Chapter Two
HINDI malaman ni Charmaine kung paano niya sisimula ang buhay gayong tila bagong silang siya na blanko paa ng isip. Nakalipat na siya sa isang kuwarto sa loob lamang ng academy. Wala siyang ideya kung ano ba talaga ang meron sa napakalaking gusali na iyon. Hindi niya iyon kayang libutin sa loob ng isang araw dahil sa dami ng pasikot-sikot.
Maliit lang ang kuwartong inukupa niya. Mukhang sinadya iyon para sa isang tao. Single bed lang ang meron at wala masyadong gamit. May sarili iyong banyo at mini dining set. Wala nga lang bintana. Air-conditioned sa loob at nag-iisang chandelier lang ang nagpapailaw. Para siyang nasa loob ng hotel room. Wala man lang telebisyon. Isang bed side table lang ang naroon at mini closet. Hindi siya mabubuhay na ganoon lang ang meron sa kuwarto. Ni wala siyang hawak na cellphone o kahit anong gadgets. Iilang pares lang ng damit ang iinigay sa kanya ni Charie. May mga pabrika daw sa lugar na iyon. Mayroon ding patahian ng damit na mga tao rin ang may gawa.
Na-excite siya nang malamang para din palang malaking community ang lugar. Maaga siyang nagising kinabukasan at naglibot sa paligid. Pinuntahan niya sa clinic si Charie pero wala ito. May babaeng naroon, na marahil ay nurse din.
"Hi! Hindi ba naka-duty si Charie?" tanong niya sa babae.
"Mamayang hapon pa ang duty niya. Kumusta ka na, Charmaine?" nakangiting sabi nito.
"Kilala mo rin ako?" manghang tanong niya.
"Of course, ikaw ata ang matagal na masyente rito. Ako pala si Narian. Nai-endorse ka sa akin ni Charie."
"Gano'n ba? Ano daw ba ang gagawin ko?" aniya.
"Ano ba ang kaya mong gawin? Dito kasi, naka-base ang management sa kakayahan ng miyembro. Sila ang pipili ng trabaho na babagay sa skills mo, o kaya sa dati mong trabaho."
"Dati daw akong flight attendant."
"Oo nga pala. Wala tayong airplane rito kaya hindi mo magagawa ang trabaho mo. Pero suggest ni Charie, sa kitchen ka muna. Mayroon tayo ritong food center kung saan kumakain ang mga estudyante at stay-in members ng organization."
"Ano ba ang meron sa lugar na ito?" nalilitong tanong niya.
"Nandito ka sa sangre academy at main detachment of sangre organization. Ang sangre academy ay isang exclusive school for vampires.Under siya ng management ng sangre organization, na may layuning supilin ang masasamang bampira na gustong sakupin ang mga tao at maprotektahan na rin ang mga mortal. Dito sa academy, marami kang madediskubreng kakaibang bagay. And take note, maraming pogi rito."
Natawa siya. "Hindi pa ako nakapag-explore. Paano ako makakapunta sa kitchen?" aniya.
"Wait, aayusin ko lang ito, ha? Sasamahan na kita," sabi nito habang nagsasalansan ng mga naka-folder na papilis sa divider.
Pagkatapos ay lumabas na sila at tinahak ang daan patungo sa kitchen. "Marunong ka bang magluto, or anything skills related to hospitality industry?" tanong ni Narian.
"Ahm, siguro, hindi ko alam. Wala kasi akong maalala," sagot niya.
"Oo nga pala, may amnesia ka," sabi nito sabay tawa.
Huminto sila sa tapat ng malaking pinto na may nakasulat na 'kitchen department'. Sensor ang pinto pero kailangang pang I-scan ni Narian ang inner finger sa screen para magbukas ang pinto. Nang bumukas ang pinto ay pumasok na sila.
"Kapag nai-program na ang identity mo at physical identity sa system ay makakapasok ka na sa lahat ng pinto. Under process pa ang profile mo kaya limited area lang ang mapupuntahan mo," sabi ni Narian.
Namangha siya sa gara at luwag ng kitchen. Halos lahat ng gamit ay stainless at mga kitchen equipment ay kuryente lahat ang nagpapagana. Nakabuntot lang siya kay Narian hanggang sa makarating sila sa production area. May mga nagtatrabaho na sa loob, halos mga lalaki. Hindi siya sigurado kung mga tao ba o mga bampira ang mga ito.
Lumapit sila sa matangkad at guwapong lalaki na nagluluto. "Hello, sir Serron! Good morning!" bati ni Narian sa kusinero.
"Good morning!" nakangiting bati rin ng guwapong kusinero.
"Heto pala si Charmaine, new member. Gusto niyang magsilbi rito pansamantala," pakilala sa kanya ni Narian.
"Pasyente siya ni Dylan, 'di ba? Magaling na ba siya?" tanong ng lalaki.
"Need pa daw ng rest pero mukhang naiinip na si Charmaine."
"Okay. Dalhin mo na muna siya sa food center. Si Rebecca na ang mag-orient sa kanya," sabi ng lalaki.
"Okay. Let's go, Charmaine."
Bumuntot na naman siya kay Narian. Pagdating sa maluwag na food center ay iginiya siya nito patungo sa counter. May magandang babae na naroon. Pumasok sila.
"Hi, Beca! Please meet, Charmaine, bagong partner mo rito," sabi ni Narian.
Nilapitan naman siya kaagad ni Rebecca at kinamayan. Palangiti ito at mukhang hindi boring kasama.
"O paano, maiwan na kita, Charmaine. Enjoy your first day here," sabi ni Narian saka nagpaalam.
Nagmamasid siya sa palibot niya. Hindi siya pamilyar sa trabaho pero sigurado siya na alam niya kung paano gumalaw sa ganoong gawain dahil nagsi-serve din ng pagkain ang mga flight attendant.
"Hindi pa nai-forward sa akin ang profile mo pero ang alam ko ay ikaw ang pasyente na na-coma matapos ma-operahan, tama?" sabi ni Rebecca.
"Uhm, yes, base sa impormasyong binigay ni Dr. Lee," sabi niya.
"Oh, may amnesia ka! Anyway, simple lang naman ang trabaho natin. Hindi ito kasing hustle ng trabaho sa restaurant o fast food, etc. Magsi-serve lang tayo ng pagkain sa mga estudiyante at mga miyembro ng organisasyon. Minsan, mayroong conference meeting na nagre-request ng meal." Ipinakita sa kanya ni Rebecca ang record book nito.
"Para saan 'yan?" curious na tanong niya.
"Dito nila-log ang mga pangalan ng estudyante na tumanggap ng pagkain. May record tayo ng mga estudiyante. May mga name tag naman sila kaya hindi ka malilito. Huwag kang mag-alala, desimplinado ang mga estudiyante rito. Pero kapag walang name tag ang kumuha ng pagkain, ibig-sabihin, miyembro siya ng organisasyon. Hindi na siya kailangang ilista. Ang mga sini-serve na pagkain dito ay naka-base lang sa daily menu, by set ang serving in one plate. Isang beses lang puwedeng kumuha ang estudiyante in one meal. Mayroong night class pero kaunting estudiyante lang. Mayroong makukulit na estudiyante pero carry lang. Dito din kumakain ang mga taong nagtatrabaho sa pabrika," paliwanag ni Rebecca.
"Meron din bang day off?" aniya.
"Day off is not common here. Pero puwede ka namang lumiban basta magpaalam ka lang sa akin o sa ibang kasama natin para hindi mabakante ang area. Minsan, maa-assign ka sa kitchen para maghanda ng mga pagkain for VIP."
"Gano'n ba?"
Mamaya'y may dumating na grupo ng mga batang lalaki. Pumila ang mga ito sa counter. Pinapanood niya si Rebecca kung paano mag-serve ng pagkain sa mga bata. May mga name tag nga ang mga ito. Ang ibang bata ay natatakpan ng jacket ang name tag. Kailangan pa iyong sitahin ni Rebecca. Mukhang kabisado na ni Rebecca ang mga pangalan at mukha ng mga estudiyante.
"Kailangan mabilis ang mata mo. Kung hindi mo pa kabisado ang mga estudiyante, dahandahan lang sa pagbibigay ng pagkain. Kunin mo muna ang buong pangalan nila," sabi ni Rebecca, pagkatapos mabigyan ng pagkain ang mga bata.
"Lahat ba ng nag-aaral dito ay mga bampira?" tanong niya.
"Yes, pero halos lahat hybrid."
"Hybrid?"
"Half blood vampire. Actually, I'm also a student," sabi nito.
"Bampira ka rin?" manghang tanong niya.
"Half blood lang. Don't worry, wala pa akong nakakagat," biro nito.
"You looks like an ordinary girl," komento niya.
"Pinalaki kasi ako na normal."
Sinubukan niyang maglagay ng pakain sa plato. Kailangan maayos ang plating. Pinagmamasdan siya ni Rebecca.
"Kapag may sauce ang ulam, huwag mo masyadong damihan ang sauce baka bumaha sa plato. Husto lang na mabasa ang ulam. Kapag may sabaw naman, nakabukod siya ng bowl. Ang desert na may sarsa ay kailangan nakabukod," turo nito.
"Okay. Anong pagkain ba usually ang sini-serve rito?"
"More on international cuisines. Mostly kasi ng miyembro rito ay may dugong banyaga. Take note, walang garlic lahat ng putahe, allergic sa bawang ang mga bampira. No hard liquor din."
"Talaga?"
"Yap. Pero masasarap ang mga pagkain, promise." Sumubo ng lettuce na may mayonnaise si Rebecca.
Sinundan niya ng tingin si Rebecca na biglang lumapit sa harap ng counter. "Good morning, Dr. Lee!" masiglang bati nito sa bisita.
Awtomatikong napatitig siya kay Dr. Lee. Mukhang wala itong duty dahil itim na hapit na T-shirt lang ang suot nito at maong na pantalon. Mabilis ding bumaling sa kanya ang paningin nito na may natural na lagkit kung tumitig. Hindi niya maintindihan bakit biglang sumikdo ang puso niya habang magkatitig ang mga mata nila.
"Why are you here, Ms. Perez?" seryosong tanong nito sa kanya.
Para hindi siya magmukhang bastos, iniwan niya ang ginagawa saka lumapit dito. "Uhm, good morning, Doc," nailang na bati niya.
"Same here. I said you need more days to rest," sabi nito.
"Kuwan, okay naman ako. Wala namang masakit sa katawan ko. Naigagalaw ko naman nang maayos ang katawan ko," sabi niya.
"You're required to undergo physical therapy first. Naninibago ka lang kaya ka na-excite kumilos. Baka bigla mong damdamin ang sakit ng katawan kapag nagtrabaho ka kaagad. Matagal kang na-coma kaya hindi magiging normal ang function ng mga muscles mo."
"Pero nakakakilos naman ako nang maayos."
"Please, I hate hardheaded patient. Fallow my instruction if you want to live healthy," sabi nito sabay talikod.
Kumislot siya nang sikuhin ni Rebecca ang tagiliran niya. "Sumunod ka na lang sa kanya. Masamang magalit si Doc," bulong sa kanya ni Rebecca.
"G-Gano'n ba?" Tumalima naman siya. Patakbong sinundan niya ang binata.
"Doc, sino po ang magte-therapy sa akin?" tanong niya sa binata habang pilit itong sinasabayan sa paglalakad.
"You can go to fitness gym. Mayroong therapist na mag-aasikaso sa 'yo," sabi nito. Malalaki ang hakbang nito.
"Saan banda ang fitness gym?"
"Iga-guide ka niya."
"Nasaan ba siya? Lalaki ba siya?"
"Babae. Naroon siya sa clinic."
"Ilang oras ang therapy? At saka, ilang araw ko iyong gagawin?"
"At least one week and one hour session every day, until you will fully recovered."
"Kailangan ba ganoon katagal? Pakiramdam ko naman okay na ako. Nakakalakad naman ako nang maayos."
"May mga internal body pain na nasa huli ang reactions. Kapag nagkamali ka ng kilos, bigla iyong aatake at maari kang magkaroon ng injury."
"I'm just curious. Ano ba talaga ang damage na natamo ko mula sa aksidente?"
"I think my time was not enough to explain the whole story," sabi nito.
"So, kailan ka may mahabang oras? I really need to know what happened. I'm feeling empty. I don't have idea what was going on. Can we talk later if you're not busy?"
Biglang huminto ang binata. Huminto rin siya at humarap dito. Malikot ang blonde nitong eyeballs.
"I will write your story in peace of paper. I can't talk to you personally and I think it wasn't make sense because you're in amnesia stage. You need more time to recall your past," sabi nito.
Bumuntong-hininga siya. "How can I recall my past? Who cares about me here? Ni walang nakakakilala sa akin," hopeless niyang sabi.
"Ano lang ba ang naaabot ng memory mo?"
"Nothing. I don't know if my dream was connected to my past."
"What scene had you seen in your dream?"
"The scene in the church. I'm wearing wedding gown but someone said that my groom was gone. I'm waiting while crying and... I don't know what happened," kuwento niya.
Tiningnan nito ang mga kamay niya. May singsing na nakasuot sa palasingsingan niya.
"I guess you're married," sabi nito.
Itinaas niya nang bahagya ang kanyang kanang kamay na may suot na singsing. "Because of this ring?" aniya.
"Yes. You wear that ring since we found you. That ring proves that you're married. Baka kabaliktaran lang ang panaginip mo."
"Pero, imposible. Kung kasal na ako, why I'm still virgin?" walang gatol na sabi niya.
"I think I'm not obligate to answer your question. I'm sorry, I can't entertain you today." Nagpatuloy ito sa paglalakad.
Sinundan pa rin niya ito. "Then tell me whose the right person to talk? I madly need someone to tell me a lot about my past."
"Magpahinga ka muna." Huminto ito sa tapat ng clinic.
"Come inside. Nasa loob ang therapist. Alam na niya ang gagawin. I need to go," sabi nito saka siya iniwan.
Ngumuso siya. "Ang sungit. Bakit ba karamihan sa doktor masungit? Masuwerte siya, guwapo siya kung hindi ay magmumukha siyang monster," maktol niya. Pagkuwan ay pumasok na siya sa clinic.
Naabutan niya si Narian na may kasamang babae. Nakaupo ang mga ito sa bench sa tapat ng stainless na mahabang mesa.
"Oh, nariyan na pala siya," sabi ni Narian sa kasama.
Tumayo naman ang matangkad na babae. Maganda ito at maputi. Ga-balikat ang itim at tuwid nitong buhok. Nilapitan siya nito.
"Hi! Ikaw si Charmaine 'di ba? I'm Rhomz Garlan. Ako ang therapist na inutusan ni Dr. Lee," pakilala nito sa kanya sabay alok ng kanang kamay.
Dinaop naman niya ang palad nito. "Hello," kiming sagot niya.
"So, shall we start your therapy?" anito pagkuwan.
"Ahm, okay na ba itong suot ko? Or need kong magsuot ng komportableng damit."
"Mayroon ditong jogging pants at white T-shirt," sabat naman ni Rebecca. Pagkuwan ay tumayo ito at kinuha ang sinasabing damit sa aparador at binigay sa kanya.
Pumasok naman siya sa banyo at nagbihis. Nang makapagbihis ay dumeretso na sila ni Rhomz sa fitness gym kung saan may mga therapy equipment. Nagsimula sila sa basis warm up. Doon lang niya naramdaman ang nakatagong sakit sa katawan niya.
Habang nag-uunat siya ng kasukasuan ay biglang dumapo sa isip niya si Dr. Lee. Noon lang niya naisip kung gaano katagal siyang inalagaan ng batang doktor. Sa loob ng halos isang buwan niyang pagka-coma, wala siyang ideya kung ano ang mga ginawa sa kanya. Bagaman normal at sanay na si Dr. Lee na nakakahawak ng hubad na katawan ng babae, hindi pa rin niya maiwasang huwag mailang.
"Ahm, Rhomz, binata pa ba si Dr. Lee?" tanong niya kay Rhomz, habang nakaalalay ito sa likod niya.
"Oo, bakit?"sagot nito.
"Ahm, curious lang. Ang bata kasi niyang naging doktor."
"Advance kasi ang pag-aaral ng mga bampira. Ang pogi niya ano?" kinikilig na sabi nito.
Napangiti siya. Agree siya roon. Questionable lang sa kanya ang napansin niyang kasupladuhan ng binata, pero hindi iyon big deal sa kanya. Parang nakadagdag pa ng sex appeal ng binata ang pagkasuplado nito. Bumagay naman sa personality nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top