21 - puzzle || edited
Kuya Andrei kept shooting sideward glances at me. From the passenger seat of his car, I could feel the curiosity burning behind his quiet eyes.
Hindi ko siya masisi. I couldn't stop the grin on my face.
Nang isang beses ko pang mahuli ang mga tingin ni Kuya, kinagat ko na ang labi ko at tumingin sa labas, sa mga dinaraanan namin.
"In love?"
Agad akong napatingin sa kanya, natatawa sa sinabi niya. "Agad-agad?"
At the red light, he tore his eyes off the road to turn to me.
"Kanina ka pa ganyan. You're only like that when you see your celebrity crushes." Binalik niya ang mga mata niya sa daan when the green light came on again. "Did anything good happen while I was gone?"
Good nga ba? Kahit anong angle ko kasi tingnan, parang hindi maganda ang kalalabasan nito.
"Maybe," simple kong sagot. I don't know.
"A guy?" pabiro niyang tanong.
Ngumiti lang ako at 'di na sumagot. Ayokong sabihing hindi. That would add up to my lies. Ayoko rin namang sabihing oo, dahil 'di ko rin naman kayang sabihin kung sino.
This was better.
Kuya Andrei suddenly swerved his car to another direction, making me turn back to him.
"Where are we going?"
Hindi kasi 'to ang daan pauwi. Hindi rin naman 'to ang way sa condo niya. I got a hunch kung saan kami didiretso pero wala naman akong makitang reason kung bakit pupunta kami sa bahay ng kambal ngayon.
"Tita Paula invited us over," maikli niyang sagot, nakatingin pa rin sa daan. He was nodding his head to the beat of the music, his fingers tapping the wheel lightly.
"Lahat tayo?"
"No, just us cousins."
My mouth turned into an 'o.' Tita Paula is the mother of Mathev and Kuya Paul. Like Kuya Onyx's mom, mahilig din mag-imbita nang biglaan. Naks. Sounds like may sudden DV night out kami ngayon.
"Sasama kaya sina Kuya Trav and Kuya Chris?" I wondered aloud.
"Unlikely," sagot niya. "They're wrapping up a lot of things before our Cebu trip."
"Oh, right," I said in understanding, "Ano daw meron? Why did Tita invite us over?"
Baka lang kasi may okasyon pala na nalimutan ko.
"Bonding," sabi lang ni Kuya.
Napangiti ako. I loved the sound of that.
***
Inabutan ko ang mga pinsan ko sa malaking garden nina Kuya Paul, sa may bandang pool. Naro'n na at nag-iinuman sina Gian at Kuya Nick, kasama ang kambal. Sa gilid naman, nag-iihaw na si Tito Matthew katabi si Tita Paula. Abala sila sa pinagkukwentuhan nila.
"Tita, Tito," bati ko bago yumakap sa kanila.
"Nando'n na ang mga pinsan n'yo. Samahan n'yo na, kanina pa 'yan naghihintay," sabi ni Tito Matthew.
"Where's Jacob? 'Di n'yo kasama?" tanong ni Tita Paula.
"Dumaan pang school 'yon, Ma!" sigaw ni Mathev. "Javee, Andrei. Dito na. Hayaan n'yo na sina Mama d'yan!"
Sabay kami ni Kuya Andrei na lumapit sa kanila. Mukhang kanina pa sila nagsimula dahil namumula na ang pisngi ni Gian kahit hindi pa naman siya lasing.
"Ba't ngayon lang kayo?" Kuya Nick asked with a cool smile. Siguro nanggaling pa sa masters si Kuya bago nagpunta dito. Nakasuot pa siyang white button-up shirt na lalong nagpalitaw sa pagiging mestizo niya.
"I went shopping pa para sa birthday ni Tita Jackie," pasimpleng sagot ko. I sat between Mathev and Gian. Kuya Andrei sat beside Kuya Paul.
"Papunta pa lang si Onyx. Galing pang commercial shoot. Iba na talaga kapag pa-famous," nakangising sinabi ni Gian.
About an hour after we arrived, dumating na rin si Kuya Jacob. Bumati siya kina Tita Paula at agad pinaulanan ng asar ng mga loko-loko kong pinsan nang lumapit na sa 'min sa may bandang pool, may dalang plato na puno ng liempo.
Habang nag-iinuman, saka tumunog ang cell phone ko. An unregistered number flashed in my screen.
Unregistered Number:
You're home?
Me:
Not yet but I'm at my cousins'. BBQ night.
Hell. This was seriously confusing me. Was it alright talking to him like this? Bago sa 'kin ang ganitong sitwasyon, na naiipit ako sa gitna. Hindi ako sanay. I knew the easier answer here would be to avoid him kasi 'yon naman talaga ang gusto ng mga kuya ko.
But what Christelle said kept on playing in my head. Paano kung ang mga kuya ko pala ang mali? Was it possible to meet both sides without hurting anyone?
Nagbukas ng karaoke si Mathev. His smooth, hot voice immediately filled the garden and we sang along with him. I was enjoying listening to their singing at paminsan-minsan nakikisali din ako sa asaran nila.
"Isa pa 'tong late," rinig kong sinabi ni Kuya Jacob amidst the singing.
Paglingon ko sa likod, nasaktuhan naman na papalapit si Kuya Onyx sa amin.
"Bro, ang tagal mo," Kuya Nick said through the mic nang palitan si Mathev.
A cool smirk danced on Kuya Onyx's lips. "'You just can't live without me."
Umupo si Kuya Onyx sa tabi ko at agad na ininom ang beer na nasa tabi ko.
"Wow. Bakit ka nakaporma, ma'am?"
"Kailan ba hindi, Kuya?"
"Ows? May napupusuan na yata."
I wrinkled my nose at the term he used. "Napupusuan? Lalim naman."
"Basta kung meron na, ipakilala mo muna sa 'min, a. Sa dami ng kalokohan ng mga kupal na 'to, baka ikaw pa ang makarma."
Napaisip ako. 'Yon ba ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang sabi nilang layuan ko ang grupo ni Racel? Were they afraid of their revenge, gano'n? Ayaw nilang masali ako sa cross fire?
"Walang gano'n," sabi ko na lang, sabay bawi ko sa beer ko.
"Anong napupusuan 'yan, a?" interrupted Gian. Inabutan niya ng baso ng Jack Daniels si Kuya Onyx.
"Wala," I said, playfully rolling my eyes. "Hanggang dito lang ang usapan." Kunwari gumawa pa ako ng linya sa pagitan namin.
Gian snorted, his brooding expression crossing his face.
"Oy, Onyx. Anong balita sa birthday ng mama mo?" tanong ni Kuya Jacob.
Kuya Onyx darted him an amused glance. "Inayos na ni Papa ang mga flight tickets n'yo. Siguraduhin n'yong sasama kayong mga kupal kayo. Wag kayong panira ng plano."
"Sa'n ba kami tutuloy? Sa bahay n'yo o do'n sa dati? Sa building?" I asked.
Dalawa kasi ang bahay nitong si Kuya. Bukod pa sa mansion nila sa Beverly Hills, may tinutuluyan pa siyang five-storey building. Regalo sa kanya 'yon ng angkong niya when he turned eighteen last year.
Kumunot ang noo ni Kuya. "I thought they already told you? Sa Crown Royale tayo."
"Ohh. I thought kasi 'di tayo magtatagal."
Ngumiti si Kuya at pinisil ang pisngi ko. "Pwede bang hindi? I know how much you like that place. Pinilit ko kay Mama ang lugar na 'yon kaya magpakabait ka sa 'kin."
Just then, I felt my phone ping again. Sinilip ko 'yon at mabilis tinago nang makita kong galing ulit kay Racel ang text.
I glanced at Kuya Onyx na nakikipagbiruan na kay Kuya Nick. Oh. Si Gian na pala ang kumakanta ngayon.
Sumagot lang ako sa text nang umalis ang boys sa paligid ko para kumuha ng mas maraming pagkain sa table.
Unregistered Number:
Drinking?
Me:
Slight.
Nilapag ko na ulit ang phone ko. Ginala ko ang mga mata ko sa mga pinsan ko at in-enjoy ang pagkanta ni Gian. He was singing a classic rock song. Parang gusto ko tuloy makisali kina Kuya Jacob at Mathev na parang lasing na sumasayaw sa gitna.
I caught Kuya Andrei's eyes. Tinuro niya ang bagong shot na binigay sa 'kin ni Kuya Jacob bago lumapit kay Gian.
"Don't drink too much. May pasok ka pa bukas," he said over the music.
Oh, the irony. Yung isa, walang pakialam kung malasing ako habang yung isa naman, nililimitahan ako.
"I know," I sang. "Kaya ko pa."
Bigla akong may naalala kaya tumayo ako para tabihan si Kuya Andrei.
"Si Angelo pala nag-s-skydive?"
He nodded, smiling knowingly.
"Have you tried it before?"
"I have. Why?"
"Inaya niya kasi ako. Try ko raw."
Kuya cocked his head. "Gusto mo ba?"
"Sana? Mukhang masaya kasi. Ayaw mo ba?"
Tumango siya. "Sige. I'll talk to Geon."
Nanlaki ang mga mata ko. Hoshet. "For real? Papayagan n'yo 'ko?"
"Oo naman. I trust Geon," he said simply.
"Yie! Thanks, Kuya! You're the best!" I hugged him out of happiness.
"Oy, oy. Sali ako d'yan!" Sumiksik sa pagitan namin si Mathev para makiakbay at kumuha ng selfie.
Ilang shots ang kinuha niya na nag-end up sa pagsali rin ng iba pa naming mga pinsan.
Habang lumalalim ang gabi, lalong nagiging magulo ang mini party namin. Tawa ako nang tawa sa mga ginagawa nina Kuya Onyx. They were dancing a Korean viral song at vinivideo-han na 'yon ngayon ni Kuya Nick.
Nilabas ko ang cellphone ko para kumuha ng ilang pictures. After several shots, a message popped in my screen.
Unregistered:
About earlier, I meant what I said. I hope you think it over.
Me:I don't understand. Why are you doing this?
I had to ask that. This was a dangerous game he was playing, and I really didn't understand what he was trying to get from this.
Was he trying to get even with my brothers, gano'n ba? Katulad ng kinatatakutan nina Kuya Onyx? Alam naman kasi niyang magkakagulo if ever may makaalam.
O gusto niya lang ba talagang ayusin ang samahan namin-dahil sa ayaw man o sa gusto ko, undeniable naman na may connection na kami?
Argh. So confusing.
Dumating si Tita Paula para ligpitin ang ibang mga plato. Para mawala ang iniisip ko, tumayo ako para tumulong sa kanya. Sinundan ko siya papasok ng bahay.
"Anong plano mo sa debut mo? Malapit na 'yon, a?" sabi ni Tita nang makapasok kami sa kitchen.
I placed the plates to the dishwasher and turned back to her. Tita was a real beauty. Petite but really toned with her hourglass figure. Mapungay at malambing din ang mga mata, na namana ng kambal sa kanya. Her cheeks are also naturally pinkish, dala na rin siguro ng pagiging part American and Japanese niya.
Sumandal ako sa kitchen island at pinusod ang buhok ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng init dahil sa mga nainom.
"Wala po, Tita. Baka mag-aya na lang ako ng out-of-country trip. Parang gusto ko pong magpunta ng Seoul kasi."
She looked disheartened. "Ayaw mo ng party?"
"Ayaw ko po sana." Sanay naman kasi ako sa parties. Gusto ko namang maiba.
"Nako, don't do that, Javee. Ikaw lang ang tanging babae sa inyong magpipinsan. Paramdam mo naman samin ang um-attend ng debut?"
"Ano 'yon, Ma? Debut?" singit ni Mathev na pumasok pala ng kitchen para kumuha ng tubig sa ref. He stared at me in curiosity. "Ow? Mag-de-debut ka? Mag-eighteen ka na pala?"
"Ano akala mo sa 'kin, baby pa rin?"
Tita Paula shook her head. "Itong batang 'to, napakatsismoso."
Ngumisi lang si Mathev. Binalik niya ang tubig sa ref at nilapag sa sink ang baso.
"Sabagay, malapit na nga. Mabilis lang ang panahon. 'Di mo mamamalayan, February na pala."
"Basta kung matuloy 'yan, kasama ka sa 18 roses ha," sabi ko.
He gave me a funny face. "Pwede bang hindi? Tss." Naging seryoso ang mukha niya. "Magiging eighteen ka na pala. Legal na legal na, a."
Tita Paula piped in, smiling teasingly, "Pwede nang magka-boyfriend, 'no."
"Boyfriend," Mathev repeated with a snort. "Wag ka nga, Ma. Bata pa 'yan."
"Napaka-protective mo. Daig mo pa Tito mo."
Gusto ko sanang gatungan yung sinabi ni Tita. Na nagka-boyfriend na 'ko noon kahit hindi pa ako eighteen but then I didn't wanna ruin Mathev's mood by bringing up Rohann's name kaya 'wag na lang.
"Tell him, Tita. Lahat sila ganyan," sabi ko na lang.
Mathev chuckled heartily. "Natural lang. Nag-iisang babae 'yan. Dapat alagaan."
Ginulo niya ang buhok ko at lumabas na pagkatapos kumuha ng panibagong bote ng Jack Daniels sa cupboard nila.
"He's got a point there," Tita commented thoughtfully. Tumingin ulit siya sa 'kin. "But really, consider it. Once in a lifetime event ang debut. Pag-isipan mong mabuti kung ayaw mo talaga. And just in case you decide you want it, let me know. May kilala akong magaling na organizer."
Tumango ako. "Kakausapin ko na lang po muna si Mom. Bahala na siguro?"
She smiled. "Alright." She added, "And I like you right now, Javee. Blooming ka. Ganyan na ganyan ang hitsura ko nang bago pa lang kami ng tito mo. Iba talaga kapag may special someone, ano?"
Kulang na lang bumagsak ang panga ko sa sahig sa sobrang gulat sa sinabi niya. Uminit ang mga pisngi ko habang si Tita naman tumatawang umalis ng kitchen.
Special someone? Saan nanggaling 'yon? Was I really that transparent?
"Javee, why are you so red?" natatawang tanong ni Kuya Paul nang madatnan akong tunganga. "Lasing na?"
I hurriedly composed myself.
"Slight," I lied smoothly.
Kumuha ng yelo si Kuya mula sa ref nila. Inakbayan niya ako at nagpatianod ako nang itulak niya ako palabas ng kitchen. Tumango lang ako kay Tito Matthew na nanonood ng TV sa sala kasama si Tita Paula.
Bumalik kami sa mga nagkakatuwaang pinsan ko. Umiinom at nagkakantyawan sina Kuya Nick, Kuya Andrei, Gian, at Kuya Onyx habang naglalaro na pala ng basketball sa mini court sina Mathev at Kuya Jacob.
"'Yan ka na naman, Mathe. Naduduwag ka na naman," malakas na asar ni Gian.
Lutang akong umupo sa tabi ni Kuya Andrei kaya matagal pa bago ko nahabol ang pinag-uusapan nila.
"Duwag? Fuck you, dude. May kanya-kanya lang tayong style."
"Anong style? Oppa gangnam style?" hirit ni Kuya Jacob na nagpatawa sa lahat.
Malakas na binato ni Mathev ng bola si Kuya Jacob, which he caught with ease.
The boys laughed. Kahit ako napatawa sa kalokohan nila.
This time, lumipad papunta kay Kuya Onyx ang bola. Nasalo rin niya 'yon at agad binato pabalik kay Mathev na shinoot 'yon sa ring.
Tumunog ang cellphone ko at notification na naman mula kay Racel 'yon.
Unregistered Number:
Why do you think?
Humataw ang puso ko. Simpleng tanong lang but the possibilities behind and beyond that question were endless.
Napatunganga ako, pondering if I should even answer. Hanggang ngayon kasi palaisipan pa rin sa 'kin ang mga ginagawa niya. How was I supposed to answer that?
At hindi ko pa nga alam kung ano ba talaga ang stand ko. Gusto ko siya, oo. Pero hindi ako sigurado kung totoo bang gusto ko siya o nacha-challenge lang ako sa sitwasyon namin.
Hindi ko rin alam kung ano ang totoo sa kanya.
Could he be trusted? Could I trust him?
As I see it, there were two sides of him. The Racel that my brothers hated and the Racel that showed me nothing but pure consideration, the one Christelle told me about.
The big question here was: ang lalaking nakilala ko ba, totoo o pakitang tao lang?
"Huy, Jav. Busy-ng busy talaga. Stop focusing on your phone nga."
Napaangat ako ng tingin kay Kuya Onyx. That ever present perfect smirk on his face almost gave me goosebumps.
Dali-dali kong tinago ang cellphone ko. Hindi na muna ako magre-reply dahil 'di ko rin naman alam ang isasagot.
Right now, Racel was proving to be a big puzzle that I couldn't figure out. Alam ko sa sarili ko na 'di ako dapat magpadalos-dalos sa gagawin ko, so that night, I made a decision.
To wait and see.
Check kung sino ang dapat paniwalaan.
Weigh out kung ano ang dapat kong gawin.
I'd do what I do best, and that's to decode the biggest mystery named Racel Gutierez.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top