Chapter Four


HINDI mawaglit sa isip ni Symon ang lalaking minsan na umanong nagligtas kay Rebecca sa panganib. Wala siyang maalala na nalagay sa panganib ang dalaga. Naglihim ba ito sa kanya? Papasok siya sa kanyang kuwarto nang masalubong niya ang Daddy niya.

"Symon," pigil nito sa kanya.

Huminto siya. Nang huminto may isang dipa ang pagitan sa kanya ng kanyang ama ay nabasa niya ang munting galit sa mga mata nito.

"Dad," sambit niya.

"Bakit hindi ko alam na minsan nang nanganib ang buhay ni Rebecca? Akala ko ba nababantayan mo siya nang maayos?" usig nito.

"Dad, hindi ko alam 'yon," sabi niya.

"Hindi mo alam kasi mas iniintindi mo ang babaeng patuloy kang pinapaasa! Dahil kay Aria, napabayaan mo ang kapatid mo!"

Nagtagis ang bagang niya. "So is it my fault, Dad?"

"Oo, dahil responsibilidad mong bantayan ang kapatid mo!"

"I'm still curious, Dad. You don't even tell us about Rebecca. Bakit ganoon siya kaimportante sa 'yo? O baka naman tama ang hinala noon ni Mommy na anak mo siya sa ibang babae."

Walang abog na biglang tumama ang kamao ng Daddy niya sa kanyang pisngi. Tumalsik siya sa dingsing. Mabilis niyang pinahid ng kamay ang dugo sa kanyang labi. Tumayo siya at inayos ang kanyang damit. Nilapitan siya nito saka dinuro.

"You don't have rights to judge me in this point, Symon. Hindi pa ba sapat ang DNA test na ginawa ko kay Rebecca para maalis 'yang paghihinala ninyo sa akin?" anito.

"Then, tell me the truth about Rebecca. Why you care for her like your own daughter? I spent almost half of my life now just protecting her, but I don't know for what sake? I just love sister, so I fallowed your command. But it's crazy to admit that I was responsible for her safety. I'm always reminded to myself that she's my real sister, but sometimes I failed. I think there's something wrong with her," protesta niya.

Kumawala ng malalim na hininga si Riegen. "I think, ikaw ang may problema, Symon. Rebecca is an ordinary vampire. She's innocent and a victim of harassment. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan ko ang kuwento ng buhay niya at ang pagiging hybrid niya. Ginawa na namin lahat ng test para ma-identify ang blood line niya but it's doesn't appear in any test that we made. Ang nanay niya ay half-Thai-Filipina, at walang espesyal sa kanya. We're clueless about her identity. Pero ang lawak ng nararating ng vision at sense of smell niya ay hindi pangkaraniwan. Hindi siya tinatablan ng rabia-apocalypse virus. Iyon ang pinag-aaralan namin sa ngayon," paliwanag ni Riegen.

"So, ginagawa n'yo siyang specimen."

"Sa henerasyon natin ngayon, maraming naglalabasang new born blood line na mga bampira. Ang kinakatakutan namin ay ang first class hybrid, o kombinasyon ng tatlong blood lines, from human, lycan, at vampire. Matutuldukan na ang problema natin sa virus at mga experimented vampires ni Dr. Dreel, at humihina na ang hukbo ng black ribbon organization, pero may posibilidad na mas malaking problema ang kakaharapin natin. Habang wala pang lumalabas na first class hybrid, nagsasagawa na kami ng research. Kaya ako umiikot sa ibang bansa ay para mag-ipon ng impormasyon tungkol sa first class hybrids. Isa si Rebecca sa pinag-aaralan namin dahil sa blankong blood line niya. But I'm still hoping that she's not belongs to them. Kaya ko siya pinapabantayan sa iyo ay dahil kung sakaling maging positibo man siya, hindi na tayo mahihirapang kontrolin siya. Dahil once naunahan tayo ng target, mababalewala ang pinaghirapan natin para maisalba ang mga tao."

Pilit inuunawa ni Symon ang mga sinasabi ng Daddy niya pero naguguluhan pa rin siya. Alam niya na isa sa mahirap kalaban ng mga bampira ay mga lycans.

"I'm sorry, Dad. Naguguluhan lang kasi ako," aniya pagkuwan.

Hinipo nito ang ulo niya. "Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Ginagawa ko ang lahat para maprotektahan ang lahi natin. Hindi ko naisalba ang legacy ng pamilya natin. Naubos silang lahat, pati ang Lolo mo, na wala akong nagawa. Kaya gusto kong bumawi. Gusto kong mabawi ang kapangyarihang ninakaw sa atin. Kahit isa man lang sa inyo ni Syrel ang makakakuha ng kapangyarihan ng Lolo n'yo ay kampante na ako, huwag lang mapunta sa masamang kamay."

"Naiintindihan ko, Dad. Sisikapin ko'ng makatulong sa inyo."

Tumango ito saka siya niyakap. Pagkuwan ay iniwan na siya nito. Papasok na sana siya sa kanyang kuwarto nang nahagip ng paningin niya si Rebecca na naglalakad paakyat sa hagdan patungong rooftop. Sinundan niya ito.

Bahagyang nakabukas ang pinto. Sumilip siya. Nakita niya ang dalaga na nakaupo sa damuhan at nakatingala sa kalangitan. Gabing-gabi na, bakit tumambay pa ito roon? Puting pantulog lang ang suot nito. Naririnig niya ang hinaing nito.

"Ma, sana hindi na lang tayo naghiwalay. Baka binuhay ka pa nila kung sumama ako sa kanila. Pinipilit ko namang maging masaya kahit pakiramdam ko ibang mundo ang ginagalawan ko. Mababait naman ang mga kumupkop sa akin, wala akong problema. Pero parang nasasakal na ako. Gusto kong lumaya na parang ibon. Pero ayaw ko silang iwan. Sila na lang ang pamilya ko. Nagtataka lang ako bakit ganoon sila kahigpit sa akin. Okay lang kung" Biglang lumingo ang dalaga sa knaroroonan ni Symon.

Mabilis namang nakatago ang binata. Siguro ay naamoy siya nito. Nang nakita niya itong tumayo at humakbang patungo sa kanya ay dagli siyang nag-teleport papunta sa kanyang kuwarto. Humiga kaagad siya sa kanyang kama.

"Praning talaga siya," sabi niya. Hindi na siya bumangon.

HINDI madalaw-dalaw ng antok si Rebecca. Naroon pa rin siya sa hardin sa rooftop. Palakad-lakad siya sa gilid ng rehas na nagsisilbing harang. Balisa siya. Mainit ang pakiramdam niya sa kanyang katawan. Tumingala siya sa kalangitan. Lumitaw na ang bilog na buwan. May naririnig siyang alulong ng mga aso mula sa malayo. Tumingin siya sa kabundukang natatanaw niya mula roon. Pinalawak pa niya ang kanyang paningin hanggang sa mahagip ng paningin niya ang isang lalaki na nakatayo sa lilim ng punong kahoy. Pamilyar sa kanya ang bulto nito.

Unati-unti na niyang nakikilala ang lalaki ngunit biglang may kamay na sumapa sa balikat niya. Marahas siyang pumihit sa kanyang likuran. Binawi kaagad ni Syrel ang kamay nito.

"Late na, bakit nandito ka pa?" tanong nito.

"Hindi ako makatulog. Mainit sa loob," aniya.

"Gusto mo bang magpalamig? May ice cream ako."

"Ayaw ko ng matamis. Okay na sa akin ang sariwang hangin dito."

"Full moon ngayon. Gusto mo bang mag-night swimming?"

Nagustuhan niya ang suhesyon nito. Sa oras ding iyon ay nagtungo sila sa likod ng bahay na mayroong swimming pool. Mas gusto sana siya sa beach pero hindi pumayag si Syrel.

Ternong itim na underwear lang ang suot niya. Si Syrel naman ay itim na boxer lang ang sapin sa katawan. Habang papalapit siya sa hagdan ng pool ay sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. Nakaluklok ito sa gilid ng pool.

"Ang sexy mo pala. Sana noon ka pa nagpapayat," sabi nito.

"Dati na akong sexy, itinago ko lang," aniya.

"Patpatin ka kaya noon. Nakita pa nga kitang naliligo na nakahubad dito sa pool."

"Mga bata pa tayo noon."

"Oo nga, pero kung iisipin mo ngayon, ibang-iba na."

Umupo siya sa hagdan habang nakababad ang mga paa niya sa tubig. "Sino naman ang baliw na babae ang maliligo sa pool na hubo't-hubad?" aniya.

"Oo nga naman. Walang hiya ka pa noon. Naligo ka rito sa pool na hubad kasama si Kuya. Binatilyo na si Kuya no'n. Marunong na siyang mag-masturbate. At ikaw, nagsisimula nang magdalaga."

"Tunay na kapatid ang turing sa akin ni Symon, kaya okay lang 'yon sa kanya."

Tumawa ng pagak si Syrel. "Akala mo lang 'yon. Mapagmahal na anak si Kuya kaya lahat ng utos ng parents namin ay sinusunod niya. At bakit hindi Kuya ang tawag mo kay Kuya Symon?"

"Hindi naman big deal 'yon, eh. Ikaw nga minsan hindi mo siya tinatawag na kuya."

"So ginagaya mo ako?"

Hindi siya sumagot. Lumusong na siya sa tubig at lumangoy hanggang sa kabilang dulo. Lumangoy na rin si Syrel.

Nang umahon siya ay umahon din ito. Lumuklok siya sa gilid ng pool. Umupo rin sa tapat niya si Syrel. Nagulat siya nang bigla nitong hinipo ang itaas ng kaliwang dibdib niya. Itinabing niya ang kamay nito.

"Ano ba?!" asik niya.

"Nagpa-tattoo ka?" anito.

Tiningnan naman niya ang kanang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang tungkol sa tattoo.

"Ah, oo. K-kanina lang," pagsisinungaling niya.

"Saan ka nagpa-tattoo?"

"Doon sa safe house sa Mactan, merong tattoo artist."

"Nice. Pero mas type ko kung rosas ang pina-tattoo mo. Mas seductive tingnan. Naaakit talaga ako sa mga babaeng may tattoo sa dibdib," pilyong sabi nito.

"Puro kasi babae ang nasa isip mo. Siguro kabisado mo na lahat ng bed scene sa kakapanood mo ng erotic movie," aniya.

"Kumukuha lang ako ng ideya."

"Sus. Nagpaparaos ka lang, eh."

"Siyempre, ayaw kong magka-prostate cancer. Bakit akala mo ba ako lang ang gumagawa ng gano'n? Si Kuya din kaya. Palagay ko nga nakuha na niya si Aria."

Tumabang ang ngiti niya dahil sa huling sinabi ni Syrel. Ilang beses niyang nahuli noon si Symon at Aria sa sala at naglalampungan, pero hindi pa naman niya nakitang nagtatalik. Sana nga walang gano'n.

Tumayo siya at lumakad.

"Hey! Where you going?" tanong ni Syrel.

"Papasok na ako sa kuwarto ko," aniya.

"Wait!"

Nilakihan pa niya ang hakbang hanggang makarating siya sa loob ng bahay. Paakyat na siya ng hagdan nang masalubong niya si Symon na hubad baro at tanging boxer ang suot. May isang dipa lang ang pagitan nito sa kanya. Tiningala niya ito. Seryoso ito habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan niya.

Pakiramdam niya'y hinuhubaran siya nang tuluyan ng titig nito. Uminit ang temparatura ng katawan niya.

"Beca! Ang bilis mo namang magsawa. Nagsisimula pa lang tayo," sabi ni Syrel na nakabuntot sa kanya.

Naibaling ni Symon ang tingin kay Syrel. Umasim ang mukha nito. "Ano'ng ginagawa n'yo?" seryosong tanong ni Symon.

"Ah, nag-swimming," mabilis niyang sagot.

"Night swimming kasi mainit. Halika na, Beca!" sabi ni Syrel.

"Ayaw ko na," aniya.

"Pambihira ka talaga. Ang hilig mong mambitin ng moment," sabi ni Syrel saka lumabas.

Aakyat na sana siya ngunit hinarang siya ni Symon. Pinantayan siya nito sa kinatatayuan niya.

"Sa palagay ko hindi dapat kayo palaging magkadikit ni Syrel. You know how liberated he is. You both matured and open minded. I hope walang nangyayaring sexual sa pagitan ninyo," anito.

Kinilabutan siya sa sinabi nito. "Ano? Bakit ang dumi mong mag-isip? Naligo lang kami ni Syrel. Dati naman nating ginagawa 'yon, eh."

"Don't compare the past and present, Beca. Masyadong mapusok sa babae si Syrel. Sa simula pa lang ay hindi na kapatid ang turing niya sa 'yo. Halatang nade-develop ang feelings niya sa 'yo, and that's not good both of you."

"So masama 'yon? Masama bang ma-in-love sa kinilala mong kapatid? Hindi naman ako legal na adopted, eh. Anytime, puwede akong umalis sa pamilyang ito, pero nakatali na ako sa utang na loob."

"You can leave anytime you want."

"Ikaw lang naman ang may gusto niyan, eh. Nagsasawa ka na ba sa pagbantay sa akin? Kakausapin ko si Papa, na huwag mo na akong bantayan. Kaya ko na ang sarili ko," aniya saka humakbang ngunit hinawakan nito ang kanang braso niya.

Pumihit siya paharap dito. Matamang tumitig siya sa mga mata nito.

"Ang laki na ng pinagbago mo, pero hindi ko ito gusto. Gusto kong ibalik mo ang dating Rebecca na nakilala ko. Nararamdaman ko na naiilang ka sa akin. Hindi ka na nagsasabi sa akin ng problema mo. Natututo ka nang maglihim. Hindi mo na rin ako ginagalang bilang nakakatandang kapatid." Inisa-isa nito ang katangiang nakasanayan nito sa kanya.

Kumikirot ang dibdib niya sa tuwing naiisip kung ano ang dahilan niya. "Wala namang ibang mahalaga sa 'yo kundi si Aria," sabi niya saka tuluyang umakyat.

Hindi na siya nito pinigilan. Pagdating niya sa kanyang kuwarto ay dumeretso siya sa banyo at nagbanlaw. Hindi niya pinigil ang pagdaloy ng kanyang luha udyok ng kanyang emosyon. Naalala niya ang ilang magagandang pangyayari sa pagitan nila ni Symon.

"SYMON!" tawag ni Rebecca kay Symon, nang matagpuan niya ito sa dalampasigan.

Paglapit niya rito ay nakasimangot ito. "Nakalimutan mo na ba? Mas matanda ako sa 'yo ng tatlong taon kaya dapat kuya ang itawag mo sa akin," anito.

Namaywang siya. "Ayaw ko nga. Baka kasi ma-in-love ako sa 'yo balang araw, mahirap nang bawiin ang salitang 'kuya'," aniya.

Ngumiti si Symon. Dalawang buwan pa lang siya sa puder ng mga ito. Naging malapit na siya sa mga anak ni Riegen.

Hinawakan nito ang kanang kamay niya saka sila naglakad habang inaabot ng alon ang kanilang mga paa.

"Kung sakaling ma-in-love ka sa akin, walang problema. Puwede mo naman akong mahalin," sabi nito.

"Hindi ka magagalit?"

"Bakit naman ako magagalit? Ang ganda mo kaya at ang bait."

"Talaga?"

"Oo. Pero baka magagalit si Daddy."

"Bakit naman siya magagalit? Hindi naman tayo magkapatid, eh."

"Pero gusto ka niyang ampunin. Gusto niya kami ang ituring mong pamilya. Pinipilit niya kami ni Syrel na tratuhin ka na parang tunay na kapatid. Gustong-gusto ni Mommy na magkaroon ng anak na babae pero hindi siya nabubuhayan ng anak na babae."

"Gano'n ba? Pero okay lang talaga sa 'yo na magustuhan kita?" aniya.

Huminto sila. Hinarap siya nito. "Bata ka pa, pareho tayo. Kapag lumipas ang taon na sabay naging matured ang isip natin, matatanggap din natin na magkapatid tayo. Magkakagusto tayo sa ibang tao. Pero bago ka ma-in love sa ibang lalaki, gusto ko ako ang first kiss mo," anito.

"Ano? Puwede ba 'yon?"

"Oo. Pumikit ka."

Pumikit naman siya. Mamaya ay naramdaman niya ang mainit na labi ni Symon na lumapat sa kanyang labi. Tumagal iyon ng ilang sigundo. Nang bumitiw ito sa kanya ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Nakangiti ito.

"Huwag na huwag mong kakalimutan na ako pa rin ang first kiss mo."

Ngumiti siya. "Hindi ko 'yon makakalimutan. Sana gano'n ka rin," aniya.

"Oo, promise. Ako ang magiging saver mo, Walang sino man ang maaring manakit sa 'yo basta kasama mo ako." Inilahad nito ang palad sa kanya.

Humawak naman siya sa kamay nito saka sila naglakad sa dalampasigan. Pabalik-balik lang sila hanggang sa lumubog ang araw.

NAKAPIKIT si Rebecca habang nakatutok siya sa ilalim ng shower. Laman pa rin ng isip niya si Symon. Nadismaya siya. Nagbago si Symon magmula noong nakilala nito si Aria. Nakalimutan nito ang pangako sa kanya.

In-off niya ang shower saka binalot ng tuwalya ang kanyang katawan. Paglabas niya ng banyo ay nawindang siya nang makita ang malaking itim na ibong dumadapo sa pasamano ng nakabukas na bintana. May nakita siyang nakarolyong munting papel sa kaliwang paa nito.

Nang ihulog nito sa sahig ang papel ay kaagad itong lumipad. Lumapit siya sa bintana saka pinulot ang papel. Binuksan niya ito. May unseng numero na nakasulat. Sa ibaba ng numero ay nakasulat ang pangalang 'Jared'.

"Si Jared?" sambit niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone saka in-save ang number ni Jared. Hindi pa niya ito lubos na kilala pero may pakiramdam siya na malaki ang koneksiyon nito sa kanya. Maaring masasagot nito ang mga tanong niya tungkol sa nakaraan. Sinubukan niya itong tawagan pero walang sumasagot.

Dumungaw siya sa bintana. Nakita niya ang itim na ibon na dumadapo sa sanga ng punong kahoy. Maaring messenger ni Jared ang ibong iyon. Isinara na niya ang binatana saka nagbihis. Ginugupo na rin siya ng antok. Maaga pa siyang pupunta ng academy bukas dahil may dalawang subject siya sa umaga at dalawa rin sa hapon. Ilang buwan na lang ang pupunuin niya, makakapagtapos din siya ng pag-aaral. Gusto na niyang makalaya sa nakakainip na trabaho.

Nakahiga na siya sa kama nang may kumatok sa pinto. Bumangon siya at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya si Symon.

"Sorry sa istorbo. May nakita akong itim na ibon kanina sa bintana mo," sabi nito.

"Ha? Wala naman," aniya.

"Kaninang nakabukas ang bintana mo."

"Baka ordinaryong ibon lang na naliligaw," palusot niya.

"Walang ordinaryong ibon na gumagala sa gabi."

"H-hindi ko alam. Naliligo ako kanina," pagsisinungaling niya. Magagalit kasi ito kapag nalamang ini-intertain na naman niyaa ng taga-labas.

"Kapag gabi na, isara mo ang bintana mo. Baka isang araw magulat ka na lang may katabi ka nang lalaki. Napaka-careless mo talaga. Sige na, matulog ka na," anito.

"Yes, boss," aniya.

Tiningnan siya ng masama ni Symon. Hinila nito ang pinto pasara. Umismid siya. Nakapagdesisyon na siya. Hindi na siya magpapatalo sa kahinaan niya. Hindi siya magpapaapekto sa emosyon niya. Handa na siyang magpakatotoo.

i͗$

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top