Chapter Three
NAKAHINGA ng maluwag si Natassa nang hindi siya iniharap ni Elias sa mga opisyales ng organisasyon. Dumeretso sila sa researching office. Pagpasok sa opisina ay umupo ito. Napaupo din siya sa katabi nitong silya. Nagtitipa ito sa keyboard ng malaking monitor na nasa harap nila. Kadikit ng kamay nito ang kamay niya kaya napapasunod ang kamay niya sa galaw nito.
"You know, this is the worst nightmare I'd ever had. Hindi papayag si Dad na saktan ako ng ibang tao," palatak niya.
"Sssh. Shut up!" hasik nito.
"Bakit kasi kailangan mo pa akong iposas? Hindi naman ako tatakas," aniya.
"I said, shut up!" napipikong sabi nito.
"I don't understand why you're always shouting. Ganyan ba kapag nagkakaedad na? Palaging mainit ang ulo? O baka naman no girlfriend since birth ka, never been kiss, never been touch. You acted like a virgin old man. Dah."
"Why you can't keep your mouth shut? You're talking nonsense."
"If you feel irritated, then let me go."
"Later."
"Huh!"
Wala siyang choice kundi panoorin ang ginagawa nito sa monitor. Nagre-research ito ng mga isla sa bansa.
"Where did you learn to use computer?" usisa niya pagkuwan.
"I studied computer engineering when I was in Russia, but I didn't finish it because I turned my passion in driving. Hanggang sa nagka-interes akong maging piloto. Natapos ko ang kurso ko at nakapagtrabaho ako sa isang airline company sa Germany," kuwento nito.
"I just ask about your computer skills, I don't want to hear your story, but thanks, it's interesting," aniya. Hindi na siya mapakali sa kinaluklukan niya.
"This is our target island found in Palawan. We will visit the area tomorrow," sabi nito pagkuwan.
Tumingin naman siya sa monitor kung saan naka-focus sa isang isla. Wala siyang ganang magtrabaho.
"Okay. Kailangan kong magbanyo," sabi niya.
"Go ahead."
"What? Paano ako aalis?"
"I'll go with you."
"You're crazy."
Nauna pa itong tumayo. Tumayo na rin siya at napasunod siya rito sa banyo.
"Magbanyo ka na," udyok nito.
"Nandito ka pa."
"E ano?"
"No."
Hinila siya nito palabas. "Wait!" Hinila rin niya ito pabalik.
"Ang dami mo pang arte. Bilisan mo!" naiinis na sabi nito.
Lumapit naman siya sa inidoro. Nakatalikod ito sa kanya. Nahihirapan siyang hubarin ang pantalon niya. Sumasama kasi ang kamay nito.
"Er! Puwede ba alisin mo muna ang posas kahit sandali lang? Hindi ako makagalaw nang maayos," hindi natimping reklamo niya.
"Kumita na sa akin ang style mo. Bilisan mo na," pagmamatigas nito.
Inis na ibinaba niya ang pantalon niya. Pagkuwan ay lumuklok siya sa inidoro. Kanina pa niya tinitimpi ang pantog niya. Nakaangat ang kaliwang kamay niya na nakaposas sa kamay ni Elias.
"Hanggang kailan mo ba ako ipoposas sa kamay mo?" tanong niya.
"Hanggang sa magkaroon na ako ng tiwala sa 'yo," sagot nito.
"Ideya ba talaga ito ni Dad or ikaw lang ang nakaisip?"
"Ako ang nakaisip pero siya ang nag-approve."
Mariing nagtagis ang bagang niya. "Close ba kayo ni Dad?"
"Not so close. I'm one of his students."
Tumayo na siya. Lalo siyang nahirapan sa pagtaas ng pantalon niya. Medyo fitted pa kaya naka-stock lang ito sa hita niya. Nahihila na niya ang kamay ng binata.
"Kainis!" naiirita nang sabi niya.
"You need help?" tanong pa ni Elias.
"No need. Kung inalis mo kaya ang posas nang hindi ako nahihirapan nang ganito," aniya.
"Kaya mo 'yan. Bilisan mo dahil marami pa tayong gagawin," anito.
"Damn it!" Sa wakas ay naisuot din niya ng maayos ang pantalon niya.
Lumabas na sila at muling umupo. Busy na naman sa pagtipa sa keyboard ang binata. Nababagot na siya sa sobrang katahimikan. Ginugupo na rin siya ng antok.
"Wala ka bang music player dito?" aniya.
"Ayaw ko ng ingay," sabi nito.
"Ingay ba ang music? Music is mind refreshing. Hindi ka ba nabo-bored?"
"Hindi lahat ng nilikha sa mundo ay gusto ng music."
"Yeah, some oldest does not like to hear music and any noise. You're getting older that's why you're easy to feel irritation."
"Ganito na ako since I'm young."
"Weird. You just like my Dad. Kumakapal na ang noo dahil palaging nakakunot."
Hindi na kumibo ang binata. Nang biglang tumahimik ay hindi na niya natiis ang antok. Humimlay na ang ulo niya sa ibabaw ng mesa. Hindi pa niya nakukuha ang tulog ay may nakakakiliting bagay na sumiksik sa tainga niya. Iniangat niya ang ulo niya sabay titig sa kanyang kasama.
"Sleeping on duty?" anito.
"Wala naman akong gagawin, eh."
"Mag-take note ka. Gamitin mo ang netbook at i-save lahat ng impormasyong nakukuha ko sa target area."
Kinuha naman niya ang netbook at binuksan. Ayaw talaga niya ng ganoong trabaho, na ilang oras nakaupo sa harap ng mga gadgets. Panay ang hikab niya habang naghahalungkat ng files sa netbook.
"I-open mo ang researching system sa netbook. Nakakonekta iyan rito sa main monitor. Lahat ng impormasyong naipapasok sa system ay makokopya riyan sa netbook. Iyan ang gagamitin natin kapag nag-travel na tayo," wika nito.
Sinundan niya ang sinabi nito. Nanlalambot na ang katawan niya. Bukod sa ilang araw siyang hindi kumain ng cook food, isang beses lang siya nakainom ng blood juice.
"I think I need to refuel," aniya.
"What?"
"I need blood. I'm feeling empty," reklamo niya.
"Later, after this."
"Matagal pa 'yan."
"Kung sinusunod mo ng kopya ang mga impormasyong pumapasok sa system, e 'di sana kanina pa tayo natapos."
Bumuntong-hininga siya.
Pagkatapos ng research ay pumunta na sila sa blood bank. Nakaubos siya ng dalawang baso ng blood juice.
"Ikaw, ayaw mong uminom?" pagkuwan ay tanong niya.
"Matagal ko nang iniwasan ang dugo," anito.
"That's not good. Kailangan ng katawan natin ng fresh blood to maintain immortality."
"We're hybrid. We're not immortal anymore. We also have lifespan to reach after a thousand years. Unlike sa mga pure blooded vampire na puwedeng mabuhay nang walang hanggan."
"But they can't stay under the sun."
"That's their weakness. Let's go," anito saka nagsimula na namang maglakad.
"Where we going?" naiirita nang tanong niya.
"I'm hungry."
Dumeretso sila sa food center. Lunch time na kaya maraming kumakain. Nakatingin sa kanila lahat ng naroon sa loob. Nakita niya si Nathan sa isang mesa kasama sina Jeddan at Simon. Malamang walang alam ang kapatid niya sa nangyayari sa kanya.
Lumapit sila sa counter. Panay ang ngiti sa kanya ni Rebecca habang nagsi-serve ng pagkain sa mga nakapila. May kasamang panunukso ang ngiti nito habang panay ang sulyap sa nakaposas na mga kamay nila ni Elias. Nang si Elias na ang kukuha ng pagkain ay inabutan din siya ni Rebecca ng platong may pagkain.
"Hindi ako kakain," aniya.
"Bakit?" 'takang tanong ni Rebecca.
"Akin na," ani Elias at kinuha na rin ang isang plato.
Pagkuwan ay inukupa nila ang mesa katabi ng mesa ng tatlong barako na sina, Rafael, Symon at Dylan. Ang tatlong ito ang binansagang 'the three kings'. Mga hari sa iba-ibang larangan. Panay ang sipat sa kanila ni Rafael at Symon.
Naiinis siya. Magkadikit ang mga upuan nila ni Elias habang nakaharap sa tatlong lalaki. Ibinigay nito sa kanya ang isang plato ng pagkain. Nagsimula na itong kumain.
"Eat that," utos nito.
"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Ayaw ko ngang kumain," angal niya.
"Kailangan din ng human side mo ang lutong pagkain."
"Hindi ako nagugutom."
"Kumain ka. Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo nauubos ang laman ng plato mo."
"Bakit ba napaka-bossy mo? You don't have rights to command me like this!" protesta niya habang nakataas ang boses.
Napapatingin sa kanila ang ibang kumakain.
"Ano ba 'yan? Ayaw mag-ama ba 'yan o away mag-asawa?" tudyo ni Rafael.
Pinukol niya ng masamang tingin si Rafael. "You please shut up, Rafael! It's none of your business!" pagtataray niya.
"Woooo..." Nag-react si Symon.
"At bakit nakaposas kayong dalawa, ha? Desidido na ba si Tito Trivor na magka-apo?" pang-aasar pa ni Rafael.
"Ay, okay 'yan. Mabilis nga magka-apo si Tito Trivor. Uhaw pa naman sa babae 'yang piloto natin," gatong pa ni Symon.
"Oo nga. Tigang na 'yan kaya kailangan nang diligan," si Rafael.
Kinuha ni Natassa ang tinidor at ibinato sa dalawang lalaki. Nakailag ang dalawa kaya kay Dylan tumama ang tinidor. Mabuti na lang nasalo nito iyon. Binato siya nito ng matalim na titig. Naiilang siya kay Dylan, bukod sa malimit itong ngumiti, malimit ding magsalita.
"S-Sorry, Dylan," aniya.
Umiwas lang ng tingin si Dylan at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Napipikon na siya sa dalawang nagawa pang tumawa. At lalong napipikon siya kay Elias na walang pakialam kahit binu-bully na. Pinalo niya ng kutsara ang kamay nito na nakaposas sa kamay niya.
"Aray!" napalakas na daing nito.
Nakuha nila ang atensiyon ng lahat. Tumitig siya kay Elias na noo'y tumigas na ang panga sa pagtitimpi ng inis at sakit dulot ng pagpalo niya ng kutsara sa kamay nito.
"Akala ko ba manhid ka? Hindi mo ba alam na kanina ka pa binu-bully ng dalawang hampas-lupang iyan? Pinagpaplanuhan ka na nilang patayin, dedma ka pa rin!" sermon niya rito.
"Wow, concern!" si Rafael.
Lalo siyang nainis nang dedma lang si Elias. Nagpatuloy ito sa pagsubo. "Kumain ka na bago tayo abutin ng hating-gabi rito," sabi lang nito.
"Tsk! Walang kuwenta," aniya saka sinimulang kainin ang pagkain.
Nagsi-alisan na ang natapos kumain pero nakikipagbuno pa rin si Natassa sa pagkain niya. Nakakaidlip na sa tabi niya si Elias. Hindi pa niya nakalahati ang pagkain. Pasimpleng ihuhulog sana niya sa sahig ang ibang pagkain ngunit biglang gumalaw si Elias.
"Kapag itinapon mo 'yan, dito na tayo matutulog," sabi nito.
"Hindi ko na kayang ubusin 'to," reklamo niya.
"Ubusin mo," pilit nito.
"Ikaw na lang kaya ang kumain."
"Bilisan mo na. Pupunta pa tayo sa laboratory."
Pinilit na lamang niyang ubusin ang laman ng plato niya kahit halos ayaw na iyong tanggapin ng sikmura niya. Nang maubos ang pagkain ay hindi na siya uminom ng tubig. Pakiramdam kasi niya'y sasabog na ang tiyan niya sa labis na kabusugan.
"Okay ka na?" mamaya ay tanong nito.
"Puwede bang magpahinga muna?" aniya.
Pinagbigyan naman siya nito. Makalipas ang ilang minutong pahinga ay tumayo na si Elias. Sumunod naman siya rito hanggang makarating sila sa laboratory one. Nadatnan nila roon si Alessandro na abala sa pagpindot sa touch screen nitong monitor.
Si Alessandro ang first crush niya simula bata siya. Noong nag-aaral pa lamang sila sa academy ay madalas siyang nagpapapansin dito pero hindi siya magawang pansinin. Lalong naging mailap ang atensiyon ni Alessandro noong sumabak na ito sa trabaho bilang chemist at genetic engineer. Nakalimutan lamang niya ang feelings niya rito simula noong pumasok siya sa vampire warriors group.
Nabaling ang atensiyon ni Alessandro sa kanila. Panay ang sulyap nito sa mga kamay nila ni Elias na nakaposas.
"What's wrong, Tito El?" sabi nito kay Elias.
Nagulat si Natassa nang tawaging ni Alessandro na tito si Elias.
"Kailangan ko lang ng activated gadgets for research and monitoring. Bibiyahe kami bukas papuntang Palawan," ani Elias.
"Gano'n ba? Bakit nakaposas ang mga kamay ninyo ni Natassa?" usisa ni Alessandro.
"I'm escorting her," sagot naman ng piloto.
"What?" natatawang untag ni Alessandro. Sinulyapan siya nito.
Walang kupas ang kaguwapuhan nito pero in love na siya kay Tanner. "So, magtiyuhin pala kayong dalawa," aniya.
"Yeah, kapatid siya ng Mommy ko," sagot ni Alessandro.
"Mabuti na lang pala hindi ka nagmana ng ugali sa tito mo," wika niya.
Ngumisi si Alessandro. "May problema ka ba sa tito ko, Natassa?" usig ni Alessandro.
"Look at this," aniya saka iniangat ang nakaposas na kamay nila ni Elias.
"Baka naman may kasalanan ka kaya ka nakaposas," sabi nito.
"Wala lang tiwala sa akin si Daddy at itong arogante mong tiyuhin," giit niya.
"Ano ba ang kasalanan mo?" usisa ni Alessandro.
Hindi siya nakapagsalita nang maunahan siya ni Elias.
"Nagtangka siyang maglayas dahil lang pinagbawalan siya ng Daddy niya na makipagkita doon sa boyfriend niyang miyembro ng black ribbon soldier," sabi ni Elias.
"Oh, sounds creepy," komento ni Alessandro.
Naiinis siya. Mukhang pagkakaisahan pa siya ng magtiyuhin na ito.
"Puwede ba, gusto ko nang umuwi," apila niya.
"Hindi pa tapos ang trabaho. Babalik pa tayo sa office," ani Elias.
Bumuntong-hininga siya. "Boring," aniya habang banay ang panaghoy.
Nang maibigay sa kanila ni Alessandro ang kailangan nila ay bumalik na sila sa researching office at umupo na naman ng ilang oras at nagtitipa sa harap ng monitor. Gusto niyang tumalak pero reklamador itong partner niya. Ayaw ng maingay. Ni ayaw magbukas ng music. Sumasakit na ang tainga niya sa sobrang katahimikan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang pagtipa ng mga daliri nito sa keyboard. Nag-isip na lang siya ng paksa.
"Why are you still single, Elias? I guess you're thirty years old or higher," sabi niya.
"You're wrong. I'm forty-five years old," sagot nito.
Nawindang siya. Tama pala si Symon na twenty years ang tanda ni Elias sa kanya. Hindi halata sa hitsura nito. Magtataka pa ba siya? May dugo itong bampira kaya hindi madaling tumanda ang mukha at katawan.
"I thought you're 30 something. Kaya pala mainitin na ang ulo mo. Why you don't marry a woman?" aniya.
"I'm not interested. Marrying a woman is wasting money and effort."
"You're nobody. Hindi ka magiging lalaki kung walang babae. Isa pa, kailangan mo ng partner. Paano ang sex life mo?" walang gatol na sabi niya.
"Sex is just a sexual activity that needs more effort. For me, it was a kind of passion and natural body needs to release some liquids form our body."
"So, you never had been fall in love?"
"I having sex with woman but no love involve. Ayaw kong magpatali sa isang relasyon."
"Takot ka lang."
"You're right. Ayaw kong ma-in love sa babae. Kapag may gusto kasi ako, kinababaliwan ko at kapag biglang nawala sa akin, para akong mamamatay. Ayaw ko ng ganoong pakiramdam," seryosong pahayag nito.
"Wow. You're a kind of obsessed lover. But most of the girls love a guy like you."
Biglang tumahimik ang binata. Inalipin na naman siya ng pagkabagot. Naghanap siya ng mapagkakaabalahan. Nahalungkat niya ang mga naka-save na litrato sa netbook. Halos litrato lahat ni Elias ang naroon sa netbook. Karamihan sa litrato nito ay hubad-baro. Para siyang tumitingin ng litrato ng isang hunk model. Elias has a perfect set of muscles, na obvious na natural ang pagkakahubog ng bawat kalamnan nito. Nakadagdag sex appeal ang wavy one feet long hair nito at magandang tubo ng balbas at biguti na hindi pa malago. Nanlaki ang mga mata niya ang makita ang litrato nito na tanging puting underwear lang ang suot habang nakatayo ito sa gilid ng swimming pool. Bakat na bakat ang halimaw sa loob ng brief nito. Doon siya nagduda sa dating carer ni Elias.
"What are you doing?" mamaya ay tanong nito.
"I'm watching your photos," sagot niya.
"Huwag mong pakialaman ang mga 'yan."
"I'm just curious. May background ka ba sa modeling?" hindi natimping tanong niya.
"I used to work as ramp model during college when I was in Russia. I work while studying. Sarili kong income sa pagmomodelo ang pantustos ko sa pag-aaral," kuwento nito.
"Where are your parents, anyway?"
"My father died when I was sixteen years old. Ang nanay ko naman, buhay pa pero naging bampira siya. Iniwan niya ako sa tatay ko sa Russia at bumalik siya rito sa Pilipinas. Pero nadiskobre ko bago namatay ang tatay ko, sinabi niya sa akin na hindi niya ako totoong anak. Buntis na ang nanay ko noong nagsama sila."
"Pero bampira pa rin ang totoo mong tatay."
"Yes, pero wala akong alam tungkol sa kanya. Ang alam dito sa academy, anak talaga ako ng kinalakihan kong tatay. Hindi rin nila ma-detect kung anong blood line meron ang totoo kong tatay."
"Ah, okay." Tumingin siya sa monitor.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top