basta-basta nawawala. At kapag nawala ka, hindi ‘yon love. Infatuation lang ‘yon.”

Iniwan niya si Ramm at binuksan ang bahay niya.

She was about to enter her house when Ramm talk making her halt on her step.

“I love you, Yanzee.”

Napakagat labi siya sa narinig. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso niya.  Ayaw niyang sagutin ang binata. Ayaw niya. Natatakot siya. She resumed walking and closed the door behind her.

Sumandal siya sa naksarang pinto at sinapo ang dibdib niya. Ano ba ang nangyayari sa akin. Mababaliw na ako. I need  someone to talk to!

Paano ba malalaman na mahal mo ang isang tao at hindi lang iyon sampling pagkagusto?

KAAGAD na niyakap ni Yanzee ang ina ng makapasok ito sa bahay niya.

“Mommy!”

“Yes, baby?” Masuyong sinapo ng ina ang mukha niya. “Anong problema mo?”

“Wala po. I just want to see you.”

Her mother snorted. “Hindi mo ako papupuntahin dito kung wala. I can feel that something is bothering you.”

Nanghihinang umupo si Yanzee sa sofa. Tumabi ang ina niya sa kanya.

“Yanzee, you know you can tell me anything, right?”

Marahan siyang tumango at nagsalita. “Si Ramm—”

“’Yong guwapong lalaki sa restaurant? Na boyfriend mo?”

Yanzee sighed. “Mom, hindi ko siya boyfriend.”

“Eh bakit mo siya pino-problema?”

“He said he loves me.”

“Oh, anung problema doon? Dapat nga nagsasaya ka dahil mahal ka ng taong mahal mo.”

“Mommy!”

“What?” Natatawang sabi ng ina. “Nakita ko sa mga mata mo na mahal mo si Ramm nuong nasa restaurant tayo. Halata naman sa galaw mo kahit dini-deny mo siya. And don’t deny it, alam kung bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo siya.”

“Paano mo ba malalaman na love ang pagbilis ng tibok ng puso mo?”

Mataman siyang tinitigan ng ina bago nagsalita. “Yanzee, wala namang description ang love. Mararamdaman mo nalang ‘yon. And yes, ang mabilis na pagtibok ng puso ay isa lang sa palatandaan na gusto mo ang isang tao. Pero ang pagkagusto at pagmamahal ay magkaiba.”

“Alam kung magkaiba sila, mommy. Ang tanung ko, paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao? Yung talagang by experience na sagot kasi diba mahal mo naman si Daddy?”

“Yes, I love your Dad. Basta ko nalang iyon naramdaman. Akala ko dati gusto ko lang ang ama mo kasi nga mag-best friend kami. Pero ng makita ko siya na may kasamang ibang babae, nasaktan ako at natakot na mawala siya kaya naman ako na ang humabol sa kanya.”

Napatawa siya. “Ginawa ko na yun sa Hawaii, remember? Nai-kwento ko na ito sayo. Hinabol-habol ko doon si Ramm. Pero pinagsalitaan niya ako ng hindi maganda kaya naman nainis ako.”

“Natatakot ka na maulit yon, ganoon ba?” Masuyong hinaplos ng ina ang pisngi niya. “Anak, kung mahal mo si Ramm, lalabanan mo ang takot mo para makasama siya at sumaya ka.”

“Mommy…” Dinama niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. “Kapag malapit siya, mabilis ang tibok ng puso ko. Kapag hindi ko siya nakikita, nami-miss ko siya. Kapag malapit siya, gusto ko siyang yakapin. Nuong nakita ko siyang may kasamang ibang babae, naiinis ako. Yon ba ang pagmamahal, masakit at magulo?”

“Yanzee, kaya nga nila sinabing ‘crazy little thing called love’, kasi nakakabaliw ang pag-ibig. Masakit na Masaya. Nakakaloka na nakakakilig. That’s love.”

Napatanga si Yanzee sa kawalan. Love. Bakit ba napaka-hiwaga ng salitan ‘yon?

PAGKAALIS NG ina, pumunta siya sa restaurant niya para magpalipas ng oras.

Kung nasa bahay lang siya, hindi mawawala sa isip niya si Ramm. Kailangan may gawin siya para mawala ang binata sa utak niya!

Kaya lang ng makapasok siya sa restaurant agad niyang nakita si Ramm at ang karay-karay nitong mala diyosang babae na sobrang ganda. Agad na na-insecure siya sa kasama nito.

I’m sure pinupuri siya ni Ramm sa sobrang kagandahan. Samantalang ako, plain looking. Haixt! Tapos mahal daw! Mahalin niya ang mukha niyang pangit! Hinayupak!

Parang may pumipiga sa puso niya ng lumapit ang babae kay Ramm at may ibinulong ito sa tenga ng lalaki. Bigla namang napatawa si Ramm sa kung anu man ang sinabi ng dyosang hipon na ‘yon!

Her eyes prick with unshed tears. Mabilis niyang pinakalma ang sarili at naglakad papuntang kusina. Hindi! Hindi siya nasasaktan!

Bakit naman siya masasaktan? Hindi naman niya gusto ang hinayupak na ‘yon!

Sa loob ng kusina, inabala niya ang sarili sa pagluluto. Pero kahit anung gawin niyang pagaabala sa sarili, sumasagi pa rin sa isip niya ang lalaking yon.

Naiinis na lumabas siya ng kusina gamit ang pintuan sa likod. Humugot siya ng isang malalim na hiningay at sumandal sa pader.

Bakit ba ako nasasaktan? Bakit parang pinipiga ang puso ko kapag naiisip ko na masaya si Ramm sa ibang babae? Bakit ang sakit-sakit sa isiping gusto ni Ramm ang babaeng ‘yon?

Nanghihinang dumaos-dos pa-upo si Yanzee. Hindi na niya kaya ang sakit. Paulit-ulit na bumabalik sa balintataw niya ang paglalampungan ni Ramm at nung babae. Paisa-isang pumatak ang luha sa mga mata niya. Agad niyang pinahid iyon dahil ayaw niyang may makakitang umiiyak siya.

Hindi niya iiyakan ang lalaking ‘yon! Hindi! Hindi! Hindi! Hind—

“Yanzee?”

Nataas ng tingin si Yanzee ng marinig ang boses ni Ramm.

“Ramm…” Namalisbis ang luha niya ng makita ang mukha ng binata.

Mabilis na lumapit sa kanya si Ramm at masuyong tinuyo ang mga luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi niya.

“Why the hell are you crying?!” Tanung nito sa nag-aalang boses.

“M-masakit e…” Napahikbi siya ng maalala na naman ang paglalampungan ng mga ito. Ang genuine na ngiti ni Ramm sa tuwing may sinasabi ang babaeng ‘yon. Mas lalaong nadadagdagan ang sakit na nararamdaman niya ng maalala iyon.

“Shh! Please, Yanzee, stop crying… Please…” Anito habang tinutuyo ang mga luha niya.

Hikbi lang ang itinugon niya sa binata. Ayaw niyang magsalita dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang bibig na magsabi ng totoo. Ayaw niyang malaman ni Ramm na apektado siya. Ayaw niyang malaman ng binata ang nararamdaman niya.

Hanggang kailan ba niya kayang itago ito? Hanggang kailan ba siya matatakot sa nararamdaman niya.

“Yanzee… please, I don’t want to see you cry. Please, I can’t bear to see you crying like this.” Sinapo nito ang pisngi niya habang patuloy na tinutuyo ang luha niya gamit ang hinlalaki nito. “Bakit ka ba umiiyak?”

Humikbi siya. “A-Anong ginagawa m-mo dito sa l-likod?”

“Nakita kitang pumasok sa restaurant. I went to the kitchen to see you but you’re not there. Lumabas ka daw sabi ng mga tao doon. Kaya naman pinuntahan kita dito. And then I saw you crying. Bakit? Nasugatan ka ba?” Puno ng pag-suyo at pag-aalala ang boses ni Ramm.

Hindi niya napigilang yakapin ang binata. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap ng maramdamang niyakap din siya nito.

“A-Ang sakit…” Aniya. “S-Sobrang sakit, Ramm. H-Hindi ko kaya na makit—”

“Ramm, who is she?” Boses iyon ng isang babae na gumising kay Yanzee.

Mabilis niyang pinakawalan si Ramm at humakbang palayo rito.

“Yanzee…” Akmang hahakbang palapit sa kanya si Ramm ng pigilan niya ito.

“Don’t come near me.” Tiningnan niya ang pinanggalingan ng boses kanina at nakatayo doon ang babaeng kasama ni Ramm sa restaurant. “Baka magselos ang girlfriend mo.”

Pilit niyang nginitian ang binata.

“Yanzee, she’s not—”

Sumingit yung babae. “Ramm. Halika na. Diba sasamahan mo pa ako mag-shopping sa damit na isusuot ko para sa engagement party natin sa sabado? You promise me.”

Engagement party? Sinapo ni Yanzee ang puso na nagdurugo. Shit! Shit! No!

“E-Engagement Pa-Party?” Nauutal na gagad niya.

The woman nodded while smiling sweetly at her. “We’re getting married!” Ipinakita nito sa kanya ang engagement ring. “I’m so happy.” She chirped.

“C-Congratulation.” Aniya na may pilit na ngiti sa labi.

“Thank you.” The woman said, oblivious to Yanzee’s fake smile.

“P-Pasok na ako. Baka hinahanap na ako sa kusina e. Ma-Madaming lulutuin doon.”

“Yanzee!” Pinigilan siya ni Ramm sa braso. “Why are you crying?”

Napatingin siya sa babae na kasama nito na nakangiti sa kanya. Ibinalik niya ang tingin kay Ramm na puno ng pag-aalala ang mukha.

“Nothing. Masakit lang ang ngipin ko kaya umiiyak ako.”

“You’re lying.”

Hinablot niya ang braso na hawak nito. “Hindi ako katulad mo, Ramm.” Aniya at iniwan ang ang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top