Chapter Two
PASADO alas-dose na ng gabi pero nasa laboratory pa rin si Alessandro. Ilang tawag na ng mommy niya ang hindi niya nasagot. Kapag ganoong marami siyang ginagawa, hindi talaga niya nahahawakan ang kanyang cellphone. Kung wala lang siyang kapatid na alagain pa, malamang sinugod na siya roon ng kanyang maaalalahaning ina. Ang daddy naman niya ay busy sa sarili nitong trabaho. Pero mas marami siyang trabaho kumpara sa tatay niya.
Next week nakatakda ang pagpunta nila sa Spain para makausap si Dr. Swarz na naroon sa Libertad Organization. Ang daddy niya ang nakipag-usap kay Howard, para mabigyan sila ng permiso na makausap ang matandang doktor na napag-alamang eksperto sa lahat ng uri ng virus at vaccine. Naniniwala siya na makukombinsi niya ang doktor na makipagtulungan sa kanya para pag-aralan ang Rabia-Apocalypse. Magmula noong lumitaw ang unang halimaw na affected ng naturang virus ay hindi na siya natahimik. Hindi siya tumigil sa pag-aaral tungkol sa virus.
Nang makadama siya ng matinding pagkauhaw ay iniwan muna niya ang kanyang ginagawa. Nagtungo siya sa blood bank para uminom ng dugo. Pakiramdam kasi niya'y nanghihina na siya. Pagpasok niya sa loob ay napansin kaagad niya ang babaeng nakatayo sa harap ng malaking aquarium kung saan nilalagay ang na-process na dugo. May tubong nakakonekta sa aquarium patungo sa mga gripo kung saan sila nagre-refill ng dugo.
Sa ganoong oras ay wala nang tumatambay dapat sa lugar na iyon. At hindi basta pinapapasok ang mga tao roon. Pero malayang nakapasok na walang kasama ang isang ito.
Nang biglang humarap sa kanya ang babae ay hindi ang mukha nito ang una niyang tiningnan, kundi ang suot nitong kuwentas na merong pendant na singsing.
"Hi, Doc!" masiglang bati nito sa kanya.
Saka lamang niya tinitigan ang mukha nito. Ito 'yong babaeng nakaharang sa pinto ng clinic kanina, at epal na nag-assist sa kanya sa laboratory. Pinsan pala ito ni Farah. Hindi niya natandaan ang pangalan nito.
"Why are you here? You're not allowed here," sabi niya rito.
"Uhm, isinama ako dito ni Syn. Pumasok siya sa pintong 'yon," sabi nito sabay turo sa pinto patungo sa kuwarto kung saan nagre-recharge ang mga bampira matapos makainom ng dugo.
Gusto niya itong iwasan kaagad, pero inaakit siya ng suot nitong kuwentas. Pamilyar kasi iyon sa kanya. Hindi ordinaryong singsing na likha lang ng ordinaryong tao ang ginawa nitong pendant. Obvious ang pagiging antic nito. Hindi naman ito uri ng singsing ng mga imortal.
Nang lumabas na si Syn ay saka lamang niya na-dedma ang babae. Kumuha siya ng kopita saka sinalinan ng blood juice. Mahinang nag-uusap ang dalawang babae, pero kahit anong hina, naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Gustuhin mo na lahat ng lalaki dito, huwag lang si Kuya Sandro," sabi ni Syn.
"Bakit naman? Mukhang siya ang pinakamabait dito," wika naman ng kasama nito.
Nasa dulo ng dila niya ang pangalan nito pero hindi niya matumbok kung ano ba talaga ang pangalan nito. Hindi siya interesado doon. Ang kaso, siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Hindi siya masayang kasama," sabi pa ni Syn.
Narinig niya ang hagikgik ng babae. "So what? Malay natin, meron siyang itinatagong ugali na kapag natumbok mo ay walang kapantay na kaligayahan ang matatamo mo," sabi nito pagkuwan.
Hinugasan ni Alessandro ang ginamit niyang baso. Pagkatapos ay itinaob lang niya ito sa lalagyan. Lumabas na siya.
Kinabukasan ng gabi. Umuwi si Alessandro sa bahay nila para magpaalam sa mommy niya. Pagdating niya'y sobrang tahimik. Pasado alas-otso pa lamang ng gabi. Imposibleng tulog na ang mommy niya. Hindi niya alam kung naroon ang daddy niya.
Pagpasok niya sa kuwarto ng kanyang mga magulang ay namataan niya ang kanyang ina na nakahiga sa kama. Puting-puti ang mukha nito at may hiniwang pipino sa mga mata.
"Sino 'yan?" tanong nito nang maramdaman ang presensiya niya.
"Si Sandro 'to," sagot niya.
Hindi gumalaw ang mommy niya. "Aba, mabuti't naisipan mo pang umuwi, anak," sabi nito.
"Nasaan si Daddy?" tanong niya.
"Aba ewan ko! Huwag mong hanapin sa akin ang nawawalang halimaw! Kayo ang palaging magkasama, bakit sa akin ka magtatanong?" mataray na sabi nito. Hindi pa rin ito bumabangon.
Napakamot siya ng ulo. Kapag ganoon sumagot ang ina niya ay may sumpong ito. Malamang pinainit na naman ng daddy niya ang ulo nito.
"Wala siya sa Academy. Sino pala ang kasama n'yo rito?" aniya.
"E 'di wala. Huwag mo nga akong istorbohin! Nagbe-beauty rest ako!" asik nito.
"Aalis ako, matagal akong makakabalik," sabi niya.
Bumalikwas ng upo ang kanyang ina. Nalaglag ang pipino'ng nakadikit sa mga mata nito. "Na naman? Saan ka naman pupunta, ha?" nanlalaki ang mga matang sabi nito. Nagmukha itong zombie sa hitsura nito.
"May aasikasuhin lang ako sa Spain," tugon niya.
"Kita mo? Pakana ito ng daddy mo!" Pumalatak na ito.
Nairita na siya. Nilapitan niya ito saka siya humalik sa pisngi nito. "I need to go. Bye. I love you!" sabi niya, saka tinalikuran ang ina.
"Hoy, Sandro! Hindi pa ako pumapayag!" sigaw nito.
Hindi siya huminto sa paglalakad. Kinuha lang niya ang ibang gamit niya saka nag-teleport pabalik sa Academy.
PALAGING umaalis si Farah kaya palaging tumatambay sa food center si Narian. Naroon kasi ang mga babaeng ka-level niya pagdating sa ugali at lifestyle. Mas napalapit siya kay Rebecca dahil halos magkasundo ang mga hilig nila. Mahilig din ito sa hot and gorgeous man. Nasa loob sila ng counter at pinag-uusapan ang mga guwapong nilalang sa academy.
"Hindi ko pa nga nakikita 'yang pinagmamalaki mo'ng si Symon," sabi niya kay Rebbeca.
"Basta, hot 'yon," sabi nito.
"Whatever! Sa ngayon, mas hot si Alessandro," aniya.
"Pero... Oh, speaking of the devil, the devil is coming," bigla'y sabi ni Rebecca.
Nakatingin sa gawi ng pinto si Rebecca. Napalingon din siya. Biglang kumabog ang dibdib niya pagkakita kay Alessandro. May bitbit itong itim na maleta. Pumihit siya paharap para mas makapag-concentrate siya sa pagmasid sa guwapong doktor. Umupo sa pinakaunang mesa si Alessandro. Meron itong binubutingting na maliit na bagay na parang cellphone.
Parang natuka na ng ahas si Narian. Wala siyang pakialam kung mahuli man siya ng lalaki na nakatingin rito.
"Napaka-attractive talaga niyang tingnan. Ang gandang lalaki. Para siyang anghel," nagpapantasyang wika niya.
"Anghel? Hey, don't judge a person by it's physical appearance. Yes, he looks like an angel, but you don't have idea what inside his heart. Alam mo ba kung bakit ni isang babae rito sa academy ay hindi nagnasang ibigin si Sandro?" sabi ni Rebecca.
Tiningnan niya ng mataman si Rebecca. Na-curious siya bigla. "Bakit?" tanong niya.
"Akala mo ba gusto mo ng challenge? Wala nang excitement kung sasabihin ko ang tungkol kay Sandro," ani Rebecca.
Namilog ang mga mata niya. Gusto talaga niya na madiskubre ng kusa ang mesteryosong pagkatao ni Alessandro. Pero naintrega siya sa sinabi ni Rebecca.
"Kaunting clue lang, Beca. Para hindi naman mukhang horror ang dating," nakangiting sabi niya.
"Okay. Avoid staring on his eyes," anito.
Tumikwas ang isang kilay niya. Ang mga mata nga ni Alessandro ang gustong-gusto niyang titigan. Ang gaganda kasi.
"Ano ba ang meron sa mga mata niya?" curious na tanong niya.
"Basta, iyon ang iwasan mo."
May dumating na estudyante kaya tumahimik na silang dalawa. Nagbibigay na ng pagkain sa mga estudyante si Rebecca. Nang mapansin niya na wala na si Alessandro, lumabas na siya ng counter. Hindi na niya makita sa loob ng food center ang lalaki. Naisip niya, baka naroon na sa laboratory si Alessandro.
Habilin sa kanya ni Charie, na kapag nasa laboratory si Alessandro ay pumunta na rin siya doon para mag-abang ng utos nito. Pumasok siya sa laboratory one. Tahimik. Pero napansin niya ang maleta na dala kanina ni Alessandro. Nakapatong ito sa ibabaw ng mesa.
"Hello!" sabi niya.
Baka lumabas ulit ang lalaki. Dahil sa oras na iginugol niya sa pakikipagkuwentuhan kay Rebecca, nakalimutan na niyang umihi. Ngayon na ulit niya naramdaman ang pagsikip ng pantog niya dahil naglakad siya. Nagtungo siya sa palikuran. Green ang ilaw na nasa itaas ng pinto ng banyo kaya alam niyang walang tao dahil hindi naka-lock. Itinulak niya bigla ang pinto.
"Shit!" bulalas ng lalaki.
"Ay, Shit!" sambit din niya. Isinara niya ulit ang pinto at tumalikod.
Parang may milyong boltahe ng kuryente na dumalantay sa mga ugat niya habang ini-imagine niya ang kanyang nakita sa loob ng banyo. Hindi niya puwedeng ikaila na nakita niya ang hubad na katawan ni Alessandro. Naka-side view ito pero aywan niya bakit sa ibabang bahagi ng katawan nito natuon ang paningin niya.
Lumayo siya sa banyo. Nagkunwari siya na busy, habang nililigpit ang mga gamit nang aparatos. Narinig niya'ng bumukas ang pinto ng banyo. Pero dedma lang, kahit naramdaman niya ang presensiya ni Alessandro. Inaasahan niya na magagalit ito. Pero hindi, ni hindi siya nito pinansin. May suot na itong puting pantalon at puting jacket na hapit sa katawan nito.
Dahil hindi niya maalis ang tingin sa lalaki, hindi niya napansin na asido ang laman ng measuring cup na tinakpan ng stainless na platito. Nanulas sa kamay niya ang cup ng asido at biglang humilagpos sa mesa. Nabuhusan ng asido ang nakakalat na papel.
Nagulat siya nang biglang umusok sa harapan niya. Napaubo siya. Nagkandalaglagan ang mga bagay na nakapatong sa mesa dahil sa pag-alog nito nang mahagip ng kamay niya. Bigla siyang umatras, ngunit may naapakan siyang madulas. Hindi niya naibalanse ang kanyang katawan at bigla na lang siya nasalo ng maskuladong mga bisig.
Dahil sa usok ng asido ay hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking nakadukwang sa kanya. Tinakpan nito ng panyo ang ilong niya. Pero nang mawala ang usok ng asido ay nakita niya ang mukha ni Alessandro. Impit siyang napamura nang malamang sinalo siya ng maskuladong mga kamay nito. Unti-unti siya nitong itinatayo. Pero nang makatayo siya ay lalong nagkalapit ang mga mukha nila.
Nakalimutan na niya ang sinabi ni Rebecca na iwasan niyang tumitig sa mga mata nito. Hindi iyon umobra dahil parang may gayumang taglay ang mga mata nito. Hindi niya magawang iwasan ang pagtitig sa magaganda nitong mga mata. Habang tumatagal na magkatitig ang kanilang mga mata ay unti-unti siyang nakakaramdam ng nakakapasong init sa kanyang dibdib.
Mamaya'y bigla na lang tila may namuong apoy sa dibdib niya. Naitulak niya bigla si Alessandro. Tamang-tama pagtulak niya sa binata ay biglang napigtas ang suot niyang kuwentas. Ang singsing na nagsisilbing pendant nito ay nalaglag sa sahig. Nataranta siya. Dinampot niya ang singsing at isinuot sa kanyang palasingsingan.
"Uhm, p-pasensiya ka na, nagkalat na ako dito," natatarantang sabi niya.
"It's okay. Ako na ang bahala rito. Lumabas ka na," kaswal na sabi nito.
Hindi na siya umimik. Nagmamadali siyang lumabas.
Pagdating sa labas, na-realize niya na tama si Rebecca. May something nga sa mga mata ni Alessandro. Pero sa halip na matakot, lalo siyang na-excite na mas makilala pa ang lalaki.
INIHANDA na ni Alessandro ang mga gamit na dadalhin niya papuntang Spain. Hindi na pinaalam ng daddy niya sa kanyang ina kung ano ang gagawin nila sa Spain. Takip-silim silang umalis. Mahaba ang lalakbayin nilang mag-ama kaya uminom siya ng maraming dugo.
Pagdating sa himpilan ng Libertad Organization ay mainit naman silang tinanggap ng mga tauhan ni Howard. Mas komportable si Howard na kausap silang mag-ama kumpara kay Dario. May sama ng loob pa rin si Howard kay Dario dahil sa mga nagdaang sigalot sa pagitan ng mga ito. Dinala sila ng mga tauhan sa tanggapan ni Howard. Nakaupo ito sa trono nito, habang sumisimsim ng inuming dugo.
"Welcome to Libertad, my Dearest visitors!" bungad sa kanila ni Howard.
Hindi yumukod si Zyrus, pero si Alessandro ay ibinaba ang sarili bilang paggalang sa mas nakakataas sa kanya. Yumukod siya.
"Thank you, Howard! He's my son, Alessandro," pagkuwa'y pakilala sa kanya ng kanyang ama.
Tumayo si Howard at humakbang palapit sa kanila. Huminto ito sa kanyang tapat may dalawang dangkal ang pagitan. Hinaplos nito ang pisngi niya. Tumitig naman siya sa kayumanggi nitong mga mata.
"You're such a beautiful guy. You looks like your father's grand father. You are the young version of Dr. Dan Hance Clynes, who known as the legend. And I think, you got his deadly eyes. You are the reason why I can't refuse your father's favor. Of course, The name Alessandro was known as 'the defender of mankind'. And I believe that you can save all living things in the world. But I can't promise you that Dr. Swarz will cooperate with you. He already decided that he will burn his immortal body to kill the cures of his blood lines. I haven't told Zyrus about Dr. Swarz problem. Better you talk to him personally," sabi ni Howard.
"Thank you for giving me a permission, sir," magalang na sabi niya.
"You're welcome. But only you can talk to him, Sandro. Zyrus know why," anito.
Tumango siya. Tinapik naman ng kanyang ama ang kanyang likod. Iyon ang good luck sign nito.
Pagkuwa'y iginiya na siya ni Howard patungo sa kuwarto ni Dr. Swarz. Iniwan na siya nito sa loob. Hindi bed room ang pinasok niya, kundi isang laboratory. Nakikita niya ang sarili kay Dr. Swarz. Nagsisilbing kuwarto na rin niya ang laboratory.
Maluwag ang kuwarto. Napapaligiran ito ng mga estante na merong mga nakalagay na mga kimikal at mga specimen. Tumigil siya sa tapat ng malaking pinto. Sensor ito. Pagbukas ng pinto ay pumasok na siya. Nagulat siya nang madatnan si Hero Swarz sa loob ng maluwag na silid. Pulos puti ang pintura ng silid. May nakita siyang malaking kama, kung saan ay may nakahigang matandang lalaki. Si Hero ay nakasandig sa pasamano. Ito ang apo sa talampakan ni Dr. Swarz, na naging kaklase niya sa university sa London. Pero hindi naging maganda ang mga tagpo sa pagitan nila.
"Maligayang pagdating, Sandro!" nakangiting bati sa kanya ni Hero.
Nawindang siya. Paano ito natutong managalog? Naisip niya, baka tinuruan ito ni Zack, na best friend nito.
"Salamat. How did you know?" aniya.
"What?" nalilitong tanong nito. Humakbang ito palapit sa kanya.
"Alam mo na pupunta ako dito?" sagot niya.
Huminto ito may isang dipa ang pagitan sa kanya. Humalukipkip ito.
"Yes. Sinabi ni Howard."
"Kailan ka natutong managalog? Did you stay in Philippines?" usisa niya.
Ngumisi si Hero. "Yes. But I was disappointed at my last visit there. I lose something very important to me. I want to get there back, but My Grand Father, want me to stay with him until he end up his life. It was disgusting and confusing. I felt I'm weak. He don't even trust me. Yeah, I found myself jealous to you, Sandro. Ikaw ang gustong makita ng lolo ko. I have to admit that you're the one who deserve to called 'the defender of mankind'. And I am only a hero, who saves life of ordinary creatures. But good thing your are here. Hindi na maghihirap ang lolo ko. Go ahead. Talk to him," mahabang pahayag ni Hero.
Obvious na obvious pa rin ang insecurity nito sa kanya.
"Thanks, man," sabi niya. Kinamayan niya si Hero.
Ngumiti lang ito, pagkatapos ay iniwan na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top