Kabanata 12

MAG-ISA naglakad si Esme. Malungkot man dahil hindi sumunod si Josefina sa kaniya ay inintindi niya ito. Habang naglalakad ang dalaga. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang isang binata. Parang nag back-flip ang kaniyang puso.

"Eliac!" sigaw niya habang lakad takbo ang ginawa niya. Nawalan na ng pakealam si Esme kung may mga mapanghusga nakatingin sa kaniya sa mga oras na iyon. Para sa dalaga, ang mahalaga ay makita niya ang kambal.

Hiningal siya nang lumiko siya sa panibagong eskinita. Mapuno na ito at sobrang maputik. Luminga-linga si Esme nang may tumapat na pares ng paa sa kaniyang harapan. Pag angat ng ulo niya ay lumiwanag ang kaniyang pagmumukha.

"Eliac!" tawag niya rito at agad ito niyakap ng mahigpit. "No'ng nakaraan ka pa namin hinahanap. Thank God, you are safe." Bumitaw si Esme at pinatitigan ang kapatid.

"Saan ka napadpad? Sobra kaming nag aalala sa 'yo ni kuya." Ngumiti pa si Esme.

Titig na titig lang naman ang binalik ng binata sa dalaga. Kumunot ang noo ni Lilac. Tinapat niya ang palad sa noo nito.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka naman mainit. Kumain ka na ba? Tara, puntahan natin si kuya."

Hinawakan ni Lilac ang kamay ng naturang kapatid. Ngunit, nabalik lang si Lilac sa kaniyang kinatatayuan kanina dahil hindi man lang gumalaw ang binata.

"Bakit?" nag aalala na tanong ni Lilac. Umiling ang binata pagkatapos ay pinagdakop ang kanilang kamay. Lumawak naman ang ngiti ng dalaga. "Don't worry. Kakain tayo."

NAGPATULOY sina Esther, Alberto at Sullivan sa pag iimbestiga. Si Emmanuel naman ay may ibang pupuntahan ngunit ang sabi nito ay mag hahagilap din ito sa paligid kung may nalalaman ang iba. Nasabi rin ni Esteban ang tungkol sa pagbabawal magkaroon ng kambal.

Isa iyon sa aalamin ni Emmanuel. Hindi alam ng binata na kambal sina Esme at Esteban. Buong akala nito na magkamukha ang dalawa ay dahil magkapatid sila. Isa sa bayan nila ang mahigpit na pinagbabawal ang kambal.

Nakalimutan ni Emmanuel ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya kasi akalain na may kambal sa magkakaibigan. Kapag lumabas iyon sa kanilang bayan. Panigurado maraming tao ang ku-kwestunin ang naging pasya ng Gobernadorcillo.

Huminto saglit ang binata sa pamilihan. Naglalakad ito nang humarang sa kaniya ang isang ale. Nakangiti ito ng kay laki-laki sa binata. "Ginoo, ikaw ba'y nag hahanap ng mapapanregalo isa iyong kasintahan?"

"Paumanhin. Wala ho akong kasintahan." Nag bigay galang si Emmanuel pagkatapos ay aalis na sana roon nang pigilan ulit siya ng ale. Pinakita sa kaniya ang isang pulseras. Kulay itim ito at may nakaukit na bulaklak.

"Maganda, hindi ba? Sige na, ginoo. Iyong bilhin na." Saglit na dumako ang mata ni Emmanuel sa ale. Ngumiti siya rito. Nilabas ang salapi nasa kaniyang bulsa at inabot sa ale. "Salamat, ginoo!"

Maayos na tinago ni Emmanuel ang pulseras sa kaniyang bulsa bago nagpatuloy sa paglalakad. Napagalaman ng binata na may isang ginang ang nakakaalam tungkol sa pagkakaroon ng tatlong kambal ng Gobernadorcillo. Panigurado siya na pinatahimik ng Don ang mga nakakaalam tungkol sa anak nito.

Ngunit, alam din ng binata na hindi maiiwasan mag salita ang mga tao sa paligid. Gumamit ng pera ang binata para mapagsalita ang nakuhanan niya ng impormasyon tungkol sa ale nag bebenta ng gulay sa palengke.

"Magandang hapon po," bati ni Emmanuel sa isang dalaga. Gulat na lumingon sa binata ang babae ngunit agad din ito nakabawi. "Magandang hapon po, ginoo. Ano ho ang inyo?"

"Narito ba si Aleng Marisol?"

Parang nakakita ng multo ang dalaga sa gulat nang marinig ang sinabi ng binata. Agad umiling ang babae ngunit alam na ni Emmanuel na nag sisinungaling ito. "May nais lang sana akong itanong, binibini."

"W-wala ho rito si Ina. Hindi ko alam k-kung nasaan, ginoo."

Ngumiti si Emmanuel. Mukhang mahihirapan pa siya mapaamin ang dalaga. "Salamat, binibini. Ako'y bibili na lamang." Kinuha ni Emmanuel ang isang karot. Tatlong piraso pagkatapos ay inabot ito sa dalaga kasama ang salaping pang bayad niya.

"Ginoo, sobra ho ang inyong binigay na salapi." Nagtataka na tinitigan ng dalaga ang barya pagkatapos ay saglit na lumingon kay Emmanuel nakangiti.

"Iyo na lamang 'yan." Kinuha ni Emmanuel ang karot ng mabalot ito. Agad siya naglakad ngunit wala pang sampung segundo ay agad narinig ni Emmanuel ang pagtawag sa kaniya. Patagong ngumiti ang binata.

Umiwas ng tingin ang dalaga sa kaniya at ayon na ang ebidensiya nag tagumpay ang binata sa kaniyang binabalak.

MATAPOS nila umasa makahanap ng kasagutan nina Alberto at Sullivan ay nag tungo siya sa kaniyang silid. Wala ulit silang nakalap. Naiinis na siya sa kaniyang sarili dahil kahit anong gawin nila ay hanggang ngayon ay nauuwi pa rin sila sa wala.

Nakatitig niya sa kisame nang makarinig siya ng mahinang tunog. Maingat niya ito pinakinggan. Agad siyang tumayo nang may bumagsak na maliit na bato sa sahig.

Kinuha niya ang gasera at kunot noo na lumapit siya sa nakabukas na bintana. Natanaw niya si Emmanuel doon.

"Anong ginagawa mo riyan? Bakit hindi ka nagtungo sa unahan pinto?" bulong niyang tanong dito.

Bumelo naman si Emmanuel para makaakyat. Muntik na siya tumili nang makapasok ito sa loob. Mariin niya tinakpan ang bibig at agad niya hinila si Emmanuel sa gilid.

"Ano ang iyong pakay?"

"Ako'y galing sa palengke. Aking pinuntahan ang komadrona nag panganak kala Esme at Esteban."

"A-ano?!" gulat niyang saad dito. Hindi siya makapaniwala nagawa iyon ni Emmanuel. Tumango ang binata sa kaniya.

"Ang ngalan ng pangatlong anak ni Señor Rafael ay Ernest. Ito'y nakatira sa pinakadulo ng Solomon. Sa matataas na talahiban sa kakahuyan. Walang ni sinuman ang nagtatangka tumawid dito dahil isa ito sa pinagbabawal na lugar sa Solomon."

Maingat nakinig siya sa mga sinasabi ni Emmanuel sa kaniya.

"Nagtungo rin ako sa lumang aklatan sa loob ng simbahan. Aking nahagilap itong maliit na kuwaderno ukol sa isang pamilya na may kambal na anak."

Agad niya ito kinuha sa kamay ni Emmanuel. Umupo siya sa bangko at tinapat ang gasera sa kuwarderno upang mabasa ang nakasulat dito.

"Isang daan na taon na ang nakalipas?" tanong niya nang makita ang taon nakasulat sa lumang papel.

"Aking natuklasan na ito mismo ang naging dahilan kung bakit mas lalong tumindi ang galit ng mga mamayanan sa pagkakaroon ng kambal na anak."

"Ibig mo bang sabihin ay matagal na talagang pinagbabawal ang pagkakaroon ng kambal na mga anak at mas lalo ito tumindi dahil sa pamilyang nakasaad dito?"

Tumango si Emmanuel. "Ang kuwaderno na iyan ay pag mamay-ari ni Isay. Ang kambal ni Isagani."

"Isagani?" tanong niya rito. Hindi niya alam kung bakit siya bigla kinabahan nang marinig ang pangalan nito.

Bigla siya nakaramdam ng takot.

Malungkot na tumango si Emmanuel. Kinuha nito ang kuwaderno at nilipat ang pahina nito bago binalik sa kaniyang harapan.

Tiningnan niya ito at binasa.

Simula namatay sina Inay at Itay. Ako'y araw-araw nagdadasal at humihingi ng kapatawaran sa Maykapal sa nagawang kasalanan ng aking kambal na si Isagani. Aking alam na siya'y lamang nadala sa kaniyang bugso ng damdamin.

"Namatay ang kanilang magulang?"

"Oo," sagot ni Emmanuel. Nilapit ulit nito ang pahina. Binasa niya ulit kung ano ang nakasulat dito.

Ang aking puso ay nag dudusa sa nangyayari sa aking kapatid. Ako'y nangangamba sa maaari niya pang magawa. Ni minsan ay hindi ng aking sarili pinangarap na ito'y kikitil ng inosenteng mga buhay.

Muntik na niya mabitawan ang hawak sa kuwaderno nang mabasa ang nakasulat. Humigpit ang kapit niya sa papel at tiningnan si Emmanuel.

"A-ano ang dahilan kung bakit pinapabasa mo ito sa akin? Panigurado na hindi naman ito magkaugnay sa nangyari sa atin at kay Ernest."

"Ayon din ang buong akala ko, Kinsley," ani Emmanuel. Nagulat pa siya sa biglaan nitong tawag sa kaniyang tunay na pangalan. Saglit niya ito tinitigan. Seryoso itong nakatingin sa kuwaderno.

Nilipat ulit ni Emmanuel ang pahina at binasa niya ulit ang nakasulat.

Kung aking lamang nalalaman. Ako'y sana hindi nagtungo kay lolo Kidnat upang humingi ng tulong. Ang itim na garapon na iyon... ay dapat maitapon at maitago.... Ito'y mapanganib kung may tao makakakuha nito.

Binalik niya ang tingin kay Emmanuel. Wala siyang maintindihan sa nangyayari. Sumasakit ang kaniyang ulo sa mga nababasa.

"Sa aking tingin ay nasa panganib ang iyong mga kaibigan na sina Esme at Josefina."

KINAGABIHAN. Nagtungo sina Alberto at Sullivan sa tahanan ng mga Escalante. Hindi sumama si Esther at nagpaiwan lang sa loob ng kalesa habang nasa labas si Emmanuel.

Agad pinuntahan nila Esther at Emmanuel sina Alberto at Sullivan para sabihin ang nalaman. Nag aalala rin kasi ang dalaga sa dalawang kaibigan na babae.

Bumaba si Esteban at sinalubong ang dalawang kaibigan. "Bakit kayo nandito? Akala ko ba bukas pa tayo mag-uusap?"

"Si Esme? Nasaan?" agad na tanong ni Sullivan. Nagtaka naman si Esteban. "Alam ko nasa silid niya." Lumingon saglit si Esteban sa kanilang kasambahay at tinanong ang kapatid.

Yumuko ang babaeng katiwala. "Ginoo, wala ho ang inyong kapatid sa kaniyang silid."

"Ano?!" Nagulat ang katiwala at mas lalo yumuko sa takot. "Hindi pa ba siya nakakauwi?" Sinubukan huminahon ni Esteban.

"Hindi pa ho, senyorito." Kinabahan si Esteban. Agad itong lumingon sa dalawang kaibigan. "Kailangan natin umalis. Hindi pa nakakauwi si Esme," nag mamadaling saad ni Esteban. Tumango naman sina Alberto at Sullivan.

Agad na bumaba si Esther sa kalesa nang matanaw ang tatlong kaibigan ngunit hindi nito kasama si Esme. "Nasaan kapatid mo, Bylac?" tanong niya.

Saglit na tumingin si Esteban kay Emmanuel bago binalingan ang dalaga nakasuot ng panglalaki. Tinali rin ni Esther ang mahabang buhok at tinago sa suot na salakot dahil kung nakasuot siya ng filipiana ay sigurado kung may makakakita man sa kanila. Paniguradong magiging usap-usapan silang magkakaibigan. Isang dalaga kasama ang apat na binata sa gitna ng gabi.

"Hindi pa siya umuuwi."

"A-ano?!" Kinabahan naman agad si Esther. Anong oras na para hindi pa ito makauwi. "Nasaan si Maddy?" tanong niya pa. Nagkatinginan naman ang lahat.

"Shit! Magkasama 'yong dalawa," ani Esteban. Nagmadali silang umalis do'n lulan ng dalawang kalesa. Masyadong mapanganib ang ginagawa nila lalo na baka makakuha sila ng atensiyon sa ibang mamayanan na makakita sa kanila.

Wala silang kasamang kutsero dahil marunong magpatakbo si Emmanuel. Sa kabilang kalesa naman ay si Sullivan.

Naalala ni Esther na marunong ito magpatakbo ng kabayo dahil mahilig ang ama nito sa mga kabayo. Isang beses ay naisama si Kinsley ni Axel sa isang rancho at tinuruan siya pangabayo ngunit sa huli ay hindi rin siya natuto.

Naghati ang tungo ng magkakaibigan. Dumiretso sina Esteban at Sullivan kala Lorenzo habang sina Esther, Alberto at Emmanuel naman ay kala Josefina. Umaasa nando'n lang ang dalawang dalaga ngunit nang makarating sina Esther ay nakita nilang walang nakasinding lampara sa kanilang tahanan.

Naabutan naman nina Esteban nag sasara ng karihan sina Lorenzo. Nang matanaw sila ng binata ay agad ito nagtungo sa kaibigan.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" tanong nito. "Hindi pa umuuwi sina Lilac at Maddy," sagot ni Esteban. Walang alinlangan na sumama si Lorenzo sa kanila para hanapin ang kasintahan at kaibigan.

Nagkita ang dalawang kalesa sa isang malawak na daanan patungo sa palengke kung saan huling nagtungo ang dalawang dalagita. Mapapansin na ilan na lamang ang makikitang mamayanan nasa labas.

Nilibot nila ang palengke ngunit hindi nila nakita ang dalawang dalagita. Maski ang gamit nilang kalesa ay wala man lang sa paligid. Mas lalong nag alala at kinabahan si Esther. Iniwan nila sa gilid ang dalawang kalesa at sa gilid kung saan walang mga tao ay nag-usap ang magkakaibigan.

"May kailangan kayo malaman," panimula ni Emmanuel. Tumingin pa ito saglit kay Esther kung saan tinanungan ang kaibigan.

"Ano iyon?" tanong ni Lorenzo. Tanging silang dalawa na lamang ni Esteban ang hindi nakakaalam sa kanilang natuklasan.

Huminga muna ng malalim si Emmanuel bago ito nag simula sabihin ang lahat nalaman kanina mula sa komadrona nagpanganak sa tatlong kambal.

"May pangatlong anak sina Donya at Don Escalante. Aking napagalaman na ang ngalan nito ay Ernest. Walang nakakaalam dito maliban sa mga katiwala at komadrona no'ng araw na pinanganak ang tunay na magkakapatid."

Nakinig ang mag kakaibigan. Lalong-lalo na si Bylac na tumatayong Esteban sa taon na iyon. "Ito'y nakatira sa pinakadulo ng bayan. Nagtatago sa mga mata ng tao upang hindi malaman ng mamayanan na may tatlong kambal ang Gobernadorcillo," dagdag ni Emmanuel.

Hindi makapaniwala sina Bylac at Lupin. Maski sina Esther ay hindi inaakala na magagawa iyon ng isang Gobernadorcillo sa magkakapatid.

"Ang nakita ni Josefina, sigurado ba tayo na si Eliac iyon?" tanong ni Lorenzo. Hindi naman makapagsalita si Esteban.

"Sa tingin niyo ba nakasama natin si Eliac dito sa taon na 'to? Kasi, come to think of it. Kung nandito siya. Dapat hinanap na niya tayo," komento ni Esther.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Sullivan. "Sandali, baka katulad natin. Gano'n din nangyari kay Eliac? Pumalit siya kay Ernest at dahil malayo sa bayan ang tirahan nito ay nahirapan itong hanapin tayo?"

Lumiwanag ang pagmumukha ni Esteban. Sa sobrang pag-aalala sa kapatid at kasintahan ay hindi na gumagana ang kaniyang isipan ng maayos.

"Hanapin na natin sila," ani Esteban ngunit mabilis na pinigilan ito ni Emmanuel. Parehas na lumingon sina Lorenzo at Esteban sa gawi ng binata.

Kahit si Esther ay hindi magawa makalakad. May malalim na tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Bakit?"

"Sa aking palagay ay magkabuklod ang rason kung bakit kayo'y nandito sa aming taon at ang rason tungkol sa pangatlong anak ng Gobernadorcillo Escalante na si Ernest."

Magkasalubong ang dalawang kilay ni Bylac habang nakatingin sa kanila.

"Huwag na kayo magpaikot-ikot. Ano pa ang natuklasan niyo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top