CHAPTER 1

Chapter 1







Debie Pov

Halos kaladkarin ako ni Papa papasok ng bahay namin. Akala ko ay hihiwalay na ang braso ko sa katawan ko nang hatakin ako ni Papa palabas ng sasakyan niya kanina. Pagkasara ng malaking main door namin na kulay tsokolate at fully furnished. Marahas na binitawan ni Papa ang braso ko at sa lakas n'on ay nadapa ako sa sahig namin.



Kinagat ko ang labi ko pinagilan ang namumuong luha na namumuo sa sulok ng mata ko. Sobrang sakit ng dibdib ko na tumama diretso sa sahig. Tapos ang braso ko naman ay nangangalay dahil sa pagkakahawak n'on ni Papa.



Gamit ang isa kong kamay ay naiangat ko ang katawan ko. Pagtingin ko doon sa living area namin. Nakita ko ang dalawa kong kapatid—kapatid sa ama. Tapos ay nandodoon din si Tita Mikee, ang asawa na legal ni Papa. Na prente lang na nakaupo at nakatutok na naman sa kuko niya na bagong pagawa. Halatang-halata kay Tita Mikee na wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Halata na wala siyang paki sa akin. Syempre, anak ako sa kabit ng asawa niya kaya, bakit niya ako kakaawaan? Isa-isa kong tiningnan ang dalawa kong kapatid na puro lalaki pero walang ginawa upang tulungan ako.



Nakatayo silang dalawa pero di naman gumagalaw. Nakatingin lang sila sa akin kung paano ako saktan at pagbuhatan ng kamay ni Papa. Alam ko naman na sampid lang ako dito sa pamamahay nila pero may dugo pa rin na nanalaytay sa ugat namin na pareho. Pareho kami ng ama at magkaiba lang kami ng ina.



"Ano Debie! Ipapahiya mo pa ako doon kay Mr. Fabre at sa anak niya?! Ano ipapakita mo sa kanila na inaapi ka sa bahay na ito?!" malakas na sigaw ni Papa at halos makarating ang boses niya sa bawat sulok ng bahay.



Lumunok ako at tumayo. Iniinda ko ang sakit ng dibdib at braso ko. Masakit ang dibdib ko physically and mentally. Hindi ko kasi lubos maisip na magagawa ito sa akin ng ama ko. Kahit naman siguro anak niya ako sa kabit niya. May awa naman siguro siya sa anak niya, diba? Nananalaytay sa akin ang kanyang dugo pero bakit ganito ang turing niya sa akin. Bakit niya ako sinasaktan? Bakit ako? Bakit ako lang ang sinasaktan niya? Bakit iyong ibang mga kapatid ko di niya mapagbuhatan ng kamay?



Naaalala ko pa noong nasira ni Kuya Rowan ang sasakyan niya dahil nabunggo ito sa poste pero di siya nagalit. Naalala ko pa noong pinatawag sila ni Tita Mikee sa presinto dahil may nakuhang ecstacy sa bulsa ni Kuya Damian pero di siya nagalit. Pero ako... ako na nagluto lang at nasunog ang niluluto ko. Binugbog niya ako at gaya ng laging nangyayari tulad ngayon. Nakatitig lang sa akin ang mga kapatid ko. Walang imik at walang ginagawa.



Masakit at mahirap. Sobrang hirap pero pilit kong kinakaya kasi para sa Mama ko. Para sa Mama ko na kabit ni Papa Gideon. Kaya ko kinakaya at tinitiis ang lahat ng ito. Nasa isang mental hospital kasi si Mama ngayon. Nabaliw kasi si Mama at doon lang siya maalagaan ng mabuti pero wala naman akong pera dahil wala akong trabaho at bata pa ako. Labing-siyam na taong gulang pa lang ako at noong nabaliw si Mama 16 ako noon kaya sinubukan kong humingi ng tulong sa ama ko at ito ang naging kapalit ng pagtulong niya sa akin at sa Mama Sarah ko.



"P-papa ayaw ko po. A-ayaw ko pong magpakasal sa isang lalaki Papa. M-maawa naman po k-kayo sa akin. Ayaw ko po n'on Papa. Gagawin k-ko po ang lahat ng gusto mo P-papa pero wag naman po ang m-magpakasal sa isang lalaki Pa." pakikiusap ko kay Papa. Kahit na ano pang panghanga ko kay Aziel di ko naman siya gustong pakasalan. Di iyon sumagi sa isip ko kahit na isang beses.



Napapikit si Papa sa mata niya at malalaki ang hakbang na ginawa upang malapitan ako at dinakmal ang braso ko pataas sa sobrang higpit na paraan. Umaangat ang paa ko sa sahig. Ang kaninang luha ko ay tuluyan ng lumabas.



"P-papa m-masakit po, 'pa. Bitawan n'yo a-ang-"



"Masakit? Higit pa dito ang gagawin ko Debie kung di ka susunod sa gusto ko! And your mother? Gusto mo bang maging palaboy-laboy na iyon sa daan? Gusto mo! Huh!!!"



Nataranta ako doon sa sinabi ni Papa at agad na umiling sa kanya. Mahal na mahal ko ang Mama ko at di ko kakayanin na mangyari iyon. Alam ko gagaling din ang Mama ko sa hospital at makakaalis din ako sa bahay na ito. Magtitiis ako. Iindain ko lahat ng suntok at sampal ni Papa dito.



"P-pero Papa... ayaw k-ko-"



"Ayaw mong gawin?! Sige simpleng tao lang ako kausap Debie. Ayaw mong magpakasal doon sa anak ni Mr. Fabre edi hindi na ako gagastos pa doon sa ina mo sa mental!" sigaw ni Papa at tinulak na naman ako. Sa pagkakataong iyon ay tumama na ang noo ko sa gilid ng mesa na may nakapatong na vase.


Napaungol ako sa sakit nang tumama ang noo. Napaupo ako sa sahig at hinawakan ang noo ko na tumama doon sa mesa. Nanlamig ako nang maramdaman ko ang maiinit na likido na lumabas doon. Napatingin ako sa kamay ko na hinawak ko doon sa noo ko at nakita ko ang preskong-presko kong dugo.



"Pa, Debie's forehead is bleeding." rinig kong saad ni Kuya Damian.



Rinig ko ang pares ng paa na papalapit sa akin kaso biglang nagsalita si Papa.



"Let him be. Ang tutulong dyan lalabas sa bahay na ito at hindi na babalik pa! Hindi iyan matuto kung tinutulungan at sinisimpatyahan!"



Habang tumutulo ang dugo sa noo ko ay nilingon ko si Papa na papalapit doon kay Tita Mikee na nakataas lang ang kilay sa akin. Lumapit si Papa doon kay Tita at ginawaran ng halik si Tita sa labi.



Ang mga kapatid ko naman ay nakatingin sa noo ko na dumudugo.



"P-papa h-hindi niyo naman po ititigil ang pampa-ospital kay Mama, diba po?" tanong ko kay Papa at humawak ako doon sa paa ng mesa kong saan tumama ang noo ko.



Tumayo ako nang maayos at tiningnan si Papa Gideon na na nakaupo sa tabi ni Tita Mikee.



"If you agree to marry Aziel Fabre then I will, but if not. I will immediately stop financing your mother's hospital expenses." wika ni Papa at humilig doon sa sandalan ng sofa namin at pinagkrus ang binti niya.



Si Kuya Damian na malapit lang sa akin ay na nanantiya naman ang tingin sa akin. Pinalis ko ang luha na lumandas sa pisngi ko at suminghot. Di ko na pinansin ang tingin sa akin ng dalawa kong kapatid.



"S-sige po... papayag po ako."

Sumilay ang ngiting tagumpay sa labi ni Papa Gideon at napapalakpak. Si Tita Mikee naman ay napapairap sa tabi ni Papa.



"Good choice, Debie."

Niyuko ko ang ulo ko at iniwan sila doon. Tumungo ako sa silid ko. Pagkasara ko sa pintuan ay napadausdos ako doon at umiyak. Naghalo na ang pagod at sakit sa katawan. Pagod ang katawan ko sa ginawa ni Papa at pagod na rin ako sa kaloob-looban ko. Masakit ang sugat ko sa noo, ang braso ko, at iyong dibdib ko. Lagi na lang ganito at lagi na rin akong nagtitiis sa mga ito. Palagi na itong nangyayari pero bakit di pa ako nasanay? Bakit hanggang ngayon umiiyak pa rin ako? Tatlong taon. Tatlong taon ko nang tinitiis ang lahat ng ito. Nakakapagod din at minsan naisip pumapasok na lang sa isip ko ang magpatiwakal kaso... paano naman ang Mama Sarah ko? Ang Mama ko na lang ang meron ako na alam kong mahal na mahal ako. Kaya di ko siya kayang iwan. Kaya nga ako nandidito sa puder ni Papa dahil kay Mama. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko.



Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko at tumungo sa banyo. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin ng makarating ako sa banyo. Iyong noo ko duguan. Ang putla na nang mukha ko. Maputi ako pero ngayon para ng papel ang mukha ko. Hinubad ko ang suot kong long sleeves at nakita ko na bumakat sa braso ko ang malaking kamay ni Papa doon. Naging yellowish at may pagka-violet na ang kulay n'on. Ewan ko kung madali lang ba talagang magkapasa ang katawan o talagang ganoon na lang kalakas si Papa upang mag-iwan ang kamay niya ng ganito sa katawan ko. Nakita ko rin sa katawan ko ang mga pasa na natamo ko noong nakaraang linggo. Tapos may mga piklat din ang katawan ko lalo na ang likod ko. Tumalikod ako upang makita ko ang likod ko at buhay na buhay pa ang nasunog kong balat doon nang tapunan ako mainit na kape ni Tita Mikee.



Nilinis ko ang sugat ko sa noo at sunod ko namang nilagyan ng ointment ang likod ko na abot ko lang. Naglinis ako sa katawan ko at pagkatapos kong magbihis ay agad akong tumungo sa kama upang magpahinga.

Sa sumunod na araw habang naglilinis ako sa sasakyan ni Papa ay bigla na lang niya hinablot ang braso ko. Napangiwi agad ako dahil iyong brasong hinablot niya ay di pa nawawala ang pasa ko doon.



"A-aray, P-papa may pas-"

Pinandilatan ako ni Papa sa mata niya kaya napatigil ako. "Tumigil ka sa ginagawa mo dito! Paparating sina Mr. Fabre kaya magbihis ka doon sa kwarto mo at takpan mo ang sugat at pasa mo. Kung hindi malalagot ka sa akin!"



"A-ano pong gagawin nina Mr. Fabre dito Pa?"



"Ano pa ba Debie? Of course, we'll talk about your marriage."



May dalawang magagarbong sasakyan na dumating sa bahay. Lulan non ay sina Aziel at Mr. Fabre. Asikasong-asikaso sila ni Papa at talagang sinalubong sa may gate namin.

Upang matakpan ang pasa at sugat ko. Nagsuot ako ng long sleeve na naman na tinupi ko hanggang sa siko ko at nag-jeans ako.



"What happened to your forehead, Debie?" iyon agad ang tanong sa akin ni Mr. Fabre nang mapaupo kami sa sala namin.

Napatingin ako kay Papa na pinanlakihan ako sa mata niya. Hilaw akong ngumiti kay Mr. Fabre at napapunas ako sa basa kong palad sa suot kong jeans.

"Ano... ano po. Nabangga lang p-po ang ulo ko."

Tumaas ang kilay ni Mr. Fabre pero sa huli ay tumango naman siya. Si Papa Gideon at si Mr. Fabre ay magkatabi tapos kami namang dalawa ni Aziel ay magkatabi at sa kabila namin sina Papa.

Magkatabi kami ni Aziel pero di nag-aabot ang katawan namin. Ako ang nanginginig sa presensya ni Aziel. Di kasi maganda ang huling pag-uusap namin.

Nag-usap sina Papa at Mr. Fabre kung ano ang mangyayaring kasalan daw namin ni Aziel. Kami naman ni Aziel ay tahimik lang at kung hinihingi nila ang opinyon namin ay tango at iling lang sa ulo ang sagot namin. Dahil sa magkatabi kaming dalawa naririnig ko bawat hasa ni Aziel sa kanyang ngipin.

"So, it's final and decided. You'll get married in America and since Debie doesn't have a passport we will work on that as soon as possible then we'll flying for US." pag-aanunsyo ni Mr. Fabre at wala naman kaming nagawang protesta ni Aziel.

Hindi ko naiintindihan si Aziel. Ayaw niyang magpakasal sa akin pero bakit di siya umaalma sa ama niya? Kung ayaw niya bakit di niya sabihin sa ama niya na itigil ito? Bakit nandidito siya ngayon at sumasang-ayon sa gusto ng mga ama namin?

Napabuntonghininga na lang ako. Wala na naman akong magagawa dito dahil ito ang gusto ni Papa at ginagawa ko ito dahil sa Mama ko. Kung di naman ako susunod saan kami pupulutin ni Mama? Sigurado naman ako pwede kaming mag-apply ng divorce nito.

Hindi ko alam kung anong ginawa na paraan ni Mr. Fabre upang mapadali ang proseso ng passport ko pero within five days ay nakuha na iyon at sa sumunod na araw ay lumipad na kami pa America.

Month of June, day 8 ang naging kasal namin ni Aziel. Ang kasal namin ni Aziel ay di kagaya ng sa iba na may seremonyas pa, may after the wedding venue, at iba pang ganap sa isang normal na kasal. Ang sa amin ay nasa isang office lang kami tapos pumirma kami ni Aziel ng isang marriage contract with the presence sa isang judge. Tapos ang nagsilbing witness namin ay ang mga kapatid ko, si Papa, si Mr. Fabre at may dalawang lalaki na di ko kilala pero mukhang kaibigan ni Aziel.

Pagkatapos naming pumirma ng marriage contract ni Aziel ay may binigay siya sa akin na isang maliit na bagay na hugis bilog at kulay itim. Abala ang kasamahan namin sa pagkukuwento nang bumaling ako sa kanila at di nila napansin ang ginawa na iyon ni Aziel.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya at sinuri iyon.

"What else? It is a ring, so you wear that." saad niya.

Nakita ko naman na may sinuot din siyang singsing sa ring finger niya. Binuksan ko ang binigay niya sa akin na singsing daw at nakita ko ang gold na singsing doon. Plain lang iyon at walang disenyo. Hindi ko alam kung mamahalin ba iyon o hindi pero sinuot ko pa rin. Mapangiti ako nang makita kong nagkasya iyon sa akin. Di ko aakalain na magsusuot ako ng wedding ring sa edad kong ito.

"Aziel, salamat dito."

Tinaasan niya ako sa kilay niya. "My dad told me to buy one, so I did even if it's against my will."

Yumuko ako. "K-kasal... na ba talaga tayo?"

"Tch! Obviously but don't worry. I will be applying for a divorce as soon as possible."






___🍀🌻🍀___

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top