Chapter 25
"I respect you as Antoinette's dad and I really want to tell you about this. Hindi pa naman ako totally nakakapag-decide kung tatanggapin ko kasi I'm thinking about you," Ara said truthfully.
Kanoa nodded multiple times and smiled. "Tanggapin mo. Magandang opportunity 'yon para sa career mo. Kung tutuusin dapat noon pa, na-delay nga lang. Sige lang, Ara. Wala namang problema sa 'kin."
"B-But Antoinette?" Ara nervously asked. "Three years ang contract ko. Though we can visit naman here sa Philippines from time to time . . . I'm still thinking about you two."
"Magagawan naman ng paraan 'yon, Ara," mahinang natawa si Kanoa. "Mag-a-apply ako ng visa para kahit paano, makabisita ako. Walang problema sa 'kin. It's a good opportunity, grab mo. Support lang ako sa 'yo."
Nanatiling nakatitig si Kanoa kay Ara nang nag-iwas ito ng tingin at nilingon ang glass wall sa gilid nila. Nakapatong ang dalawang siko nito sa lamesa at mukhang malalim ang iniisip. Kung tutuusin, hindi ayos sa kaniyang malayo kay Antoinette, iyon ang totoo . . . pero hindi niya puwedeng pigilan ang growth and opportunity na naghihintay para kay Ara.
Noon pa sana kung hindi lang nito pinagdaanan ang lahat.
"Ara?" Kinuha niya ang atensyon nito na kaagad namang tumingin.
"I'm just thinking na magkakahiwalay ulit kayo ni Antoinette and now that you're in therapy and healing, ayokong ilayo si Antoinette sa 'yo. Ayokong mas mahirapan ka," yumuko si Ara. "I don't want to give you more reason to be sad."
Mahinang natawa si Kanoa sa sinabi ni Ara. Para itong batang nalulungkot dahil hindi nakuha ang gusto. Mababa ng boses, nakayuko, at parang hindi matanggap ang sinabi niya.
"Why are you laughing?" Ara asked innocently making Kanoa laugh. "Kanoa!"
Umiling si Kanoa. "Natatawa kasi ako sa 'yo. Sa totoo lang, hindi ko naisip na maiisip mo ako sa desisyon mo."
"Why? Of course, I was thinking about you! The moment I read that e-mail, you crossed my mind. I asked myself paano kayo ni Antoinette? I can't leave Antoinette here!" Ara whined.
"Tama naman. Hindi rin naman ako papayag na aalis ka 'tapos iiwanan mo si Antoinette. Mas kailangan ka niya. Gusto mong marinig kung ano 'yung totoong nararamdaman ko ngayon?" diretsong tanong ni Kanoa. "Ayokong sabihin sa 'yo, pero ayoko ring magsinungaling. Alam ko rin na iniisip mong nagsisinungaling ako."
Ara nodded and pouted. "Yeah. I know that you're lying."
Kanoa breathed. "Nalulungkot ako,"
"I know," Ara sniffed. "I don't want to take Antoinette away from you."
"Si Antoinette lang? Siyempre pati ikaw," natawa si Kanoa. "Kung puwede ko lang kayong ibulsa para palagi ko na lang kayong kasama, gagawin ko, eh."
Nagulat si Kanoa nang malakas na tumawa si Ara. Natigil siya sa pagsasalita at napatitig sa babaeng nasa harapan niya. Nag-flashback sa kaniya ang mga panahong magkasama sila na ganitong-ganito si Ara. Masayahin, palaging nakangiti, at madalas natatawa sa mga joke niyang alam niyang corny.
"Seryoso ako, Ara." Sumandal si Kanoa at sumeryoso ang mukha kahit na gusto na rin niyang matawa. "Pero hindi kita pipigilan. Susuportahan kita ngayon na dapat noon ko pa ginawa. Kung gusto mong tanggapin, tanggapin mo. Para naman sa 'yo 'yan, 'wag ako ang isipin mo. Isipin mo 'yung ikaw."
Ara was just staring at Kanoa thinking nothing changed. He still looked gwapo, but sabi nga ni Belle, looking gago rin. It was rare for Kanoa to speak in English, she noticed even before, but during classes, he was good at it. Unlike her.
"At saka hindi lang si Antoinette ang dahilan kung bakit ako nalulungkot. Siyempre ikaw rin," pag-aamin ni Kanoa. "Hindi ko alam kung makabubuti rin na malalayo kayo sa 'kin kasi makakapag-focus ako sa sarili ko? Hindi sa pagiging makasarili, pero kailangan kong asikasuhin ang sarili ko ngayon para kung mabigyan ako ng pagkakataon, maasikaso ko naman kayong dalawa nang maayos."
Nagulat si Ara sa mga salitang sinabi ni Kanoa, pero hindi siya nagpahalata. Nanatili siyang tahimik at pinakikinggan ang mga sinasabi nito.
"Kung ano man ang magiging desisyon mo, okay lang sa 'kin," ngumiti si Kanoa. "Pupuntahan ko na lang kayo roon 'pag may visa na 'ko. Madali lang naman 'yon. Walang problema. Flexible naman ang trabaho ko, kayo naman ang priority ko. Hindi lang talaga puwede ngayon kasi nagsisimula ulit ako."
"I get it and I will say na continue what you're doing, too. Like what you said, support lang din ako sa healing and the road to new Kanoa journey mo. That's for you and for Antoinette," Ara said. "After my therapy, I felt like I became a good mother. After ignoring what I felt and letting my emotions overpower my mental health, I felt free after admitting to myself that I wasn't okay."
Ngumiti si Kanoa. "That admitting to myself part was the hardest. Ang hirap palang aminin sa sarili natin na hindi na tayo okay at kailangan na natin ng tulong? Hindi ko matanggap noong una na ganoon na kalala 'yung sitwasyon ko, Ara. Hindi ako naniwala kay Miss Donna noong una."
"Same," Ara sadly agreed. "At first, I thought it was just all inside my head but Kuya Sam convinced me. Wait . . ." she frowned. "Kuya Sam asked you ba to come to Ate Donna?"
"Si Belle," natawa si Kanoa. "Long story."
"Oh." Ara was shocked. "Really? Belle?"
Sumandal si Kanoa habang nakatingin kay Ara. Natawa siya sa reaksyon nitong parang hindi makapaniwala. Malamang na kung alam lang nito ang ginawa sa kaniya, kung paano siya hinampas ng unan, at kung ano ang mga sinabi sa kaniya, mas magulat pa ito . . . pero wala naman siyang balak sabihin.
"Oh my gosh, she's the last person I'd think na gagawin 'to," Ara laughed. "Anyway, I'm glad that you're at it. I am legit happy that you're helping yourself, Kanoa. Really."
"Thank you," sagot niya. "Bakit ka pala nagpunta rito?"
Nakagat ni Ara ang ibabang labi. "I had to ask Ate Donna kasi about some papers just in case I decided to push through with the plan. Kasi there's a medical and psychological tests na gagawin for us and ayon. I had to ask her if she can sign something for me."
Sa sinabing iyon ni Ara, alam ni Kanoa na gusto nito ang offer na natanggap at malungkot man, wala siyang balak pigilan ito.
Nagsimula silang kumain at muling pinagkuwentuhan ang tungkol sa therapy ni Kanoa, ganoon din ni Ara. May mga bagay silang napagkumpara. May mga pagkakapareho ngunit mas marami ang pagkakaiba. Sa pagkakataong iyon din mas naramdaman ni Kanoa ang gaan sa dibdib niya. Matagal na rin kasi niyang gustong sabihin kay Ara ang sitwasyon niya, inunahan lang siya ng hiya.
Nag-offer si Kanoa na ihahatid si Ara, pero may dala itong sasakyan. Nauna na ring umalis si Ara dahil nag-stay muna siya sa sasakyan habang nakasandal lang at nakatingin sa kung saan.
Bigla niyang naramdaman ang lungkot at pangungulila. Iyon pa lang paghihiwalay nila ni Ara kahit na alam niyang magkikita pa naman sila, mabigat na. Paano pa kaya kapag umalis na ang mag-ina niya?
Tinawagan niya si Jairold kung puwede ba niya itong puntahan sa bahay nito dahil kailangan niya ng kausap. Kaagad naman itong nag-reply kaya roon na siya dumiretso.
"Kain ka muna, Noa!" pag-aya ni Gia na nahihirapan nang maglakad. "Aakyat na rin muna ako. Inaantok kasi ako kapag hapon. Iwanan ko na kayo ni Jai, ha? Pasensya na."
"Sige lang, Gia. Thank you," aniya at naupo sa sofa. Sumunod naman si Jai na seryosong nakatingin, mukhang nagtatakha bakit siya bumisita sa bahay ng mga ito. "Ang laki ng pagbabago, ha!"
Tumango si Jai. "Oo, thank you sa mga projects mo, natapos na namin 'tong bahay. Pangatlong punta mo pa lang dito, eh 'no? Langya ka, ano'ng meron? Sobrang biglaan mo naman."
Hindi na nagpaligoy si Kanoa at ikinuwento kay Jairold ang tungkol sa pagkikita nila ni Ara sa therapist niya at kung ano ang napag-usapan nila. Ang tungkol sa posibleng pagpunta nito sa New York dahilan para malayo ang mag-ina niya sa kaniya. Seryosong nakikinig ang bestfriend niya, ni hindi ito nagsasalita, hindi nagtatanong, at naghihintay lang sigurong matapos siya.
"Gago." Uminom si Jai ng tubig. "Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pumayag ka? Okay lang talaga sa' yong malayo sila?"
"Hindi naman ako puwedeng tumanggi. Ano, nananakawin ko na naman kay Ara 'yung dapat na para sa kaniya?" malungkot na sabi ni Kanoa. "Siyempre nalungkot ako. Gusto ko silang makasama, eh. Kaso hindi naman puwede 'yon. Kung magdedesisyon siyang umalis, ganoon talaga. Ako na lang ang pupunta sa kanila."
Nagsalubong ang kilay ni Jai. "Pero 'di ba tatlong beses ka nang nade-deny sa US Visa? Paano 'yan?"
"Eh 'di susubukan ko ulit. Ayokong maging negative ngayon, Jai. Kailangan kong umisip ng paraan nang hindi maaapektuhan ang desisyon ni Ara," natawa si Kanoa. "Pero iniisip ko pa lang, ang lungkot."
"Gago ka. Kahit ako nalulungkot para sa 'yo, eh."
Yumuko si Kanoa at umiling. "Pero kung mas makakabuti naman 'yon para sa 'ming tatlo, tanggap ko naman. Ilang years na rin kasi 'yung nasayang para kay Ara. May potential naman kasi siya noon pa kaya hindi na rin ako nagulat sa possible offer sa kaniya."
Kahit hindi direktang aminin ni Kanoa kay Jai, napansin niyang itinatago nito ang totoong nararamdaman tungkol sa pag-alis nina Ara. Ni hindi ito tumitingin sa kaniya kapag nakikipag-usap at nananatili lang na nakayuko.
"Kelan ba sila aalis? Isa-suggest ko lang kasi na hangga't nandito pa sila, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mas makasama muna sila? I-enjoy mo!" suggestion ni Jai. "Mukhang desidido ka namang ayos lang talaga sa 'yong aalis sila, pero suggestion ko lang na subukan mong itanong si Ara kung okay lang bang mas makasama mo sila nang mas matagal pa."
Iyon na rin mismo ang naisip ni Kanoa.
Kung siya lang ang tatanungin, hindi niya gustong malayo ang mag-ina niya sa kaniya. Nakakatakot, pero ito ang isa sa katotohanang kailangan niyang tanggapin.
Pagpasok ni Kanoa sa condo niya, madilim at tahimik. Sanay siya sa ganoong buhay, pero bigla niyang naramdaman ang kalungkutang tinatakasan niya nitong mga nakaraan. Hindi siya puwedeng uminom dahil masisira ang nasimulan niya. Gustuhin man niyang manigarilyo, pero tumigil na ulit siya.
Dumiretso siya sa balcony ng condo at tumingin sa kawalan. Maingay ang mga sasakyan sa ibaba at maliwanag na rin dahil buhay na ulit ang siyudad dahil gabi na.
Sinubukan niyang tawagan si Ara, pero hindi ito sumagot. Gusto sana niyang kamustahin si Antoinette. Bago pa man niya maitago ulit ang phone, nag-ring iyon na kaagad niyang sinagot.
"Kanoa, sorry wasn't able to answer your call. Why ka nag-call?"
Ngumiti si Kanoa. "Kamustahin ko lang sana si Antoinette. Tulog na ba?"
"Nope! She's with Belle, eh. Nasa kanilang room. Kunin ko siya?"
"Hindi na, ayos lang. May itatanong na rin pala ako sa 'yo kung hindi ka busy." Tumingala si Kanoa at nakagat pa ang ibabang labi. Mahabang katahimikan dahil hindi niya rin masabi ang gusto niya.
Tahimik din si Ara na naghihintay. Ilang beses pa niyang tiningnan kung nasa call pa ba si Kanoa.
"Kanoa? Still there?"
"Oo. Itanong ko lang sana kung busy ka ba bukas?" Pumikit si Kanoa at huminga nang malalim. "Ayain ko sana kayong lumabas ni Antoinette kung puwede?"
"Oh, wait. Vaccine ni Antoinette tomorrow. You can come if you want to," Ara offered. "Then maybe after that, we can go somewhere na lang. What do you think?"
Tumango-tango si Kanoa. "Sige, mas okay. Hindi pa rin ako nakakasama sa ganiyan ni Antoinette. Thank you."
"Okay. See you tomorrow? Are you gonna pick us up na lang ba tomorrow or mag-convoy na lang us?" Ara asked.
"Susunduin ko na lang kayo. Maaga na lang din akong pupunta riyan sa inyo. Okay lang ba 'yon?" tanong ni Kanoa. "Para kung sakali man, ako na mag-aasikaso kay Antoinette."
Ngumiti si Ara sa sinabi ni Kanoa. Sinabi niya kung oras bago nila pinatay ang tawag. Paglabas niya ng kwarto, naabutan niya si Belle na nakatingin sa kaniya. Naniningkit na naman ang mga mata nito.
"I overheard," Belle rolled her eyes. "Fine. Hindi na kami sasama tomorrow ni Aaron. Ikaw, marami kang utang na bonding sa 'kin. You're too busy lately 'tapos ganiyan. I'm sad na. I'm tampo na."
Ara laughed and hugged Belle tightly. "Kanoa told me na you recommended Ate Donna to him."
"Wait." Humiwalay si Belle sa kaniya. "You mean Kanoa's in therapy na? Totoo? Ito si Ate Donna, she didn't tell me about it!"
"Of course! It's confidential kaya. But we saw each other kanina sa clinic and he was shocked," Ara chuckled. "Also . . . I told him about New York."
Belle's reaction was so transparent that Ara couldn't help but laugh. Nakanganga na naman ito at malalaki ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Then? Ano'ng sabi niya? Did he allow you especially that you'll bring Antoinette with you?" Belle was eager to know the answer. "Ara! Bilisin mo naman magsagot! You're keeping me hanging and I'm so curious!"
Malakas na natawa si Ara at nilagpasan ang kakambal niya. Gusto pa niya itong asarin dahil hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa kaniya.
"Barbara Celeste!"
"He's okay with it and he supports whatever my decision will be," Ara smiled warmly. "Sabi niya I should accept it as it's a good opportunity. He's aware naman kasi before about all my plans, about New York, everything."
Nagbago ang emosyon ni Belle at napansin iyon ni Ara. Kinagat nito ang ibabang labi bago sumandal sa dining table habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit a part of me is sad that this will happen? Ano bang desisyon mo? Are you gonna . . . accept it?"
Ara nodded lowly. "I already sent an e-mail earlier about accepting the offer and that my requirements are ready just in case they really wanna hire me. They replied just thirty minutes ago na . . . they really want me and in six weeks, w-we might go there na."
Natahimik si Belle at nanatili lang na nakatingin kay Ara.
"I'll do this, Belle. For me? I think this is the time na I'll think about what I want," Ara bit her lower lip. "I'm a little guilty that I'll leave everything behind. I'm just starting my career here. Kanoa and Antoinette, Kuya Sam . . ."
"Ara." Mababa ang boses ni Belle at ngumiti. "Go. Kung gusto mo, accept it. Everyone will understand. Kanoa will understand, that's for sure. This time, let yourself do anything you wanted to do in the first place. Don't feel guilty. Kaya mo naman, eh. We're all here."
Ara nodded and smiled. She wanted to, but thinking about everyone around her . . . especially Kanoa and Antoinette.
—
It was eight in the morning and Ara woke up late. Nagulat siya dahil madalas naman na alas sais pa lang gising na siya dahil kay Antoinette, pero wala na ito sa kwarto. Pupungas-pungas pa siyang lumabas ng kwarto para hanapin ang anak niya nang makita si Kanoa na nakasalampak sa carpet.
"You're early," Ara scratched her eyes. "Sorry. I slept late na rin kasi."
"Walang problema. Si Belle ang naglabas sa kaniya. Nagpaalam na rin muna sila. Pupunta lang daw muna sa gym," sabi ni Kanoa. "Nagdala ako ng breakfast. Kain ka muna bago tayo umalis?"
Tumango si Ara. Eleven pa naman ang schedule ni Antoinette sa pedia at malapit lang ang clinic nito sa condo nila. Nilingon niya ang dining table na mayroong paperbag galing sa café na dati nilang kinakainan
The pancakes were the best. Napapikit siya nang matikman ang whipped cream na paborito niya. White chocolate mocha naman ang hot drink at mayroon pang strawberry covered with chocolates sa side. Complete meal.
Habang kumakain, nabanggit niya kay Kanoa ang tungkol sa pagtanggap niya sa job offer. Wala namang ibang sinabi at nag-focus lang kay Antoinette.
Silang tatlo lang ang nasa condo dahil maaga rin daw umalis ang Kuya Sam niya. Si Kanoa na rin ang nag-asikaso kay Antoinette kaya naging mahaba ang oras ni Ara para sa sarili. Nagsuot lang siya ng simpleng skinny jeans at pinarisa iyon ng kumportableng T-shirt na kulay puti.
Pagsakay ni Ara sa backseat, napatitig siya sa LED screen nang makita ang title ng kantang tumutugtog. It was Ours by Taylor Swift.
Nilingon niya si Kanoa na inaayos ang strap ng carseat ni Antoinette. Seryoso ito sa pag-adjust kung tama ba ang sikip para hindi mahirapan ang anak nila. Inayos rin nito ang headrest ng car seat kung sakali mang gustong humiga ng anak nila.
"Nice song," Ara chuckled.
Kanoa looked at her and smiled. No words, he shut the door beside Antoinette and went straight to the driver's seat, and started driving.
The stakes are high, the water's rough
But this love is ours
Ara looked down and smiled. She focused on the window beside her while tapping her fingers as she listened to the familiar song. She was biting her lower lip and maybe her lip stain was already gone.
Sakto ang dating nila sa pedia clinic ni Antoinette dahil ito na ang susunod. Sa unang pagkakataon, ipinakilala ni Ara si Kanoa sa doktora ng anak niya. Ito rin ang kasama niya sa journey noon kay Antheia.
"Ikaw ba ang magkakandong ngayon kay Antoinette?" ngumiti ang doktorang may-edad na. "She hates me."
Natawa si Ara habang nasa sofa at nakatingin sa mag-ama niya. Totoo namang ayaw ni Antoinette sa doktora nito dahil papasok pa lang sila, umiiyak na ito at minsang nagwawala dahil nga sa mga vaccines noon na natandaan ng anak niya.
Tumayo si Kanoa nang magpumilit si Antoinette na bumaba dahil ayaw nitong magpa-vaccine, pero kailangan.
"Kailangan po ba talaga 'yan?" tanong ni Kanoa na ikinatawa ni Ara. Tumingin ito sa kaniya. "Masakit naman kasi talaga, Ara."
"She needs it, Kanoa," ngumiti si Ara. "She's gonna be fine. Sandali lang siya mag-cry then we'll get ice cream na, right, Antoinette?"
. . . pero sumibi na si Antoinette at inihiga ang ulo sa balikat ni Kanoa na hinaplos ang likuran ng anak nila. Humikbi pa ito na ikinatawa nila ng doktor dahil ganoon din ito sa Kuya Sam niya kapag ito ang kasama sa vaccine.
Nag-explain naman ang doktora kay Kanoa kung para saan ang vaccine ni Antoinette. Panay kasi ang tanong nito na hindi niya inasahan. Akala niya kasi mananahimik lang, pero ultimo tungkol sa scratch na nakamot ni Antoinette, tinanong pa.
But then Ara realized that maybe . . . because Antheia.
Malakas na umiyak si Antoinette nang turukan na ito. Kanoa on caressing their daughter's back without asking her to stop crying.
"Bakit ka naka-smile? Umiiyak na nga si Antoinette, naka-smile ka pa." Salubong ang kilay ni Kanoa. "Ito si Ara parang ano."
Naunang lumabas si Kanoa at Antoinette. Nakipag-usap muna si Ara sa doktora na nagtanong kung kumusta siya. Nagbigay rin ito ng gamot kung sakali mang lagnatin ang anak nila.
Mabagal silang naglalakad papunta sa parking nang tumigil si Kanoa. Nakahiga pa rin ang ulo ni Antoinette sa balikat nito at humihikbi pa nga.
"Why?" Ara asked Kanoa. "Is there a problem?"
"Alam kong too much 'tong magiging request ko," yumuko si Kanoa bago hinalikan ang gilid ng noo ng anak nila. "Pero puwede ko ba muna kayong makasama hangga't hindi pa kayo umaalis dito sa Pilipinas?"
"W-What do you mean?"
Tumingala si Kanoa at patagilid na tumingin sa kaniya. "Puwede bang iuwi ko muna kayo sa 'kin bago kayo umalis?"
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top