Chapter Two
UMAGA na pero hindi pa rin nakikita ni Farah ang lalaki. Nakapag-almusal na siya. Niluto niya ang nag-iisang malaking isda na nakita niya sa freezer. Nakakabingi ang katahimikan sa tatlong palapag na bahay. Masyadong maganda ang bahay na naglalarawan kung anong klaseng buhay meron ang estrangherong lalaki.
Bumalikwas ng tayo si Farah nang makarinig siya ng yabag na pababa ng hagdan. Pinagmasdan niya ang almusal na nakahain sa mesa. Hindi siya sigurado kung magugustuhan iyon ng lalaki.
"How's your morning? Have you done your breakfast?"
Nagulat siya sa biglang pagsalita ng lalaki. Namataan niya itong nakatayo sa bukana ng pinto. May sampung segundo siyang tulala na nakatitig sa lalaki bago niya naisipang tumango.
"Good. We will proceed to safe house," sabi nito.
"Ahm, may niluto akong almusal, hindi ka ba muna kakain?" aniya.
Tiningnan nito ang nakahain sa mesa. Pagkuwa'y ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Hindi ako kumakain ng kanin sa umaga. Isa pa, luto lang ng Mommy ko ang kinakain ko," wika nito pagkuwan.
"You're a Mamas' boy."
"What do you mean?" kunot-noong tanong nito.
"I mean, you can't live without your mother."
Bumungisngis ang lalaki. "I didn't think I was like that. But that's true. Mas gusto kong kasama madalas ang mommy ko kumpara sa daddy ko."
"Bakit? Mahigpit ba sa 'yo ang daddy mo?"
"Uh..." tumitig nang mataman sa kanya ang lalaki. Saka ito umiling at ngumiti. "Bakit ba ako nagkukuwento sa isang estranghero? Maghanda ka na, aalis na tayo," sabi lang nito saka siya tinalikuran.
Nagsalubong ang maninipis na kilay ni Farah. Kagabi pa niya nahahalata na may pagkasuplado ang lalaki. Iniligpit na lang niya ang mga pagkain at ipinasok sa refrigerator.
LULAN ng yate, nakarating si Farah sa sinasabi ng lalaki na safe house. Sa isang isla na malayo sa bayan. Doon daw nakatira ang maraming survivor. Tinatawag na Sangre Island ang isla, iyon din ang sinabi ng pinsan niya'ng si Narian, kung saan ito dinala ng mga rescuer.
Pagdating nila sa compound ay namataan kaagad ni Farah ang kanyang ina kasama si Narian. Sa sobrang pananabik ay hindi na niya hinintay ang mga ito na makalapit. Sumugod siya at unang niyakap ang umiiyak niyang ina.
"Salamat at ligtas ka, anak! Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa 'yo. Nasaktan ka ba, ha?" nag-aalalang wika ni Aleng Rosario.
"Ayos lang po ako, Ma. Kayo po?" aniya.
"Mabuti naman. Pinuntahan ako ni Narian sa opisina at sumama kami sa mga kalalakihang nagliligtas sa mga tao. E bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? Sino ang nagligtas sa 'yo?"
Hindi nasagot ni Farah ang mga tanong ng ina. Nilingon niya ang lalaking nagligtas sa kanya. May sampung talampakan ang layo nito sa kanila. Nakapamulsa ito habang nakatayo at nakatingin lang sa kanila.
"Siya ba ang sinasabi mong lalaki, Insan?" tanong ni Narian.
Binalingan niya ng tingin si Narian. Tumango siya. Awtomatiko'y pumitik ang kamay ng kanyang pinsan at hinagip ang kanang braso niya. Hinila siya nito palapit rito at binulungan.
"Gaga ka, paano mo napalipas ang gabi na hindi naroromansa ang guwapong nilalang na 'yan, ha?" gigil na bulong nito sa kanya.
Siniko niya ang puson nito. "Gaga ka rin, ni hindi ko makausap ng matagal 'yan. Makunat pa sa kalabaw," bulong din niya.
"E kasi nagluluksa ka sa pagkawala ni Alfred."
Lumayo siya kay Narian, nang napansin niya na papaalis na ang bayani niya. Saka niya naalala na hindi pa siya nakapagpaalam rito. Hinabol niya ito.
"Sandali lang!" pigil niya sa lalaki.
Huminto naman ito at humarap sa kanya. Bumuntong-hininga siya.
"T-Thank you...Sir," sabi niya.
Matagal na nakatitig lang sa mukha niya ang lalaki. "My name is Derek Rivas," pakilala nito saka tuluyang umalis.
Unti-unti nang naglalaho sa paningin niya ang bulto ng lalaki, pero nakapako pa rin ang paningin niya sa direksiyon nito. Gumuguhit pa rin sa diwa niya ang seryosong mukha ng binata. At dahil doon ay hindi niya namamalayan na nasa tabi niya si Narian.
"Hmmm... God is good, you don't need to rely on the step by step way of moving on. He's perfect."
Nahimasmasan siya nang marinig ang boses ni Narian na nagsalita. Saka naman nagsimulang kumirot ang dibdib niya dahil sa alaala ni Alfred. Hindi pa rin matanggap ng sistema niya ang nangyari sa nobyo. Ang ganoong ka-brutal na kamatayan ay mahirap kalimutan, lalo pa't nasaksihan niya. Hindi niya napigil ang pangingilid ng kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
"Stop wasting your tears. Kung ako ang huhusga, malamang karma na ni Alfred ang nangyari sa kanya," sabi ni Narian.
Hindi niya napigil ang sarili na sampalin ang pinsan dahil sa sinabi nito. "Alam ko'ng may kasalanan si Alfred, Narian! Pero hindi makatarungan na kamatayan ang kabayaran ng kasalanang iyon! Nagawa ko siyang patawarin dahil desidido siya sa paghingi ng tawad! Binigyan ko siya ng pagkakataon na bumawi dahil ramdam kong mahal niya ako, at mahal ko siya!" asik niya.
"Katangahan ang tawag d'yan, Farah! Dalawang beses kang niloko ni Alfred, una, nagsinungaling siya na wala siyang naging karelasyon maliban sa 'yo, pero may anak siya. Pangalawa, nahuli ko siya na may ka-table sa isang night club. Yes, everyone deserve a second chance, but paulit-ulit? No, that's over!"
"Tama na! Patay na si Alfred, isusumbat pa ba natin 'yon sa kanya?"
Kumibit-balikat si Narian. "Naiinis lang kasi ako na naririnig o nakikita kang halos malagutan ng hininga sa kakaiyak," sabi nito saka umalis.
Dahil hindi kabisado ni Farah ang lugar, sumunod kaagad siya sa kanyang pinsan. Kahit madalas siyang kontrahin ni Narian sa mga desisyon niya, ni minsan ay hindi niya ito nilayuan. Ito lang kasi ang maituturing niyang best friend at kapatid.
Sampung taon siya noong pumanaw ang nakatatandang kapatid niyang babae dahil sa bone cancer. Iniwan din sila ang kuya niya, na sa kagustuhang matakasan ang kahigpitan ng tatay niya ay piniling mangibang bansa at doon mamuhay. Halos perpekto ang pamilya niya noon, hanggang sa unti-unting mawala ang mga mahal niya sa buhay. Wala na silang balita sa kuya niya. Walong taon pa lamang siya noong lumayas ang kuya niya at sumama sa isang kaibigan. Tanging ina na lamang niya ang kanyang kasama.
KAHIT nakatanggap si Derek ng mensahe mula sa kanyang ina ay hindi pa rin siya umuwi sa bahay nila, o kahit sa academy. Alam niya'ng sermon lang ang sasalubong sa kanya mula sa daddy niya. Dahil wala nang mapuntahang komportableng lugar, nagtungo siya sa bahay ng mga Clynes. Alam niyang wala doon si Alessandro. Pero natitiyak niya na naroon ang Tito Zyrus niya.
"What can I do for you, Derek?" bungad sa kanya ng abalang doktor. Nadatnan niya ito sa laboratory nito, kung saan siya hinatid ng awasa nito.
"I'm bored, Tito," aniya.
"As always. Lalo kang maiinip dito." Inalis ni Zyrus ang suot na mask at binitawan ang hawak na measuring cup. Hinarap siya nito.
"Kung naging anak kita, itatapon kita sa Mars," sabi nito.
Tumawa siya ng pagak. "Dahil ba wala akong silbi?" aniya.
"Nope. Because you're weird. May sarili kang mundo. You're an alien. Sa lahat ng anak ni Dario, ikaw lang ang naiiba."
"In short, I am the black sheep in out family?"
"Exactly. But if comes to ability and knowledge, you're better than them. Ang kaso, matigas ang ulo mo. Palaging dumadaing sa akin si Dario tungkol sa 'yo. Ang sabi pa niya, bunga ka ng pagmamatigas ni Martina noon sa pagtanggi na gagawin siyang imortal. Ipinagbubuntis ka pa lang noon ng mommy mo, noong kamuntik na silang maghiwalay ni Dario dahil sa issue na 'yon. Ipinipilit kasi ni Martina na maipanganak kang normal na tao, but it was imposible. Inaway pa niya ako dahil hindi ko kinunsinti ang gusto niya. Tinakot pa niya kami ni Dario, na aalis siya ng bansa kasama ka. Kilala mo naman ang mommy mo, padalus-dalos sa pagdedesisyon. Pero noong naipanganak ka, hindi ka nakitaan ng solar energy sa katawan kaya nakalimutan ni Martina ang plano niya. She was expected that you are normal, unlike kay Devey na masyadong mainit ang dugo," kuwento ni Zyrus.
"Pero naglalabas pa rin ng apoy ang katawan ko," aniya.
"Pero hindi kasing tindi ng kay Devey at Damian. Kaya ganoon si Devey at Damian ay dahil pareho silang may solar stone sa katawan. Hinda ka nalagyan ni Dario dahil ayaw ni Martina. Ang apoy sa dugo mo ay namana mo sa twentieths generation na ninuno natin. Mga bampira sila na nakatira sa paligid ng magma ng bulkan. Dahil sa sobrang lamig ng temparatura ng mga katawan nila, nanirahan sila sa bulkan. Hanggang sa isa sa babaeng angkan natin ang nakipagrelasyon sa nilalang na ipinanganak sa bulkan, isang nilalang na may dugong apoy. Isinilang niya ang mga supling na may maiinit na dugo, at isa sa mga iyon ang pinagmulan ng mga ninuno ng ina ni Dario. Hindi ako kabilang sa angkan na iyon, actually, dahil magkaiba ang nanay namin ni Dario. Nakakalungkot lang isipin dahil hanggang sa henerasyon ninyo ay nananalaytay pa rin ang isinumpang dugo na iyon."
"Pero bakit kailangan pang magtanim ni Daddy ng solar stone sa katawan ni kuya at Damian? Alam niyang delikado 'yon."
"Solar, kasi ang init ay nagmumula sa araw hindi sa apoy. Naisip niya 'yon dahil alam niya na matutunaw ang mga bampira sa sikat ng araw. Hindi ako sure, pero ang alam ko sinadya niyang lagyan ng solar stone si Devey, dahil ito ang gagawin niyang sandata laban kay Dr. Dreel."
"He's not a good father and a son," inis na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Zyrus. Inayos nito ang suot na eyeglasses.
"Don't judge your father, Derek. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan niya bago niya nakamit ang maluwag na buhay. At malamang, hindi mo masyadong kilala si Dr. Dreel. Oo, lolo mo siya, pero isusumpa mo rin siya kung iyong hihimayin ang mga ginawa niya sa sarili niyang pamilya."
"I heard a lot about him but I don't care. In human rights, there's always a second or third chance. We're not a God of all creatures, so we can't hold the curse for someone who did the sin to us. We have to forgive, forget and moving on. No one created as perfect. Every situation has a different reasons."
"But those reasons can kill millions innocent lives. They need to kill others life to save their life. Unacceptable reason for me. I love lives, anything including insects or has a short life animals and plants. They still a creatures. Sa palagay ko pareho kayo ng paraan ng pag-iisip ni Martina... noong normal pa siyang tao," pakli ni Zyrus.
Tinitigan ni Derek ang maliit na bolang kristal na hawak ni Zyurs. Inilapit pa nito iyon sa kanyang mukha.
"Good thing you are here. I have something to show you," sabi nito.
Napaatras siya ng isang hakbang nang biglang lumiwanag ang bola at nahati sa gitna. Mayroong lumulutang perlas sa gitna, na siyang pinagmumulan ng liwanag.
"What's that?" naniningkit ang mga matang tanong niya.
"Napulot ni Jegs ang bola na ito sa dalampasigan ng Mactan. Ang perlas ay nagmula sa isang kabebe. Pero ang bola na ito ang naghsisilbing proteksiyon niya. Ang katakataka, bakit may isang babae na umaaligid rito sa bahay para makuha ang perlas. Ibibigay ko sana sa kanya ang perlas pero ayaw niyang tanggapin. Inutusan pa ako na ako na lang daw ang magbigay nito sa babaeng tinawag niya'ng Fatty. May nag-utos lang daw sa kanya na ibigay ang perlas. Ang babae ay isang day walker vampire, pero mukhang dayuhan."
Hindi interesado si Derek sa kuwento ng perlas. Pero interesado siya sa mismong perlas, dahil bata pa lang siya ay gustong-gusto na niyang makahawak ng tunay na perlas. Wala na raw mahahanap na perlas sa karagatan ng asya. Mayroon kasi siyang pangarap na proposal sa isang babaeng papkasalan niya. Dadalhin niya sa magandang karagatan ang babae at doon niya ibibigay ang singsing na may perlas. At pangarap din niya ang under the sea wedding.
Inalis na muna niya sa kokoti niya ang pangarap na iyon, dahil hindi siya sigurado kung matutupad pa iyon.
"Sobrang busy ka, Tito, paano mo maibibigay kay Fatty ang perlas? At sino ang matinong agent na makakahanap sa Fatty na 'yon? Ano ba ang magagawa ko para maging akin ang perlas na 'yan, Tito?" pilyong sabi niya.
Awtomatikong isinara ni Zyrus ang bola. "No way! Alam ko ang plano mo, Derek." Ibinulsa ni Zyrus ang bola.
"Puwede mo namang idahilan sa babaeng day walker na naiwala ng anak mo ang perlas matapos paglaruan," aniya.
"Tinuruan mo pa akong magsinungaling. Plano ko nga na ibalik na lang sa dagat ang perlas."
"Go, Tito!" tudyo niya.
"Dahil alam mo na, nagbago na ang isip ko. Alam kong sisisirin mo rin ang dagat makuha lang ang perlas."
"Ang damot mo talaga, Tito. Don't worry, kapag wala akong nakitang deserving na babae ay ibabalik ko sa 'yo ang perlas."
"Paano kung biglang dumating si Fatty?"
"I will burn that Fatty!"
"Hell! Bakit ko pa ba sinabi sa 'yo itong perlas? Kilala kita."
"Then, give me that fucking pearl! Kung hindi, sasabihin ko kay Tita Ellie na pinapapunta mo si Sandro sa Spain mag-isa para harapin si Howard ng Libertad!" pananakot niya. Alam kasi niya na ayaw ni Ellie na pumupunta sa ibang bansa si Alessandro. Mas gusto pa nitong palaging nakikita sa loob ng laboratory ang anak, at least hindi daw napapahamak.
Mabilis na inilabas ni Zyrus ang bola ng perlas at ibinigay sa kanya. Kaagad naman niyang kinuha ang bola, baka bawiin pa, eh.
"Ngayon ko lang nadiskubre na takot ka rin pala sa asawa mo, Tito Zyrus," pilyong sabi niya.
"Hindi ako takot sa kanya, mahal ko lang siya," anito.
"Pero nagsisinungaling ka sa kanya."
"Alam mo, Derek, minsan sa buhay, kailangan mong magsinungaling para sa kapakanan ng nakararami. Kaya ko ipapadala si Sandro sa Libertad ay para personal niya'ng makausap ang matandang doktor. Hindi kilala ng nakararaming bampira si Sandro, at wala siyang bad record sa libertad."
"Paano kung sasaktan siya ni Howard?"
"Walang puwedeng manakit kay Sandro. He was a curse, na kung sinaktan mo ay babalik sa 'yo ang sakit nang doble. Alam 'yon ni Howard. Howard knows a lot about me and my mother. Alam niya na kapag sinaktan o pinatay niya si Sandro ay buong angkan ng ga dark blood vampire ang makakalaban niya. Dark blood vampire ang nanay ko, at sila ang may pinakamalaking angkan sa mundo. Hindi sila nauubos. Mas magaling si Sandro sa akin, kaya tiwala ako na matututunan niya kaagad ang kaalaman ni Dr. Swarz."
"Baka dito na kayo maghihiwalay ni Tita Ellie, Tito," kaswal na sabi niya. Masaya na siya sa hawak niyang perlas.
"Hindi ako ipagpapalit ni Ellie sa pride niya. Isa pa, wala siyang malalaman sa plano ko, basta huwag ka lang makialam."
"Fine. Basta akin na itong perlas."
"Don't you dare, Darek! Ibabalik mo 'yan kay Fatty!"
"Iyon ay kung hindi ako pinalad na makatagpo ng mapapangasawa." Umatras na siya para makaalis na.
Bumuntong-hininga si Zyrus. "Now I know kung bakit sumasakit ang ulo ni Dario sa 'yo. You can get what you want. Sana makatagpo ka ng babaeng iiyakan mo," anito.
Umismid siya. "Ako iiyak? Never, tito! Patay lang ang iniiyakan!" pasigaw na sabi niya habang papalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top