CHAPTER 5

CHAPTER 5

Neil's POV

"Maiwan na kita dito," sabi ko kay Apple pagkadating namin sa tapat ng opisina ni Sir Kenji. Tinanguan niya lang ako bilang tugon.

Nagtunggo na ako sa classroom kahit maaga pa. Sa sobrang excited ni Apple, napaaga ang pasok namin. Hindi ko nga alam kung nandoon na ba si Sir Kenji dahil masyado pang maaga.

"Morning," bati sa akin ni Primo pagkapasok ko. Himala, maaga yata sila ngayon?

"Morning," tugon ko sabay upo. Kahapon ko pa napapansin na kakaiba ang kinikilos nila. Masyado silang friendly lalo na kay Apple. Kinuha ko libro ko.

"Kuya, hindi ako makakasabay sa inyo mamaya. May date ako," paalam ni Twain habang hawak-hawak ang cellphone. Napatingin siya bigla sa akin kaya agad ko binuksan yung libro ko.

"Gumana nanaman ang pagiging playboy mo. Porket wala si Daddy," komento ni Seven.

"Minsan lang naman ito. Kayo ba uuwi agad?"

"Pupunta ako kay Tito Phoenix," tugon ni Hexa.

"Ako kila Cali," sabi naman ni Seven.

"Ikaw Quinn?" tanong ni Primo sa kanya.

"Dadalawin ko sila lola," sagot ni Quinn.

"Sabay na tayo. Pupunta din ako doon," sabi naman ni Trace.

"Dalawa na lang kami ni kuya na walang plano," sabi ni Quade

"May plano ako. Gusto mo sumama?" tanong ni Primo.

"Sige. Wala naman ako gagawin," tugon ni Quade.

"Ikaw ba Neil, ano plano mo? Kanina ka pa nakikinig sa amin," tanong bigla ni Trace sa akin na ikinagulat ko.

"Mag-aaral sa bahay," sagot ko.

"Boring naman. Wala ka bang alam maliban diyan? Wag mo sabihin na hindi mo pa nanaranasang gumala bago umuwi?" komento ni Quade.

"Naranasan na niya yun kahapon. Kasama pa niya si Apple. Wala ba kayong lakad ngayon?" sabi naman ni Twain.

Bakit ba napunta sa akin bigla yung atensyon nila?

"Wala. Diretsong uwi kami sa bahay," tugon ko.

"Eh? Nakatira siya sa bahay niyo?" tanong bigla ni Quinn. Tinanguan ko siya.

"Kaano-ano mo ba si Apple?" tanong naman ni Trace.

"Pinsan," pagsisinungaling ko.

"May paparating," sabi bigla ni Quade. Agad sila nagsibalikan sa upuan nila at nagkunwaring abala sa kanya-kanyang gawain. Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga kaklase namin kaya hindi na mulinh nag-usap ang magkakambal.

"Neil!" tawag sa akin ng isang babae. Binaba ko ang hawak kong libro saka siya tinignan.

"Magkaklase tayo," masayang sabi niya.

"Umupo ka na sa upuan mo," turo ko sa inuupuan niya kahapon.

"Good Morning Apple," bati sa kanya ni Primo.

"Good Morning."

"Kinausap siya ni Primo. Close rin ba siya sa mga Hudson," rinig kong bulong ng babae nasa tapat ko.

"Baka binati lang siya. Hindi kaya mahilig makipag-usap si Primo sa iba. Saka swerte naman niya kung pati mga Hudson kaibigan niya."

Napailing na lang ako pagkatapos ko marinig ang bulungan nila. Bakit ba ang hilig nila pag-usapan ang iba? Hindi na lang sila manahimik at mag-aral. Mabuti na lang dumating na ang guro namin. Pinakilala niya muna si Apple bago magturo.

"Ms. Tee and Mr. Hudson, bawal matulog sa klase," sigaw ng aming guro nang makita sina Apple at Quade nakasubsob sa mesa.

"Yes Ma'am!" sigaw ni Apple sabay upo ng diretso. Habang si Quade tumingin lang sa blackboard. Muling bumalik sa pagtuturo ang aming guro.

"Ayoko na pumasok," sambit ni Apple sabay patong ng ulo sa mesa. Kakatapos lang ng klase namin ngayon umaga.

"Lunch break na. Tumayo ka na diyan," sabi ko sa kanya.

Matamlay itong tumayo sa mesa.

"Saan kayo kakain? Gusto niyo sumabay sa amin sa rooftop?" tanong ni Trace sa amin pagkatapos niya pumagitna sa amin at umakbay.

"Gusto ko din kumain sa rooftop. Neil, sabay tayo sa kanila," masiglang sabi ni Apple. Parang kanina lang ang tamlay niya.

"Okay," sagot ko na lang at tahimik na sumunod sa kanila. Hanggang ngayon nagdududa pa rin ako sa kinikilos ng mga Hudson. Alam ko na dahil kay Apple kaya sila lumalapit sa amin. Kailangan ko bantayan mabuti si Apple.

"Ano yan?" tanong ni Apple nang mapansin ang baon ni Hexa. Kahit na magkakapatid sila kapansin-pansin na magkakaiba sila ng baon.

"Apple pie, gawa ni Daddy. Gusto mo?" tugon ni Hexa. Tinanguan siya ni Apple kaya binigay sa kanya ni Hexa ang isang hiwa ng apple pie.

"Salamat," pagpapasalamat ni Apple sabay kain sa binigay sa kanya.

"Ang sarap. Ayan lang ba kakainin mo?" tanong ni Apple kay Hexa. Napansin niya siguro na wala itong kanin.

"Manghihingi din ako sa kanila ng pagkain," tugon ni Hexa.

"Hindi mahilig magkanin si Hexa kaya nagpapasubo na lang siya sa amin tag-iisang kutsara," paliwanag ni Primo.

"Ako na mauuna. Ate Hexa," sabi ni Seven sabay subo kay Hexa ng pagkain niya.

"Gusto ko din ng ganun. Neil, subuan mo din," inggit na sabi ni Apple.

Napaubo ako bigla dahil sa pagkasamid ko sa kinakain ko.

"Apple, may kamay ka kaya kumain ka na diyan," sabi ko sa kanya pagkatapos ko uminom ng tubig.

"Pero gusto ko rin magpasubo ng pagkain mo," aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Parehas lang tayo ng pagkain."

"Ako na lang magsusubo sayo," suhestiyon ni Twain.

"Sige," sagot agad ni Apple. Hindi man lang ito nagdalawang isip.

"Say ahh" sabi ni Twain sabay lapit ng kutsarang may lamang pakain kay Apple pero bago niya masubo yun inawat ko sila agad.

"Ako na magsusubo sayo," hila  ko kay Apple. Tinignan ko ng masama si Twain. "Layuan mo si Apple. Ayokong sugurin siya ng mga babae mo," turo ko sa mga babae na nakasilip sa may pintuan. Kahit hindi sila palakaibigan, kilalang playboy si Twain. Mahilig siya makipagdate sa babae pero never siya nakipagclose sa kanila.

"Alam ko iniisip mo na isasama ko si Apple sa mga babae ko. Mabuti ang intensyon ko sa kanya. Gusto lang namin makipagkaibigan sa inyo," tugon niya.

"Neil, narinig mo yan. Gusto nila tayo maging kaibigan," masayang sabi ni Apple.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan," inis na sabi ko. Para saan pa yung pakikipagkaibigan? Kapag naman nalaman nila na bampira kami, lalayo lang din sila.

Niligpit ko na ang pagkain ko kahit hindi ko pa ito ubos.

"Mauna na ako sa room," paalam ko kay Apple. Paalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Galit ka ba sa akin? Hindi na ako magpapasubo. Wag mo naman ako iwanan dito. Mas komportable ako kapag nasa tabi kita," pigil niya sa akin.

"Gusto mo sila maging kaibigan diba? Kung kasama mo ko hindi mo magagawa yun. Wala ako balak makipagkaibigan kahit kani-- bakit ka umiiyak?" tanong ko nang makitang lumuluha si Apple.

"Pinaiyak mo siya," komento ni Quade.

"Wala ako ginagawa sa kanya," tugon ko.

"Sorry," sabi bigla ni Apple sabay bitaw sa akin. Niligpit din niya ang baon niya.

"Pasensya na. Mauna na kami. Salamat sa apple pie," paalam ni Apple sabay alis.

"Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na sumama sa akin. Kung mo magkipagkaibigan sa kanila, hindi kita pipigilan," sabi ko habang nakasunod sa kanya.

"Neil... sorry kung napakamakasirili ko. Hindi alam na may masama ka pala karanasan sa pakikipagkaibigan. Ganun nga talaga  siguro no? Malabong nagkasundo ang katulad natin sa mga katulad nila na tao," aniya pagkatapos niya huminto sa paglalakad.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ko.

Tanda ko pa noong bata ako nakikipagkaibigan din ako tulad ng ibang  bata. Masaya ako na nakikipaglaro sa kanila pero dahil sa gutom ko kamuntik ko na sugurin ang isa sa kanila. Doon nila nalaman na bampira ako at mula nun tinurin na nila akong halimaw. Wala na gustong lumapit sa akin pati na din kay Mama. Hanggang sa isang gabi sinugod ang bahay namin at dahil  doon napilitan kami lumipat dito. Mula noon iniiwasan ko ng mapagkaibigan sa mga tao.

"Nung hawakan kita, nakita ko na lang bigla ang masamang alaala mo. Katulad mo may hindi din ako magandang karanasan sa tao. Nangyari yun bago ko kayo makilala. Siguro nga hindi ako dapat masyado lumapit sa kanila."

"Apple, Neil, ano ginagawa niyo dito? Kumain na ba kayo?" tanong bigla sa amin ni Sir Kenji. Lumabas ito mula sa science laboratory kung saan nakatayo kami sa tapat nito.

"Sir, ano po nangyari sa kamay niyo? Bakit dumudugo?" tanong ni Apple. Bigla ako napalunok nang makita ko ang dugo.

"Ito ba? Nahiwa ng cutter ko kanina," tugon nito.

Nag-umpisa manuyo ang lalamunan ko. Kailangan ko na umalis dito bago pa ako mawala sa sarili.

"Neil, ayos ka lang?" tanong bigla ni Sir Kenji sa akin.

"Yes sir. CR lang ako," paalam ko saka nagmadaling pumunta sa cr.

Hinihingal akong pumasok sa loob. Hinanap ko ang dala kong inumin  sa bag pero wala ito dito.

"Siyet. Nakalimutan ko sa rooftop" inis na sabi ko nang maalala kong nilabas ko yung lalagyan ko. May narinig akong yapak palapit sa may pinto kaya naman agad ako nagtago sa cubicle. Habang tumatagal mas tumitindi ang kagustuhan kong uminom ng dugo.

Sumilip ako sa tinataguan ko at nang makita kong wala ng tao agad ako lumabas. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Cali na papasok sana sa cr ng mga babae.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka yata?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa leeg niya.

"Bakit nakatali buhok mo?" inis na tanong ko.

"Huh?" nagtatakang tanong niya.

"Siyet. Hindi ko na kaya pigilan. Sorry," sambit ko sabay hila kay Cali papasok ng cr ng lalaki. Agad ko nilock ang pinto saka siya sinandal dito.

"N-neil, ano ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya. Tinakpan niya ko ang bibig niya.

"Wag ka maingay," bulong ko sa tenga niya bago siya kagatin. Nakakapagtaka na hindi man lang ito kumilos pero huli na para tumigil ako.

Isang malakas na katok ang nagpatigil sa akin. Doon lamang ako tinulak ni Cali.

"Neil, nandiyan ka ba?" sigaw ni Primo mula sa may pintuan.

"Sandali. May naamoy ako," rinig kong sabi ni Quade.

"Amoy dugo ni Cali. Galing  dito sa loob," sabi naman ni Twain.

Napatingin ako kay Cali nang mataranta ito bigla. Tinakpan niya ng panyo ang parteng kinagatan ko.

"Bubuksan ko yung pinto," sabi naman ni Trace. Nagkatinginan kami ni Cali, nag-umpisa na din ako kabahan na baka malaman nila ang sikreto ko.

Napatingin ako sa may lock ng pinto nang umangat ito. Senyales na nabuksan nila ang lock. Bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Twain. Tinignan nila ako ng masama.

"Ano ginawa mo kay Baby Cali namin?" tanong ni Twain sa akin. Lumapit si Quade kay Cali saka nito inalis ang kamay na tumatakip sa leeg nito. Mabilis niya ako kiniwelyuhan nang makita niya ang kagat ko.

"Kuya Quade, wag!" pigil kanya ni Cali bago ako masuntok. Niyakap niya mula sa likod si Quade upang pigilan ito.

"Twain, Quade, huminahon lang kayo. Ang importante ligtas si Cali. Naiwan mo ito kanina," kalmadong sabi ni Primo sabay abot ng lalagyan ko ng dugo.

Alam ko na alam na nila ang sikreto ko pero bakit iba ang reaksyon nila sa ibang nakaalam na bampira ako?

Itutuloy..



















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top