Chapter 5
She has nowhere to go since yung tinutuluyan niya dati ay may iba ng nakatira magmula ng magsama na sila ni Luke sa condo unit nito ay hindi na siya nakabalik doon.
Kaya nag decide siyang puntahan ang manager niya sa modelling agency para tulungan siyang makahanap ng matutuluyan.
Pero laking gulat niya pagdating doon dahil ayaw na siyang papasukin ng security personnel.
"Bakit hindi ako pwedeng pumasok eh isa ako sa contract model dito?" Naiirita na niyang tanong dito.
"Blacklisted na po kasi kayo dito mam, at sumusunod lang po kami sa protocol ng boss kaya sorry po." Tugon pa nitong pilit pa rin siyang hinaharangan.
Bigla siyang nanlumo sa narinig mula dito. Siya blacklisted? Paano nangyari yun? Kagagawan ba ito ni Luke dahil sa paghihiwalay nila at nagawa pa siya nitong tanggalan ng hanap buhay? Siya na nga itong naloko at sinaktan nito di ba? Sobra naman ata yun. Sigaw ng isipan niya at idinial ang numero ni Faye isa sa staff ng agency na nakapalagayan niya ng loob.
"Hello faye. Si Empress to, andito kasi ako sa labas ng modelling agency, ayaw akong papasukin eh. Mangiyak ngiyak na diretsong bungad niya sa kabilang linya.
"Empress sorry ha pero blacklisted ka na kasi eh at pinutol na nila yung kontrata mo. Pasensya ka na kasi kahit ako wala ding magagawa dahil utos yun ng boss." Malungkot na tinig na tugon nito.
Nanlambot ang tuhod niya at bigla na lang siyang napaupo sa sobrang shocked sa lahat ng nalaman.
Paano na siya ngayon? saan siya pupunta?. Tanong niya sa isip.
Maya maya pa ay may pumarada sa harap ng gusali na isang magarang sasakyan at lumabas mula roon ang isang babaeng naka shade at nakasuot ng maganda at class na damit at nung matitigan niya ang mukha nito biglang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo ng makilala kung sino ang babae, ito lang naman ang kapatong ng ex-boyfriend niya sa kama nung isang gabi dahilan kung bakit sila naghiwalay!.
At dahil nagpupuyos sa galit ay agad niya itong sinalubong.
"Anong ginagawa mo dito malanding babae?!!" Bungad agad niya dito at naghihimutok sa galit.
Ngumiti naman ang babae ng nakakaloko at inalis ang shades nito.
"So you're Empress right? Luke's ex-girlfriend." Nanunuya pa nitong tugon at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Nang dahil sa kalandian mo kaya kami naghiwalay, walanghiya kang babae ka!!!.." Galit niyang turan dito saka inambaan ng sampal pero nasalag nito ang kamay niya.
"Don't you dare slap me little whore. Dahil pwede kitang ipadampot sa pulis pag ginawa mo yan. At saka bakit andito ka pa ha diba blacklisted ka na dito?!" She said mocking saka nito patulak na binitiwan ang kamay niya.
"I-ikaw ba ang nagpatanggal sa akin dito?" Tanong niyang masamang masama ang loob.
"Asked you're ex-boyfriend my dear, baka siya ang may alam." Sagot nito saka nakakalokong tumawa saka siya nito tinalikuran. Pumasok ito sa loob ng agency.
Ayon sa guard na tinanong niya kung kilala ba nito iyon ay Hara daw ang pangalan ng malanding babaeng yun at parang konektado daw ito sa may ari ng agency kaya malakas ang loob nitong gawin ang gusto nito.
Halos takasan siya ng bait dahil sa problemang kinakaharap niya sa sandaling yun. They just all ruined her life.
Saan siya ngayon pupunta? Tanong niya sa isip and there hindi na naman niya mapigilang umiyak dahil para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Niloko na nga siya ng lalaking pinakamamahal niya at ngayon naman mawawalan na siya ng career na pinaghirapan niyang pagtrabahuan ng ilang taon.
Life is not fair!! Sigaw ng utak niya at saka isinubsob ang mukha sa mga palad at doon nag iiyak.
Pagkatapos niyang ibuhos lahat ng sama ng loob ay
pinunas niya ang mga luha at dahan dahang tumayo.
This would be the last time that she will shed a tears dahil sa mga taong walang kwenta dahil magmula ngayon ay sisiguraduhin niyang hindi na siya muli pang matatapakan ng kahit sino. She will rise up and make them pay for all of this.!
Bigla siyang nabuhayan ng loob ng maalala ang kontratang ibinigay ni Hugo kanina na inilagay niya sa loob ng bag. Dali dali siyang tumayo at pumara ng taxi at nagpahatid sa Makati.
Now Empress is standing in front of the wide building na kasing lawak ata ng mall of asia pero apat na palapag lang naman.
The Demoirtel Palace. Doon siya magsisimula ulit babangon.
Dati sinabi niya sa sariling hinding hindi siya gagaya sa mama niya at never niyang ibebenta ang sarili para lang magkapera pero sa mga sandaling yun ay yun lang ang tanging option na meron siya kaya bahala na.. It's a matter of survival ika nga.
Tiningala niya ang building ng Demoirtel at inaanticipate na niya ang magiging kapalaran niya sa pagpasok nya doon.
Hinanap nya sa dokumentong binigay ni Hugo ang contact number nito at nang makita iyon ay agad niyang dinial.
Ringing.......
"Hugo si Empress to, ano masaya ka na? Andito ako ngayon sa labas ng demoirtel at pipirmahan ko na yung contract na binigay mo. Magkita tayo ulit sa restaurant but you have to call them to give me access to enter... Adios!"
Dire diretso nyang litanya sa baklang palakang nasa kabilang linya and then pinatayan na niya ito ng phone kahit di pa ito nakakasagot.
She fixed herself at isinuot ang dala niyang shades para matakpan ang mata niyang namumula dahil sa katatapos na pag iyak and then hila ang luggage pumasok siya sa loob at dun hihintayin si Hugo.
Ilang sandali lang siyang naupo sa waiting area ng tawagin siya ng staff ng restaurant ang sabi ay pwede na daw siyang pumasok sa loob and so she did.
At dun nalang niya hihintayin si Hugo.
Paglipas nang kulang kulang bente minutos ay nakita na niyang parating si Hugo.
She just crossed her legs at hinintay itong makalapit.
"See, I told you dear Empress babalik ka din dito at tatanggapin ang offer ko sayo." Maluwang ang ngiting tugon nito at saka umupo sa harapan niya.
"Hmmp I don't have any choice. I was blacklisted in the agency I worked with at wala na akong ibang mapuntahan, That's why Im here." Mapait na saad niya dito.
Ayaw na ayaw niyang magmumukhang kaawa awa sa mata ng ibang tao pero this time she felt pity for herself for what is happening to her right now. Imagine yung kauna unahang lalaking pinagtiwalaan niya ay nagawa siyang lokohin at ang pinaka worst ay yung wala na siyang trabaho dahil blacklisted na siya. What did she do to deserve all of this?.. Sigaw ng isip niya.
"Oh sorry for that my dear but I assure you mas malaki ang kikitain mo dito. Have you read the contract?" Tanong pa nito.
"Yes I did. At alam ko na din kung anong magiging trabaho ko dito, magpuputa lang naman." Naasar na tugon niya dito saka ito inirapan.
"Opppss correction Miss Empress dahil hindi ito basta bastang pub ng mga puta dahil magiging high profile hooker ka lang naman noh!." He said habang nakatikwas pa ang mga kamay nito.
"Oh whatever you call it dahil ganun pa din ang bagsak nun!. Gigil niyang turan dito, ang dami pa kasing alam eh..Taray ng isip niya para sa bakla.
"Hmp masyado kang suplada Empress but I like you." Dagdag pa nito and then he smirked.
"Well I want to know more about Rampage Society." Sambit niya at inihanda ang sarili sa pakikinig dito.
"Sure madame here I will tell you---
"RAMPAGE SOCIETY, an elite realm of multibillionaire's hidden treasure. Isang napaka importanteng lugar kung saan pinapamugaran ng ibat ibang klaseng uri ng anghel.
Fallen angels are the right term, well it's because sila ang mga klase ng anghel that serves their desires and lustful ultimacy.
Money are the password for this society, it is discreetly just for the filthy underworld of bachelors na mismong parokyano ng nasabing club.
It is run through technology, a safe and easy way not to be trace by someone, lalo na sa access ng taxes and government rules and policy.
It is a site with a regular updates and fresh from the sea of bitches and elite woman from all around the world. The highest bid owns the price and legally do whatever they want.
It's just a matter of approval from the head of the society, si Madame X. Ang leader ng sindikatong nagpapatakbo nito. Walang ni isa ang nakakaalam sa tunay na identity nito, she's just a woman hiding from it's mask and highly placed her pedestal ass in her own throne.
Marami na ang nagtangkang ecorrupt ang system nito, but they end nothing but failure.
They used all techy tools from all highly genius(es) around the world but still..
Madame X beat 'em all. She always assure na walang makakagalaw sa lahat ng impormasyon ng kanyang mga anghel.
It's a total win win.
Pay her enough and she'll be nice. Pay her an extra and you'll get what you want.
Pay her in advance, she'll give you Heaven.
Hwag na hwag lamang tatangkaing ihabla sya dahil, Rampage society can ruin your shining shimmering palace in just a click of her hand. "
Mahabang paliwanag ni Hugo.
Napanganga na lamang siya sa narinig dahil sa haba ay parang wala siyang naintindihan.
Ikinurap niya ang mga mata at tinitigan ang kontrata saka pinakiramdaman ang sarili kung tama ba ang papasukin niya but when she remembered the things that just happened to her ay wala sa loob na kinuha niya ang ballpen at walang salitang pinirmihan niya ang contract.
She will just crossed the bridge when she get there dahil at the moment all she wanted to do is to rest her mind.
"Im in Hugo." Saad niyang itinulak ang dokumentong napirmahan na niya sa harap nito.
"Good decision Empress and welcome to Rampage Society!" Masiglang turan pa nito at ngiting ngiti pang tinignan siya.
"I want to take a rest Hugo bring me to my room now." Wala sa loob na saad niya kapagdaka.
"Okay, Let's go." He answered at iginiya na siya sa labas ng restaurant at saka may iniabot ito sa kanyang card. Napakunot noo siya and gave him a questioning look.
"That's you're access card dear. For you to have an access sa lahat ng facilities on this building, malaya kang makakapunta anywhere using that card." Paliwanag pa nito.
Tumango tango lamang siya at naglakad na sila patungo sa elevator ng sa di sinasadya ay matabig ng maleta niya ang tubig na ginagamit sa pang mop sa sahig. Napamulagat tuloy siya dahil muntikan ng matapon ang tubig niyon.
"Hi excuse me maglilinis lang." Biglang tugon ng isang babaeng sa tantiya niya ay kasing edad lamang niya, she was taller than her and had a face of innocence but with fierce, she is fairly beautiful kahit janitress lang ito.
Umusog naman siya ng bahagya at tinignan ang tubig sa timba nitong muntik nang masagi ng maleta niya.
"Alam mo kung hindi ka lang nakadamit ng ganyan mapagkakamalan kitang nakatira dito." Saad niya sa babae.
"Nakatira ako dito, temporary nga lang sa unit ni France." Sagot naman nito.
"Empress Soledad " Sabay lahad sa palad niya dito.
"Skye Martinez." She said.
Saglit pa silang naghuntahan nito bago siya magpaalam at sumunod kay Hugo papuntang elevator.
Naisip tuloy niyang iba din talaga ang lugar na yun dahil pati utility staffs ay may mga itsura at very presentable.
*itutuloy*
Please vote and read my collab writers other updates
adeyyyow
bluefairy1828
VBomshell
QueenRegina1994
Thanks po sa support.❤😊
Independent woman
By destiny's child
https://youtu.be/0lPQZni7I18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top