Chapter 5

“Ma’am Maria, narito po ulit si sir Von!” sigaw ng yaya ko. Idinilat ko ang aking mga mata…

Ba’t ako narito sa kwarto ko?

“Yaya? Sino nagdala sa akin sa kwarto ko?” tanong ko at humikab ako. Inalalayan niya akong makatayo at umayos siya sa position niya.

“Ang kapatid mo po ma’am” aniya at inayusan na niya ako. Lumabas na ako at sinundan niya ako. Nasa garden si Von at may kausap na lalaki.

“Nandito na pala siya manong” aniya. “morning” pagbati niya at ngumiti lang ako. Aalalayan sana ako ni yaya nang tumango nalang ang lalaki and he held his hand.

“Hawakan mo lang” utos niya, at sa isang iglap ay hinawakan ko ang kamay niya.

Napakalambot at makinis, kagaya ng isang mamahaling tela na isa sa paboritong pang-alis ni ate Tracy.

“Musta ang araw mo?” tanong niya, his hair is swaying together with the fresh wind, nakinang ang kanyang porselanang kutis at ang kanyang ngiti… Ay parang isang Goya chocolate na pinatikim sa akin ni ate Tracy kagabi sa sobrang tamis.

Tumango lang ako. He start talking about things hanggang sa makarating kami sa garden.

Binigyan kami ng dalawang tsaa at cake bilang breakfast.

Jusko, isang subuan ko lang talaga itong pagkain na ‘to.

“I…” usal ko. Kinain ko nalang ang cake nang hindi tumitingin ng diretso sa kanyang mga mata.

It’s so attractive, I don’t want to fall in love.

“So, did you continue your studies? I told Tracy to continue and since malapit na ang enrollment sa private school kung saan kami nag-aaral ng pinsan mo” tumango-tango naman ako sa explanation niya.

I continued my studies, simula sa numbers and alphabets, hanggang sa mga difficult lessons.

I didn’t manage to get any about linear equation but at least kinaya ko ang algebra.

“I continued my studies, Von, and kailan ang school registration sa pinapasukan n’yo?”

Tumawa si Von. “wala pa Maria ito naman, atat yarn?” tumawa na rin ako.

Ang ganda ng ngiti niya, lalo pa’t kung paano siya tumawa.

Muntik na ako mabulunan sa iniinom kong cake mabuti nalang ay kinain ko ito ng maayos.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Ilang usap ang lumipas ay umalis na siya, may importante silang pupuntahan ng kakambal niya na si Clarkson Vincent.

Tinititigan kong muli ang bintana, tirik na tirik ang araw na nagbibigay liwanag sa mga halaman.

Sa ngayon ay nagbabasa ako ng libro at uminom ng tubig. Mayamaya ay nagsalita si yaya Mirachella.

“Ma’am Maria, kung ako ang papipiliin kung mag-aaral ka o hindi, mas pipiliin ko na mag-aral ka” panimula niya. Tinaas ko ang isa kong kilay.

“Upang pag-aralan mo rin ang iba’t ibang bagay, nakakaburyo na buong buhay mo nakalaan sa pamamahay mo” I somehow agree. It was fifteen years, nakakulong na ako and I could already tell na nakakabored especially walang mga board games o kaya books.

Oo nga pala, dungeon pala siya, there’s no everything there.

Bumaba ako at nagtungo sa bricked bridge. Matirik ang araw dahil Marso ngayon. Tanaw na tanaw rito ang old fashioned style na mansion. Ngunit kahit luma na ito ay magara parin ito, dahil sa mga pintura.

May mga workers rin na pinipinturahan ang exterior ng bahay, maging ang bubong ay pinipinturahan din nila.

Hindi ba mas malala ang init dyan?

Lumabas ako ng gate. Maganda pag tiningnan ang Manor sa malayuan.
Ngunit nagulat ako nang may papalapit sa akin na kotse. “LETIZIA!” sigaw ni… Von at tinulak ako sa kabilang lane at muntik na siyang masagasaan.

But my reflexes helps me to save him.

“Ba’t ka nasa labas? Nasaan si Tracy? Ano ginagawa mo rito?” sunod-sunod na tanong niya. I got stunned.

Magulo ang buhok niya dahil kinuha ko ang buhok niya para makaligtas sa anumang sakuna.

Hinihimas niya ang anit niya na masakit sa sobrang higpit ng paghawak ko.

“Sorry…”

“Don’t be sorry Letizia” he reassured. Hindi ko siya tiningnan ng direkta sa mata at binuhat niya ako pabalik sa manor.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

“MARIA LETIZIA!” sigaw ni papa at ibinaba ako ni Von. “is she okay?” nag-aalalang tanong niya. Tumango kaming dalawa. I got fear when I almost die.

“Sa susunod Maria, magpaalam ka kay Tracy, muntikan ka nang masagasaan, buti nalang I saw you or your dead” he said, fear cowered on my eyes as he became irritated.
I nodded slightly.

Maybe I need someone to guide me from the outside.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

“Pinagalitan ka ano?” ngisi ni ate Tracy na nasa tabi ko. Tumango ako and lowered my head in dismay.

“Ba’t ka ba naman kasi lumabas? You should’ve inform me” she rolled her eyes.

“Huwag kang mag-alala, lalabas din tayong dalawa” she looked at the window. “punta tayong mall, gusto mo?” she beamed. Her smile is so beautiful as a perfect combination of a tea I used to drink with Von.

I don’t know anything about the place she told me but there’s nothing wrong kung sasama ako diba?

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

“Aalis kayo?” kuda ni tita Sally, nanay ni ate Tracy. Tumango ang kasama ko. She sighed.

“Oh ito credit card, gamitin mo sa maayos ha?” she said. “of course naman ma ako pa” ate Tracy chuckled.

Tita Sally sighed. “I really don’t trust you Ciara especially ikaw ang pinaghihinalaan kong nangungupit ng ten thousand pesos para lang makapag lakwatsa ka”

“But just for today, para lang sa pinsan mo, papayagan kitang ubusin ‘yan” ngisi ni ate Tracy na naging ngiti na.

Umalis na si tita Sally sa harapan namin, at tumili si ate.

“WAAAAHHHHHH BUTI NAMAN PINAYAGAN AKO NI MAMAAAA” she screamed to the top of her lungs.

“Pero nangungupit ka raw?” inosente kong tanong. “don’t believe her, maybe mga maids ‘yun na ginipit sa sweldo, especially mga maids ni mama” she uttered and hinila ako paalis.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

“Hahatid ko po ba kayo pauwi ma’am?” panimula ng bodyguard na nag drive sa amin ni ate hanggang sa isang… Malaking building na may malaking trademark ng SM.

“Magt-taxi nalang kami manong, ingat po sa pag-uwi” she said at pumasok na kami.
Ang ganda… May mga stores at mga kainan.

“Ate gusto ko doon” turo ko sa Jollibee. “may katatagpuin tayo, doon tayo at doon rin tayo kakain” aniya, naglakad lakad kami at may narinig akong tunog ng cellphone.

“Hey—”

Dahil malakas ang boses ng kabila, halos mabingi ako dahil sa kabilang linya.

“PUTANGINA MO ACKERMANNNNNNN!” maging si ate Tracy ay napalayo sa cellphone sa sobrang lakas.

“Yawa” she hissed at hinilot ang tainga niya.

“Ang ingay mo Hillary” singhal niya. Halos mapatingin ang lahat ng tao sa sobrang lakas din ng boses niya.

I sighed. Nakakahiya.

Pagkatapos n’on ay naglakad kami, sa Gerry’s kami pupunta at nandoon silang lahat.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Nandito na kami sa isang fish restaurant, ayon kay ate Tracy, ito na ang tinatawag na Gerry’s.

Hinanap niya ang table ng mga kaibigan at nakita niya ito.

Ang ingay nila, parang dekada na nagkita.
“TANGINA MO RIN ALLURA!” sigaw niya. Nagkatinginan ang mga tao.

“Ate Tracy…” ani ko. I can’t stand the crowd.

“Ah oo nga pala, she’s your cousin right? Maria Letizia?” aniya, tumango ang kasama ko at umupo.

Nag order na sila, nananatili pa rin akong tahimik. Madaldal ang kasama ni ate Hillary Allura, kaibigan ni ate Tracy. Kulot ang buhok nito sa ibaba, halatang maarte batay sa kilos niya.

She wores a white dress tapos may black suit na nakalagay sa balikat niya. May bag pa ito na Chanel ayon kay ate Tracy.

Tahimik rin ang kasama niya na ayon kay ate, si Ellen Grace Allura.

Mataray itong nakatingin sa akin, parang nakakita ng basura na nakatapat sa kanya.

“Who’s this bitch in front of me?” she snarled at looked at me gamit tinidor. Sinamaan siya ng tingin ng ate niya and she got stunned.

“Oh by the way Ellen Grace, she’s Maria Letizia, she’s looking for a friend about her age” pakilala ni ate Tracy sa akin, smiling sincerely.

But opening her eyes, it was different.

Representing the family through her snarl look.

Ngumiti siya sa akin when I stared at her. “so, dumating na ang order, why not take a picture” kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nagsimula kumuha ng mga litrato.

I smiled. It was hella awkward. Pinapalibutan ako ng mga Allura na masama pa ang budhi at ng isang Ackerman na mukhang papatay ng tao sa tingin pa lang.

Kumain na sila, nag-aagawan sila na para ba’ng hindi kumain sa loob ng isang taon.

I literally looked at my food. What is this?

Pinapanood ko paano kunin ni ate Tracy ang laman.

Got it! Nakuha ko na ang dapat makuha na laman!

Kumain na ako, at minsan ay sumasali ako sa usapin nila, ‘yun ay kung gets ko ang sinasabi nila.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa iba’t ibang stalls. Bumili si ate ng kung ano-anong damit na makita niya at minsan ay sinusukatan niya ako.

“Look at this Letizia, it’s so luxurious looking” hanggang taingang ngiti ni ate at sinukatan ako.

Tumango lang ako. “oh siya tingnan natin ‘to sa fitting room” pinapasok niya ako sa isang kwarto na tanging upuan at salamin lamang. Ito na yata ang sinasabi niyang fitting room.

Sinukat ko ang damit, himala magaling siyang pumili. It was color baby pink na tshirt, may design pa ng bear.

Lumabas ako at tumango. “maganda ‘yung damit” puri ko and kinuha niya. “wala ka nang pipiliin?” she asked.

Umiling ako. Hindi ako palalabas kaya hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.

Lumabas kami. “oh ano Ackerman, nakabili ka na ng damit?” tanong ng babaeng kaibigan ni ate Tracy.

Awkward. Seryoso hindi ba nila kilala isa’t isa at ang tawagan nila ay apelyido nila?

“Saan naman tayo Allura?” ani ate Tracy.

“Ikaw bahala, Ellen Grace, hindi pa may sinu-suggest kang boutique na pupuntahan?” sabi niya sa kapatid na katabi ko.

“Oo bakit?”

“Tara ba?”

“Ge” tanging sagot.

“Ge” tanging sagot ni Ellen Grace at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

I almost got angry kasi nagtataray siya tapos ganito. But thanks to ate Tracy I know the reason why.

“Madali siyang ma-attach” saad niya. “and she likes girls like you” dagdag pa nito at kumindat pa sa akin.

“WOOOH GAY SHIP!” pang-aasar ni ate Hillary at pasimple siyang kinurot ni ate Tracy.

“Ciara Tracy, ang sakit naman” singhal ng kaibigan at tumawa lang ang pinsan ko.

I sighed. Nakapasok na kami ni Ellen sa isang clothing boutique.

Hella tiring. Maganda ang interior design sa loob ng boutique, aniya ni Ellen, pwede na raw makakuha ng picture tapos post sa Instagram.

Pumili silang lahat ng damit. Nanantili lamang ako na nakaupo, nakatingin sa mga damit na nakasampay. Iba’t iba ang kulay ngunit parehas lamang ng presyo.

Ngunit lumubog ang bakanteng pwesto ng upuan nang may umupo. Nung una ay akala ko ay babae ito dahil mahaba ang buhok nito ngunit nang lumingon ito ay lalaki pala.

Si Von…

“Good afternoon Maria” pagbati niya. I got stunned. He wore a blue polo and a slack. Nakatali ang buhok niya at nakasuot siya ng salamin.

“Boys are literally chasing me, mukha ba akong babae sa paningin nila?”asik niya at inihiga ang ulo sa balikat ko.

He sighed. “mga pusong babae yata ang naghahabol sa’yo, mas halatang lalaki ka eh” sagot ko.

“Ba’t ka nga pala nandito?” tanong ko. “sinama ako ni kuya at nasa fitting room siya, he’s trying some clothes” sagot niya while massaging my hand.

He laughed afterwards while staring blankly at him, maymaya ay dumating na sila. “ay shala ba’t mo naman nilalandi pinsan ko?” sarcastic na panimula niya.

Nanlaki ang mga mata ni Von sa tanong.

“Tapos mo ba ang project natin ha?” asik ulit ni ate. Nakangising umiling si Von. “at ikaw, ba’t wala ka pang binibigay na data para sa project at inuuna mo pa ito?”

Ate Tracy gritted her teeth, at sinampal ang lalaki ngunit nakailag ito.
Pagkatapos nito ay hinawakan ni ate ang kamay ko.

“Umalis na tayo rito!” asik niya at dinanggi si Von.

Nakaalis na kami sa boutique… Nakita ko ang mukha ni Clarkson Von…
Still smirking at kumindat pa ito sa akin habang papalayo na ako ng papalayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top