Chapter 13

One month after fixing their setup, Kanoa and Ara were in good terms for Antoinette. Pareho silang nag-adjust. Kahit na hindi pa ganoon kakumportable si Ara na makita si Kanoa, nag-adjust siya para sa anak nila. Kahit na nakikita ni Kanoa na nahihirapan si Ara na makita siya, isinantabi muna niya ang lahat para kay Antoinette.

Dahil na rin sa may tiwala si Ara kay Kanoa, pumayag itong dalhin na niya sa condo niya ang anak nila. Nakilala na ito ng mama niya na nagulat dahil may anak siya.

Kung tutuusin, napagalitan pa siya dahil daw sa pagiging iresponsable niya noon, wala siyang alam tungkol sa naging situwasyon ni Ara at sa anak nila mismo. Napagsabihan siya, hinampas pa siya ng towel sa likod, at binatukan sa inis. Iyak pa ito nang iyak at nakiusap kung puwedeng makilala ang anak nila.

Natawa si Kanoa nang maalala ang nangyari.

Mabilis na nakuha ng mama niya ang loob ni Antoinette. Tulad ngayon, nakahiga ang dalawa sa sala at mahimbing na natutulog.

Kinailangang bumili ni Kanoa ng matress para sa sahig. Bumili rin siya ng mga laruan na nakalagay sa living area ng condo niya para sa anak niya.

Wala sa schedule ang pag-stay ni Antoinette sa kaniya, pero nakiusap si Ara kung puwede bang kunin muna niya ang anak nila dahil mayroon itong kikitaing kliyente. Hindi rin naman tumatanggap si Kanoa ng mga project kaya libre siya kahit anong oras sabihin ni Ara.

Sumandal si Kanoa sa dining table habang nakatinign sa anak nilang mahimbing na natutulog. Nakataas pa ang dalawang kamay nito at bahagyang nakanganga. Medyo madilim din sa living area kahit na alas dos pa lang ng hapon dahil tinakpan niya ng makapal na comforter ang glass wall para makatulog nang maayos si Antoinette.

Kanoa then decided to look for someone who could personalize darker blinds for his unit. Bukod sa living room, pati na rin sa kwarto niya.

Sa mahigit isang buwang nakilala niya si Antoinette, alam ni Kanoa na malaki ang nagbago sa kaniya lalo sa priorities niya. He used to work just to kill time. Wala pa rin naman kasi siyang plano sa buhay noon at walang direksyon ang mga ginagawa niya.

He was working for fun and for money, of course, not until Antoinette.

Sa unang pagkakataon, naghanap si Kanoa ng mga kailangan para sa anak niya. Insurance, health care, educational plan, at kung ano-ano pa para sa future. Kung puwede lang niyang ibigay lahat kay Antoinette, ginawa na niya.

May pera naman siya, kaya niya.

Habang mahimbing na natutulog si Antoinette, pumasok si Kanoa sa kwarto niya, pero nanatiling nakabukas ang pinto. Bubuuin kasi niya ang doll house na nabili niya noong isang araw para pagkagising nito, may lalaruin na sila.

Kinuha ni Kanoa ang camera niya at nagsimulang i-record ang ginagawa niya. Inisip niya kung gagawin ba niya iyong content, pero bahala na. Kahit kailan, hindi niya naisip na bubuo siya ng doll house dahil unang-una, wala naman sa plano niyang mag-anak.

. . . hanggang sa binago na nga talaga ni Ara lahat.

Nakatutok siya sa ginagawa nang mapatingin sa pinto. Mabagal na naglalakad papalapit sa kaniya si Antoinette. Kinukusot pa nito ang kaliwang mata at mukhang kagigising lang.

Kaagad siyang tumayo para salubungin ang anak niya. Binuhat niya ito at inihiga naman ulo sa balikat niya. Hindi naman umiiyak, basta na lang din yumakap ang maliit na braso nito sa leeg niya.

"Hello." Hinagod ni Kanoa ang likuran ng anak niya. "Gusto mo na bang mag-milk?"

"Mama. . ." mahinang sambit ni Antoinette. "Want mama."

Ngumiti si Kanoa at hinalikan ang gilid ng noo ng anak. "Later, baby. Mama's gonna pick you up later."

Marami na ring salitang alam ang anak nila kaya kahit paano ay nasasabi na nito ang mga gusto sa kanila. Madalas itong kumakanta dahil sa mga napapanood na cartoons.

Sinubukan niyang isayaw si Antoinette at baka sakaling makatulog pa ulit ito. Panay pa rin kasi ng hikab at nanghingi na rin ng gatas. Hindi siya nagkamali nang basta na lang itong mahiga sa kama niya, yumakap pa sa unan, at muling natulog.

Kanoa smiled and stared at his daughter. Inamoy niya ang maliit na kamay nito, tinapik ang hinta, at kinumutan. Kahit sa pagtulog, si Ara ang nakikita niya.

"I love you," Kanoa whispered, carefully trailing his index finger onto Antoinette's chubby cheek. "I love you so much . . ." he said again and again and again.

"Nakatulog na pala siya," sabi ng mama niya pumasok sa kwarto at sinilip si Antoinette. "Ang gandang bata talaga! Hindi ba siya puwed—"

Nag-shush si Kanoa at sumenyas sa mama niya na sa labas na sila mag-usap dahil bahagyang gumalaw ang anak niya. Kinusot pa nito ang ilong at muling bumalik sa pagkakatulog. Tinapik niya ito, inipit pa ng isang unan sa likuran, bago maingat na bumangon.

"Nakatulog ulit?" Inabot ng mama niya ang kapehan. "Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako kanina. Susunduin ba siya ni Ara?"

Tumango si Kanoa. "Oo, Ma. Hinihintay ko lang din ang message ni Ara kasi dadaan na lang daw siya rito," aniya. "Hindi puwedeng matulog si Antoinette rito. Hinahanap na nga si Ara kanina, eh."

Ngumiti ang mama niya at nagtanong kung gusto ba niyang mag-merienda. Nag-order lang naman ito sa restaurant sa ibaba ng condo niya at habang naghihintay, nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kwarto niya.

"Kelan ko ba makikilala si Ara?" tanong nito. "Puro naman kasi picture ang nakikita ko! Gusto ko rin naman siyang makilala o makausap."

"Hindi ko pa alam, Ma. Siguro malalaman ko naman kung kumportable na ulit si Ara. Medyo sinasayawan ko rin kasi kung paano ba ako kikilos nitong mga nakaraan. Napapahiram naman niya sa 'kin si Andra, pero . . . pero ramdam ko pa rin na umiiwas siya."

Mahinang natawa ang mama niya. "Sa tindi ba naman ng mga nangyari sa inyong dalawa, sa ginawa mo, hindi ko siya masisisi. Sa totoo lang, nagugulat pa nga akong pumayag siyang pumasok ka pa rin sa buhay ni Andra. Tindi ng ginawa mo, Kanoa. Hindi naman kita pinalaking ganiyan, eh."

Hindi nakasagot si Kanoa lalo na nang marinig niya ang mahinang pagsinghot ng mama niya. Nakayuko ito, naka-cross arms, at panay ang galaw ng magkabilang balikat.

"Nagkulang ba ako bilang ina sa pagpapaalala sa inyo ng ate mo na maging mabuting tao kayo? Kasi hindi naman, Noa. Hindi ko alam kung bakit nagkaganiyan ka, eh. College ka pa lang, tinatanong ko na 'yung sarili ko . . . bakit ganito ang anak ko?" Tumingin sa kaniya ang mama niya at may ngiti ito sa labi ngunit tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha. "Ngayon, nakasakit ka nang ganiyan. Noa, hindi ko alam kung saan ako nagkulang."

Naririnig ni Kanoa ang lungkot sa boses ng mama niya, pero kaagad itong tumigil sa pagsasalita nang marinig ang pag-iyak ni Antoinette. Tumakbo ito papasok sa kwarto niya at binuhat ang anak niya.

Sumandal siya sa hamba ng pinto para panoorin kung paano patahinin si Antoinette. Lalapit sana siya nang mag-ring ang phone niya kaya nagpaalam muna siya sa mama niya bago lumabas ng balcony.

Medyo makulimlim at mukhang nagbabadya ang pag-ulan. Sinagot niya ang tawag ni Jairold.

"Musta na, Noa?" Bungad ni Jai. "Nagtanong sa 'kin 'yung station kung libre ka raw ba sa mga susunod? Mukhang meron silang project para sa 'yo kaso hindi ka raw nasagot sa e-mail? Ayos ka lang ba?"

"Oo, ayos lang ako," aniya at sumandal sa railing ng balcony. "Madalas kasi si Andra sa 'kin nitong mga naakraan. May kliyente si Ara kaya ako muna nag-aalaga. Pakisabi mong wala akong balak tumanggap ng project sa mga susunod."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Jairold mula sa kabilang linya. Nabanggit na rin nito ang ilan pang e-mail na natatanggap nila para sa mga posibleng proyekto, pero hindi siya makapag-commit.

"Kung may gusto kang tanggapin, sabihan mo 'ko," ani Kanoa. "Ikaw na lang muna ang magtrabaho, kung ayos lang sa 'yo."

"Ayos lang ba sa 'yo?" balik na tanong ni Jairold. "Gets naman kita. Hindi na kita guguluhin. Kung okay lang sa 'yo na ako muna tatanggap ng iba, hindi ako tatanggi."

Natawa si Kanoa. "Sige lang. Kayo na ni Gia ang bahala. Ayoko munang magtrabaho ngayon."

"Enjoy na enjoy sa pagiging tatay, ha? Natanong pala ni Gia kung puwede bang ma-meet si Andra sa susunod, pati si Ara," sabi ni Jairold.

"Susubukan ko. Medyo mailap pa rin kasi si Ara sa 'kin, hindi ko pa siya masiyadong nakakausap. Minimum kay Andra ang communication namin, pero babanggitin ko kayo ni Gia," aniya at nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa iba pang posibleng project.

Hinarap ni Kanoa ang siyudad habang pinakikinggan ang ilang plano ni Jairold dahil naging firm siya sa hindi muna pagtanggap sa kahit na anong trabaho. Walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik dahil iba ang focus niya ngayon.

"Basta sasabihan kita kung ready na 'ko. Sa ngayon, kayo na muna ni Gia. Kayo na sumala kung ano 'yung kaya niyong gawin," sabi ni Kanoa. Sumilip siya sa loob ng condo, sakto namang lumabas ang mama niya at si Antoinette. "Sige na. Medyo umiiyak si Andra. Tawagan ko na lang kayo o i-message n'yo ako kapag kailangan."

Ibinaba niya ang tawag at pumasok sa loob. Kinuha niya si Antoinette mula sa mama niya na kaagad naman inihiga ang ulo sa balikat niya.

"Shhh. Why?" Kanoa hushed. "Miss mo na si mommy mo? Wait natin 'yung call niya, ha? You want to play?"

Tumingin sa kaniya si Antoinette at umiling bago bumiling inihilig ang ulo sa dibdib naman niya.

Dahil doon, nag-message siya kay Ara na medyo nagiging fussy na ang anak nila at hinahanap na ito. Nag-reply naman kaagad si Ara na katatapos lang ng meeting at papunta na ito sa kanila. Nag-share ito ng location para sa entrance na lang ng condo niya dadanan, tulad noon.

Habang hinihintay si Ara, nilibang ni Kanoa si Antoinette. Sabay nilang binuo ang doll house at nahirapan pa siya dahil ginugulo nito angm ga dinidikit niya. Nakaupo silang dalawa sa carpeted floor na kwarto niya at humahagikgik ito sa tuwing nagkukunwari siyang nagugulat kapag inaalis nito ang mga tao sa doll house.








Samantalang naramdaman ni Ara ang pananakit ng likod niya habang nagmamaneho. Inaantok na rin siya dahil sa maghapon, tatlong kliyente ang nakausap niya. First time iyon dahil naisipan na rin niyang mag-expand.

Malaking tulong na libre si Kanoa sa tuwing tinatanong niya kung puwede ba nitong bantayan ang anak nila. Naging busy sa na rin kasi si Belle sa school. Minsan, si Sam naman ang nag-aalaga, pero madalas itong umaalis nitong nakaraan.

Mukhang mayroon itong inaayos sa tungkol kay Reid, ang bestfriend nito.

Gusto na niyang mahiga. Nag-message na rin sa kaniya si Kanoa na nagloloko na si Antoinette kaya naghanap na rin siya ng shortcut papunta sa condo nito para sunduin ang anak nila.

Humikab si Ara at nilibang ang sarili. Nakinig siya sa music dahil base sa mapang gamit niya, malayo pa siya at aabutin pa siya ng halos isang oras. Nagsabi na rin siya kay Kanoa na on the way na siya at sa entrance na lang sila magkita.

Ara felt happy that some people were trusting her work. Isa ito sa career na hindi niya inasahan. She always wanted to travel the world, took pictures of it, and maybe sell those photos online. Gusto rin niyang maging writer sa isang travel magazine o kahit saan na puwedeng ma-feature ang mg picture na makukuha niya.

Thirty minutes later, rain poured making it harder for Ara. Mas naging traffic pa at mas bumagal ang usad ng mga sasakyan. Muli siyang nagsabi kay Kanoa tungkol sa situwasyon niya at sinabi naman nitong nalilibang pa naman ang anak nila.

Kanoa even offered to just bring Antoinette to their condo, but she refused. On the way naman na siya, medyo malapit na, mabagal lang talaga ang usad ng mga sasakyan.

Nag-message na rin ang kuya niya at tinatanong kung kumusta siya lalo na at malakas ang ulan.

Naging maayos silang magkapatid. Wala nang naging issue sa kanila at hindi na rin ito nagtatanong tungkol kay Kanoa. Vocal pa rin naman sa pagkadisgusto, pero kahit papaano, natanggap na nito kung sino si Kanoa sa buhay nila ni Antoinette.

Naging mahaba ang pag-uusap nila ni Sam, pero naintindihan nila ang isa't-isa. Gets niya kung bakit galit ang kuya niya at naintindihan niya iyon.

Huminga nang malalim si Ara nang makita ang building ng condo ni Kanoa. Kaagad niya itong tinawagan na malapit na siya sa entrance at habang papalapit pa lang, nakita na kaagad niya ang mag-ama.

Antoinette was wide awake playing with a doll. Mukhang bago na naman.

"Yehey, mommy's here!" ani Kanoa kay Antoinette habang papalapit sa sasakyan ni Ara.

Bumaba si Ara para salubungin sila. Nakangiti ito, pero napansin niyang malamlam ang mga mata nito.

"Hello, baby ko!" Binuhat ni Ara si Antoinette. "Thank you and sobrang sorry kasi late na," aniya at napansing nakapanlakad si Kanoa. "Hala, you have lakad? Sorry."

Ngumiti si Kanoa at inilagay ang bag ni Antoinette sa backseat. "Sakay ka na sa likod."

"H-Ha?" Ara looked confused.

"Ako na magda-drive. Ihahatid ko kayo kahit hanggang sa parking lang o kahit sa entrance lang ng condo n'yo. Matulog ka na muna." Lumapit si Kanoa at kinuha ang anak nila. "Isasakay ko na siya sa backseat. Hindi ka puwedeng mag-drive."

"I'm okay," protesta ni Ara. "I'll be ok—"

Umiling si Kanoa. "Hindi ka okay. Pagod ka, inaantok ka," tumingin ito sa daan. "At umuulan."

Ara frowned as she watched Kanoa walk away from her carrying their daughter. Inayos na rin nito si Antoinette sa car seat.

"Tara na? Baka late na tayo makarating sa inyo. Kumain ka na ba?" tanong ni Kanoa.

Mabagal na umiling si Ara. "N-Not yet."

"Ano'ng gusto mo? Daan na lang tayo."

Sumakay na si Kanoa sa driver's seat kaya wala na ring nagawa si Ara at pumasok na sa passenger's side katabi ang anak nila. Muli niyang hinalikan ang pisngi nito at naamoy ang pamilyar na pabango ni Kanoa.

"I want soup lang kasi baka Kuya Sam cooked," Ara sniffed and shut her eyes. "Thank you for this."

Hindi na sumagot si Kanoa. Tumingin siya sa rear-view mirror. Nilalaro ni Ara si Antoinette at kinakausap ang anak nila tungkol sa doll na binili niya. Baby talk pa na ikinangiti niya. Ipinagpasalamat din niyang hindi na tumanggi si Ara sa offer niyang ipagmaneho ito.

Ara hated driving; he knew that. Lalo na at long hours of driving. Isa pa, umuulan. Hirap si Ara na magmaneho kapag umuulan kaya noong panahong magkasama sila, siya palagi kahit na nagpiprisinta naman ito.

Hindi pa sila nakalalayo, nakita niyang nakatulog na si Ara. Nakahilig ang ulo nito sa malambot na parte ng car seat ni Antoinette.

Ipinagpasalamat niyang sanay sa byahe ang anak niya. Nakatulog na rin ito tulad ng ina habang tahimik siyang nagmamaneho . . . maingat pa nga at malayo sa nakasanayan niya.

Simula rin nang makasama ni Kanoa si Antoinette, ang mahiwalay sa anak niya pagkatapos nilang magkasama sa buong maghapon ang pinakamahirap na naramdaman niya. Kung puwede lang na makasama niya ito maghapon at magdamag, ginawa na niya, pero hindi puwede.

Inabot sila ng dalawang oras sa daan nang makarating sila sa condo building kung saan nakatira sila Ara. Tumango ang guard sa kaniya, malamang na akala ay si Ara ang nagmamaneho, pero huminto siya sa guard house para magtanong.

"Nakatulog kasi Ara, eh," ngumiti si Kanoa sa guard. "Puwede ko bang malaman kung saan siya naka-park?"

Sumilip ito sa sasakyan at nakita ang mag-ina niyang mahimbing pang natutulog. Ngumiti siya sa security guard na mahinang natawa at ibinigay sa kaniya ang number ng parking slot ni Ara.

Iba na rin ang sasakyan ni Ara kumpara noong college sila na naka-mini cooper ito. Ngayon, mas malaki na dahil siguro sa car seat at ilang gamit ni Antoinette na nasa sasakyan. Mayroon din kasing maliit na monitor sa lugar ng car seat kung saan puwedeng manood.

Nilingon niya ang mag-ina niya nang mai-park niya ang sasakyan.

Ang tagal niyang nakatingin kay Ara dahil hindi niya ito magawang titigan sa tuwing magkausap sila kaya sa pagkakataong tulog ito, nakakuha siya ng pagkakataon.

Minahal niya noon si Ara. Gusto niyang makausad mula kay Ara dahil alam niya sa sarili niyang nag-iba ang pagkatao niya simula nang mahalin niya ito.

Walang naging ibang babae. Hindi niya kaya. Hindi niya gusto. Hindi puwede . . . hindi na puwede.

Minahal niya si Ara.

Sinubukan niyang umusad, pero mahal pa rin niya.

Mahal pa rin at mamahalin pa rin.

Sumandal si Kanoa at ipinikit ang mga mata. Inaantok na rin siya. Carpool na lang din ang gagamitin niya pauwi. Nanatili siyang tahimik, minsang nagbabasa ng e-mail.

Bumaba ang tingin niya sa kamay niya kung nasaan ang tattoo ng ribbon sa pagitan ng ring at pinky finger niya. Maliit lang iyon. Maliit na maliit at halos siya lang ang nakaaalam. It was just an outline of a ribbon.

Muli niyang nilingon ang mag-ina niya. Thirty minutes na sila, pero mahimbing pa ring natutulog ang dalawa. Hindi niya magawang gisingin nang marinig na nasamid si Ara. Nilingon niya ito at halata ang gulat.

"Oh my gosh. We're here na? Kanina pa?"

Tumango si Kanoa. "Medyo."

"Why didn't you wake me up? I'm sorry," nagmadali si Ara na ayusin ang gamit. "Sorry."

"Okay lang," ngumiti si Kanoa. "Ang himbing din ng tulog ni Antoinette. Ang likot na rin kasi niya. Panay ang laro niya kanina sa condo.

Inayos ni Ara ang pagkakaipit sa buhok niya. "I'm so sleepy and tired and my back hurts," reklamo niya. "Anyway, thank you. You'll use Grab na lang ba?"

"Oo. Madali lang naman makahanap dito sa area n'yo," ani Kanoa at pinatay ang sasakyan. "Kaya mo bang buhatin si Antoinette? Kung kumportable ka, ihahatid ko na kayo sa unit n'yo para hindi mo na buhatin."

Nag-alangan si Ara, pero masakit ang likod at paa niya. Matagal siyang nakatitig kay Kanoa. She knew that it wasn't the time to be maarte so she accepted the offer. Nag-message siya kay Sam at sinabing paakyat na sila at kasama niya si Kanoa.

Sumandal si Ara sa elevator. Mayroong malaking salamin at kita niya ang pagod sa mga mata niya. Silang tatlo lang sa elevator. Buhat ni Kanoa si Antoinette, buhat naman niya ang bag ng anak niya pati na ang paperbag ng Chinese resto na binilhan ni Kanoa ng soup.

"Ara?" Binasag ni Kanoa ang katahimikan. "Thank you palagi sa pagpayag mong makasama ko si Antoinette."

"No worries," Ara smiled. "Thank you for taking care of her today. If ever naman na may work ka, it's fine if hindi mo siya mahiram."

Umiling si Kanoa. "Hindi ako tumanggap ng mga trabaho sa mga susunod kaya kung ikaw ang may trabaho, tawagan mo 'ko para ako na ang bahala sa kaniya."

"Hmm..." Ara responded and smiled.

Muli silang binalot ng katahimikan. Ten floors pa bago ang sa unit nila.

Minsang nakatingin si Ara sa mag-ama niya, nahuhuli niya si Kanoa na nakatingin sa kaniya. Magkakatitigan sila, iiwas, mauulit.

"Did you unlove me?" Ara asked without hesitation. Nakatitig siya kay Kanoa sa salamin. "Two years, did you . . . unlove me?"

"Hindi," diretchong sagot ni Kanoa. "Hindi ko sinubukan. Hirap, eh. Ikaw? Sinubukan mo ba?"

Ara shook her head and sniffed. "I didn't even try to unlove you. It was hard unloving you knowing I have someone that's also a part of you. Antoinette is the living proof that I once let my guard down."

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Kanoa na ikinagulat ni Ara.

"I told you na before that yes, unfortunately, I still do," pag-aamin ni Ara. "You? Do you still love me?" she asked staring at Kanoa.

Nag-iwas tingin si Kanoa bago patagilid na ibinalik ang tingin kay Ara. "Oo . . ." huminto siya at hinalikan ang gilid ng noo ng anak nila. "Malala pa rin."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys