CHAPTER 3
CHAPTER 3
NANLAKI ang mga mata niya ng makita ang pinapangarap niyang kotse sa parking lot ng Leisure Hotel. Doon siya dinala ng binata pagkalabas nila sa elevator.
“Holy cow! Is that a Lamborghini?” Shay exclaimed.
Lumapit si Rann sa dream car niya at binuksan ang passenger sit.
“Hop in, babycakes.”
Nanlaki ang mga mata niya. “You owned this car?”
He gave her a duh stare. “No, I stole it.”
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kotse nito. Wala siyang pakialam kung mapagkamal man siya nitong sinto-sinto. This was her dream car!
Dahan-dahan siyang pumasok sa nakabukas na passenger seat. Isinara iyon ni Rann at umikot ito papuntang driver’s seat. Inilagay nito ang susi sa ignition at binuhay ang makina.
She gasped. “You really do own this car!”
“Duh!” Pinausad nito ang kotse. “I’m driving it, aren’t i?”
“B-but, h-how did you bought it?”
“Easy. I saw it on a magazine. I liked it. I bought it. I give them a check, then boom, they give it to me. With key.” Rann said in so much sarcasm.
“Thanks Mr. Sarcasm.” She leans on the window. “I was just curios on how can you afford to buy something like this. It’s very expensive not to mentio—”
“I’m not a bum, babycakes. I am the owner of Linkinhay International. You know, one of the richest real estate companies in the world.”
“I know. Still, you’re a happy-go-lucky kind of person. I haven’t even seen you in business suit. You’re always wearing,” Iminuwestra niya ang suot nito. “That.”
Nakasuot ito ng black shoes, faded jeans, white t-shirt with a quote ‘I’m the hottest thing on two legs’ at pinatungan iyon ng black leader jacket, na hindi pa niya nakitang hindi nito suot. That’s his usual get up.
“Doesn’t mean I don’t wear business suit that I’m not good at what I do. You haven’t seen me in my office. You haven’t seen me at work. And you,” He looked at her through review mirror. “Don’t know what I can do in terms of Business.”
Napasimangot siya. Totoo ang lahat ng sinasabi nito pero hindi siya magpapatalo.
“Of course I would think that. Wala pa naman akong naaalala na pumasok ka sa opisina mo. I always saw you with a woman in tow. Different woman every day, if I may say. So, anung gusto mong isipin ko?”
“It’s easy to judge people when you don’t know them.” His voice was filled with sadness.
Napatitig siya sa mukha nito. Walang bakas ng kalungkutan ang mukha nito. His expression was blank and … cold. But his voice earlier …
She shook her head. Maybe she was just imagining it.
“That’s human nature. Human judge based on what they see and how you present yourself.”
“But they don’t know the person personally. Malay mo may tinatago pala silang ugali. Humans are deceivers. You don’t know what’s inside unless you give it a time and dig deeper.”
Again. She was dumbfounded by his words. Mukhang may first-hand experience ito sa mga taong tulad niya. Mga mapanghusga.
She admits she judge people by how they present themselves. Ganoon naman talaga diba? Iyon ang nakagisnan niya. Pero mukhang iba ang opinyon ni Rann.
For a man who changes girlfriend as fast as he changes clothes, he’s a bit philosophical for his own good.
Itinikom nalang niya ang bibig. Wala siyang balak na ma-lock jaw kaya lang ayaw naman niyang makipag-argumento kay Rann. Nakakapagod din palang mag-contract ng English sa utak bago mo sabihin. Hay, buti nalang hindi naman pahuhuli ang utak—
“Ano bang nakita mo sa kakambal ko at hindi kayo mahiwa-hiwalay?” Tanung nito kapagkuwan na ikinabigla niya.
“Ha?” Bakit naman napunta kay Ramm ang topic? Naguguluhan talaga siya sa takbo ng utak ng lalaking ito.
“You heard me.”
She closed her eyes. Ngumiti siya ng maalala ang dahilan kung bakit tumagal ang friendship nila. “He’s nice, caring, and sweet and he’s the only person who can make me laugh in my saddest day.”
“Hey, that’s me. I’m nice, I’m caring. I’m super sweet. I could make you lau—”
“At hindi siya nagpapaiyak ng babae.”
He laughed. “Except that one.” He sobered. “Guess I could never be him, huh?”
Nang tingnan niya ito, bakas sa mukha nito ang lungkot. Huh? Bakit naman malulungkot ang babaerong ito? Hay, imahinasyon na naman niya.
Shay frowned. I’ve been imagining a lot these past few days.
Tinitigan niyang maigi ang mukha nitong may bahid pa ring lungkot.
Was I really just imagining it? Or, he really was sad?
Nagkibit-balikat nalang si Shay. Ano naman ngayon kung imahinasyon ‘yon o hindi? Paki niya.
Wala silang imikan hanggang makarating sila sa bahay nila Shay.
“Thanks.” Shay said then get from his car without waiting for his reply.
NAABUTAN ni Shay na nagpapahid ng luha ang ina. Nasa sala ito at mukhang hinihintay siya.
“Mommy?”
Ngumiti ito ng makita siya pero hindi umabot sa mata. “Thanks god you’re here.”
“Mom, why are you crying?”
Bigla siya nitong niyakap at humagulhol. “Ang daddy mo. Makukulong ang dad mo!”
“Makukulong? Mommy, huwag ka namang magbiro ng ganyan.” Hinintay niya ang ina na tumawa at sabihing nagbibiro lang ito pero patuloy lang ito sa pag-iyak.
No! Hindi ito puwede!
“Asan si Dad. Alam na ba ito ni Dad?”
“Yes.” Wika ng ama niya na pababa ng hagdan. “Baon tayo sa utang, Shay.”
“How? Why? Paanong nangyari na nabaon tayo sa utang?”
“Economic crisis. Nalugi ang kompanya natin. Gusto naming ibangon muli ang kompanya kaya naman humiram kami ng pera sa bangko. Pero walang nangyari.”
“Sell our properties then. Dad ‘diba may rancho tayo sa cebu—”
“You don’t understand, Shay. Limang milyon ang utang ko sa bangko. Kahit ipagbili pa natin ang lahat ng ari-arian natin, hindi pa rin tayo makakabayad. Interest palang ‘yon.”
“But dad—”
“Wala na tayong magagawa. We just want to tell you our situation. Next month i-eliten na ang bahay natin. I want you to take care of your mother for me.”
She looked at her father. Halata sa mga mata nito ang pagod at kawalan ng pag-asa pero nakatayo pa rin ito at lumalaban. She admires her father’s courage.
“Dad matanda ka na. Hindi mo na kakayanin sa loob ng kulungan.” Tumingin siya sa ina niya na patuloy pa rin ang pag-iyak. “Si mommy, hindi niya kakayanin na mawala ka.”
“I know that, baby.”
IBINAGSAK ni Shay sa pagod na katawan sa kama niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa pamilya niya. Ilang araw na siyang hindi maayos ang tulog. Lagi niyang iniisip ang ama niya. Mahihirapan talaga ito sa kulungan. Gusto niyang tumulong pero kahit naman ipagbili niya ang lahat ng branch ng coffee shop niya, hindi pa rin ‘yon sapat.
Kung nako-contact lang sana niya si Ramm, puwede siyang humiram ng pera rito. Pero hindi naman niya mahagilap ang kaibigan.
Wala siyang mahihingan ng tulong. May mga kaibigan siya pero hindi naman ito ganoon kayayaman para pahiramin siya ng ganoon kalaking halaga.
I have to do something!
Bumangon siya sa pagkakahiga, kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan ang ka isa-isang tao na hindi niya akalain na tatawagan niya. Hindi nga niya alam kung bakit naka-save ang number nito sa phone niya.
After two rings he picked up.
“Yes, babycakes? Miss me?”
There’s that fucking endearment again. Pumikit siya ng mariin. Kaya ko ‘to! “I need your help.”
“Is the world coming to an end? I never thought that the high and mighty Shay Juarez would ask a soul for help.” Nai-imagine niya si Rann na maluwag na nakangiti.
Tumaray siya sa hangin. “Are you going to help me or not?”
Sandaling natahimik ito sa kabilang linya. “For you to call me, mukhang kailangan mo nga ng tulong ko.” Wika nito sa seryosong boses.
“Yes, I need your help.”
“What happen?”
Pumikit siya ng mariin. Naduduwag siya na sabihin rito ang tulong na hinihingi niya. Pero nang maalala niya ang mukha ng ama niya, kinain na niya ang pride niya. “C-can I borrow some money?”
“How much?” Walang pag-aalinlangan sagot nito.
Shay crossed her fingers. Please, say yes. “Seven million.” Five million ang utang ng ama niya sa bangko, ang natitirang two million ay ang interest.
Saglit itong nawalan ng imik. “Be here in my office. Now.” Nawala na ito sa kabilang linya.
She gripped her phone. Hindi siya ang tipo ng tao na sumusunod sa utos, lalo na’t ang nag-uutos sa kanya ay ang ka isa-isang tao na kinaiinisan niya. But for her family, she can do anything. Alam niya kasi na gagawin rin pamilya niya ang lahat para sa kanya.
BUMUNTONG-HININGA siya bago pumasok sa opisina ni Rann. Nasa Linkinhay International siya. Pumasok siya ng hindi kumakatok dahil iyon ang sabi ng sekretarya nito.
Napataas ang kilay niya ng makitang nakatayo ang binata at may hawak na folder. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nagbabasa.
It’s her first time seeing him this serious. Hmm. He looks like a well-respected business man, except for his clothing. Again. Kailan kaya niya ito makikita na hindi naka-leader jacket.
Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito. Agad na gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi nito ng makita siya.
She felt her heart beat quicken. Para siyang kinapos ng hininga. She felt nervous all of the sudden. Hala! Ano ba itong nangyayari sa akin? There’s something about his smile that beckoned her to touch him.
“Sobra mo ba akong na-miss para pumunta ka rito sa opisina ko?” Nakangising tanung nito.
“I’m not in the mood.” Aniya sa pagod na boses.
Inilapag nito ang folder sa mesa at lumapit ito sa kanya. Huminto lang ito ng isang dangkal nalang ang layo ng mga katawan nila. Gusto niyang tumakbo ng ilapat nito ang kamay sa pisngi niya at maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi siya sanay na ganito ang nararamdaman niya para sa binata. Sanay siyang nakikipag-away rito.
He looked deep into her eyes. His eyes had that mysterious glow again. “So, what would you give to me in return if I help you?”
Maang siyang napatingin sa sinabi nito. Biglang nawala ang kabang nararamdaman niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“A favor requires a favor. Nothing is free in this world.”
Tinapik niya ang kamay nito na nakalapat sa pisngi niya. “What do you want?” Parang alam na niya ang gusto nito.
“You know what I want.” He gave her a hot stare.
Pigil niya ang sariling sumigaw. “You are such an arrogant man pig!”
“What?” He asked in an innocent voice.
“Babayaran kita pag nagkapera ako.”
Rann sighed heavily. “I’m going to help you. It’s just fair that I get something in return. Seven million pesos is not a joke, babycakes. And no offence meant but, I’m sure hindi mo na ako mababayaran. O mabayaran mo man ako, siguradong matatagalan pa. So either your father goes to prison or you will give me what I want.”
“How did you know about my father?”
He shrugged. “News travels fast in business world. So, are you going to take it or leave it?”
Mariin siyang napapikit at hinamig ang sarili. Alam niyang wala ng free sa mundong ito. Alam niya sa sarili na hindi niya kayang ibigay ang hinihiling nito. Pero para sa pamilya niya?
It was terrifying even to contemplate, but she really had no other option left. She took a deep breath before she spoke again. “Fine. I’ll do what you want.”
His eyes widen. Looks like he was taken aback by her answer. “You’ll go to that extent? Makikitapag-sex ka sa akin para lang pautangin kita?”
She actually cringed with his choice of words. Pinalakas niya ang loob. Bahala na si papa god sa kanya. But damn! I’m a virgin for crying out loud!
“Yes, kaya kung makipag-sex sayo. It’s just one night stand. Plain simple sex. No string attached—”
Naputol ang sasabihin niya ng hapitin siya ni Rann at siilin ng halik ang kanyang mga labi. Iba ang halik nito sa unang halik na pinagsaluhan nila. Sa mga sandaling iyon, his kiss was hot and demanding. She wanted to push him away but there’s something in his kiss that made her mouth open to welcome his tongue.
His kiss was full of passion that it rendered her strength to shove him away. He cupped her face as he deepened the kiss.
Why the hell are you kissing him Shay? Have you forgotten your deal? Tutulungan ka niya, in return makikipag-sex ka sa kanya.
Sa isiping iyon, mabilis niyang itinulak ang binata palayo sa kanya.
“Why did you kiss me?!” Pinahid niya ang basang labi gamit ang likod ng kamay niya.
He looked at her parted lips. “Gusto ko lang alamin kung marunong kang humalik. If you’re going to pay me with sex, then you need to be expert in kissing department.”
Pinikit niya ang mga mata para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. If her memory serves her right, this was her third time crying. She’s a strong woman. Kaya pag pumatak na ang mga luha niya ibig sabihin niyon ay talagang nasasaktan siya.
And this makes no sense whatsoever. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasaktan siya sa sinabing iyon ng binata.
She pulled back her tears. She must be strong. Wala pa ang halik na iyon sa ibibigay niya rito. She gathered all her courage before she spoke again. “Kailan mo ako pahihiramin ng pera?”
Ngumisi ito. “Kailan mo ba gusto?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top