Chapter Five


"BAKITkailangan ko pang maghubad?" inosenteng tanong ni Charmaine kay Dr. Lee.

"Hindi puwedeng may sagabal sa katawan. Mahihirapan ang machine na ma-monitor ang loob ng dibdib mo. Don't worry, I'm immune," sabi nito.

"Immune saan?"

"Sa katawan mo."

Hindi niya maintindihan ang agarang pagtahip ng dibdib niya. Nagkalat ang init sa kaibuturan niya.

"So, have you touch my boobs?" walang kiming tanong niya.

Lumapit pa ito sa kanya at deretsong tumitig sa kanyang mga mata. Hindi niya napigil ang pagkagat sa ibabang labi niya.

"Stop biting your lower lip, please. It looks seductive," wika nito.

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Ibinaba niya ang tingin sa gawi ng dibdib nito na bakat sa suot nitong kamiseta. Paulit-ulit siyang lumunok dahil pakiramdam niya'y may nakabara sa lalamunan niya.

"As I said, I'm immune seeing and touching your body, specially your boobs. Huwag kang mag-alala, wala iyong halong pagnanasa. Trabaho ko lang 'yon. Kailangan kong hawakan ang dibdib mo para mabuksan at magamot ang puso mo. Kung hindi ko 'yon ginawa, baka matagal ka nang pinapak ng uod," seryosong wika nito.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. Tumayo siya saka dahandahang hinuhubad ang pan-itaas niyang saplot.

"Hindi naman sa hinuhusgahan kita. Gusto ko lang makasiguro na wala kang ginawang masama sa katawan ko," sabi niya.

"Ramdam mo naman 'yon kung may nawala sa 'yo," sabi nito.

"Pero gusto kong makabawi sa lahat ng ginawa mo. Kung hindi ka tumatanggap ng simpleng bagay bilang kabayaran, I give you permission to touch me," hibang na sabi niya.

"What?"

Ngumiti siya. "Uh, don't mind me." Tuluyan niyang hinubad ang kanyang underwear.

Ano ka ba, Charmaine? Nahihibang ka na ba? Tama ba'ng sinabi mo 'yon sa kanya? Sayaw ng isip niya.

Iginiya naman siya nito sa kama. Humiga siya. May idinikit itong aparato sa kaliwang dibdib niya na nakakonekta sa maliit na monitor.

"Normal naman ang size ng puso mo pati ang heart rhythm. Kailangan mo lang kontrolin ang emotions mo and avoid stress. Matulog ka nang at least 6 to 8 hour per day. Avoid fatty food and sweets para maiwasan ang blood clothing. Ituloy mo lang ang daily exercise para sa magandang blood circulation," sabi nito.

Mamaya ay inalis na nito ang aparato sa dibdib niya. Pinayagan na siya nitong tumayo. Naibandera pa niya ang hubad niyang dibdib sa harapan ng binata bago niya natagpuan ang kanyang damit. Napansin niya ang maya't-mayang pagsipat nito sa kanya. Bilib na talaga siya sa tatag ng kontrol nito sa sarili. Imposibleng wala itong libido sa katawan at hindi nakakaramdam ng pagnanasa.

Umupo siya sa silyang katapat ng mesa nito. Humarap sa kanya ang binata at pinanood siya habang nagbibihis. Nginitian niya ito.

"I'm not sure if your poker face is inborn. But you look good enough to bite, Dr. Lee. Can I call you Dylan? Your name sounds sexy," wika niya.

"You can do what you want," anito.

Tumayo siya kahit hindi pa nai-lock ang kanyang bra. Humakbang siya palapit dito.

"I don't have idea what kind of girl I am before. But I think it's my human nature. A little bold and wild," aniya. Hinaplos niya ang dibdib ng binata. Napansin niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito.

"No, you're not," tutol nito.

"What?"

Umiwas ng tingin ang binata. "I mean, nalilito ka lang. Magbihis ka na," sabi nito.

"Wait." Hinawakan niya ito sa kanang braso. Hindi niya iyon mahawakan ng buo dahil sa hitik nitong muscle.

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Tumingkayad siya upang maabot ang labi nito. Walang abog na siniil niya ng halik ang mga labi nito. Nasurpresa siya nang tumugon ito pero kaagad din siyang itinulak. Napaatras siya.

"Why? I just want to thank you for saving my life," aniya.

"Words is enough," masungit nitong turan.

"Fine. For me words is not enough to pay your sacrifices and effort for saving me. Please, let me do something for you. Name it," aniya.

"You can do anything but please, don't seduce me."

"What?" natatawang untag niya. Nahahalata niya sa mukha nito ang frustration. "Mukhang madali kang ma-seduce."

"Of course, I'm still a man. Magbihis ka na at magpahinga," anito.

Nagbihis naman siya. "Salamat sa oras mo. Babalik na lang ako kapag may naramdaman akong hinid maganda," sabi niya pagkuwan.

Hindi na kumibo ang binata. Iniwan na niya ito.

"FUCK! She's crazy!" bulalas ni Dylan nang makalabas na si Charmaine. Mariing ikinuyom niya ang kanyang mga palad upang pakalmahin ang kanyang emosyon.

Hindi niya inasahan ang hakbang kanina ng dalaga. Nabigla siya at kamuntik nang mawalan ng kontrol. Mabuti buhay pa ang katinuan ng isip niya. Nasurpresa siya sa asal na pinakita nito sa kanya. Gaano nga ba niya ito kakilala? Hindi niya alam kung ano ang binago ng fourteen years sa pagkatao nito.

Nang kumalma ang kanyang nerves ay saka niya binalikan ang result ng test na ginawa niya sa dalaga. Inasahan niya na iyon na ang huling pagkakataon na magrereklamo ito tungkol sa estado ng puso nito. Gusto na niya itong kalimutan at ibaon sa kanyang nakaraan.

Pagdating niya sa sa laboratory ay nadatnan niya si Alessandro na may binubutingting sa memory machine.

"May I disturb you?" tanong niya rito.

"Oh, sure," sabi nito.

"May mga specimen akong pinadala rito kanina. May result na ba ang test?"

"Iyong blood sample ay wala pa. Saan ba 'yon nanggaling?"

"Sa area malapit sa Mactan safe house. May pinatay na tao at bampira. Base sa statement ng witness, may umatake raw sa bangka na sinakyan ng dalawang biktima. Maaring miyembro ng black ribbon ang suspect."

"So saan nanggaling ang blood sample?"

"Nakuha iyon sa mismong bangka kung saan nangyari ang pagpatay. Pamilyar sa akin ang palasong ginamit sa isang biktima."

"Oo nga. Na-specify ko ang lasong meron ang palaso. Katulad iyon sa lason ng palaso na tumama sa 'yo noon. Nakakuha ng ideya ang black ribbon sa atin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa gusto nilang iparating."

"They kill humans without reason?"

"No, pinapatay nila ang mga tao para gawing kauri nila. Wala naman silang mahahakot na magiging miyembro kundi sa mga mortal. Magmula noong umalis sa black ribbon si Steven Scott ay humihina na ang grupo nila. May mga leader sila pero mga ordinaryong bampira din. Halos naubos na rin ang mga experimented vampire ni Dr. Dreel. Mayroon silang Genetic engineers na patuloy na nagsi-splice ng DNA. They have the formula from Dr. Dreel, so they can make powerful vampires."

"Pero hinid na uubra ang mga ideya nila ngayon."

"We can't say that. We still don't have idea about Steven. Huli siyang nakita ng miyembro ng Libertad sa Spain."

"Ano naman ang ginagawa niya roon?"

"I don't know. Matagal na siyang pinapahanap ni Tito Dario."

"Kapatid ba siya ni Tito Dario?"

"Yes, sa father side. Kapatid din ni Daddy. Anak siya ni Dr. Dreel sa anak ni Draculus."

"Wow, now I know why he's the furious vampire in history."

"Wala nga lang siyang pakialam sa kasaysayan. He's a black sheep of legend."

"Sayang. Malaki sana ang pakinabang natin sa kanya."

"But I guess, he just around. He always watching us. Kilala mo ba si Torn?"

"Sinong Torn?"

"Kaibigan ni Erman na invisible. Matatawag din siyang si Roe or white rose. May koneksiyon siya kay Steven. Marami siyang alam sa nangyayari sa mundo."

"Samantalang tayo, walang alam tungkol sa kanya."

"Because he's invisible and mysterious. Kapag nakiisa siya sa atin, malalaman natin ang mga kilos ni Steven, pati kilos ng mga kalaban. Napag-usapan sa huling meeting ang tungkol sa mga miyembro ng black ribbon na halos mga mortal at ginawang bampira."

Naalala niya ang kaibigan niyang si James. Malakas ang kutob niya na ginawa na iyong bampira dahil noong huli silang nagkita ay kinagat iyon ng bampira. Noon na ulit niya naalala ang kuwentas na binigay sa kanya ni James. Hanggang ngayon ay hindi na niya iyon makita. Hindi daw maalala ng Mommy niya kung saan niyon nailagay ang kuwentas matapos labhan ang hinubad niyang damit.

"N-Nasa loob angl-litrato niya. A-Alagaan mo siya p-para s-kin." naalala niya'ng sinabi noon ni James pagkabigay sa kanya ng kuwentas.

Paano pa niya malalaman kung buhay pa ang babaeng sinasabi niyon? Ni hindi niya nakita ang litrato. Magmula noong pumunta siya ng Amerika para mag-aral ay hindi na sila nagkita ni James. Noon lang na hinabol ito ng mga bampira. Wala siyang balita rito dahil wala silang komunikasyon. Bawal sa kanila magbabad sa social media, kahit sa anong gadgets. Nakatutok lang sila sa pag-aaral.

"Meron pala akong good news," mamaya ay sabi ni Alessandro.

Lumipat sila sa harap ng main monitor. May binuksan itong data. Nakapaloob roon ang status ng memory ni Charmaine.

"Twenty percent na ang nararating ng memory ni Charmaine from her past. Siguro nasa ten years old siya nito. Hanggang doon pa lang ang naabot ng memory niya pero still on progress naman itong ginagawa ko. Mai-a-apply ko ito sa mismong memory niya once complete na," sabi nito.

Nakadama siya ng iritasyon. Kapag tumuntong na sa thirty percent ang ginagawang memory enhancing ni Alessandro, mag-a-appear na siya sa past memories ni Charmaine. Mabibisto na siya nito. At kapag nai-insert na nito ang enhanced memory kay Charmaine ay awtomatikong maaalala siya ng dalaga.

"You just wasting your time for doing that, Sandro. Maraming mas importanteng dapat nating gawin. Temporary amnesia lang naman ang kaso ni Charmaine. We don't need to force her memory back. Baka makakaapekto lang 'yon sa utak niya. Kaka-monitor mo sa memory niya, mukhang may saltik na," aniya.

"What?"

First time niyang narinig ang hagikgik ni Alessandro.

"So, is it my fault? I'm just helping her to recover."

"But you over used your ability, Sandro. Why you can't do the normal medication? I know you're not an ordinary genius but please, take control of yourself. Charmaine is my patient so I have rights to decide what is good for her," palatak niya.

Bilib na talaga siya kay Alessandro. Kalmado pa rin ito. "Why you intriguing my job? Dylan, I never failed at work."

"I know, but not all time you can manage the situation. You're not God. Pabayaan mo sa akin si Charmaine. Hindi malaking isyu ang amnesia niya. She can recall her memories in natural way. Her heart is my concern."

"I think you did your job. You need brain specialist to manage her problem. Wala ka namang ginagawa para maibalik ang memory niya."

"Hindi niya iyon ikamamatay, Sandro!"

"But once depression strike her, her body will give up. Not only heart can control the whole system of body, we still have mind. Kapag puro puso ang umiiral at walang utak, parang patay din ang katawan. I hate argue but we're doing it now. Don't show me that you're against to all my ideas. It's obvious that you're affected to Charmaine's case. Can you tell me something? You can trust me, man," kalmado pa ring sabi nito.

Noon lang niya nakitang nakikipagsagutan si Alessandro. Masyado na siyang naapektuhan ng pagdating ni Charmaine sa academy. Kung pinabayaan naman niya itong namatay noon, habang buhay din siyang uusigin ng konsiyensiya niya. Wala naamng kasalanan sa kanya ang dalaga pero hinid niya maintindihan bakit itinutulak ito palayo ng isip niya, kahit ramdam niya na kabig pa rin ito ng kanyang puso.

"Malalaman mo rin kapag complete na ang ginagawa mong memory enhancing," sabi niya.

"Hindi ko ini-enhance ang memory niya. Ginagawa ko ang advanced formula to recall the deleted memories. Mas advanced ito sa reformat process. Automatic na ang pag-enhance ng memory niya since on progress ang paglikha niya ng new memories. Once a week na lang ang memory scan na ginagawa ko sa kanya para hindi sayang ang oras. I think you're right, I need to wait for the complete result. Malalaman ko kung may itinatag ka."

Advance mag-isip si Alessandro kaya wala siyang laban dito. Baka makatulog pa ito sa problema niya.

"You're always right, Sandro. Parte ako ng nakaraan ni Charmaine," bunyag niya.

Manghang napatitig sa kanya si Alessandro. "Nagkakilala na kayo?" anito.

"Since grade school. Investor ng company ni Mommy ang parents niya. Naging kami ng three years."

"What? Since grade school?"

"I think hindi iyon love. Mga bata pa kami."

"Pero ang mga bata noon ay mapupusok. At their teenage, they know about sex. They feel obsession."

"Puppy love lang 'yon. Kaya ko siya iniwan dahil alam ko na magbabago pa siya. Ayaw kong makulong sa relasyong iyon. Isa pa, hindi niya alam na may dugo akong bampira. Baka isa iyon sa magiging dahilan at mag-quit siya. Ayaw kong darating ang araw na isumbat niya sa akin ang pagkaligaw ng landas niya. She has a normal life, a beautiful dreams and ambitions. I want to give her a chance to realized what she really want in life. Having an early relationship was a big destruction. Napansin ko noong naging kami ay bumababa ang grades niya. Gusto niya palagi lang kaming magkasama. Matured siyang mag-isip noon. Pero alam ko na nabigla lang siya. Hindi naging good influence sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend. She's obsessed. Siguro kung hindi ko siya iniwan, baka maaga kaming nagka-baby. Baka hindi niya naabot ang pangarap niya at ganoon din ako. Pareho kaming mapusok noon. We're about to do some sexual activity, but I still manage the situation. Mas mature pa rin ako sa kanya. Kaya noong nagdesisyon ang parents ko na sa Amerika ako magpatuloy ng pag-aaral, pumayag na ako. Gusto ko ring lumayo kay Charmaine," mahabang kuwento niya.

"It make sense now. But I guess you didn't leaved her like you're leaving a trash in a trashcan," komento nito.

May kung anong kumurot sa puso niya. Hindi niya iyon inaasahan. "Nahirapan din ako, but I had to control those pain."

"Did you loved her?"

"I love her."

"You lost the letter 'D'. You mean, you still love her," tudyo nito.

Tiningnan niya ng matalim si Alessandro. "Ganyan ba katalas ang pandinig mo? Hindi ko lang na-pronounce ang 'D', mali na?" napipikong sabi niya.

"You obviously guilty, Dylan. Thanks for the story. But Charmaine deserve to know her past."

"Para ano? Bubuhayin lang ng alaala niya ang sugat sa puso niya."

"Kung humilon na iyon, hindi siya masasaktan, unless kung makita ka niya 'tapos bigla siyang nakadama ng sakit. Meaning, she still affected with your past. Pero kung hindi na, baka nakapag-move on na siya."

"I think she did. She have wedding ring. She always dreaming about her wedding day."

Saka niya naalala ang sinabi ng dalaga noong pinag-usapan nila ang panaginip nito.

"Pero, imposible. Kung kasal na ako, why I'm still virgin?"

Imposible nga. Meron bang ikinasal na walang honeymoon? At ano naman ang pakialam niya roon?

"So you bother about her married life?" usig ni Alessandro.

"I don't care. Mas mabuti na iyon. She deserve to marry a right man."

"But the question is, where's her husband now?"

"Don't ask me about that."

"Baka namatay na. I don't believe in destiny but Narian proved to me that sometimes destiny comes in two person who both don't believe about it."

"Damn that destiny."

"You still have chance, Dylan."

"Chance for what?"

"To reopen your heart for same person who own this first."

Bumuntong-hininga siya. "Nahawa ka na ng kadaldalan ni Narian. Ang lakas talaga ng impluwensiya niya sa 'yo."

Hindi umimik si Alessandro. Pagkuwan ay iniwan na niya ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top