Chapter Four


"AKALA ko ba hindi ka pupunta sa Harley's resort," sabi ni Zae.

Namimili ng damit na isusuot niya si Rhomz. Pinagmamasdan lang siya ni Zae habang nakahiga ito sa kama.

"Kailangan kong pumunta," sagot niya.

"At sino naman ang kasama mong pupunta roon?" anito.

"Si Nathan," mabilis niyang sagot.

Napabalikwas nang upo si Zae. "As in? Nababaliw ka na ba?" wika nito.

"Of course not. Na-realize ko, kung patuloy kong iiwasan si Nathan, parang sinabi ko na rin na gusto ko siya. He's nice to me so, I'll be good to him too."

"Ang sabi mo, handa kang ma-in love sa mga lalaki rito huwag lang kay Nathan. Paasa nga siya 'di ba?"

Naalala na naman niya ang sinabi ni Nathan tungkol sa paa na 'yon. Wala nga namang aasa kung walang assuming. Malamang mga assuming ang babaeng nagsabi na paasa si Nathan. Isa pa, kailangan niyang seryosohin ang mga sinabi sa kanya ni Trivor.

"Hindi naman ako mamamatay kung makikipagkaibigan ako kay Nathan. Wala, eh, talagang nagkukrus ang landas namin. Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko," sabi niya.

"Bahala ka nga. Kung sa bagay, walang masama kung susubok kang makipag-relasyon. Huwag ka nang umasang babalik si Darwin. Kung babalik siya, dapat noon pa," ani Zae.

Nalungkot siya nang muling maalala ang kanyang nobyo. "Ayaw kong makipagrelasyon sa ibang lalaki hanggat hindi ko napatunayang patay na si Darwin," paninindigan niya.

"Hay! Huwag ka munang magsalita nang tapos. Kapag ready na ulit ang puso mo na magmahal, wala ka nang magagawa kundi sundin ang gusto nito. Sige na, magbihis ka na."

Hindi siya makapili ng damit. Sa tagal na hindi siya nagsusuot ng formal na damit ay parang hindi na siya sanay. Palaging scrub suit ang suot niya sa araw-araw. Hindi naman siya nakakalabas ng academy.

"Which one, Zae?" tanong niya habang inilalad ang dalawang dress na puti at bughaw.

"Mas bagay sa 'yo ang blue na half shoulder," sagot nito.

Pinili naman niya ang blue. Pagsuot niya'y hapit ito sa kanyang katawan. Nahubog ang balingkinitan niyang katawan at manipis na baywang. Saktong hanggang tuhod niya ang laylayan ng damit.

"God! You look gorgeous, Rhomz! First time kitang nakita na ganyang kaganda!" puri ni Zae.

Humarap siya sa malaking salamin. "What about my hair? Ilulugay ko ba?" aniya.

"Yes, mas magandang tingnan kasi tuwid ang buhok mo at bagay sa suot mo. Hanggang baywang na pala ang haba ng buhok mo? Palagi kasing nakatali kaya hindi ko pansin."

"Ang bilis ngang humaba, eh. Okay na ba ang hitsura ko?"

"Oo. Nipisan mo lang ang make-up mo. Kasya ata sa 'yo ang sandals kong blue na may two inches na takong."

"Pahiram ako, ah?"

"Sure."

Gabi naman ang party kaya manipis na pink lips stick lang ang ipinahid niya sa kanyang labi. Naglagay lang siya ng manipis na foundation sa mukha at inayos nang kaunti ang kanyang kilay. Wala naman siyang ibang gagawin sa resort kundi kumain.

Nang makontento siya sa kanyang hitsura ay nagtungo na siya sa clinic kung saan umano siya susunduin ni Nathan. Nagsisimula na siyang kabahan. Lalaking nurse ang naka-duty sa clinic na isang tao rin. Malamang hindi magdu-duty si Charie at Narian dahil pupunta ang mga ito sa party.

May isang minuto na siyang nakaluklok sa couch. Nagbabasa siya ng magazine. Mamaya ay narinig niya ang nurse na si Gab na may kausap. Saktong pagtingin niya sa entrada ay namataan niya si Nathan suot ang bughaw na tuxedo. Nawindang siya. Nag-usap ba sila na parehong kulay ng damit ang isusuot?

"Hm, looks like we're a perfect couple wearing the blue clothes..." wika ni Nathan habang humahakbang palapit sa kanya.

Tumayo siya. "It was an accident. Hindi ko plano na magsuot ng blue. Baka ikaw, nahulaan mo ang kulay na gusto ko," sabi niya.

Pilyong ngumiti ang binata. "I don't mind about your favorite color. I just love color blue since I was a kid. I love the sky and the ocean."

"Never mind."

"Okay. Let's go," ani Nathan sabay alok ng kaliwang braso sa kanya.

Nakataas ang isang kilay na tumitig siya sa nakaabang nitong braso. "Kailangan ba talagang humawak ako sa 'yo?" aniya.

"Of course. Hindi ka makakarating sa resort kung hindi ka hahawak sa akin."

"As in?"

Nagtagis ang bagang ng binata. Nagulat siya nang bigla siya nitong hawakan sa kanang balikat at hinatak siya palapit dito. Saktong pagyakap niya rito ay biglang nagdilim ang paligid niya.

Nang magmulat ng mga mata si Rhomz ay marahas siyang kumalas kay Nathan nang mamalayang nakarating na sila sa entrada ng Harley's resort.

"We're here. Nagsisimula na ang party. Hold my arms nang hindi ka magmukhang naliligaw rito," sabi ni Nathan.

Nang hindi siya kumilos ay kinuha nito ang kanang kamay niya saka isinabit sa nakaarko nitong braso. Sumabay na lamang siyang naglakad papasok ng gusali. Marami nang bisita pagdating nila sa malawak na function room kung saan nagaganap ang pagdiriwang. Magagara ang damit ng mga babae. Malamang mga bampira karamihan ang naroon. Nakita niya si Charie kasama ang asawa nitong si Rafael. Naroon din si Rebecca at Charmaine kasama ang mga asawang daywalkers.

"Pupunta rin ba ang Daddy mo?" tanong niya kay Nathan.

"Siyempre. Kasama niya si Mommy. Bakit mo natanong?" anito.

"Wala lang. Akala ko kasi walang opisyales na pupunta."

"Do you like my Dad?"

Nagulat siya sa tanong ni Nathan. Talagang gusto nitong ipilit na may malalim siyang ugnayan sa Daddy nito.

"Hindi pa ako nahihibang. Tigilan mo ako," napipikong sabi niya.

Ngumisi ang binata. "At least hindi ka na naiilang sa akin. Paano kung nagustuhan ka ng Daddy ko? Kunwari lang. Tatanggapin mo ba siya?"

Lalo siyang nairita sa tanong nito. "Malabo ang sinasabi mo. Bakit kung sakali, anong gagawin mo sa akin? Of course ayaw mong magkaroon ng kabet ang Daddy mo."

"Hindi ako ang makakalaban mo kundi si Mommy. Pero siyempre, kamumuhian din kita. Sorry, hindi ata tamang pinag-iisipan kita nang masama. Halos mapaso ka nga kapag kasama ako, papatol ka pa sa Daddy ko?"

"Mabuti na-realize mo 'yan. Puwede na ako rito," sabi niya nang mapili ang mesa malapit sa buffet table.

Binitawan naman ni Nathan ang kamay niya saka siya pinaghila ng silya. "Hindi ka ba muna kukuha ng pagkain?" tanong nito.

"Mamaya na. Baka isipin nila pagkain lang ang ipinunta ko rito," aniya.

Tumawa nang pagak si Nathan. "Meron pa akong VIP meals stub. Dapat doon tayo pumuwesto sa VIP table," sabi nito nang makaupo sa tapat niya.

"Ayaw ko roon. Mga special guests lang ang naroon."

"Special ka naman, ah."

"Paano naman ako naging special?"

"Kasi tao ka. You have first class meat for vampires."

Tumikwas ang isang kilay niya. Nai-imagine niya kung paano siya pagpiyestahan ng mga bampira at pinag-aagawan ang lamang-loob niya. Nai-imagine rin niya na ang pulang likidong iniinom ng mga bisita ay sariwang dugo ng tao. Bigla siyang kinilabutan sa kanyang naisip. Kumislot siya nang may dumutdot sa tungki ng ilong niya. Nabaling ang tingin niya kay Nathan na siyang salarin.

"Hey! What are you thinking? Come on, let's go to VIP table. Mas masasarap ang pagkain doon," sabi nito saka tumayo.

Tumayo na lamang siya. Humawak ulit siya sa kaliwang braso nito. Saktong paalis na sila nang masagi ng lalaking may dalang tray ng inumin ang braso niya. Hinabol niya ito ng tingin.

"Sorry," sabi ng lalaki na kaagad ding tumalikod.

Natigilan ang dalaga. The guy was familiar. Darwin's image stock in her mind after seeing the guy's face in a second.

"What's wrong?" 'takang tanong ni Nathan.

May ilang sandaling tulala si Rhomz. Saka niya na-realize na imposible ang iniisip niya. Sa dami ng taong palakad-lakad ay hindi na niya nakita ulit ang lalaking bumangga sa kanya. Pero posibleng makita pa ulit niya iyon dahil obvious na isa sa staff ng resort ang lalaki.

Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay muli silang naglakad hanggang makalipat sila sa VIP table. May sariling buffet table rin ang VIP tables kung saan puwedeng gamitin ang VIP meals stub. Doon nakapuwesto ang mga maimpluwensiyang miyembro ng sangre organization at mga bisita mula pa sa ibang bansa. Malamang mga bampira rin. Kasabay na rin sa party ang victory party ng mga nagkakaisang organisasyon. Ipinagdidiwang ang tagumpay sa pagsugpo sa virus na ilang taong umalipin sa malaking bahagi ng mundo.

Iniwan siya ni Nathan sa round table na pang-apatan. Ito na raw ang kukuha ng pagkain nila. May waiter namang naghatid ng inumin sa kanya. Dalawang baso ang kinuha niya. Red juice ang pinili niyang inumin. Siguresta siya. Inamoy muna niya ang inumin para matiyak na wala iyong halong dugo.

Habang naghihintay sa pagbabalik ni Nathan ay iginala niya ang paningin sa paligid. Nahagip ng paningin niya si Trivor na kasama ang asawa nito. May kausap itong banyaga. Mamaya ay nahagip din siya ng paningin nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Baka biglang magduda ang asawa nito.

Pagbalik ni Nathan ay may dala na itong dalawang malaking plato na puno ng pagkain. Pinaghalo-halo na nito ang pagkain sa isang plato. Hindi siya pamilyar sa mga pagkain pero mukhang masasarap. Sinimulan niyang lantakan ang pagkain nang dahandahan.

"Hindi ko pala nasabi sa 'yo na ang ganda mo ngayon. Sexy ka rin pala," mamaya ay sabi ni Nathan.

Kamuntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi nito. Napaubo siya. Inilapit nito ang inumin niya sa kanya. "Are you alright?" nag-aalalang tanong nito.

Tumango siya matapos lagukin ang kanyang inumin. Inabutan naman siya nito ng tissue paper.

"Mukhang malaki talaga ang problema mo sa presensiya ko. You're obviously uncomfortable," sabi nito.

Matiim niya itong tinitigan. "Hindi lang ako sanay sa 'yo," aniya.

"That's okay. Masasanay ka rin sa akin."

Hindi siya nakakibo. Sa loob-loob niya, hindi na dapat mangyaring masanay siya rito. Nabaling ang tingin niya sa lalaking lumapit sa kanila. Saka niya na-recognize na si Trivor ito.

"Dad, where's Mom?" kausap ni Nathan sa tatay nito.

"Sumama siya kay Martina at Natalya. Nasaan ang kapatid mo?" ani Trivor.

"Si Nate ba? I don't know where is he. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa bahay."

"Nandito siya kanina. Hanapin mo muna. May ipapagawa ako sa kanya."

Tumalima naman si Nathan. Hindi na nakapagpaalan kay Rhomz.

Kinakabahan ang dalaga nang maiwan siya kasama ang Daddy ni Nathan. Ito ang pumalit sa upuan ng binata.

"So, here you are. Pinilit ka ba ng anak ko na pumunta rito?" usisa ni Trivor.

Hindi makakain nang maayos si Rhomz. "Uhm, hindi po. Talagang sumama ako sa kanya. Matagal na kasi niya akong niyayaya," sagot niya. Hindi na niya ipinaalam dito kung paano sila nagkasundo ni Nathan.

"Good. I just want to convince you to fallow my instructions or do my advise," anito.

"Ano po 'yon?"

"Obserbahan mo si Nathan, lalo na ang kilos at pag-uugali niya. Mas mabilis siyang nagbabago kapag ibang tao ang kasama niya. You're my spy for him. You should do my task for your own safety. Mag-ingat ka lang dahil may kakayahan si Nathan na manipulahin ang isip mo. Kapag nalaman niya na pinapamanmanan ko siya sa 'yo, maaalarma siya. Baka lalo siyang maging agresibo," sabi nito.

"Pero pinag-iisipan ako ni Nathan ng masama," hindi natimping sabi niya.

"Katulad ng ano?"

"Nagdududa siya na may malalim akong ugnayan sa inyo. A secret affair," walang gatol na sabi niya.

"Hayaan mo siyang magduda. Alama naman niya ang limitasyon ng isip niya at kilala niya ako. Pero aliwin mo na lang siya para hindi niya seryosohin ang pagdududa niya. Baka kasi hindi maganda ang epekto."

"Ano po ba ang posible niyang gawin sa akin kung sakaling buhay ang marka sa likod niya?" curious na tanong niya.

"Maraming puwedeng mangyari. Katulad ng sinabi ko, once he got the dark blood vampire, he will fuck you, suck your blood and he can kill you. Pero bago mangyari 'yon, kailangan mo siyang maunahan."

"My God!" bulalas niya. Hindi niya kinaya ang sinabi ni Trivor. Kinikilabutan siya.

"Don't dare to avoid him, it will make things worse," babala ni Trivor.

Parang gusto na lang niyang magbigti. Pero hindi pa naman positibong buhay nga ang marka ni Nathan. May pag-asa pa siyang isalba ang virginity niya.

"Mamamatay ba ako kapag iniwasan ko siya?" aniya.

"Yes, the curse will kill your mortal body but the devil will eat your soul. You will die without justice. Once you are connected to Nathan, you will have a chance to kill the curse and you may save Nathan from being a dangerous vampire. I don't have a choice. I can't control him alone unless if I decide to kill him. But of course, he's my son, I can't kill him. Let's help each other, Rhomz. Don't worry, I'm here to guide you. Just trust me."

Hindi nakakibo ang dalaga. Wala siyang choice kundi sumunod kay Trivor. Pagkuwan ay tumango siya bilang pagsang-ayon dito.

"Okay, just relax and enjoy the moment. Kapag dumating si Nathan at ang kapatid niya, pakisabi puntahan ako ni Nate sa conference room," sabi nito saka tumayo.

"Opo."

Nang makaalis si Trivor ay nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain. Mamaya ay dumating si Nathan kasama ang kapatid nito. Nasopresa si Rhomz nang makita si Nate. Bigla itong lumaki. May isang taon lang niya itong hindi nakita simula noong magtapos ito sa academy. Ang bilis nitong umusbong. Mas malaki na ito kay Nathan at lalong gumuwapo. Medyo malayo ang mukha nito kay Nathan. Nagmana ata ito sa mother side nito.

"Hi, ate Rhomz! Long time no see! Gumanda ka lalo, ah," bungad sa kanya ni Nate sabay hawak sa kanang kamay niya.

Nagulat siya nang pisilin nito ang kamay niya. Na-speechless siya. Ganoon naamn ang maagap na pagtapik ni Nathan sa kamay ng kapatid nito. Saka lamang nabitawan ni Nate ang kamay niya.

"Huwag ka nang makisawsaw rito. Puntahan mo na si Daddy," saway ni Nathan sa kapatid.

"Nasaan ba siya?" tanong ni Nate.

Siya na ang sumagot. "Uh, puntahan mo raw sa conference room ang Daddy mo, Nate," aniya.

"Nasaan ba ang conference room na 'yon?" tanong pa ni Nate.

"Hanapin mo!" bulyaw rito ni Nathan.

"Damn it! Bye, Rhomz!" ani Nate saka tuluyang umalis.

Mukhang pinainit ni Nate ang ulo ng kuya nito. Hindi maipinta ang mukha ni Nathan nang umupo sa tapat niya. Naubos nito ang laman ng baso nito.

"Mukhang hindi kayo okay ng kapatid mo," sabi niya rito.

"He's the most annoying creation I'd ever known. Sakit siya sa ulo ng pamilya namin. Ewan ko ba kung saan siya nagmana. Hindi naman ganoon si Daddy. Well, pareho pala sila ng ate ko. Mabuti na lang nag-asawa na si Ate. Kahit papano ay nagbago na siya," kuwento nito.

"So, you're the good son."

Matamang tumitig sa kanya si Nathan. "I can't say that. I also have dark side that I need to control," tugon nito.

Naisip na naman niya ang dark side nito. "Alam mo na ba kung ano ang dark side mo?" usig niya rito.

"I don't have idea but I feel it inside me."

"Lahat ba ng dark side masama?" aniya. Hindi niya namamalayan na nagsisimula na siya sa kanyang misyon.

"Of course, yes. Pero lahat naman ng dark side ay nako-control, depende," sagot nito.

"Magkaiba kasi ang dark side ng normal na tao sa katulad ninyong mga bampira. Mas madaling kontrolin ang dark side ng normal na tao kaysa katulad ninyo."

"You're right. Kaya nga mas gusto ko maging normal na tao. Mas madali ang buhay," seryosong wika nito.

Bigla siyang naawa kay Nathan. Wala itong kaalam-alam sa kapalaran nito. Pero mas naawa siya sa kanyang sarili.

"Ano naman ang aabangan nating events pagkatapos ng hapunan?" pag-iiba niya sa usapan.

"Manood tayo ng firework display mamaya sa beach," sabi nito.

Na-excite siya. "Hm, exciting 'yon. Pagkatapos uuwi na ba tayo?" aniya.

"Gusto mo na ba kaagad umuwi? Gusto pa sana kitang ipasyal sa karagatan sakay ng yate."

May kung anong hindi maipaliwanag na emosyong nabuhay sa puso ni Rhomz. Naghahalo ang kaba at pananabik sa puso niya.

"Uhm, tayong dalawa lang ba?" tanong niya.

"Yes. Ayaw mo ba?" nakangiting tanong nito.

Gusto niyang tumanggi pero natatakot siya. Baka kasi kaagad siyang mamamatay kapag tinanggihan niya ito.

"Uh... gusto," pagkuwan ay sagot niya.

"Good. Alam ko naiinip ka na sa academy kaya naisip ko na ipasyal ka naman. Pero huwag kang mag-assume. Baka isipin mo na naman na paasa ako. I just want to be a good friend of yours," anito habang malapad ang ngiti.

Nako, na-friendzone pa ata siya. Pero mas mainam na iyon kaysa sipsipin nito ang dugo niya at worse ay mapatay siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top