Teaser
MAHAL ni Farah ang trabaho niya bilang pulis. Gusto niyang sundan ang yapak ng yumao niyang ama na dating opisyal ng pulis. At sa propisyon din na iyon niya natagpuan ang lalaking unang nagpatibok sa puso niya. Ngunit dahil sa hindi matukoy na virus na kumakalat sa bayan nila ay biglang naglaho ang mundong matagal niyang minahal. Nawala ang kanyang ina at mga kapatid at ang lalaking mahal niya ay kinuha pa sa kanya.
Pero hindi pa pala katapusan ng mundo dahil sa piling ni Derek Rivas, ang lalaking minsan nang nagligtas sa buhay niya ay siya pala ang magbubukas ng panibagong mundo para sa kanya. Hindi hadlang ang dark side nito para hindi na tumibok muli ang puso niya. At sa madalas nilang pagsasama ay hindi niya namamalayan na umiibig na siya sa binata.
Alam niya na hindi madali at suntok sa buwan ang inaasam niyang sagot, dahil hindi lang siya ang babaeng puwede nitong mahalin. Isang pekeng halik, iyon ang pinaghahawakan niya. Pero hanggang kailan siya aasa na mamahalin siya nito pabalik? Gayung ilang beses nitong sabihin sa kanya na gusto siya nito...bilang kaibigan.
r anCü&
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top