Chapter One
HINDI ininda ni Derek ang natamong suntok mula sa kanyang ama. Sanay na siya sa pananakit nito.
"Kailan ka ba titino, Derek? Pag-aaral na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa siniseryoso! Ibang-iba ka sa kuya mo! He never told me that he don't want to be a part of my legacy! How about you? You're nothing! I am your father, still your father what ever happen! And you are my son, don't forget it!" asik ni Dario sa anak.
Pinahid ni Derek ng kamay ang dugo sa kanyang labi. Tiningnan niya ang mommy niya na nakatingin lang sa kanya. Kapag ganoong galit na galit ang daddy niya ay hindi na nakikialam ang mommy niya lalo na kapag may kasalanan siya.
"I'm sorry Dad. I want to take a course in a normal school. I hate Sangre Academy. I want to be a normal pilot," sabi niya.
"In this generation, Derek, there's no place for a normal life. Let's admit it! The virus will destroy the world, the environment and climate change, it's now happening. It's difficult to avoid because we don't know where to start. Ang gusto ko lang ay mag-aral ka ayon sa batas natin. Hindi ka normal na tao, Derek," paunawa nito sa kanya.
"I know that, Dad, but I don't like the rules of sangre academy. There's no freedom here."
"Do you want freedom? Then, leave us! Find the world that you think was compatible for you!" Pagkatapos iyong sabihin ng daddy niya ay bigla siya nitong iniwan.
Lalo siyang nairita. Nang napansin niya ang tangkang paglapit sa kanya ng mommy niya ay nagmadali siyang umalis.
"Derek!" narinig niyang sigaw ng mommy niya. Pero hindi niya ito nilingon.
Palabas na ng academy si Derek nang masalabong niya sa bulwagan ang kuya niya'ng si Devey. Nakasandal ang kapatid sa paanan ng hagdan at mukhang inaabangan siya. Humakbang ito palapit sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Sa lugar na tahimik at walang namumuna sa mga ginagawa ko," supladong sagot niya.
Hinawakan ni Devey ang kanang balikat niya. "Pinagalitan ka na naman ni Daddy, ano?" anito.
"As usual. Kailan ba niya ako hindi pinagalitan?"
"Eh kasi palagi mo siyang binibigyan ng dahilan para magalit sa 'yo. Nahihirapan ka bang sundin siya? Wala namang mawawala sa 'yo kung susundin mo siya."
"Akala mo lang wala, kuya! Mabuti ikaw, nakaabot ka sa normal school! E ako, simple lang ang pangarap ko, bakit ayaw niya akong bigyan ng kalayaan? There's a country that free of virus. I can go there alone. Isa pa, nariyan ka naman para humalinhin sa kanya," giit niya.
"Hindi mo naiintindihan si Daddy, Derek. May mas maganda siyang plano para sa atin."
"I don't mind his fucking plan! I want freedom to leave, a freedom to decide!"
"Then, do what you want."
Lalo siyang nairita. Iwinaksi niya ang kamay ng kapatid.
"Pareho kayo ni Daddy mag-isip. Fine! I will," aniya at tuluyan iniwan ang kausap.
Umalis ng academy si Derek at naghanap ng komportableng lugar. Pero mukhang wala na siyang mapuntahang komportableng lugar sa gabing iyon dahil mula sa rooftop ng limang palapag na gusali na kinatatayuan niya ay nakikita niya ang ilang taong infected ng virus na sumasalakay sa mga kabahayan. Naroon siya ngayon sa bayan ng Lapu-lapu.
HINDI malaman ni Farah ang gagawin nang makita niya ang kasamang pulis na pinapapak ng lalaking infected ng hindi matukoy na virus. Hawak na niya ang baril niya pero sa sobrang nerbiyos ay hindi niya maiputok ang baril para sana barilin ang halimaw. Pakiramdam niya'y babaliktad na ang sikmura niya lalo pa't parang sarap na sarap pa ang halimaw sa pagpapak ng bituka ng kasama niya.
Kumislot siya nang biglang nasira ang bintana sa kanyang likuran. Lumusot roon ang kamay ng isa pang halimaw. Sa pagkakataong iyon ay naiputok niya ang kanyang baril at tinamaan sa ulo ang halimaw na babae. Pagkuwa'y tumakbo siya palabas ng opisina ngunit bumulaga sa kanya ang isa pang halimaw na maliksi. Bago ito tuluyang makalapit sa kanya ay binaril niya ang ulo nito. Dahil abot kamay na niya ito, tumalsik sa mukha niya ang malansa nitong dugo.
Ayaw nang tumigil ng daliri niya sa pagkalabit ng gatilyo hanggang sa hindi na niya alam kung sino ang binabaril niya.
"Aw! Shit!" daing ng lalaki.
Pagtingin niya sa kanyang harapan ay nakatayo roon ang matangkad na lalaki, nakasuot ng itim na pantalon at itim na jacket. Titiga na titig siya sa guwapong mukha nito. No, hindi apektado ng virus ang lalaking ito, bakit niya binaril?
Pagtingin niya sa kanang hita ng lalaki ay dumudugo iyon. Nagulat siya nang parang kidlat na bigla na lang sumulpot sa harapan niya ang lalakisobrang lapit, na halos pasan na niya ang bigat nito dahil naakyakap ito sa kanya, habang ang isang kamay nito ay lumagpas sa ulo niya.
Hindi siya nakagalaw dahil ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga labi nila ng lalaki. Pero may naramdaman siyang mabigat sa likod niya at may narinig siyang daing at haginit. Nang maramdaman niya ang mainit na likidong bumasa sa likod niya ay itinulak niya ang lalaking nasa harapan niya. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay bumulagta roon ang halimaw na durog ang ulo.
Tiningnan niya ang guwapong lalaki. Namumutakti sa dugo ang kamay nito. Malamang ang kamay nito'ng iyon ang dumurog sa ulo ng halimaw na kung hindi siya nagkakamali ay kakagatin sana siya. May kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang puso habang nakatitig siya sa lalaki na matapang na dinudukot ng mahahabang kuko ang balang bumaon sa hita nito. Doon niya napagtanto na hindi ito ordinaryong tao. Maaring isa ito sa mga bampira na tumutulong sa kanila. Niligtas pa rin siya nito kahit na binaril niya ang hita nito.
"Let's go!" sabi nito sa kanya matapos nitong matanggal ang bala sa hita nito.
Sasama na sana siya rito nang bigla niyang nakita si Alfred, ang boyfriend niya at katrabaho. Naroon ito sa kabilang opisina na salamin ang bintana. Tatakbo sana siya para tulungan itong makawala sa kamay ng mga halimaw ngunit sumabit ang kanang braso niya sa kamay ng estrangherong lalaki.
"Bitawan mo 'ko!" asik niya, ngunit hindi siya nito pinakawalan.
"Nakagat na siya! Kung tutulungan mo pa siya, mapapahamak ka rin!" sabi nito.
"Hindi! Alfred!" sigaw niya. Tumulo na ang luha niya.
Nang makita niya na pinag-aagawan na ng mga halimaw ang lamang-loob ng kasintahan niya'y parang dinudurog ang puso niya.
"Alfreeeeeed!" sigaw niya.
Bigla na lang tinakpan ng lalaki ng kamay ang mga mata niya saka siya binuhat.
WALANG maisip na ligtas na lugar si Derek para pagdalhan sa babae. Dinala niya ito sa family safe house nila sa Mactan. Nakatirik ang safe house nila sa isang isla sa gitna ng karagatan. Nagtatampo pa rin siya sa Sangre Organization kaya kahit sa mga safe houses ay ayaw niyang pumunta. Palilipasin muna niya ang gabi bago dalhin sa mas ligtas na lugar ang babae.
Nakatulog ang babae siguro dahil sa sobrang pag-iyak. Iniwan niya ito sa isang kuwarto na madalas niya gamitin sa tuwing naroon siya. Umakyat siya sa rooftop upang lumanghap ng sariwang hangin. Sumandig siya sa poste ng kuryente. Bumuntong-hininga siya.
Naiinis siya sa tuwing naaalala ang mga sinabi sa kanya ng daddy niya. Ilang beses na siya nasaktan ng ama dahil sa pagpupumilit niya na mag-aral sa normal school. Pero sa kabila ng inis ay naalala niya ang sinabi ni Alessando noong minsan silang nagkuwentuhan.
"I'm happy what my father's plan for me. He was my idol, so I will fallow his step. Actually, my ambition was to be a lawyer, but lawyer was not for me. I'm born to be a defender of mankind. I want to save lives, protect natures and other creatures. You can find happiness anywhere. You can find freedom anytime. It's up to you how to handle the situation. But for me, the real freedom and happiness are those thing where you found yourself comfortable and contented with your life."
Ibang-iba si Derek kay Alessandro. Siya ang naiinip sa buhay ng pinsan na umiikot lang ang buhay sa laboratory. Pakiramdam niya'y walang lugar ang kalayaan sa ganoong trabaho. Iba siya, mas gusto niya'ng maglakbay sa iba't-ibang lugar sakay ng sasakyang pamhimpapawid.
Nakaramdam siya ng aktibong enerhiya kaya nagpasya siyang bumaba sa ikalawang palapag. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay naabutan niya ang babae na pilit binubuksan ang bintana. Dinampot niya ang remote control at pinindot ang open key para mabuksan ang bintana.
Kumislot ang babae at umatras. Marahas itong humarap sa kanya. Namumugto ang mga mata nito at may bakas pa ng luha sa bawat gilid ng mga mata.
"Anong lugar 'to?" matapang nitong tanong.
"Nandito ka sa safe house ng family ko," tugon niya.
"Ibalik mo ako sa Lapu-lapu," utos nito.
"No way. Naglipana pa ang mga halimaw sa bayan."
"Paano ang mga kamag-anak ko?" Nag-panic na ito.
"I think they're safe. Maraming mga kasama ko ang naroon sa lugar kaya natitiyak ko na ligtas sila."
"Paano kung hindi?"
"Wala tayong magagawa, kapalaran nila 'yon."
"Ibalik mo ako doon!" giit nito.
"Bakit, may magagawa ka ba para iligtas sila?" inis na tanong niya.
Hindi na kumibo ang babae.
"Huwag kang mag-alala, bukas ay dadalhin kita sa safe house kasama ng mga tao," sabi niya pagkuwan.
"Bakit bukas pa? Puwede naman ngayon para matiyak ko na ligtas ang mga kaanak ko," sabi nito.
Tiningnan niya ng matalim ang babae. "Huwag mo akong utusan, babae, makontento ka muna kung nasaan ka," aniya.
"Farah ang pangalan ko!" pakilala nito.
"Hindi ko tinatanong. Huwag kang makulit. Matulog ka diyan at gigisingin na kita kapag umaga na," supladong turan niya.
Hindi mapakaling palakad-lakad ang dalaga sa harapan niya. "Ano ba talaga ang nangyayari? Ang sabi ng mga eksperto, hindi nakakahawa ang virus na sinasabi nila. Bakit dumami ang mga biktima? Magiging halimaw din ba ang boyfriend ko na kinagat nila?" palatak nito.
"Malamang oo. Iyon ay kung buo pa ang katawan niya matapos siyang papakin ng mga halimaw."
Humagulgol na naman ang dalaga. Naiirita siya sa iyak nito.
"Hindi maibabalik ng luha mo ang boyfriend mo kaya tumahimik ka diyan. Ayaw ko ng maingay!" saway niya rito.
Tumahimik ang dalaga at tinitigan siya ng masama. "Hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!"
Masyado siya naartehan sa babae. "Pamilyar ako sa linyang iyan. Huwag kang mag-drama sa harapan ko, hindi ako naghahanap ng drama artist. Kung nagugutom ka, bumaba ka sa grand floor at hanapin mo ang kusina. May stock na lulutuin doon, magluto ka. Feel at home, baby. Huwag ka lang maingay," sabi niya sabay bira ng talikod.
Wala siyang pakialam sa babae. Pero may pakialam siya sa buhay nito. Marami pa itong magagawa sa mundo kaya hahayaan muna niyang mabuhay. Paglabas niya ay narinig na naman niya ang hagulgol ng dalaga. Bumuntong-hininga siya.
"Ano ba ang iniiyakan niya? Ang namatay niyang boyfriend? Hindi naman 'yon guwapo at mukhang sugapa rin sa babae," wika niya habang pinapakinggan ang hagulgol ng babae.
Madalas kasi niya nakikita noon ang boyfriend ng dalaga, dahil kasa-kasama siya ng Tito Trivor niya sa istasyon ng mga pulis. Sa ibang istasyon ay nakita niya ang lalaking iyon na may kalampungang babaeng pulis. Obvious naman na two timer ang hudyo, kaya naiinis siya kay Farah na iniiyakan pa ang babaerong nobyo. Karma na ika niya ang nangyari sa lalaking iyon.
SINISILIP ni Derek si Farah na nagluluto sa kusina. Pasado alas-diyes na ng gabi. Mukhang sanay sa kusina ang dalaga dahil alam nito kung saan hahanapin ang mga sangkap ng lulutuin nito at mga kobyertos. Nang maamoy niya ang ginigisa nitong sibuyas ay saka lamang siya nakaramdam ng gutom. Isang taon na niya iniwasan ang pag-inom ng dugo ng tao, dahil sa kagustuhan niya'ng mabuhay na normal. Hindi madali, pero ipinagpatuloy niya. Gusto niyang patunayan sa daddy niya na mapapanindigan niya ang kanyang desisyon.
"Hello, Narian!" tinig ni Farah.
Tiningnan niya ang babae na may kausap sa cellphone. Mabuti naisalba nito ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon nito.
"O-Okay lang ako! Ikaw? Nasaan ka?" sabi nito sa kausap.
Mamaya'y gumagulgol ang dalaga. Marahil ay hindi maganda ang natanggap na balita. "Wala na rin si Alfred..." humihikbing patuloy nito.
Tumikwas ang isang kilay niya. Mamaya'y nangamoy sunog na kung anong niluluto nito. Hindi siya nakatiis, nilusob niya ang dalaga nang makitang umapoy na ang ibabaw ng kawali. In-off niya ang kalan pero hindi namatay ang apoy sa kawali.
Hihigupin sana niya ang apoy gamit ang kanyang kamay pero naunahan siya ng dalaga. Isinaklob nito ang basang basahan sa ibabaw ng kawali at mabilis na naapula ang apoy. Hindi niya naisip na puwede pala iyon. Nakalimutan niya'ng pulis ang babae, malamang may alam ito kung paano apulahin ang ganoong klaseng apoy. May mga apoy kasi na hindi basta napapatay ng tubig lang.
Hawak pa rin ng dalaga ang cellphone nito at may kausap. Parang balewala reto ang nangyari. Ibinabad lang nito sa tubig ang kawali saka pinalitan ng bago. Sa pagkakataong iyon, nakitaan niya ng kakaibang karesma ang babae, na alam niyang bihira niya matatagpuan. Kakaibang tapang ang meron ang dalaga, bagay na isa sa katangiang gusto niya sa isang babae.
"Be careful, please. Mapapatay ako ng tatay ko kapag nasunog itong bahay," sabi niya sa dalaga.
Tumango lang ito at hindi mabitawan ang cellphone. May kausap pa rin ito.
Pagkuwa'y iniwan na niya ito. Tinungo niya ang swimming pool sa rooftop at naligo.
ZO
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top