Chapter Four
KINAKABAHAN si Charie dahil sa pangahas na halik ni Rafael. Baka makalunok ito ng laway niya sa kakulitan ng panlasa nito. Pero hindi niya nakontrol ang kanyang sarili dahil sa nakakapanlumong init na ibinibigay ng halik nito sa kaibuturan niya. Naramdaman niya ang banayad na pagkagat nito sa ibabang labi niya. Nagugustuhan na niya ang ginagawa nito pero nataranta siya nang biglang bumaba ang isang kamay nito sa puno ng dibdib niya.
Nabawi niyaa ng lakas saka itinulak ang binata. Tumalsik ito sa tabi ng nakahandusay na tigre.
"Nice push, na-out balance ako ah," nakangiti pang sabi nito.
Hinahapong itinutuwid niya ang kanyang pagtayo. Kumikirot ang sugat niya. Napansin niyang biglang naghubad ng jacket si Rafael. Pagkuwa'y hinubad nito ang itim nitong T-shirt saka pinunit. Pagkuwa'y lumapit ito sa kanya.
"Umupo ka," anito.
Umupo naman siya sa sahig. Pinagninilayan niya ang binata habang kinukulukot paitaas ang pantalon niya upang makasingaw ang sugat niya sa binti. Nangingitim ang paligid ng sugat.
"Infected ng virus ang tigre kaya kailangan makuha ang virus sa sugat mo," anito.
"Hindi na kailangan," aniya. Ang sabi kasi ni Leeven, hindi matatablan ng kahit anong virus ang katawan niya dahil mas matapang ang lasong taglay niya.
"Huwag nang matigas ang ulo mo. Kung ayaw mong kainin kita nang buo, makinig ka sa akin," anito saka pinisil pa ang binti niya.
"Aaah!" sigaw niya.
"Sss. Calm down. Just look at me," anito.
Tumingin naman siya sa mukha nito. Matipid itong ngumiti bago ibinalik ang tingin sa sugat niya. Habang busy si Rafael ay busy din ang mga mata niya sa pagtitig sa matipunong dibdib nito na nalalatagan ng pinong balahibo. Naggagalawan ang mga muscles nito sa dibdib at puson dahil sa pag-asikaso sa sugat niya.
Mamaya ay inilabas ni Rafael ang matutulis nitong pangil. "Just watch me, habang unti-unti kitang kinakain," pilyong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sinipsip ni Rafael ang sugat niya.
"Aaaah!" sumigaw siya ng malakas dahil sa matinding sakit. Naramdaman niya ang pagsipsip nito sa dugo niya. Naisambunot niya ang kamay sa buhok nito at pilit itong pinipigilan sa ginagawa nito.
Hinawakan nito ang kamay niyang sumasambunot nito. Pagkuwa'y iniluwa nito ang dugong nakuha sa sugat niya. Nagkalat ang dugo sa bibig nito.
"Huwag mo akong sambunutan! Baka hindi lang sugat mo ang sipsipin ko!" galit na sabi nito.
Napanganga siya. Namumula ang mga mata ni Rafael. "K-Kuwan, m-masakit," aniya.
"Talagang masakit! Masakit din ang ulo ko kaya huwag kang makulit! Tinatanggal ko ang virus sa sugat mo."
"Huwag kang uminom ng dugo ko," aniya.
"Nakainom na ako." Isinubsob ulit nito ang bibig sa sugat niya.
"Aaaaaaah!" Nanginig ang buong katawan ni Charie nang halos ubusin ni Rafael ang dugo niya.
May ilang minuto siyang nakapikit at umiiyak. Nang maramdamang tinatalian na nito ang sugat niya ay nagmulat siya ng mga mata. Nagulat siya nang mamataang nakatitig ito sa kanya. Malinis na ang mukha nito.
"May mga sugat na kapag ginagamot ay lalong kumikirot. Tandaan mo 'yan. Pinapatawad na kita sa pagpatay mo sa tigre. Pero kailangan mong pagbayaran ang buhay niya," ani Rafael, habang tinatalian nang maayos ang binti niyang may sugat gamit ang pinunit nitong damit.
"Hindi ko kasalanang namatay ang tigre," giit niya.
"Kasalanan mo pa rin dahil nangahas kang pumasok dito. Nagagalit ako dahil una, binulabog mo ang mga hayop. Pangalawa, nagagalit ako dahil muntik ka nang mapahamak."
Parang may nagliliparang kung ano sa dibdib ni Charie. "Nagagalit ka kaya muntik mo na akong kagatin," aniya.
"Hindi lahat ng galit ay may hinanakit. Kadalasan, nagagalit dahil concern. At ikaw," dinutdot nito ang noo niya, "malakas ang loob mo pero natatakot kang mapahamak," anito.
"Hindi ko sinasadyang mapadpad dito. Ang gusto kong punatahan ay ang kulungan ng mga babaeng infected ng virus," sabi niya.
"Ano ba ang kailangan mo doon? Ako at ang mga kasama ko ang naka-assign para alamin ang kondisyon nila. Masasakal ko si Symon dahil pinahintulutan ka niyang pumasok sa quarantine area. Walang ordinaryong tao na puwedeng pumunta rito mag-isa."
"Pero pinapasok ako ng guwardiya. Isa ang kapatid ko sa naka-quarantine roon."
"Kapatid mo?"
"Oo. Nakita ko siya kahapon pero hindi niy ako kilala."
"Kahit na kapatid mo, hindi ka pa rin dapat pumasok dito na mag-isa."
"Hindi naman ako pinigilan ng guwardiya," dahilan niya.
"Iyon ay inakala nilang kasama kita."
"Hindi pala sila mahigpit, eh."
"Tsk. Huwag ka na ngang sumagot!" naiinis na sabi nito. Tumayo na ito at isinuot ang itim na jacket.
Pagkuwan ay inilahad nito ang palad sa kanya. Humawak naman siya sa kamay nito saka bumuwelo ng tayo. Ganoon naman ang pagkirot ng sugat niya kaya hindi niya naibalanse ang katawan. Napakapit siya sa braso ni Rafael.
Natigilan siya nang maramdaman ang mabilis na paglingkis ng kamay nito sa baywang niya. Ang isang kamay nito'y nakatukod sa puno ng dibdib niya. Kamuntik nang sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Itinulak siya nito upang maituwid ang likod niya.
"Umuwi na tayo sa academy. Hindi na makakarating si Elias dahil napalaban sila sa grupo ng black ribbon," sabi nito pagkuwan.
Matagal bago kumalma ang dibdib ni Charie. Ngayon lang kumabog nang husto ang dibdib niya na parang kinakabahan. Bumitiw siya sa braso ni Rafael at nagsumikap na tumayo mag-isa.
"S-Saan naman ako sasakay?" tanong niya nang makalayo sa binata.
"No choice, kailangan mong sumakay sa likod ko," anito.
"Ano?" Nanlaki ang mga mata niya.
Hinarap siya nito. "Binibini, sa ganitong sitwasyon, kailangan mong lunukin ang pride mo. Wala kang ibang masasakyan rito pauwi ng academy," sabi nito.
"Alam ko. Pero anong kalokohan ang pagsakay sa likod mo?"
"Hindi ito kalokohan. Lumapit ka sa akin nang makaalis na tayo."
Mariing kumunot ang noo niya. Sa halip na lumapit rito ay lalo siyang lumayo. Napasigaw siya nang biglang parang may tumulak sa kanya at tumalsik siya kay Rafael. Napayakap siya rito. Dagli naman siya nitong ikinulong sa malalaaks nitong braso.
"Paayaw-ayaw ka pa. Sa lahat ng babae, ikaw lang ang tumangging yakapin ko," anito sa malamig na tinig.
Magkadikit ang mga katawan nila. Nababahala siya na baka maramdaman nito ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganoon. Pero natutuwa siya sa nagyayari sa kanila ngayon ng lalaking ito. Parang kailan lang sila nagkakilala pero parang ang bilis ng pagdikit ng pagkakataon para sa kanila. Hindi na lang niya itinuloy ang pagtulak dito.
"Hindi ako tumatanggi sa yakap mo, Rafael," giit niya.
"Oh, talaga? Bakit ka pumipiglas? Natatakot ka bang malaman ko na parang sasabog na ang puso mo ngayon?" simpatikong sabi nito.
Nagtagis ang bagang niya. "Normal lang na bumibilis ang tibok ng puso."
"Bumibilis lang ang tibok ng puso kapag nakakadama ng labis na emosyon. Mostly kapag nae-excite ang tao or natatakot. Alin ka sa dalawa? Nae-excite o natatakot?" anito.
"Natatakot. Hindi ka naman kaguwapuahan, eh. So bakit ako mae-excite?" aniya.
"Bakit, kailangang guwapo para mapakabog ang dibdib ng babae? And take note, ikaw lang ang babaeng nagsabi na hindi ako guwapo."
"Totoo naman. Malakas lang ang sex appeal mo-siguro."
"O, ramdam mo ba?" Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya.
"Uh! B-Bitawan mo 'ko!"
"Kapag hinalikan kita ulit, doon mo malalaman na hindi lang malakas ang sex appeal ko. Masasabi mo ring guwapo ako. Baka bigla mong masabi na mahal mo na ako," nakangiting sabi nito.
Tumawa siya ng pagak. "Humahangin ata. Ibalik mo na ako sa academy!" aniya.
Humagikgik ang hudyo. "Okay. Wala akong mapapala sa 'yo. Close your eyes, honey!"
Hindi pa siya nakakapikit ay biglang naalog ang buong katawan niya. Nakalimot siya ng ilang minuto. Paggising niya ay naroon na sila sa academy. Nakaupo na siya sa bench sa loob ng clinic.
"Wow!" namamanghang sabi niya. Nakatayo sa harapan niya si Rafael at nakapamaywang.
"Uminom ka ng paracetamol. Nilalagnat ka," anito saka siya tinalikuran.
Sinundan lang niya ito ng tingin habang papalabas ng pinto.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Charie. Kumikirot pa rin ang sugat niya pero kailangan niyang magtrabaho. Tumalab naman ang paracetamol na nainom niya kagabi. May itinurok ding gamot si Dr. Lee sa kanya para mapigil ang anumang infection na maaring magmumula sa sugat. Ayaw niyang magmukmok sa kuwarto kaya kahit walang pasyente ay pumasok pa rin siya sa clinic.
Napansin niya na magmula noong dumating siya sa academy ay hindi na siya madalas dinadalaw ng depresyon. Maganda ang environment sa lugar. Magandang makisama ang mga nilalang doon. Tama ang desisyon niya na iwan si Leeven. Nakatitiyak naman siya na hindi na maghahabol sa kanya ang binata. Kung tutuusin, wala naman itong pagmamahal sa kanya. Gusto lamang nitong magkaanak sa kanya upang makaligtas ito sa lason na unti-unting pumapatay rito. Iyon ang masaklap doon.
Siya lang ang nurse na naka-duty sa clinic dahil ang iba ay nag-a-assist sa mga doktor sa laboratory. Siya ang naka-assign sa mga gamot. Katatapos lang niyang magsalansan ng mga gamot nang dumating si Narian, ang nurse na assistant ni Dr. Clynes sa laboratory. Dinig niya, si Dr. Clynes daw ang gumagawa ng vaccine para sa lumalaganap na virus. Nobyo daw ito ni Narian sabi ng ibang babae. Wala siyang pakialam sa mga personal issue ng ibang nilalang sa academy dahil hindi naman ito nakakatulong sa paglutas ng problema niya. Ang goal niya ngayon ay maibalik sa normal si Cherry. Miss na miss na niya ang kapatid niya.
"Hi, Charie! Nagugutom ka na ba?" tanong ni Narian.
"Hm, medyo," sagot niya.
"Anong medyo? Huwag mong hintayin kung kailan hihilab ang sikmura mo. Baka magka-ulcer ka niyan. Lunch time na. Tara sa food center."
Sumama naman siya rito. Hindi pa niya nakakausap si Dr. Clynes kaya kay Narian siya kukuha ng impormasyon tungkol sa virus. Baka updated ito sa ginagawang pag-aaral ni Dr. Clynes.
Nagatataka si Charie bakit hindi siya nginingitian ni Rebecca. Dati hindi pa siya nakakalapit sa counter ay nakangiti na ito. Ngayon ay parang may buwanang dalaw. Ang sungit.
"Pagkain mo," mataray na sabi nito pagkaabot ng nakaplato niyang pagkain.
Tumikwas ang isang kilay niya. "Bakit? May nagawa ba akong kasalanan?" aniya.
"Wala naman," nakahalukipkip na sabi nito.
"Nagseselos 'yan for sure," tudyo rito ni Narian.
"Nagseselos saan?" aniya.
Naalala niya. Baka naging isyu na ang nangyari sa kanila ni Rafael sa quarantine area at maaring may gusto si Rebecca kay Rafael kaya ito nagagalit. Pero wala namang nakakita sa kanila ni Rafael sa quarantine area.
"Si Rafael ba?" sabi niya.
Tumikwas ang isang kilay ni Rebecca. "Sa 'yo na si Rafael. Huwag mo lang papakialaman si Symon!" sabi ni Rebecca at napalakas pa ang boses.
"Anong meron?" boses ng lalaki na biglang sumulpot sa likuran nila.
Tumahimik ang lahat. Lalong-lalo na si Rebecca. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. Paglingon niya sa likuran ay naroon si Symon at Rafael. Si Rafael ang naging sentro ng paningin niya. Seryoso itong nakatitig sa kanya.
Ginawa niya ang lahat na pag-ignora pero hindi niya napigil ang kanyang puso sa pagsikdo. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. Nataranta siya. Hindi puwedeng palagi siyang ganoon. Mabilis niyang iniwasan ng tingin si Rafael.
Bakit ganun? Dapat nalason na si Rafael kung nakainom siya ng dugo ko. Bakit buhay pa rin siya? Nalilitong naisip niya.
Kagabi kasi, hindi siya nakatulog sa kakaisip tungkol kay Rafael. Nag-aalala siya baka nalason ito. O baka naman niloloko lang siya. Baka hindi naman talaga ito nakainom ng dugo niya.
Umalis na lang siya sa counter. Dinala niya ang pagkain niya sa mesa na napili nila ni Narian. Pero mula sa puwesto niya ay pinagmamasdan niya ang kaganapan sa counter. Doon niya nalaman na hindi si Rafael ang gusto ni Rebecca kundi si Symon. Baka malapa siya ng hybrid na si Rebecca kapag nataong si Rafael ang gusto nito. Pero obvious na hindi alam ni Symon ang kabaliwan rito ni Rebecca.
Nakangiting lumapit sa kanya si Narian. Dala na nito ang plato ng pagkain. May bitbit pa itong dalawang hinog na saging. Umupo ito sa katapat niyang mesa. Saka lamang niya naalala ang kanyang pakay sa dalaga.
"Open na ba kayo ni Dr. Clynes sa isa't isa, Narian?" usisa niya.
"Hm, always open ako sa kanya," pilyang sabi nito.
Natawa siya. Nakaisip siya ng kahalayan. "I mean, updated ka ba sa trabaho niya?" aniya.
"Oo naman. Nakakatulog pa nga ako sa tabi niya."
"Kumusta ang ginagawa niyang vaccine?"
"Hindi ko alam kung nagawa na niya. Marami kasi siyang inaasikaso. Pero mukhang malapit na."
Walang kasiguruhan ang virus. Mas maganda atang si Dr. Clynes ang kausapin niya. Kailangang maibalik ang kapatid niya sa normal bago pa tuluyang kumalat ang virus sa katawan nito. Hindi niya alam kung makakatakas pa siya para madalaw ang kapatid niya.
Hindi siya nakatiis, iginala niya ang paningin sa paligid. Namataan niya si Rafael na mag-isang nakaupo sa mesa na malapit sa counter. Kumakain na ito. Samantalang si Symon ay busy sa pakikipagkulitan kay Rebecca. Halos magkapatid na raw ang dalawa dahil halos sabay na lumaki sa pamilya mismo ni Symon. Pero hindi naman daw magkadugo ang dalawa. Kaya hindi niya masisi si Rebecca kung bigla itong ma-in-love kay Symon. Mas guwapo naman talaga si Symon kumpara kay Rafael. Pero ito ang tipo ng lalaki na mahirap mahalin dahil lapitin din ito ng babae at ito mismo ay malapit sa mga babae. Kawawa ang babaeng mahibang nang husto rito.
Ibinalik niya ang tingin kay Rafael. Ngayon lang niya natuklasan na si Rafael ang klase ng lalaki na madaldal lang kapag gusto nito ang kausap. May pagkakataon na gusto nitong mapag-isa. Mahirap intindihin ang ugali nito. Minsan malamig, minsan mainit. Ito ang tipo ng lalaki na malakas ang dating pero nakakailang lapitan dahil sa tingin pa lang, name-mental block ang babae.
Hindi niya inalis ang tingin kay Rafael hanggang sa parang kinalabit ito at o biglang hinagip siya ng paningin nito. May tatlong dipa lang ang layo niya rito kaya ganoon na lang ang agarang pag-iwas niya ng tingin.
Mayamaya ay tumayo si Rafael. Iniwan lang nito ang platong wala nang laman. Humahakbang ito patungo sa kinaroroonan nila pero dumaan lang ito. Hindi niya mahulaan kung ano ang nasa isip nito nang sandali siyang pagmasdan at matipid na ngumiti sa kanya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang papalabas ito ng pinto. Hindi napigil ng dalaga ang pagsikdo ng kanyang puso. Ganoon palagi ang nararamdaman niya sa tuwing magtatama ang mga paningin nila ni Rafael.
Pagkatapos ng tanghalian ay pumasok sa laboratory si Charie. Nasurpresa siya nang madatnan si Rafael sa loob kausap si Dr. Clynes. Biglang tumahimik ang dalawang lalaki nang makita siya.
"Speaking of the angel," bigkas ni Rafael.
Na-gets niya ang sinabi nito. Obvious na kasama siya sa topic ng mga ito. Hindi si Dr. Clynes ang tipo na mage-entertain sa kanya sa lugar na iyon. Mahirap agawin ang atensiyon nito. Pero curious siya sa paksa ng mga ito.
"May kailangan ka ba, Charie?" tanong ni Rafael. Humahakbang na ito palapit sa kanya.
"Gusto kong makausap si Dr. Clynes, puwede?" aniya.
"Ask him," ani Rafael.
"Doc?"
Tiningnan siya ni Alessandro. "You can ask everything to Rafael. I think he can answer your question," sabi nito. Mukhang ayaw talaga paistorbo.
Bumuntong-hininga siya. "Never mind. Titiyempuhan ko na lang kung kailan ka puwedeng makausap," aniya sabay bira ng talikod.
"Hey!" pigil ni Rafael. Mabilis nitong nahawakan ang kaliwang kamay niya.
Pumihit siya paharap dito. Hinila kaagad niya ang kamay niya na hawak nito.
"Trust me. Lahat ng impormasyong gusto mong makuha kay Alessandro, puwede mo ring makuha sa akin. Updated ako sa lahat na nangyayari sa loob at labas ng academy," sabi nito.
"Updated ka rin ba sa vaccine para sa mga infected ng virus?" aniya.
"Yes. Actually mayroon na kaming sample na ituturok sa hayop na infected ng virus. Kapag tumalab ito, puwede na ring subukan sa mga tao. Pero kailangan nating maghintay."
"Maililigtas pa ba ang kapatid ko?" nababahalang tanong niya.
"We will do our best."
"Gusto kong makilala niya ako at gumaling siya bago ako mawala," emosyonal na pahayag niya.
Niyakap na niya ang kanyang kaaplaran kahit pa malakas ang loob niya na balewalain ang kanyang sitwasyon. Marami na siyang nararamdamang pagbabago sa kanyang katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top