Chapter 3
“Letizia” katok ni ate Tracy sa kwarto niya. Halos takpan ko buong katawan ko ng kumot at unan dahil sa nararamdaman kong nakapagpatalon ng puso ko.
“Maria” aniya pa ulit niya. She sighed. “ano ‘yon?” kunyaring hikab ko para masabing antok agad.
“Nagpalit ka na ba ng damit?” tanong niya na nakapagpalaki ng mga mata ko. Oo nga ano?
“Maliligo pa ako ate” aniya ko at humarurot papunta sa cr at binuksan ang shower.
She sighed once again, at may narinig ako na binubuksan, damitan ‘yon at kumukuha na siya ng damit.
Umalis siya.
Nag-shower lang ako dahil wala ako sa mood para mag bathtub. Parang walang effect sa akin ang ginagawa ni ate Tracy.
Krazy ate Ciara Tracy.
Pagkalabas ko ng cr ay nagsuot na ako ng damit, at natulog na.
Ngunit…
“Maria Letizia, kakain na tayo!” bulabog ni ate Tracy. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
‘Nandito na naman tayo sa weird family na ito’ aniya ko sa sarili ko. Nakita ko ang lalaki na kamukha ko.
“Maria Letizia, right?” panimula niya. I stood frozen. “actually, kuya Sandro, yes, she’s Maria Letizia” sagot ni ate at umupo na sa tabi ko.
“I see. You’re smart” he complimented. Tumango lang ako at kumuha ng kanin at sabaw.
“Seems like she has a potential to be the next head of our family” the head family joked. Kuya Sandro’s eyebrows twitched.
“Nagjo-joke lang si tito, ito naman si kuya” kunyaring tawa ng katabi ko at namula ako.
Potential? I didn’t even have enough education, and a potential to be a head of the family? Fools!
Baka ibagsak ko lang ang angkan na ito.
And after that, all those talks came like ashes. About naman ito sa under construction ng malaking tulay sa ibang bansa.
Kumain nalang kami at pagkatapos ay umakyat na parang walang nangyari.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
“May idea ka na pala about sa economics and social studies, right?” panimula ni ate Tracy habang may dala ito na samu’t saring libro.
Papatayin ba ako ng mga ito?
Seryoso, ang daming aaralin.
Hinawakan ko ang isang lumang libro. Tiningnan ko ang pahina at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Published since 1880.
What the heck?!
My eyes almost darkened. At sinong abno ang magtatago ng libro na noong sinaunang panahon pa inilimbag?
“Bakit? Ayos ka lang ba Let?” tanong niya. Let? Sino ‘yon?
Ay ako nga pala ‘yun, nickname ko pala. Letlet or Leti, pwede rin Rizia (A/n: combination of Maria Letizia)
Tumango ako.
“So ang pag-aaralan natin ngayon ay about sa mga morse code, binary code, at iba pa” nanliit ang mga mata ko.
Tinted dots, mga gitling, one and maraming zero, mga apat na zero at isang one, o kaya dalawang one na may tatlong zero.
Iba ang formation nito kada letra.
Nangangawit na ang leeg ko kakalingon ko para I copy ang mga codes.
Maya maya ay may activity na pinagawa sa akin si ate Tracy. Sampung tanong, na naglalaman ng morse codes.
Nang matapos ko ang sampung tanong, ay panibagong sampung tanong ulit na binary codes.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
“You got three out of twenty, Maria Letizia” I got distressed! Halos dalawang oras akong nag-aaral sa code code na ito tapos ito lang makukuha ko?
Aba walang ganyanan Ciara Tracy. Unfair mo naman, biro lang.
“But it’s okay though, beginner ka palang about sa codes, magi-improve ka rin” ginulo niya ang buhok ko at umalis na.
Those words…
It hits me well…
Nakatulog ako sa mesa, na nakapatong ang ulo sa mga stacks ng libro.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
Hapon na ng magising ako, I noticed that the sun is setting kung kaya’t tumayo na ako at inayos ng kaunti ang sarili ko.
“Letizia?” tawag ni ate Tracy at tumugon ako. “nandito”
Binuksan ng babae ang pinto. “oh ba’t ngayon ka lang naga-ayos? Jusko bilisan mo nalang” aniya.
Tinanggal ko ang mga muta sa gilid ng aking mga mata at naglagay ng pulbo.
Mukha akong lantutay sa itsura ko kaya’t naglagay ako ng lip tint na pagmamay-ari ni ate Tracy.
Umalis na ako sa kwarto at binigyan niya ako ng isang tinapay.
“Malayo kasi itong pupuntahan natin dito sa second floor, I guess hindi ko pa pala nasasabi sa’yo na 100 rooms ang mayroon dito sa Manor” salaysay niya. Eh? Ano?
One hundred rooms?!
Jusko patayin n’yo nalang ako!!!
Napapagod na ako. Seryoso kailangan ba naming baybayin itong buong hektarya ng bahay na ito?
Nandito na kami sa south wing ika nga ni ate Tracy, at sa ika 95th room ay tumigil kami. Seryoso? 95th? Kitang gusto kong magkatabi kami ni ate Tracy sa room. Eh room 55th pa naman siya.
Yawa.
Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa akin ang isang… Napakagandang kwarto.
“Vintage style ‘yang kwarto na iyan” panimula niya. “nung una gusto ko dyan kasi maganda, eh kaso ayaw nina papa kaya sa 55th ang kwarto ko” kwento niya, halata doon ang pagkadismaya niya sa kwartong napili ng magulang niya.
Pumasok kami sa kwarto kasama ang yaya na nasa likuran namin.
“Siya pala si yaya Mirachella, from now on, she will be your personal maid” pakilala niya sa yaya na nasa likuran namin.
“Ikinagagalak kong pagsilbihan kayo, ma’am Letizia” yuko niya. Tumango ako.
Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Bakit ganito? Sobra sobra na ito.
If I myself, I want to be just normal.
Sinimulan na niyang sabihin sa akin kung ano ang mga gamit na ito.
Pagkatapos ay ginawan niya ng batas ang tagapagsilbi na agad sinunod.
Ang napili niyang tagapagsilbi ay matalino, at maaasahan. Those personalities that she saw in me.
Para daw twinny.
“O’siya, maiwan ko na kayo rito, goodluck ate Mirachella” aniya, tumango ang tagapagsilbi at lumapit sa akin si ate Tracy.
Mas matangkad sa akin si ate ng isang inches.
Bumulong ito. “well, see you tomorrow”
“Maria Letizia Ackerman”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top