Prologue
NAGISING si Charie sa ibang kuwarto dahil sa sobrang kalasingan. Kumabog ang dibdib niya nang mapansing wala siyang anumang saplot sa katawan. Naramdaman niya ang banayad na kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Isa iyong katibayan na mayroong nawala sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang pagkakataong iyon na biglang mawawala ang iniingatan niyang virginity na hindi siya nabigyan ng abiso. Bagaman matagal na siyang handang maging ina, pero hindi sa ganitong paraan.
Naninikip ang dibdib niya ngunit pinigil niya ang kanyang pagluha. Maingat siya sa kanyang sarili kahit pa meron siyang karelasyon. Hindi lang naman iyon ang pagkakatao na nalasing siya pero ngayon lang nangyari na wala siyang maalala sa naganap kagabi. Ang huling naalala niya ay niyaya siya ni Leeven na mag-dinner sa isang restaurant. Pagkatapos ay dinala siya nito sa isang bar ng kaibigan nito. Doon siya napasubo sa inuman. Si Leeven ngayon ang bagong boyfriend niya. Wala pang isang buwan magmula noong sinagot niya ang panliligaw nito.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi pulos puting pintura pero tanging kama lang at munting mesa ang nakita niyang kagamitan.
Tiniis niya ang kirot saka nagbihis. Tumayo siya at humakbang palapit sa pintong bahagyang nakabukas. Patungo iyon sa terrace. May naririnig kasi siyang boses ng lalaki. Sumilip siya. Namataan niya si Leeven, suot ang puting roba. May kausap itong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon.
Nakilala niya si Leeven sa ospital na pinagtatrabahuhan niya roon sa Taiwan. Isa itong Genetic Engineer na isa sa stock holders ng ospital. Minsan lang siya nag-assist sa project nito sa ospital pero bigla itong nag-offer ng isang dinner date sa kanya. Guwapo ito at mabait. Halos lahat ng katangiang pangarap niya sa isang lalaki ay tinataglay nito. Dalawang taong nabakante ang love life niya at aminado siyang hindi pa siya masyadong nakakalimot sa kabiguang nakamit sa unang karelasyon niya. Malaki ang empluwensiya ni Leeven para tuluyan siyang makapag-move-on kaya ganoon na lang kadaling mahulog ang loob niya rito.
Aminado siya na sa unang pagkikita nila ng batang doktor ay nahumaling na siya rito. Kaya lahat ng imbitasyon nito ay hindi niya pinalampas. Pero bigla siyang nag-alangan ngayong nalamang nakuha na ng binata ang kanyang pagkababae. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari sa relasyon nila. Gusto niyang dumaan sa tamang proseso. Maaring mayroon siyang pagkukulang. O maaring mayroong mali sa nangyayari.
Hindi siya komportable. Inigihan niya ang pakikinig sa dalawang lalaking nag-uusap.
"So, what's the news?" tanong ng lalaking naka-itim kay Leeven.
"I have good news. I think I will succeed this time. I already saved my last cells. It's not the end of our world," ani Leeven.
"Good. Let's see if it's work. But be careful about Vampires. They will do anything just to find you."
"Don't worry, Geon. Vampires can't trace my aura. Unless if you'll drug me to them," sabi ni Leeven.
Hindi maintindihan ni Charie ang pinag-uusapan ng dalawa.
"How long we been waiting? Is her body fights the poison until she get birth?" pagkuwa'y tanong ng isang lalaki.
"It takes a year but it depends on Charie's immune system. She's a nurse, so I think she's injected with many kind of vaccines. The poison to her body will last until she'd notice the signs and the vampires will detect her. I think the antidotes will born before she die," matagumpay na wika ni Leeven.
Nanginig ang buong kalamnan ni Charie. Paano nito nasabing mamamatay siya? Ginamit lang ba siya ni Leeven para sa kung anong maitim na balak nito? Ano ang ibig nitong sabihin tungkol sa poison? Nataranta siya. Kinuha niya ang kanyang gamit at sanay tatakas ngunit biglang dumating si Leeven.
"Where you going, sweetheart?" seryosong tanong nito sa kanya.
"I have to go," aniya.
"Let's have breakfast first," alok nito.
"No thanks," mariing tanggi niya.
Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit biglang sumulpot sa tabi niya si Leeven at hinawakan ang kamay niyang may hawak sa seradura. Nagulat siya nang makita ang mapula nitong mga mata. Nagbago ang anyo nito. Hindi ito normal na tao.
"W-What happening?" tanong niya sa ilalim ng takot.
"I'm vampire, anyway. I'm hybrid don't worry. I still have human blood so you don't need to worry about my dark side. I can hide it anytime. Only you can see me like this. Your mine now," sabi nito.
"No, you can't do this to me! Let me go!" nagpumiglas siya pero ginapos siya nito nang mahigpit.
"You can't escape, sweetheart. I'm not done yet. We have another session to make."
Sinuntok niya ang dibdib nito ngunit hindi nito pinakawalan ang kamay niya. "Let me go!" piglas niya.
"Shut up! You're trapped, sweetheart!" asik nito at bigla siyang kinaladkad. Inihagis siya nito sa kama.
Nang makahilata na siya'y nakita niya ang malaking syringe na hawak ni Leeven. Demonyo ang tingin niya rito ngayon. Sising-sisi siya bakit siya pumatol dito. Ginapos nito ang mga kamay niya at mga paa. Mamaya'y itinurok nito sa kaliwang braso niya ang injection na may lamang kulay pulang likido.
Dumaing siya dahil sa kirot na dumalantay sa ugat niya. Pagkuwa'y hinalikan siya nito sa labi. Pagkatapos niyon ay bigla na lamang siya nakalimot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top