Chapter 4
CHAPTER 4
NAGISING si Clover dahil sa ingay na nanggagaling sa kapit-bahay niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na hindi sumigaw. Mula nang maging kapit-bahay niya si Alexus, palagi siyang nagigising nang hindi sa oras dahil sa malakas na tunog ng stereo nito.
For Pete’s sake! It’s morning! At ang mas nakakairita pa ay hindi nagrereklamo ang mga kalapit nilang bahay. Mukhang siya lang ang tanging tao sa subdivision nila na nagrereklamo sa ingay na kagagawan ni Alexus na para sa iba ay nagsisilbing alarm clock daw.
Shit!
Bumangon siya at inayos ang sarili. Mainit ang ulo na binuksan niya ang bintana ng kuwarto at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita si Alexus na walang suot na pang-itaas at naglilinis nang bakuran.
Her eyes stared at his yummy abdomen. Shit naman oh! Eight pack! Ang daming pandesal! Ipinilig niya ang ulo at pinagalitan ang sarili. It’s not appropriate for a woman to look at something like Alexus oh-so-hot abdomen! Hindi ‘yon tama! Karumaldumal ‘yon.
Mabilis niyang isinara ang bintana. Pakiramdam niya napakalaking pagkakasala nang mga mata niya dahil sa nakita. Bumaba siya papuntang kusina at nagtimpla ng kape. Lumabas siya sa likod bahay dala-dala ang kape na tinimpla. Napatigil siya sa paglalakad nang makita sa malapitan si Alexus na walang saplot sa pangitaas. Gusto niyang ipikit ang mga mata pero hindi niya magawa. Bakit ba nawala sa isip niya na nasa labas pala nang bahay nito si Alexus at half-naked pa!
As much as she hates to admit, Alexus really have a great body. Ang katawan na katakam-takam. Nag-init ang pisngi niya sa naisip. Oh my god! Saan nanggaling ang salitang ‘yon?
Biglang namatay ang musika na kanina lang ay malakas ang tunog. Nakita niyang pinatay pala iyon ni Alexus at lumapit sa kanya ang binata.
“Flower! Good morning!” Malapad ang ngiting bati sa kanya ni Alexus.
Agad na nagharakiri ang puso niya ng makita ang ngiti nito. Jusmeyo! Kailan siya masasanay sa ngiti nito? Idagdag pa ang dimples nito ang ang sarap panggigilan.
“Good morning.” Aniya sa pormal na boses.
“Great weather.” Anang boses ni Alexus.
“Oo. Maganda nga ang panahon. Ikaw lang naman ang pangit e.” Aniya sa mataray na boses. Kung gusto niyang hindi ma-develop ang atraksiyon na nararamdaman niya kay Alexus kailangan dumestansiya siya rito. At mangyayari lang iyon kapag tatarayan niya ito palagi.
“Ouch!” Umakto itong nasasaktan pero halatang hindi naman. “Back to insulting me again? Akala ko pa naman magiging friends na tayo.”
Inirapan niya ito. “Kahit acquaintances, hindi ka papasa. At sino ba ang maysabi sayo na friends na tayo?” Tinaasan niya ito nang kilay at iniwang kunot ang nuong nakatingin sa kanya.
“Clover!”
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ang binata na tinawag ang pangalan niya. “What?”
“Puwede bang akin nalang iyang kape mo?” Anito na nakatingin sa kape na hawak niya.
“Hindi puwede. I made this for myself. At saka, sino ka ba para ibigay ko ito sayo?”
“Ako lang naman ang guwapo mong kapit-bahay.”
“Hmp! Maiwan na nga kita. Baka mag-hurricane dahil sa kahanginan mo, madala pa ako.”
She heard Alexus chuckled. “Eh sa talaga namang guwapo ako. You can ask my ex-girlfriends.”
“Wala akong balak tanungin ang mga ex-girlfriends mo. At saka bakit naman ako magsasayang nang oras para lang itanung sa mga ex mo kung gwapo ka?” Inirapan niya ang binata at pumasok sa bahay niya.
Nasa sala na siya nang marinig na bumukas ang pintuan sa kusina. Mabilis siyang bumalik doon at hindi na siya nagulat nang makita si Alexus naghuhugas ng kamay sa lababo.
“At sinong may sabing welcome kang pumasok sa bahay ko?” Lumapit siya sa lababo at isinara ang gripo. “Doon ka sa bahay mo maghugas ng kamay. Sayang ang tubig ko.”
“Ayoko. Tinatamad ako. At saka hindi naman masasayang ang tubig mo, lalo na at ang guwapong katulad ko ang gumagamit.”
“Lumayas ka nga sa pamamahay ko. Pati kahanginan mo dinadala mo rito.”
Alexus lazily lean on the sink. “Flower, hanggang kailan mo ba ako tatarayan?”
“Hanggang hindi mo ako tinatantanan.”
He chuckled. “Hmm. Pasalamat ka talaga at maganda ka.”
Mabilis siyang tumalikod para itago ang pamumula ng pisngi niya. Boysit! Heto na naman itong blush na ito. Ano ba ang probleman ng mga dugo niya at palaging gustong tumambay sa pisngi niya?
Napaigtad siya nang hawakan ni Alexus ang kamay niya na may hawak na kape. “Akin na ‘to, please? Hindi pa ako nag-breakfast e.”
Tripli ang bilis nang tibok ng puso niya dahil sa simpling paghawak lang nito sa kanya. Lihim siyang napalunok. “Oh. Sayo na.” Aniya para lang bitawan na nito ang kamay niya.
Pero hindi naman nito binitiwan ang kamay niya. Ininom nito ang kape habang siya ang may hawak sa tasa. Alexus closed his eyes as he drink the coffee. Bakas sa mukha nito na nasarapan ito sa kape na timpla niya. Nang buksan nito ang mga mata, nagtama ang paningin nila.
Clover stilled when she realized that their body is almost touching. Tanging ang tasang hawak niya na nakaumang sa bibig nito ang naghihiwalay sa mukha nila. Gusto niyang umatras, tumakbo palayo sa binata pero hindi siya makagalaw.
“Clover…”
“Alexus…”
His eyes widen a bit and a small smile appeared on his lips. “This is the first time you say my name. Sinong magaakala na maganda pala ‘yon pakinggan kahit may sungay ang bibig mo.”
Natauhan siya bigla nang marinig ang salitang sungay. Inirapan niya ito at dumistansiya sa binata. Kumunot ang nuo ni Alexus sa ginawa niya kapagkuwan ay inisang hakbang nito ang pagitan na inilagay niya.
“How’s your day, Flower?” Tanung nito sa kanya na para bang normal lang mag-usap habang magkadikit ang katawan.
She swallowed. “I’m fine.”
“Ako, hindi mo ba ako tatanungun kung okay lang? I’d been your neighbor for two days now pero hindi mo pa kinukumusta kung okay ba lang ako sa bago kung bahay.”
Hindi sinasadyang bumaba ang tingin niya. Bahagyang umawang ang labi niya ng makita ang mga pandesal nito.
“P-Puwede bang magdamit ka.” Aniya sa matigas na boses.
He chuckled. “Magdamit?” Ginulo nito ang buhok niya at inilapit ang bibig sa tenga niya. “Hindi ako magdadamit. Feel free to drool over me, Flower. Minsan lang ako magborles sa labas ng kuwarto.”
Napakurap-kurap siya at malakas na itinulak palayo sa kanya si Alexus. Medyo nag-iinit ang pisngi niya. Akmang susuntukin niya ang braso nito pero agad nitong nasalag ang kamao niya.
“Ang bastos mo!”
Hr grinned. “Again. One of my best assets.”
“Hindi iyon asset. My god! Nagkakasala ang mata at tenga ko nang dahil sayo!”
“Huh? Paano naman nagkasala ang mata at tenga mo? Inaano ba kita? I’m just merely standing in front of you, trying to get you to be nice to me and I’m failing. No shock there.”
“Dahil diyan sa…sa—” Naiilang na itinuro niya ang abs nito. “D-Diyan sa a-abs— este, tiyan mo. Magsuot ka nga ng damit. Saka ‘yang mga pinagsasasabi mo—”
“Flower, walang akong ginagawang masama sayo. Itong abs ko ay nanahimik at problema mo na kung nagising sa pananahimik ‘yang maganda mong mga mata. At ‘yang tenga mo naman… well, wala naman akong sinabing bastos. Dapat ka lang umakto nang ganyan kung umuungol ako sa harapan mo—”
Tinakpan niya ang tenga at kumanta ng wala sa tono para lang hindi niya marinig ang iba pang sasabihin nito. Napahiyaw siya nang bigla siya nitong hawakan sa bewang at buhatin pa-upo sa kitchen counter.
“There. Maupo ka riyan at itikom mo yang bibig mo dahil may sasabihin ako sayong importante.”
Bigla siyang na-curious sa kung ano ang sasabihin nito kaya naman tinanggal niya ang kamay sa pagkakatakip sa tenga niya. “Ano ‘yon?”
Seryosong tinitigan siya ni Alexus. “Flower… puwede mo ba akong samahan sa birthday party ng mommy ko?”
Tumawa siya ng malakas sa narinig. “Nababaliw ka ba? Ayaw nga kitang makita, sumama pa kaya sayo sa isang party? Ayoko nga.”
“Pero sinabi ko na kay mommy na may kasama akong magandang babae na ang pangalan ay Clover.”
“So? Ano naman ngayon? It’s your problem not mine.” Aniya at bumaba sa pagkakaupo sa kitchen counter. “Umalis ka na.”
“Hindi ako aalis dito sa bahay mo hangga’t hindi ka pumapayag.”
She smirked at him. “Uugatan ka nalang diyan hinding-hindi mo ako mapapapayag. At bakit ba ako itong kinukulit mo? I’m sure maraming babaeng willing na sumama sayo. Why me?”
“Because it’s you that I want.” He looked deep into her eyes. “Sa tingin mo ba pipilitin kitang samahan ako kung may gusto akong isamang iba?”
She rolled her eyes. “Puwede ba, huwag mo akong madaan-daan diyan sa mga pambobola mo. It’s not going to work on me, Alexus. So save your breath.”
“Hindi kita binobola. Ikaw talaga ang gusto kong isama sa birthday party ni Mommy. Please, Flower, sumama ka na sa akin. Kakayanin ba ng konsensiya mo na mag-isa roon ang kaguwapuhan ko?”
Akmang bubuksan niya ang bibig para tarayan ang binata nang mag-ingay ang doorbell ng bahay niya. Kumunot ang nuo niya. Sino naman kaya ‘yon?
“Stay here or else I’m going to castrate you.” Aniya sa matigas na boses at tinungo ang pintuan.
Napanganga siya nang makita kung sino ang nag-doorbell. “Mom? Dad? Kuya? What the hell are you doing here?”
“Shh, Cinnamon! Cursing is bad.” Ani ng ina niya na dire-diretsong pumasok sa loob.
Pinigilan niya ang sarili na irapan ang ina. Her mother knew how she hates to be called Cinnamon. Pero iyon pa rin ang tawag nito sa kaya. Kahit dalawangpu’t anim na siya nitong tinatawag na Cinnamon, hindi pa rin siya nasasanay.
“Anong ginagawa niyo rito?” Tanung niya sa kapatid na nagpahuling pumasok.
“Ask, mom.” Maikling sagot nito na pinipigilang ngiti sa mga labi.
Parang alam na niya kung bakit narito ang buo niyang pamilya. Binalingan niya ang ina na parang reyna na naka-upo sa mahabang sofa. Katabi nito ang ama niya na nakayakap dito.
Pinag-krus niya ang braso sa harap ng dibdib. “Mom, what are you doing here?”
“Oh nothing.” Her mother smiled. “Nandito lang ako para itanung kong may tangki naba na nagpasabog sa bataan mo.”
“Oo, Cinammon, anak. Sumabog na ba ang bataan mo?” Segundang tanung ng ama. “Isinuko mo na ba ang iyong bandera? Sabihin mo sa amin at nang maihanda ko na ang aking itak. Panakot sa tangki.”
Sinapo niya ang namumulang mukha dahil sa sinabi ng mga magulang. Wala itong pinagkaiba kay Alexus— Napamulagat siya! Shit! Si Alexus! She looked at the kitchen door nervously. Siguradong gigisahin siya ng Mommy at Daddy niya kapag nakita ang binata. Sana naman manatili ito sa kusina tulad nang utos niya.
“Walang tangki na nagpasabog sa bataan ko.” Nakangiwing sagot niya sa mga magulang. “Puwede ba mommy, hindi ako ganoong klaseng babae.”
Her mother rolled her eyes. “Naku naman, Cinnamon. Mawawala ka na sa kalendaryo, hindi mo pa kami nabibigyan ng apo. Hurry up!”
“Mommy, huwag ako ang hingan niyo ng apo.” Tinuro niya ang kapatid na walang imik na nakaupo sa pang-isahang sofa. “Yan. Si kuya ang i-pressure niyo. Mas matanda siya sa akin.”
Her mother puffed. “Hindi na kami umaasa sa kapatid mo. Matagal na siyang namaalam sa kalendaryo at sigurado kaming walang babaeng magta-tiyaga sa kanya.”
“Hey!” Her brother, Draco Gladiolus, protested. “May magta-tiyaga sa aking babae—”
“Hindi pa nga lang pinapanganak, Gladiolus.” Sansala ng ama sa iba pang sasabihin nang kapatid niya.
Her brother grimaced. “Dad, puwede ba, my name is Draco. I don’t want to be called Gladiolus. Hindi ako isang bulaklak. Tama nang si Clover lang ang bulaklak sa pamilya.”
Ngumisi siya. Kung siya ay naiinis sa second name niya, mas lalo naman ang kuya niya na ang second ay Gladiolus. A cute white-pink flower.
“Huwag ka ng umasa, Gladiolus.” Ani ng mommy nila. “Walang magta-tiyaga sayo. Ikaw na halos segu-segundo e iba ang karay-karay na babae. Sumuko ka na, kami matagal ng sumuko.” Bumaling ang ina sa kanya. “Si Cinnamon nalang ang pag-asa namin. So, kailan ka magbubuntis, anak?”
She face palmed. “Mommy! Stop it. Hindi kaya ng utak ko ang topic mo.”
“Cinnamon, kaya nga namin hinahasa ang utak mo para kapag nag-asawa ka na hindi ka tumakbo kapag nakakita ka ng halimaw sa loob ng brief.”
Mariin niyang pinikit ang mga mata. Hindi na siya magtataka kung kulay kamatis na ang pisngi at leeg niya. Karumaldumal ang pinagsasasabi ng ina niya! “Mommy! Stop it!”
“Cinnamon, don’t shout. Hindi ka pa nga naglalagay ng one hundred pesos sa cursing wallet, dadagdag ka naman ng one hundred para sa shouting wallet.” Ani ng ina na naglabas nang dalawang wallet sa dalang shoulder bag.
She sighed. “Fine. Kukuha lang ako ng pera sa kuwarto.”
Mabilis niyang tinungo ang silid at kumuha ng dalawang daang peso sa wallet niya. Pabalik na siya sa sala ng marinig niyang sumigaw ang ina. Nagmamadaling bumalik siya sa sala. Ano kaya ang nangyari sa mommy niya?
Clover gaped at what she saw in the living room. Her mother is examining the half-naked Alexus.
“Alexus! Hindi ba sinabi ko sayong manatili ka sa kusina?” Nanggigigil sa inis na nilapitan niya ang binata. “Bakit ka ba lumabas?”
Alexus looked at her with a mischievous glint on his eyes. “Ahm… narinig ko kasi ‘yong usapan niyo at hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi lumabas.” He leaned in to her and grinned. “Puwede ba akong mag-apply parang maging tangki na magpapasabog sa bataan mo?”
Humagalpak sa tawa ang kapatid niya at ang mga magulang naman niya ay umu-o kaagad. Mabilis na umigkas ang kamao niya sa mukha ni Alexus pero agad naman itong nakailag. Sinalo nito ang pangalawang suntok na pinakawalan niya.
“Chill, Flower. Okay lang naman sa akin kung hindi mo ako tanggapin. Basta ba ako ang may-ari sa halimaw na makikita mo sa brief.”
“Argh!” Malakas niyang tinuhod si Alexus.
Alexus glared at her. “Shit! That’s the second time you tried to assassinate my little friend!”
“At wala kang karapatang bastusin ako!” Balik niyang sigaw.
“Ano ka ba naman, Cinnamon. Paano mo kami mabibigyan ng apo kung ganyan ang ugali mo.” Mabilis na dumalo ang ina kay Alexus na bakas sa mukha ang sakit na iniinda. “Ayos ka lang ba, iho?”
“Yeah. I’m fine.” Mahina ang boses na sagot ni Alexus. “Humihinga pa naman ang tangki ko.”
“Good.” Ani ng ama. “Gladiolus, ihanda mo ang sasakyan. Uuwi na tayo.”
Clover breathes in relief. Salamat naman at uuwi na ang mga ito. Hindi na niya kakayanin pang makarinig ng karumaldumal na topic.
“Cinnamon, sumama ka sa amin. Sa bahay tayo magla-lunch.” Ani ng ina niya.
Nabitin ang pagsasaya niya. Sheyete naman oh! Akala naman niya makakatakas na siya sa kabaliwan ng mga magulang niya. Walang imik na naglakad siya papuntang pintuan. Akmang pipihitin niya ang doorknob nang magsalita ang ina niya.
“Cinnamon, tulungan mong makalakad itong si Mr. Half-naked papuntang sasakyan. He’s going to have lunch with us.”
“What?!” She shouted.
“Cinnamon! Two hundred in Shouting Wallet! At kapag hindi ka bumalik dito at tinulungan si Mr. Half-naked, one thousand ang ilalagay mo sa shouting wallet.”
She huffed in annoyance and walked back to Alexus. And the nerve of the man! He’s eyes were twinkling in amusement. Napipilitang ipinalibot niya ang braso sa katawan nito at inilagay ang braso nito sa balikat niya.
“Namumuro ka na sa aking lalaki ka!” She hissed at his ear.
Alexus chuckled as he leaned in closer to her, acting like he needs her support. “Flower, you never fail to amuse me even when you tried to assassinate my little friend again.”
Kinurot niya ang tagiliran nito para ipaalam na hindi siya natutuwa. “And you never fail to make my blood boil!”
He chuckled again. “Clover?”
“What?!”
“Let’s walk. Ready na akong umika-ika.”
“I know you’re just acting like your hurt!”
“You know me too well, Flower. Pero kung ganito palagi ang ending kapag tutuhurin mo ako, I’ll even open my legs for you.”
Kinurot niya ito ulit. “You’re such a flirt! Manahimik ka na nga lang diyan.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top