Teaser
Naging bisyo na ni Narian ang pagpi-flirt sa mga lalake. At dahil sa kalasingan, kamuntik nang mawala ang kanyang pagkainosente, mabuti na lang may bumasag sa salamin ng kotse kung saan sila nakapuwesto ng lalake. May nagsasapakan sa labas at bigla siyang iniwan sa ere ng kanyang partner.
After five years, binago niya ang nakasanayan, pero nang makilala niya ang guwapong bampira at isang seryosong Chemist/Pathologist na si Dr. Alessandro Clynes ay parang tinamaan ng palaso ni Kupido ang puso niya. Hindi siya papayag na hindi mahuhulog sa kanya ang lalake. Pero tila si Alessandro ang karma niya. Ipinanganak ata itong walang pakiramdam kaya tinawag niyang 'walking dead' ang masaklap pa, dahil dito ay sinisingil na rin siya ng lalaking nabiktima niya noon. Ano ang pipiliin niya, katahimikan, o ang pag-ibig niya kay Alessandro?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top