Chapter Five
TINATAMAD bumangon si Natassa kahit ilang beses na siyang binubulabog ng Daddy niya ng katok sa pinto. Muli na namang kumatok ang Daddy niya kasabay ng galit nitong tinig.
"Natassa! Hindi ka pa ba babangon diyan? Huling tawag ko na ito!" sabi ng Daddy niya.
Bumangon na siya. "Heto na, Dad! Maliligo na ako!" pasigaw na sagot niya.
"Bilisan mo dahil kanina pa naghihintay si Elias," sabi nito.
"What? Kailangan pa ba niya akong sunduin?"
"Bilisan mo na!"
"Opo!"
Palagi siyang walang magawa. Padabog na pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot siya ng itim na leggings, fitted sleeveless na sinapawan ng fitted leather jacket. Nagsuot din siya ng itim na boots. Pinag-isang bungkos niya ang ga-balikat niyang buhok na mataas.
Pagdating niya sa lobby ay naabutan niya si Elias na prenteng nakaupo sa sofa. Huminto siya sa tapat nito. Awtomatikong tumitig ito sa kanya. Nakasuot din ito ng itim na pantalon at itim na leather jacket. Pati sapatos nito ay itim. Hindi naman sila nag-usap tungkol sa isusuot nila.
Mamaya'y dumating ang Daddy niya. Nakita niya ang posas na nakasabit sa tagiliran ni Elias. Nilapitan kaagad niya ang Daddy niya.
"Dad, may I ask a favor?" aniya.
"What is it?"
"Puwede bang huwag na akong iposas? Promise, hindi ako tatakas," pangako niya.
"Okay. Pero once may ginawa kang hindi maganda, Elias has rights to do some punishment to you. I allow him to decide what he want to do with you," sabi ni Trivor.
"Holy cow! That's too much, Dad. Bakit ba mas may tiwala kayo sa lalaking iyan?" reklamo niya.
"Dahil mas sinusunod niya ako kaysa sa 'yo na anak ko. Walang bad record sa akin si Elias. Siya ang pinakamatagal nang day walker na miyembro ng organisasyon. Kabisado ko na siya. Alam ko ang lakas niya at kahinaan. Don't worry, kung sakaling may ginawa siya sa 'yo na hindi ko gusto, ako mismo ang paparusa sa kanya. Nakuha mo?"
Nalaglag ang mga balikat niya. "Fine."
Tumayo na si Elias at lumapit sa kanya. Hindi pa ibinabalik sa kanya ng Daddy niya ang kakayahan niya sa pag-teleport at ibang abilidad kaya kakapit pa rin siya kay Elias.
"Aalis na kami, sir," paalam ni Elias sa Daddy niya.
"Okay. Mag-ingat kayo. Bye, Natassa," ani Trivor.
"Bye, Dad." Humalik siya sa pisngi nito.
Pagkuwan ay humawak na siya sa kanang braso ni Elias. Nag-teleport kaagad ito. Napadpad sila sa loob ng researching office.
"Aalis na ba kaagad tayo without breakfast?" tanong niya.
"Nag-breakfast na ako. Problema mo na kung hindi ka nag-almusal," sabi nito habang inihahanda ang mga gamit na dadalhin nila sa survey.
"Kailangan ko munang kumain."
"Dadaan na lang tayo sa food center para magpa-take out ng pagkain. Sa chopper ka na lang kumain. Gahol na tayo sa oras." Ibinigay nito sa kanya ang itim na shoulder bag na pinaglagyan nito ng mga gadgets.
"Let's go," sabi nito pagkuwan.
Sumunod naman siya rito hanggang sa food center. Naihanda na ni Charmaine ang babaunin nilang pagkain. Kumuha din siya ng soda in can at tubig. Nang kompleto na ang kailangan nila ay nagtungo na sila sa paliparan sa rooftop. Ang pinakamaliit na chopper ang pinili ni Elias.
"I-check mo muna ang engine baka may problema. Ayaw kong ma-trap sa kung saan," sabi niya nang makasakay na sila.
"Na-check na lahat ng sasakyan," sabi nito.
Sa likuran siya nito umupo. Nagulat siya nang lapitan siya nito at biglang nai-posas ang isang kamay niya at ikinabit sa bakal na harang sa harapan niya.
"Hey! What's this?" aniya.
"Safety first, sweetheart. I still don't trust you," sabi nito saka ito bumalik sa upuan nito.
"Fuck you, asshole! Hindi mo ba narinig ang usapan namin ni Daddy?" hasik niya.
"I heard but I don't care. Tumahimik ka na riyan. Get ready." Pinaandar na nito ang makina.
Napuno na naman ng inis ang sistema niya. Hindi na niya nagawang magsalita nang umangat na sila. Nagugutom na siya pero ayaw niyang kumain sa ganoong sitwasyon.
Makalipas ang halos isang oras na paglalakbay ay ibinaba na ni Elias ang chopper sa patag na bahagi ng maliit na isla pero mataas.
"Ito na ba ang isla sa research?" tanong niya.
"Hindi. Matatanaw mula rito ang islang iyon. Hindi tayo puwedeng umapak sa islang iyon dahil hindi pa natin alam kung anong meron doon," sabi nito. Kinalas na nito ang posas sa kamay niya.
"Paano naman tayo pupunta doon? Magte-teleport?" aniya.
"Na-detect ng system na may mga bampira na namamahay sa isla. Kapag nag-teleport tayo papunta sa isla, masasagap nila ang aura natin. Dadaan tayo sa ilalim ng dagat. Kumain ka na bago tayo aalis," sabi nito.
"Lalangoy lang tayo? Malayo ang isla mula rito."
"May dala akong scuba suit para sa atin."
Hindi na siya kumibo. Kumain na lamang siya. Bumaba naman si Elias nang makuha ang netbook. Inilabas din nito ang telescope na dala nila. Pumuwesto ito sa mas mataas na bahagi ng munting isla na kinaroroonan nila. Ginamit nito ang telescope para makita nang malapitan ang isla. Sinisipat niya ito habang kumakain.
Hindi siya sigurado kung alam ni Tanner ang hideout ng black ribbon sa Palawan. Pero nabanggit minsan ni Tanner na gusto siya nitong ipasyal sa lugar na iyon. May alam daw itong magandang isla na puwede nilang pasyalan. Naiinis siya sa tuwing naiisip na wala na siyang pagkakataon na makita si Tanner.
Nang sipatin niya si Elias ay nakatutok na ito sa netbook habang nakaluklok sa malaking bato. Noon lang niya napansin ang kasipagan ng binata sa trabaho. Hindi ito katulad ng ibang miyembro na mas mahaba ang oras sa pagliliwaliw. Kung hindi niya ito nakilala ay hindi niya malalaman na marami palang trabaho sa loob ng organisasyon. Palibhasa ang mga warrior na katulad niya ay madalas lang nasa labas at naghahanap ng mga kalaban at mga nilalang na may kahina-hinalang kilos. Mas gusto niya sa labas kasi nagagawa niya lahat ng gusto niya. Nakakapasyal siya kahit kailan niya gusto. Pero biglang nagbago ang lahat nang dahil lang sa kanyang pakikipagrelasyon sa kaaway.
Saktong kakatapos niyang kumain nang bumalik si Elias. Sumampa ito sa chopper at inihanda ang ibang gamit.
"It's positive. May mga bampira nga sa isla. We have to find out what happening inside. Malamang, nakagawa na sila ng tunnel. Magsuot ka na ng scuba suit," sabi nito.
"Wait lang, magpapahinga muna ako," sabi niya.
Kinuha na ni Elias ang scuba apparatus sa likuran niya. Nagsuit na ito ng wetsuit. Kinuha din niya ang para sa kanya at isinuot. Maliit lang ang tangke ng oxygen. Binigyan siya ni Elias ng monitoring device at waterproof communication earphone.
"Are you ready?" tanong nito.
"Yes. Saan tayo magda-dive?" aniya.
"Bababa tayo."
Nang lumakad na si Elias ay dagli siyang sumunod dito. Nabibigatan siya sa suot niya. Pagdating sa mas mababang bahagi ng isla na abot-kamay na ang tubig-dagat ay isinuot na nila ang kanilang pins at dive mask. Sabay na silang bumaba ng tubig. Nakabuntot lang siya sa binata. Umabot na sila sa ilalim kung saan madilim na. Binuksan niya ang kanyang headlight. Wala na masyadong isda sa karagatang iyon.
Pagdating nila sa puno ng target nilang isla ay na-detect ng radar nila ang aura ng mga bampira. May idinikit na bilog na bagay si Elias sa bato na bahagi ng isla. Nakatitig ito sa suot nitong waterproof spy watch na konektado sa pulang bilog na idinikit nito sa bato. Nang makakuha ng impormasyon ay kinuha na nito ang pulang bilog at lumipat sila sa mas mataas na bahagi ng isla pero hindi sila umabot sa ibabaw ng tubig. May idinikit na naman itong itim at maliit na oval sa bato. Pagkuwan ay hinila siya nito palayo sa bahaging iyon.
Nagulat siya nang biglang sumabog ang bahagi ng bato na pinagdikitan nito ng itim na oval. Napamata siya nang makita ang babal na nasa loob ng natipak na bato. Tama si Elias, maaring may tunnel na sa loob ng isla. Dinikitan ni Elias ng munting bilog na radar sa bakal. Maaring isa iyong monitoring device na nakakonekta sa system ng researching office.
Pinagmamasdan lang niya si Elias habang nakatitig ito sa spy watch nito. Mamaya'y bigla na lamang itong nawalan ng malay. Nataranta siya. Sinalo niya ang nabitawan nitong radar. Pagkuwan ay inilingkis niya ang kanyang kamay sa baywang nito saka siya lumangoy patungo sa pinakamalapit na pampang pero tiniyak niya na malaya sila sa kaaway. Umaga naman kaya kampante siya na walang bampira na lalabas sakaling ma-detect ang aura nila. Karugtong ng islang target nila ang pampang.
Hinila niya si Elias sa pampang at inihiga sa lupa. Inalis muna niya ang sagabal sa katawan niya saka niya isa-isang inalis ang mga pabigat sa katawan ng binata. Hinubad niya pati wetsuit nito. Nang lumantad ang dibdib nito ay saka niya ito in-CPR gamit ang kanyang mga kamay.
"Shit! What the hell's going on? Come on!" natatarantang sabi niya habang patuloy ang manu-manong CPR.
Pinulsuhan niyaa ng binata. Hindi niya maramdaman ang pulso nito sa leeg. Hindi siya mapakali.
"Dam it! You can't die here, asshole! Wake up!" kinakabahang usal niya.
Natigilan siya nang maramdaman niya ang pag-init ng kaliwang dibdib nito kung saan namataan niya ang pulang marka na naglalarawan sa bituin na napalibutan ng bilog at mayroong mata sa gitna. Nang pulsuhan niya ulit si Elias ay naramdaman na niya ang tibok ng puso nito. Pagkuwan ay napaubo ito.
Napaupo siya sa lupa. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Hindi niya inalisan ng tingin ang binata hanggang sa tuluyan itong nagising. Parang walang nangyari at bigla itong umupo.
"What happened?" inosenteng tanong nito.
"You're about to die, asshole. Ano ba ang naramdaman mo kanina?" inis na sabi niya.
"I just felt tired and discomfort," sagot nito.
"May sakit ka ba? Baka naman may sakit ka sa puso or something."
"Wala akong sakit."
"E bakit ka hinimatay?"
"I don't know." Tumayo na ito at isinuot muli ang wetsuit.
"Kalokohan. First time mo bang magbabad sa ilalim ng dagat?" untag niya.
"Naliligo ako sa dagat pero hindi ako nakaranas magbabad sa ilalim nang matagal," sabi nito.
"Tsk. Kung palagi pala tayong nasa ilalim ng dagat, ako ang mahihirapan. Paano mo pa magagampanan ang pagiging bodyguard ko kung ganyan ka?" palatak niya.
"Hindi naman tayo palagi sa ilalim ng dagat. Ngayon lang ito dahil kasama na sa trabaho ko ang pagsu-survey ng target area."
"So, what we gonna do now?" aniya.
"Bumalik na tayo sa chopper. Doon ko na aayusin ang system."
"Okay na ba 'yong ginawa mo sa ilalim ng dagat?"
"Naikabit ko na ang monitoring gadget. Malalaman na natin ang nangyayari sa loob ng isla."
"Gamit lang ang bagay na idinikit mo?"
"Yap. Tumatagos ang radar na iyon sa kahit gaano kakapal na pader. Nanganganak din iyon at kumakalat."
"Nice. Impressive. Nadismaya lang ako sa nangyari kanina," aniya.
"Kinabahan ka ba?" usig nito.
"H-Hindi no!" kaila niya.
"Napasobra ata ang pagdiin mo sa dibdib ko. Masakit ang bakas ng kuko mo sa balat ko," sabi nito.
Nilinis niya ang anumang nakabara sa lalamunan niya. "Kapag hindi kasi kita nai-revive, mata-trap tayo sa islang ito hanggang gabi. Isa pa, hindi ako sigurado kung mabubuhay ka pa," alibi niya.
"So, kinabahan ka nga."
"Of course not!"
"Lie to hell, lady."
"I'm just telling the truth." Tumayo na siya at isisinuot muli ang mga aparatu.
"Let's go back to chopper," sabi nito saka nauna nang lumusong sa tubig.
"Hey! Siguraduhin mo muna na hindi ka na hihimatayin. Iiwan na talaga kita!" sabi niya.
"Bilisan na lang nating lumangoy," sabi nito at tuluyang nag-dive sa tubig.
Sumunod na lamang siya. Binilisan niya ang paglangoy para makahabol sa binata. Naiinis siya. Hindi niya mapigil ang pag-aalala. Naroon ang takot niya na baka himatayin na naman ang lalaking ito.
I'm not worried, giit niya sa isip.
Pagdating nila sa munting isla ay napanatag si Natassa nang humihinga pa rin si Elias. Iniwasan kaagad niya ito. Nagpatiuna siyang pumanhik sa kinaroroonan ng chopper. Nagmadali siyang nagbihis habang hindi pa nakakarating si Elias. Isinuot niyang muli ang mga hinubad niyang damit kanina. Sumampa na siya sa chopper at umupo sa backseat.
Nakarating na rin si Elias. Iniwasan niya ito ng tingin nang napansing naghuhubad na ito sa tabi ng chopper sa unahan niya. Ngunit hindi niya nasaway ang kanyang mga mata na naaptingin sa lalaki nang tanging puting underwear na lamang ang suot nito at basa pa kaya bumakat ang katagu-tagong pagkalalaki nito.
Kanina habang sini-CPR niya ito sa dibdib ay hindi niya masyadong napansin ang katawan nito dahil sa pagkataranta. Pero sa pagkakataong iyon ay nasilayan niya ang pinagmamalaki nitong perfect set of muscles. Nalalatagan ng pinong balahibo ang matipunong dibdib nito at puson. Ganoon na ganoon ang figure nito sa litrato nitong nakita niya sa netbook. Mas lumaki lang at lumapad pa ang katawan nito, dala na rin siguro ng maturity, pero hindi halatang forty-five years old na ito. Parang nasa early thirties lang itong tingnan.
Mabilis siyang bumawi ng tingin nang lumapit pa ito sa kanya. "Paki-abot ng bag ko," utos nito sa kanya.
Kinuha niya ang bag nito sa likuran niya saka iniabot dito na hindi tumitingin. Pumitlag siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya na may hawak sa bag nito. Awtomatiko siyang tumingin dito. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat. Hindi niya maintindihan bakit biglang sumikdo ang puso niya sa pagkakataong iyon lalo na nang nagtagpo ang mga mata nila.
Dagli namang inalis ni Elias ang kamay sa kamay niya saka kinuha ang bag na iniaabot niya. Nagtago ito sa harapan ng chopper saka doon nagbihis.
Damn! Why I need to feel like this? No, nagulat lang ako kaya bumilis ang tibok ng puso ko, giit ng ma-pride niyang isip.
Pagkatapos magbihis ni Elias ay isinakay na nito sa chopper ang mga ginamit nila sa pagsisid. Sumampa na rin ito at umupo sa harapan. Nagbukas ito ng netbook. Inilipat nito roon ang memory ng spy watch nito.
"Hindi pa ba tayo babalik sa academy?" naiinip nang tanong niya.
"Later. I need to check the system if properly installed," sabi nito.
"Turuan mo na lang ako kung paano ang sistema ng trabaho mo para sa susunod, ako na lang ang gagawa at backup na lang kita. Madali lang akong matuto," sabi niya.
"After this research na lang."
"So, what will happen next? Trabaho pa ba nating pasukin ang target area kapag naging positibo?"
"Nope. Trabaho na iyon ng mga special action force at warriors. Sila na ang magpaplano ng raid operation. Ang trabaho lang natin ay mag-research at ma-survey ang target area."
"Okay. Malalaman ba natin kung sino-sino ang mga bampirang nasa target list?" usisa niya. Naisip na naman niya si Tanner.
"Depende. Puwede ring malaman sa system. Kailangan din kasing malaman muna kung merong inosenteng nilalang na kasama sa target area. Ang rescue team na ang bahala sa mga inosente. Nag-aalala ka ba na baka kasama sa target list ang boyfriend mo?"
Napatda siya. Ang bilis nitong mag-isip. "It's none of your business," masungit na sagot niya.
"Hindi ko pa nakita nang personal ang boyfriend mo. Siguro sakaling magkaengkuwentro kami, mapapatay ko siya na hindi ko alam na siya pala 'yon. Pero kahit kilala ko na siya, kung talagang ang intensiyon niya ay patayin ako, hindi ako mag-aatubiling patayin siya," wika nito.
Inalipin ng galit ang puso niya. "Don't you dare me, asshole! Kapag namatay siya at nalaman ko na ikaw ang may gawa, hindi rin ako mag-aalinlangang labanan ka!" nanggagalaiting buwelta niya.
"Oh? Are you prepared to kill me?" pilyong sabi nito.
"Why not?"
"Let me tell you my story. Marami nang nagtangkang patayin ako pero hindi ako mamatay-matay. Ang mga killer na iyon ay nagmula pa sa makapangyarihang bampira sa iba't-ibang panig ng mundo. Halos kasing lakas sila ni sir Dario. Ilang beses na akong namatay pero nabubuhay pa rin. I don't understand why," kuwento nito.
"Huwag kang mayabang! Kung hindi ka magawang patayin ng mga imortal, baka sa kapwa mo hybrid ang kamatayan mo! You're insane," maktol niya.
"Hindi ako nagyayabang. I'm just sharing the facts about me."
"I'm not interested to hear your story, so stop talking nonsense."
"Alright. But I'm willing to kill your boyfriend if you're Dad command me to kill him."
"Fuck you! Don't you dare!" hasik niya.
"I dare you."
Lalo siyang nanggigil. Hindi na lamang siya nagsalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top