Nagyaya yung pinsan kong pumunta sa mall kasi nga daw babad ako parati sa trabaho. Magliwaliw naman daw ako. Kaya pumayag ako.
Naka printed t-shirt, shorts at slippers lang ako kasi yung mall na pupuntahan namin malapit lang sa bahay. 5 minutes away lang.
"Ate, hintayin muna natin yung friend ko. Sasama siya sa atin," sabi ng nakababata kong pinsan.
"Ah, sige."
Siguro mga 15 minutes din kaming naghintay sa labas ng bahay sa kaibigan ng pinsan ko. Napailing nalang ako ng nakita ang suot ng dalawa. Parehas silang naka off shoulders na blouse.
Napatingin ako sa suot kong tshirt at shorts. Napatingin ulit ako sa kanilang naka blouse at pantalon.
"Tara na?" sabi ko sa kanila.
'Di nagtagal at nakasakay na kami ng jeep. 5 minutes away lang ang mall pero papasok pa kasi yung amin kaya dapat pa kaming sumakay. Pwede naman ding tricycle pero mas nauna ang jeep na huminto sa harapan namin.
Umakyat na yung dalawa sa jeep. Nang ako na ang paakyat, may lumipad.
Lumipad ang tsinelas ko kasi napatid ako sa sarili kong paa. Shemay!
Ayun! All eyes are on me ang nangyari. Nakakahiya!
Napayuko nalang akong umupo sa loob ng jeep. Sa susunod, 'di na ako magtsitsinelas kapag lalabas sa bahay.
xx
Hahahahahahaha! Shemay, nakakahiya talaga iyon. Talagang magsasapatos na ako kapag lalabas ng bahay 😂😂😂😂😂😂😂.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top