Chapter 9

"Ano yang pinapanuod mo, Cel?"

Tumingala si Celeste at tinanggal iyong suot niyang earphones.

"Interview video ng mahal—" she cleared her throat and spoke slowly this time. "Interview ni Ravi. Iyong sinasabi ko sa iyong singer?"

Tumango ako, naalala iyong pinarinig niya sa akin. Sikat na pala siya, huh? He deserves it. His songs are heartwarming and at its best, can change your life if you read between the lines. Alam kong palaging nagbibiro si Celeste pero itong paghanga niya kay Ravi, it is more than how he looks but also how he writes his songs.

"Ka-edad lang natin 'to! Grabe talaga... siya na ang favorite ni Lord! Gwapo na, talented pa!"

Hinayaan ko siyang magkwento nang magkwento tungkol kay Ravi hanggang sa mag-ring ang bell para sa first period namin. Pagsapit ng lunch, sumama ulit si Celeste sa dati niyang mga kaibigan. Si Ivo ay naroon din sa kabilang classroom para samahan si Lulu kaya kami nalang ni Avery, Karlo, at Yari ang magkasama.

"Kailan ba sila magbabati, Raya?" Avery moaned, looking so sad. "Miss ko na sila..."

I bit my lower lip and nodded. "Ako rin..."

"Hayaan muna natin sila, lilipas din yan..." si Yari naman pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha.

Lumipas ang mga araw na halos hindi na kami nagsasama pito at sa totoo lang, nalulungkot talaga ako. Hindi naman ako katulad ni Ivo na may kaibigan sa bawat classroom, o ni Lulu na kilala lahat ng officers sa student council, o ni Celeste na may mga kaibigan sa elementary at kasama pa rin ngayon, o ni Avery, Yari, at Karlo na nakikisalamuha sa kapwa niya third years. Sila lang ang meron ako. Pag wala sila, mag-isa lang ako. I'm still trying to form deep friendships with other people and I am devastated to see it slowly crumbling down because of a simple misunderstanding.

As if it couldn't get worse, something bad happened the following week. Pumutok ang balitang hindi daw inaprubahan ng principal iyong pinakolekta na pera ng student council sa mga estyudante. Halos lahat kami ay nakapagbayad na. When the SSG president was interrogated about it, he admitted using the funds for his personal beach trip. Galit na galit ang mga estyudante sa kaniya, pati na rin kay Lulu na siyang nangolekta ng pera.

"Grabe, ang yaman na nina Luanne tapos mangungurakot pa!"

"Ay beh, baka yun ang galawan ng tatay niya sa Malacañang! Impossible namang ganun talaga sila kayaman eh bodyguard lang naman siya!"

I clenched my fists in anger while listening to the conversation of girls from other section. Tapos na ang P.E. namin kaya nagbibihis ako ng uniporme sa loob ng cubicle.

"Balita ko kasabwat daw sila ng president?"

"Hindi ko alam, wala naman siya dun sa pictures! Pero baka nga! Siya yung nangolekta ng pera, eh,"

I stepped out of the cubicle and stared at them. Napatingin naman sila sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"May problema ka?"

Binuksan ko ang bibig para magsalita, para ipagtanggol si Lulu at sabihing wala naman siyang ideya sa nangyari. Gusto ko silang pagmumurahin at batuhin ng masasamang salita gaya ng ginagawa nila pero hindi ako ganun. I've never confronted someone in my entire life. It's the last thing I would do... even if they see it as my weakness.

Umiling nalang ako at puno ng sama ng loob na lumabas ng C.R.

"Tahan na, Lulu, hindi mo naman kasalanan yun..." alo sa kaniya ni Avery.

Mas lalo pang sumama ang pakiramdam ko nang makita ko si Lulu na umiiyak pagpunta ko ng classroom nila. None of her classmates believed that she was involved. They know her too well. Pero iyong ibang estyudante, automatic na idinadawit ang pangalan niya dahil pirma niya naman ang naroon sa resibo.

"I'm just going to step down from the position..."

"Lulu, bakit ka bibitiw?!" I could hear the frustration in Yari's voice. "Ugh! Wala ka namang ginawang kasalanan! Nadamay ka lang... at kapag bumitiw ka, mas lalong iisipin ng mga tao na guilty ka!"

"At this point I couldn't care less of what they think of me. I've already been judged."

"Pucha naman," rinig kong bulong ni Ivo. Alam kong frustrated na din siya pero wala kaming magawa kundi damayan lang si Lulu. Lumapit ako at niyakap siya. Hindi ako nagsalita. I think she already heard what she needs.

Nang bumalik kami sa classroom namin ni Ivo, walang nagsasalita sa aming dalawa. He's best friends with Lulu. Alam kong siya ang pinaka-nasasaktan sa mga nangyayari. Ayaw niya iyong nakikitang nahihirapan din dahil sa kasalanang hindi naman ginawa.

"Si Lulu... kumusta?" bulong sa akin ni Celeste pagka-upo ko.

I sighed. "Umiiyak pa rin."

Nakita ko ang mabilis na pagkuyom ng mga kamao niya pero wala na siyang ibang sinabi. Yari had already convinced her to remain in the position and we will all just wait for things to calm down. Eventually, students would forget about what happened and Lulu will be able to retain her position as the student council treasurer. Hindi nga lang ngayon dahil masyadong malaking issue iyon at alam kong matatagalan. Until then, I hope she can withstand it.

Sa mga sumunod na araw ay walang tigil pa rin ang isyu na iyon sa student council. Naglabas na rin sila ng official statement at pinatalsik iyong president namin. The vice president stepped up to the position. Pinag-uusapan na rin ng principal namin kung paano maibabalik ang pera ng mga estyudante.

"Ang kapal din ng mukha, 'no? Nakukuha pang pumasok ng school pagkatapos magnakaw ng pera."

"Oo nga, hindi ata tinatablan ng hiya! Sana all PSG head ang tatay! Nasa lahi siguro ang pagiging magnanakaw, beh."

Mabilis kong hinablot ang braso ni Celeste dahil narinig naming dalawa iyong pinag-uusapan ng dalawang fourth year at akmang susugurin niya ito sa cafeteria habang nakalinya kami. Celeste harshly pulled her hand away and grabbed the collar of one of them. Sa sobrang gulat niya ay nabitawan niya ang hawak na tray at natapon doon sa sahig ang pagkain niya.

"Anong sinabi mo?! Gago ka ba?! Nadamay lang si Luanne dito, ah! Bakit mo siya pinagsasabihan na magnanakaw?!"

The fourth year was stunned at first but eventually, she got embarrassed and got mad at Celeste.

"Bakit? Kaibigan mo? Pinagtatanggol mo yung magnanakaw?" ngumisi siya nang sarkastiko na mas lalong ikinainit ng ulo ni Celeste.

"Hindi siya magnanakaw! Kaya ka niyang bilhin kung gusto niya, alam mo ba yun?! Talagang naipit lang siya!"

"Talaga? Eh bakit hindi siya ang magbayad sa nawalang pera total sobrang yaman naman?"

"Anak ka ng—"

"Celeste..." lumapit na ako at pilit na kinuha ang kamay niya palayo dahil sasabunutan na niya iyong fourth year. Alam kong madadala siya sa guidance office nito at wala siyang kalaban-laban dahil siya naman ang nagsimula ng away.

"Hindi magnanakaw ang kaibigan ko, tangina ka! Bawiin mo yun!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, ah? Ba't ka affected?"

"Celeste..."

This time, it wasn't me. It was Lulu. Nanlalaki sa gulat ang mga mata niyang nakamasid sa amin. Agad na binitawan ni Celeste ang collar nung fourth year at napaluha na lamang.

"O, narito na pala yong magnanakaw..."

Hindi siya pinansin ni Lulu at nilampasan lamang. Hinila niya ang palapulsuhan ni Celeste at inilabas ito sa cafeteria. Nagdadalawang-isip ako kung lilinisin ko ba yung natapon na pagkain o susunduan sila. In the end, I followed them outside.

Umiiyak na si Celeste samantalang si Lulu ay kalmado na lamang. Binitawan niya rin ang kamay nito pagkarating sa may hagdanan sa gilid ng gym.

"Sorry..." Celeste sobbed. "Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Kung makapagsalita sila nang ganyan, eh hindi ka naman nila kilala! Nadamay ka lang sa gulo pero parang ikaw pa yung mas na-bully..."

Lulu sighed. "Wala na yung president sa student council, kaya maghahanap at maghahanap talaga ng masisisi ang mga estyudante. Eh nandito ako..." she laughed humorlessly.

"Ang kakapal din naman kasi ng mukha nila! Paano nila nasasabi yun?! Hindi naman nila alam ang buong storya, ah! Atsaka, nag-promise na yung principal na ibabalik ang pera kaya bakit ayaw ka pa ring tantanan?!"

Mas lalo lang siyang umiyak nang malakas kaya niyakap na siya ni Lulu. I stepped in and hugged her too. Alam kong hindi lang tungkol sa isyu ang iniiyak at hinihingi niya ng tawad.

"I'm sorry... sorry... h-hindi ko sinasadya...."

"I know, love. I know..." Lulu said soothingly, trying to calm her.

Ilang minuto kaming nagyayakapan at nag-iiyakan bago pa nahimashimasan si Celeste. Pinunasan niya ang mga luha at naupo doon sa bleachers habang si Lulu naman ay patago ding inaalis ang luha sa mga mata. I bit my lower lip and looked at them.

"Uhm... doon muna ako. Mag-usap kayo." Mahina kong wika at kaagad na umalis.

I'm sure Celeste have something to say to Lulu. Sana... sana ngayon, magka-ayos na ulit sila.

"Si Lulu?" nakasalubong ko si Ivo na tumatakbo at nag-aalala ang mukha. Narinig niya na ata ang nangyari sa cafeteria.

"Nasa gym..."

Tatakbo ulit sana siya pero bigla kong hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan ito. Napatingin kaagad si Ivo dun sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Para akong napaso, hindi lang sa tingin niya, kundi pati na rin sa naramdaman ko nang maglapat ang mga balat namin.

"Uh... kausap niya kasi si Celeste... b-bigyan muna natin sila ng time..." nauutal kong wika.

Ivo stared at me for a long time. Bumaba ulit ang tingin niya dun sa kamay na hinawakan ko saka tumango. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at naglakad na lamang. Sumunod si Ivo sa akin.

"Anong nangyari?"

I shrugged. "Wala... pero pakiramdam ko, magkakabati na ata yung dalawa." I said with a ghost of smile on my face.

Ivo stared at my face, making me feel conscious. Bumagal tuloy ang lakad ko at nawala ang ngiti sa mukha.

"Bakit?"

Umiling lang siya, pero nakangiti na.

"Wala... hinahanap ko yang ngiti na yan noong nakaraan pa. Buti naman binalik mo na..."

Uminit nang husto ang pisngi ko sa sinabi ni Ivo. Anong ibig niyang sabihin dun?! Hinahanap niya ang ngiti ko? Bakit? Masyado na ba akong affected sa mga nangyayari kina Celeste at Lulu na hindi ko magawang ngumiti?!

Binilisan ko nalang ang paglalakad dahil sobrang nahiya ako sa sinabi niya at nauna sa classroom. Hindi ako nag-alala na um-absent sa afternoon classes namin si Celeste. Pakiramdam ko ay gayon din si Lulu. Magkasama nga silang dalawa nang makita namin sila pagkatapos ng klase, kumakain ng betamax sa labas ng school.

"Anong nangyari?! Bati na kayo?!" masayang-masayang wika ni Avery, nakasunod sa kaniya ang kambal. Kulang nalang ay magtatalon ito sa tuwa nang makitang magkasama ang dalawa.

Lulu smiled widely. "Tara, libre ko kayo sa isawan..."

Nagkatinginan ulit kami ni Ivo, nakangiti na sa isa't isa. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nangyari.

Sa sumunod na mga araw ay mas lalo akong naging busy sa pagpa-practice. Si Lenard na ulit ang madalas kong kasama kapag hindi kami magkakasama ng mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa niya rito?"

Tumingala ako at nakitang nakamasid pala si Lenard kay Ivo. Sinundan ko naman ang tingin niya. Kausap niya ngayon ang ibang officers at nagbibiruan pa sila. Most of them are girls.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko pa siya nakikitang naglalaro, ah? Marunong ba yang mag-chess?" may bahid ng iritasyon ang boses ni Lenard.

I shrugged. "Mas magaling sa surfing si Ivo."

"Eh bakit siya narito? Officer pa!"

Natigilan ako. I felt the need to defend Ivo but I'm not sure what to say. Ginalaw ko iyong queen ko.

"Magaling naman siyang treasurer, diba? Nakakatulong siya sa club."

"Hindi. Nagdadala lang siya ng mga babae rito." Seryoso niyang wika at ibinalik ang tingin sa chess board.

Hindi na ako nakaimik pa at nakipaglaro na lamang. We've been friends for over a year already and I could see that even though chess is not something he is passionate about, he loves what he's doing. Pinapakinggan rin naman kasi siya ng mga club members namin. Minsan, siya pa ang nagsasalita sa harapan dahil mahina ang boses ng president namin.

"Di pa kayo uuwi? Ang seryoso niyo, ah!" puna sa amin ng club president nang makitang nag-a-arrange ulit kami para sa panibagong laro.

"Last na 'to, Pres..." nakangiting wika ni Lenard. "Kami na ang maglilinis dito."

Tumango siya at ibinilin sa amin ang susi ng classroom. Malapit nang mag-alas singko at kami nalang dalawa ni Lenard ang naiwan. Pwede naman akong ma-late nang kaunti ngayon dahil nakapamalengke na kahapon at magluluto nalang ako pagdating sa bahay.

"O, kapag ganyan ang next move ko, anong gagawin mo? Iyong pinag-usapan natin kanina..."

I nodded and tried to strategize against his next move. Lenard is lending so much of his knowledge and I should be grateful for it. Kaso, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Ivo. May nagawa ba si Ivo sa kaniya? Mukha siyang galit, eh.

Natagalan pa kami dahil andaming itinuro sa akin ni Lenard. Naglinis din kami ng classroom at ini-lock iyon. Siya nalang daw ang magdadala ng susi dahil maaga siya bukas. Tumango ako at nagmamadaling pumunta ng gate. Hindi ko alam kung natanggap ba ni Sonny ang text ko kanina na sunduin si Selena kasi hindi naman siya nagre-reply! Balisa tuloy akong naghahanap ng tricycle na masasakyan patungo sa elementary school.

"Ate!"

Napalingon kaagad ako dahil boses iyon ni Selena. She's walking with Ivo holding her hand. Sa kabilang kamay niya naman ay ice cream. Malawak siyang nakangiti at namumula pa ang pisngi dahil sa panghapong init.

Kaagad ko silang nilapitan, naguguluhan.

"Nagkita kami ni Sonny kanina, pinakiusapan akong sunduin si Selena dahil may basketball practice daw siya..." paliwanag naman ni Ivo habang inaabot sa akin ang kamay ni Selena.

Napasapo ako sa noo dahil sa kahihiyan. Ang kapal naman talaga ng mukha ng kapatid ko! Hindi ba siya tinutubuan ng hiya? Mukhang busy pa ang tao at talagang siya ang pinasundo kay Selena!

"Salamat..." mahina kong wika at umupo sa harapan ni Selena. Kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko at pinunasan ang bibig niya dahil may ice cream na din doon.

"Ngayon pa lang kayo natapos?" sumulyap saglit si Ivo sa orasan niya, nagtataka.

I nodded. Bumalik na naman ulit sa isipan ko iyong sinabi sa kaniya ni Lenard. I couldn't tell it to him. Para saan pa? Sapat nang dinepensahan ko siya kasi sa labas, ito nga talaga ang nakikita ng mga tao. Ivo is just using his looks to his advantage, that he has no real talent. May talent naman talaga ang lalaki, kaso hindi nga lang sa chess. Hindi naman siguro kasalanan na sumali siya sa club at naging officer, diba?

Nagpaalam na ako kay Ivo at sinundo muna si Sonny sa gym dahil hindi na ata siya uuwi at magba-basketball nalang magdamag. Nagrereklamo pa siya nung pinagalitan ko tungkol sa ginawa niya.

"Bakit naman ate? Eh willing to volunteer siya, eh!" nakasimangot na siya ngayon.

"Kung maka-utos ka, ah! Nakakahiya sa tao!"

"Ayos lang, Ate. Kahit anong iutos ko, susundin ni Kuya. Nagpapalakas yun sa 'yo, eh!"

Parang gusto ko nalang ibulsa si Sonny sa dami ng lumalabas sa bibig niya! Sinamaan ko siya ng tingin at pinagalitan ulit na huwag nang gagawin iyon! At ano raw ang sinabi niya? Nagpapalakas sa akin? Parang ewan naman!

Mabilis din na lumipas ang mga linggo at namalayan ko nalang na naglalaro na ako para sa regional competition. Kasama ko si Lenard, siyempre, at walang humpay ang pagtuturo niya sa akin kung anong dapat gawin para manalo kami. Um-oo naman ako at sinubukang alalahanin ang mga sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero kasama din namin si Ivo at ang president namin. Wala iyong vice. Siguro ay siya ang pumalit? Kailangan kasi ng at least dalawang officers na mag-a-assist para sa mga regional players katulad namin.

Medyo kinakabahan ako ngayon dahil hindi tulad ng dati na kami-kami lang ang naglalaro. Ngayon, may mga manunuod na. Parang gusto ko nang mag-back out. Alam kong map-pressure lang ako sa mga titig nila at hindi ako makakapaglaro nang maayos.

"Ayos ka lang?" bulong sa akin ni Lenard. Ramdam niya ata na tense na ako.

Tumango lang ako at walang sinabi saka kinuha iyong ballpen at papel para sa akin. Itinuro ng isang staff yung table para sa first game ko. Nagpunta naman ako roon at inilapag iyong papel ko.

Nang magsimula na ang timer ay pilit kong itinuon ang atensyon ko sa chess board. Iyong opponent ko ang may hawak ng white pieces kaya siya ang first move.

Lenard told me about doing gambits in chess, and this is what we've been practicing non-stop since I won the interschool competition. I had to sacrifice a lot of my pieces so I can do a tactic over my opponent. Mas nakaka-pressure lang dahil nagsasaya na kaagad ang mga ka-schoolmate nung kalaban ko habang nauubos ang mga piece ko.

I took a deep breath and stared into the chess board. She had only lost three pawns so far. Pilit kong inalala kung ano ang dapat kong gawin pagdating sa puntong ito.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakamasid pala si Ivo sa akin. My heart started beating faster again. He held up a two thumbs up.

"Good luck..." he mouthed.

Namumula tuloy ang pisngi kong ibinalik ang tingin sa chess board. In the end, I forced a checkmate against my opponent with just a bishop and two knights. Nagsaya naman ang mga schoolmates ko nang malamang panalo ako sa first round. Mas dumoble pa ang excitement nila nang tumayo din si Lenard at alam kong panalo siya.

"Tubig?"

Napatingin ako kay Ivo na inaabutan ako ng malamig na bottled water. Kanina pa ako nauuhaw kaya tinanggap ko agad iyon.

"Gutom ka ba? Gusto mong kumain muna—"

"Tara, Raya, mag-practice ulit tayo..."

Hindi na ako nakasagot kay Ivo dahil hinila ni Lenard ang palapulsuhan ko at dinala ako sa isa sa mga bakanteng classroom. Sa totoo lang, gutom ako at bahagyang nahihilo na. Ayokong mag-practice sa kalagitnaan ng laro dahil mas lalo lang akong map-pressure mamaya.

"Ang galing ng ginawa mo kanina, ah? Natututo ka na talaga..." ani Lenard habang naglalabas ng chess board.

I bit my lower lip and sat across him. I shouldn't be rude. Baka gutom din siya pero mas pinipili niyang turuan ako kaya naman dapat lang na makinig ako at mag-focus sa mga sasabihin niya. We spent our entire lunch time practicing before we were asked to go back to the hall.

Inubos ko nalang ang tubig na binigay sa akin ni Ivo para hindi ko masyadong maramdaman ang gutom at naupo na doon sa assigned table ko. Mas dumami ata ang tao ngayon dahil last game na. I tried my best to focus but I couldn't as the crowd keeps on getting thicker and thicker.

Sa huli, hindi ko nairaos ang regional competition. Si Lenard ang nanalo at siya na ngayon ang representative ng Elyu para sa national competition. May iba na din siyang team mula sa ibang school na nanalo rin. Hiyang-hiya ako sa mga officers ng club dahil alam kong ginastusan talaga nila ang pamasahe at pagkain namin rito tapos si Lenard lang ang nakapasok.

"Raya..."

I turned and saw Ivo. Gusto kong tumakbo paalis kasi nahihiya pa rin ako pero hindi ako gumalaw at hinintay na maabutan niya ako. Akala ko kukulitin niya lang ako tungkol sa laro pero wala siyang sinabi tungkol dun. Sa halip, inabutan niya ako ng sandwich.

"Ano 'to?"

"Sandwich. Hindi ka pa nagla-lunch, diba?"

Tumango ako nang marahan at tinitigan iyong ibinigay niya sa akin. Inaya ako ni Ivo na maupo dun sa bleachers ng host school. Hihintayin pa naming matapos ang laro ng volleyball at basketball para sabay-sabay na kaming makauwi.

"Talo ako..." hindi ko na rin napigilan ang sarili kong ibulong yun sa hangin pagkatapos kong kumain. I sighed heavily and stared into a tree nearby.

"Ayos lang, may next time pa."

"Baka hindi na ako maglaro next intrams," pag-amin ko.

"Huh?! Bakit naman?! Ang galing mo kaya! Sayang ang talent mo."

I thought about my little sister again. Alam kong palagi na akong nali-late na sunduin siya at nagti-tiyaga lang siyang hintayin ako sa eskwelahan nila. Si Sonny naman, hindi maasahan na sumundo dahil palaging may laro.

"Hindi ko alam, walang susundo kay Selena, nagi-guilty ako."

Tumahimik si Ivo sa sinabi ko. I know he's an only child, and he's been sheltered all his life based on the Lulu's childhood stories about him. Natutuwa lang ako na kahit papaano, naiintindihan niya ang sitwasyon ko... kahit hindi siya panganay o breadwinner sa kanila.

"Gusto mo ako nalang ang magsundo kay Selena next year?"

Gulat akong napatingin sa kaniya. Napaka-kaswal niya kasi iyong inalok na para bang hindi ito malaking responsibilidad!

He shrugged. "Close na din naman sa akin ang bata, kaya okay lang. Para makapag-practice ka pa..." umusog siya nang konti para silipin ang mukha ko. "Nakaabot ka na dito, eh. Ngayon ka pa ba hihinto?"

Hindi ako nakasagot kay Ivo dahil tinawag na din kami ng mga kasamahan namin. Our club president hugged me and told me I did great today. Si Lenard naman, tinapik ako sa balikat at sinabihang gusto pa niya akong makasamang maglaro next year. Pinasalamatan ko silang lahat. Bago kami umuwi ay trineat pa kami ng president namin sa isang restaurant kaya ginabi na din ako.

Hindi na ako kumain at pinagluto nalang ng hapunan ang mga kapatid ko pagkarating sa bahay. Tumawag din si Mama at gustong makipag-video call sa mga kapatid ko. Medyo natagalan siya ng tawag sa amin kaya agad kong pinagbigyan at ibinigay kay Selena ang cellphone.

"Nakuha mo ba yung bag na ipinadala ko, Sel?" rinig kong tanong ni Mama. "Mickey mouse ang design nun! Favorite mo, di ba?"

"Si Rapunzel po ang favorite ko, Mama." Her tiny lips formed a thin line as annoyance spread on her face.

"Talaga? Hindi ba Mickey Mouse?"

Hindi siya sinagot ni Selena at nagpatuloy lang sa ginagawa niyang pagkukulay dun sa assignment niya kaya si Sonny nalang ang kumausap kay Mama pero agad ding ibinalik kay Selena.

"Who's that, Mama?"

"That's Selena! Say hello, anak!"

Napatingin ako kay Selena na nakasimangot at nakatutok lang sa cellphone. Sumilip ako dun at nakitang nakakandong pala sa kaniya iyong inaalagaan niyang anak ng Amerikano. Babae din yun at ka-edad lang ni Selena.

"She's your baby?" tanong ng bata.

Tumango naman si Mama na nakangiti. Mayamaya pa ay biglang umiyak iyong alaga niya.

"No! I'm your baby, right? I'm your only baby, right?"

Nag-panic kaagad si Mama habang si Selena ay halos hindi na makatingin sa screen ng phone. Kinuha ko iyon mula sa lamesa at planong putulin nalang ang tawag.

"Ssh, Taylor, you're my only baby, okay? Don't cry—"

Agad kong in-end ang tawag pero alam kong narinig iyon ni Selena. Hindi nalang siya nagsalita at pinagpatuloy iyong ginagawa niya. Hindi rin ako makapagsalita. I wanted to comfort her but I don't know the words to say. Gusto kong magpaka-Ate sa kaniya sa oras na ito pero wala akong maisip na pwedeng sabihin kasi sa totoo lang... nasasaktan din ako.

Iyong batang iyon, mas nasaksihan pa ni Mama ang paglaki niya kesa sa amin. Mas mataas pa ang panahon na kasama at inaalagaan niya ang anak ng iba kesa sa amin. Ni hindi nga niya alam ang favorite character ng sarili niyang anak. Gusto ko nalang maiyak.

Pagkatapos nilang kumain at nakapaglinis ng ako ng kusina, hinintay ko si Papa na makauwi. Alam kong may nangyayari sa kanila ni Mama pero ayaw niyang sabihin sa akin. Siguro natatakot siya na baka dumagdag pa ito sa mga iniisip ko.

"Kumusta, Pa?" tanong ko habang ipinagsasandok siya ng kanin.

"Matumal ngayon, eh," he sighed and looked at the table. Parang may kinukurot na kung ano sa puso ko dahil sa mukha niya. "Pero ayos lang, nakakapag-ipon pa rin naman ako. Nakapag-isip ka na ba kung anong gusto mong kunin na kurso sa college? San ka mag-aaral?"

I bit my lower lip before answering. Matagal ko na itong pinag-isipan at ito lang talaga ang gusto ko. Malamang kasama na din ito sa pangarap kong makaalis sa lugar na 'to.

"Sa UP po, Mass Communication sana..."

"UP...?" medyo nag-aalangan si Papa. "Eh di lilipat pala tayo ng bahay?" tumawa siya upang pagtakpan ang dumaang kalungkutan sa mga mata niya. "Mahal ba d'yan, anak? Magkano daw ang tuition?"

"Libre po dun..." mahina kong wika.

Tumango naman si Papa. "Sige, gagawan natin yan ng paraan. Matulog ka na, ako na ang maghuhugas ng plato dito."

Nag-aalangan pa ako pero tumango nalang din ako at pumasok sa kwarto ko. Wala kaming aircon kaya kahit madaling araw na, mainit pa rin kaya binuksan ko ang bintana at tumitig sa madilim na bakuran namin.

I live in a town near the ocean, and the waves will remind me once again of the changes in my life. Between me and the ocean is my dream... but I still feel like it's out of my reach.

-

#HanmariamDWTWChap9

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top