Chapter Four
TWENTY-FOUR hours nang hindi natutulog si Alessandro. Ni hindi siya nakakalabas ng laboratory. Hindi pa kasi niya nagagawa ang vaccine. Sinusunod naman niya ang payo ni Dr. Swarz. Ngayon lang siya nainis sa sarili. Pakiramdam niya'y hindi nagpa-function ng maayos ang utak niya. Umupo siya sa stool chair at hinihilot ang kanyang noo. Sumasakit na ang ulo niya at nanghihina na siya. Tiniis kasi niya na huwag uminom ng dugo at kumain ng kahit ano. Ayaw kasi niya na natitigil sa ginagawa.
Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Presensiya ng babae ang nasagap niya. Pamilyar ito. Hindi niya ito nilingon.
Tumikhim ito. "Excuse me, Doc," sabi nito.
Napalingon siya sa kanyang kaliwa. Nakatayo roon si Narian. May dala itong isang bote ng blood juice. Mariing kumunot ang noo niya. Pero mas naakit siya sa matamis nitong ngiti.
"Bakit?" kaswal na tanong niya.
Lumapad pa ang ngiti ng dalaga. "Pasensiya na sa abala. Dinalhan ko na kayo ng inumin ninyo. Napansin ko kasi na halos buong maghapon at magdamag na kayong narito. Baka ho magkakasakit kayo niyan. Take your time," masiglang sabi nito.
Hindi ito maintindihan ni Alessandro. Bakit nito iyon ginagawa? Ano ba ang pakay ng babaeng ito sa kanya? At paanong alam nito na twenty-four hours na siyang naroon sa laboratory, samantalang otso oras lang itong umalalay sa kanya.
"Paano mo alam na hindi ako lumalabas ng laboratory?" usig niya rito.
Biglang tumabang ang ngiti ng dalaga. "Kuwan," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "hindi pa kasi kayo nagbibihis. Iyan pa ang suot ninyo kahapon," sabi nito.
Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig. Tiningnan din niya ang sarili sa malaking salamin na nasa harapan niya. Oo nga, hindi pa siya naliligo magmula kahapon. Pero hindi siya pinagpawisan dahil malamig sa loob ng laboratory. Pasimpleng inamoy niya ang sarili. Hindi pa naman siya mabaho. Amoy chemical lang siya. Never siyang nakadama ng hiya kahit kanino, pero sa babaeng ito ay bigla siyang nanliit sa kanyang sarili.
"So, what do you want to say? Gusto mo ba akong utusan na maligo?" seryosong sabi niya.
"Ahm, h-hindi naman sa gan'on. Hindi ka naman mabaho, eh. Mukhang bagong ligo ka pa rin. Anyway, don't mind me. Nag-aalala lang ako baka bigla kang himatayin riyan. Naisip o na baka kailangan mo ng dugo. Heto, oh," anito sabay abot sa kanya ng baso ng dugo.
Ayaw sana niyang tanggapin pero naghari ang matinding pagkauhaw niya. Kinuha niya ang baso ng dugo pero itinabi muna niya sa mesa. Mamaya na siya iinom kapag nakaalis na ang babae.
"Thank you!" sabi niya. Pagkuwa'y ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
Inaasahan niya na aalis na si Narian, pero pagala-gala pa ito sa loob ng laboratory. Kapag ganoong may ibang nilalang siyang kasama ay hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa. Panay ang sulyap niya sa dalaga. Aywan ba niya bakit malaking distraction ito sa kanya. Hindi naman siya bastos para palayasin kaagad ito matapos siyang pagsilbihan.
Mamaya'y hindi siya nakatiis. Tiningnan ulit niya ang dalaga. Nakaupo na ito sa stool chair habang nakaharap sa malaking aquarium na may lamang fetus. Ang fetus na iyon ay kinuha nila sa sinampupunan ng babaeng buntis na nakagat ng halimaw. Hinahaplos nito ang salamin. Tumigil ang tingin niya sa suot nitong singsing.
Sandali siyang pumikit at binalikan ang kanyang memorya. Nakita niya sa kanyang isip ang ilang senaryo. May nakikita siyang lalaki na suot ang singsing. Kamukha ng singsing na suot ni Narian. Ang lalaki ay kayang kontrolin ang katawan at kaluluwa ng ibang nilalang, partikular na ang tao.
Bigla siyang dumilat. Naalala niya, may ikinuwento noon sa kanya ang daddy niya tungkol sa mga bampira na naging instrumento ng diablo. Pumapatay sila sa pamamagitan ng black magic. Ang mga iyon daw ang matinding kalaban ng angkan nila. Ginagamit ng mga iyon na kasangkapan ay ang mga singsing o pendant. Dahil ang mga tao ay nasisilaw sa alahas, naging instrumento ng mga iyon ang alahas upang madaling makapagbiktima ng inosenteng nilalang.
May dalawang dipa lang ang agwat sa kanya ni Narian. Nang tumingin ito sa kanya ay hindi siya bumawi ng tingin. Ginamit niya ang pagkakataong iyon upang makausap ito tungkol sa suot nitong singsing.
"Bakit po?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"I'm just curious about your ring. Is that yours?" walang paliguy-ligoy na sabi niya.
Mariing kumunot ang noo ng dalaga. Tiningnan din nito ang suot na singsing. "Y-Yes!" mariing sagot nito.
Na-guilty siya. Mukhang hindi maganda ang dating rito ng sinabi niya. Baka isipin nito inaakusahan niya ito na magnanakaw ng singsing.
"Sorry, I'm just familiar to that ring. Minana mo ba 'yan sa ninuno mo?" sabi na lang niya.
"N-No," matipid nitong sagot.
Nagduda siya nang tuluyan. "Then, where did you got that ring? Did someone give that to you?" usisa niya.
NAGTATAKA na si Narian sa pagiging mausisa ni Alessandro sa singsing na suot niya. Kinakabahan tuloy siya baka kilala nito ang may-ari ng singsing. Pero imposible 'yon. Maraming ganoong singsing sa mundo. Naalala na naman niya ang lalaking may-ari ng singsing. Kay bilis na bumalik sa diwa niya ang kaganapan noon.
NILAPITAN ni Narian ang lalaking tinuturo ng mga kaibigan niya. Nasilaw siya sa offer ni Chesca na twenty thousand. Napakasimple ng pinapagawa nito. Lalapitan lang niya ang lalaki, kukunin ang loob nito, aakitin hanggang sa maingganyo ito na makipag-date sa kanya.
Malilikot ang ilaw sa loob ng bar kaya hindi niya masyadong naklaro ang mukha ng lalaki. Pero nang abot kamay na niya ito ay nawindang siya nang makitang napakaguwapo pala nito. May tama na rin ng alak ang utak niya, pero kontrolado pa rin niya ang galaw niya. Nagso-solo ang lalaki. Wala naman itong iniinom na alak. Nanonood lang ito ng baseball game sa telebesyon na nasa tabi ng counter. Umupo siya sa tabi nito. Nag-order siya ng cocktail.
Effortless ang pagkuha niya sa atensiyon ng lalaki. Hinila lang niya ang laylayan ng blouse niya para lumabas ang cleavage niya. Awtomatiko itong napatingin sa kanya. Nagdrama siya na brokenhearted. Nagkunwari siyang umiiyak.
"Hey, are you okay?" tanong sa kanya ng lalaki.
Tiningnan niya ito. Hindi mahirap para sa kanya ang umarte dahil bata pa lang siya ay gawain na niyang magluha-luhaan para lang maawa ang mama niya at huwag siyang iwan muli. Nangilid ang luha niya sa kanyang pisngi.
"Do you think, I'm okay?" balik niya rito.
Ngumisi ang lalaki. "Sorry. So, you're here to ease the pain in your heart?" anito.
"Yeah. Liquor was my pain reliever. Buwisit kasing lalaki 'yon! Pagkatapos makuha ang lahat sa akin, iiwan ako? Anong akala niya sa akin, laruan?" palatan niya, kunwari.
"What did you say?" sabi ng lalaki.
Na-realize niya, mukhang hindi marunong managalog ang lalaki. "I said, my ex-boyfriend was a traitor!" sabi niya.
"Oh, okay. But don't waste your tears to a man like him. Forget him and find another man who must deserve you."
"Can you find me a deserving man?" untag niya.
"Well, you don't need to find him. Why don't you try dating me. Let me know you and I will give you a try. I'm single, and I'm looking for a nice girl. I'm Heroe De Cuanco," pagkuwa'y pakilala ng lalaki sa kanya.
"I'm Narian Sultan. Thank you for your concern. But do not expect too much from me. Remember that I came from a broken relationship. But I will give you a try," aniya.
"Thanks!"
Nang dumating ang order niyang inumin ay humaba pa ang kuwentuhan nila ng lalaki. Hanggang sa naibigay niya rito ang contact number nila.
Sa mga sumunod na araw ay napadalas ang paglabas nila ng lalaki. At siyempre, nakuha na niya ang twenty-thousand niya kay Chesca. Ang problema niya ngayon ay kung paano niya itatago sa boyfriend niya ang pakikipag-date niya sa ibang lalaki. Two months pa lang niyang boyfriend si Gilbert, at inaamin niya na hindi pa siya seryoso rito. Nakilala lang din niya ito sa bar. Isa itong call center agent.
Third times na date nila ni Heroe ay sa bar ulit kung saan sila unang nagkakilala. Tumangging uminom ng alak ang lalaki pero pinilit niya. Naka-isang bote pa lang ito ng beer ay iba na ang timbre ng boses nito. Makulit na ito. Nahihilo na rin siya pero nakokontrol pa niya ang sarili.
Mamaya'y nagyayang umuwi ang lalaki. Ipagda-drive daw siya nito. Hinayaan niya itong umupo sa harapan ng manibela. Umupo naman siya sa tabi nito. Mamaya'y biglang lumipat sa mas malapit sa kanya. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinalikan sa labi. Natigagala siya nang biglang humimas ang mga kamay nito sa kanyang mga hita.
Kinabahan siya. Tinangka niya itong itulak ngunit bigla siyang nawalan ng lakas. Nang haplusin niya ang dibdib nito ay nahagip ng kamay niya ang kuwentas nito. Narinig niyang may kumalansing sa sahig. Hindi na niya iyon pinansin nang punuin nito ng halik ang kanyang leeg. Unti-unti siya nitong hinuhubaran.
Ngunit kung kailan nagpaparaya na siya ay saka naman may kumalampag sa bintana ng sasakyan. Napaangat ng mukha ang lalaki. Sumilip ito sa labas. Nang makita kung sino ang nasa labas ay bigla itong nagbihis at nagmamadaling lumabas.
Nakita ni Narian na merong dalawang lalaki na nagsusuntukan sa labas. Nahimasmasan siya nang mamataan na kinagat ng isang lalaki sa leeg ang isa pang kaaway nito. Sa takot ay binuhay niya ang makina ng sasakyan saka nagmaniobra.
After two days, sinugod siya ni Heroe sa bahay niya. Day off niya sa trabaho at sanay maglalaba. Nagulat siya nang pagdating sa sala ay siniil siya ng halik ni Heroe. Kinabahan siya dahil sa araw na iyon ay may usapan sila ni Gilbert na sasamahan siya nito sa pamamahinga. At parang sumpa na maabutan sila ni Gilbert sa ganoong senaryo.
Natulala siya n ang makitang sinasaktan na ni Gilbert si Heroe. Gumanti ng suntok si Heroe.
"Who the hell are you?" tanong pa ni Heroe kay Gilbert.
Dinuro ni Gilbert si Heroe. "You asshole? Are asking who I am? I'm Narian's Fiance! And how dear you seducing my girlfriend!" asik ni Gilbert.
Nilamon na ng takot si Narian nang bumaling sa kanya ang matalim na tingin ni Heroe. Pagkuwa'y binalingan nito si Gilbert.
"Why don't you ask your girlfriend first, bastard? I'm don't believe that she's your fiance, 'cause we're dating. She said she's single now, and she's brokenhearted. Who's telling you the truth?" nalilitong sabi ni Heroe.
Ang galit ni Gilbert ay nabaling kay Narian.
"Ganyan ka pala, Narian? Akala ko matino kang babae! Two timer ka pala. Hindi ka ba nakontento sa akin, ha? Wala kang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran!" puno ng galit na sabi ni Gilbert at bigla na lang umalis.
Parang pinipilas ang puso ni Narian. Napakasakit ng salitang ibinato sa kanya ni Gilbert. Natanong niya sa kanyang sarili, "Ganoon ba ako karuming babae para ikumpara niya ako sa babaeng bayaran?"
"I was disappointed in you, lady!" galit ding sabi sa kanya ni Heroe, iniwan din siya nito.
Napaiyak na lang si Narian. Galit siya sa kanyang sarili dahil sa kagagahang ginawa. Nawalan siya ng mabait na boyfriend nang dahil lang sa twenty-thousand. Sinira din niya ang tiwala ng dayuhang si Heroe. Dahil sa paglisan ng dalawang lalaki, parang gusto na niyang tanggapin na masama siyang babae. Ngayon lang niya na-realize na walang maidudulot na maganda ang mga kalokohan nila ng mga kaibigan niya.
Dahil sa nangyari, nag-laylo si Narian. Tinatanggihan na niya ang mga imbetasyon ng mga kaibigan niya, hanggang sa isa-isang nagsipagpaalam ang mga ito para manirahan sa ibang bansa. Naiwan siyang kawawa. Kinakarma na siya dahil hindi na nagpapadala ng pera ang mommy niya. Ang tatay naman niya ay hindi na siya kinilalang anak. Hanggang sa isang araw, nabalitaan niya na nagkasakit ang mommy niya at namatay.
Mabuti na lang mabait ang asawa nitong arabo. Pinadalhan siya ng pamasahe para kahit papano ay masilip niya sa huling pagkakataon ang kanyang ina. Pag-uwi niya ng Pilipinas ay hindi na siya tinanggap ng ospital na pinagtatrabahuhan niya. Dalawang buwan siyang tambay, hanggang sa maubos ang pundo niyang pera. Kumapit na siya sa ibang kamag-anak. Niyaya siya ng pinasan niya na si Farah na mag-take ng civil service. Sa awa ng May Kapal, pinalad siyang makapasa. Nakapasok siya sa PNP.
At nang nagkaroon siya ng stable na trabaho, nangako siya na tatalikuran na niya ang bisyo.
NAGI-GUILTY pa rin si Narian. Hindi niya napansin na kanina pa pala naghihintay si Alessandro sa sagot niya. Kumislot siya nang mamalayan na pinagmamasdan siya ng binata.
"Ah, a-ano na nga iyong tanong mo?" pagkuwa'y sabi niya.
"I'm asking about your ring. Meron bang nagbigay nito sa 'yo?" ulit nito sa tanong.
Napaisip na naman siya. Hindi siya makapagdesisyon kung ikukuwento ba niya ang totoo kay Alessandro. Pero nang tumitig siya sa mga mata nito ay naglaho ang pag-aalinlangan niya.
"Kuwan, naiwan ito ng ka-date kong lalaki noon sa kotse ko. Bigla kasi siyang umalis. Nagkalabuan na kami kaya hindi ko na naibalik sa kanya," sagot niya.
"So, hindi mo talaga pag-aari ang singsing," anito.
Tumango siya. Hinipo niya ang singsing na suot niya. Ngayon lang ulit niya nararamdaman ang pagsikip nito sa daliri niya. Ilang beses na niya itong tinangkang tanggalin pero ayaw matanggal.
Mamaya'y tumayo si Alessandro. Humakbang ito palapit sa kanya. Huminto ito may isang dangkal ang pagitan sa kanya. Tiningla niya ang mukha nitong nakayuko sa kanya.
"May I touch your ring?" untag nito.
Inilapit naman niya rito ang kamay niya na may suot na singsing. Nang hipuin nito ang tuktok ng singsing ay parang napaso ang kamay niya.
"Aw!" sigaw niya sabay bawi sa kamay.
"Why?" takang tanong nito.
"Ang sakit," aniya.
Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya si Alessandro. "Wala ka bang nararamadamang kakaiba sa sarili mo?" pagkuwa'y tanong nito.
Umiling siya. "W-Wala naman," mabilis niyang sagot.
Mayat-maya ang sipat ni Alessandro sa kamay niya. Pagkuwa'y tinalikuran siya nito. Binalikan nito ang ginagawa.
Hindi na ito inabala ni Narian. Iniisip niya, baka dahil sa pagtitig niya sa mga mata ni Alessandro kaya siya nasaktan. Nang hindi na ito maabala ay tahimik na siyang lumabas. Inaantok na rin kasi siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top