CHAPTER 31

CHAPTER 31

PARANG pinipilipit sa sakit ang puso ni Creed habang nakatingin kay Lockett na nakahiga sa Hospital's bed at walang malay. Nasa loob sila ng ICU dahil malubha na raw ang kalagayan ni Lockett.

Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok mula roon ang Doctor ni Lockett na si Dra. Caballer.

"Doctor," Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng Hospital bed. "Upo ho kayo." Aniya na iminuwestra ang kamay sa sofa na naroon sa silid.

The Doctor smiled. "No thanks." Lumapit ito kay Lockett at ini-inspeksiyon ang mga tubo na nakakabit sa katawan nito, kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya. "Mr. Santillana, medyo malubha na ang kalagayan pasyente mo. Kailangan mo ng magdesisyon. Ang dahilan kung bakit palubha ng palubha ang kalagayan niya ay dahil hindi na niya ininom ang gamot niya. Understandable naman iyon dahil buntis siya at baka maapektuhan ang bata. Kaya naman, kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas natin."

Huminga siya ng malalim, naninikip ang dibdib niya. "Ayokong mamili. Mahal ko ang Fiancé ko, at mahal ko rin ang anak ko. Hindi ko kayang mamili sa kanilang dalawa. Puwede bang mabuhay silang dalawa?"

Malungkot itong ngumiti sa kanya. "Pasensiya na, Mr. Santillana, pero kailangan mong mamili e. Ang kasintahan mo o ang anak niyo?"

Sinalubong niya ng matapang na titig ang mga mata nito. "I choose both."

She sighed. "Sorry, Mr. Santillana. Maybe we should wait for Ms. Mendoza to wake up before we decide anything. At pansamantala munang mananatili sa ICU si Ms. Mendoza for observation."

Tumango siya. "Okay."

Pagkalabas ng Doctor, humarap siya kay Lockett na nakapikit pa rin ang mga mata. He sighed then sat on the space beside Lockett's.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Hold on tight, Lover. God won’t let you die, alam niyang mamatay ako kapag nangyari 'yon. Stay alive. Tinawagan ko na ang mga magulang mo at parating na rin sila. They were worried, so are my parents. Kaya gumising ka na, please?"

Sinagot ng panginoon ang kahilingan niya dahil pagkalipas ng ilang minuto, unti-unting nagmulat ang mga mata ito at tumingin sa kanya.

"Creed..." Nanginginig ang boses nito.

"Lover..." Mahigpit niya itong niyakap. "Huwag mo nang ulit gagawin sa'kin 'yon. Alam mo bang hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko habang nilalagyan ka nilang ng kung anong tubo sa katawan? Para akong mababaliw sa sobrang takot."

"S-Sorry." Anito sa mahinang boses. "H-Hindi ko na kaya, bumigay na ang katawan ko."

Bahagyan niyang pinakawalan ito para tumingin sa mukha nito. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi na tumigil ka na sa pag-imom ng gamot?"

"Ayokong magalala ka e." Anito at ngumiti ng tipid. "Ayokong matakot ka na baka bigla nalang umatake ang sakit ko dahil hindi na ako umiinom ng gamot. Ayokong mag-alala ka. You've been through enough, ayoko nang dagdagan pa 'yon."

"I understand where you're coming from, pero dapat pinaalam mo sa'kin. Normal lang na mag-alala ako kasi mahal kita." Inilapat niya ang nuo sa nuo nito. "Dapat sinabi mo para alam ko ang gagawin ko. Takot na takot ako, Lover. Takot na takot ako na mawala ka sa'kin."

A tear rolled down on her cheek. "Sorry dahil hindi kita inisip. Sorry." Kahit nahihirapan, inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya.

He instantly felt complete when her lips touched his.

"Thanks god you're alive."

She chuckled causing her to grimace in pain.

"Shhh..." Saway niya rito. "Don’t do anything that’ll cause you pain." Wika niya habang hinahaplos ang pisngi nito.

She slightly nods her head. "Okay."

Mataman niyang tinitigan ang kasinatahan. "Hindi ko alam kung makakauwi pa tayo sa condo. For observation ka raw muna kaya mananatili tayo rito sa ICU pansamantala."

"Magtatagal ba ako rito?"

"Hindi ko alam."

A sad smile appeared on her lips. "Sana naman makalabas na ako bago mag December, no? Para masaya."

Ngumiti siya. Ayaw niyang mahalata nito na nasasaktan at natatakot siya. He has to be strong. "Magiging maayos ka. God won’t let you die. God won’t take you away from me. God will never hurt us. Tatanda tayong magkasama. Tatanda tayo na masaya sa piling ng isa't-isa."

Masagana ang luha na namalisbis sa piangi nito. Tinuyo niya ang mga iyon at hinalikan ang mga mata nito na basa pa rin ng luha.

"Don’t cry. You have to be strong, for our baby, for yourself and for me." Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad. "Lover, just hold my hand and don’t let go. Sabay nating haharapin ang pagsubok na 'to."

Napanatag siya ng tumahan na ito at ngumiti sa kanya.

"Salamat, ha? Hindi mo ako iniwan kahit pa nga nasaktan na kita noon."

"Huwag mo nang isipin 'yon. Mahal na mahal kita, sobra. Iyan ang palagi mong tatandaan."

She nodded. "Mahal din kita, Creed. Mahal na mahal." She enveloped him in a hug then released him after a minute. "May good news pala ako sa'yo."

"Spill it. Kailangan natin ang good news ngayon." Nangingiting aniya.

She puffed a breath. "When I was asleep, I was dreaming of you ... of us. It was so vivid, Creed. We were on the bed and we were making love. It was amazing. And then I dream of us arguing. And then just before I woke up, I dreamed of you and me in the Parking lot of that Cafe." Her face lit up. "I’m so happy, Creed. Napanaginipan ko ang mga memoryang kong nawawala. Nakakatuwa kasi kahit paano, naalala ko ang nakaraan natin."

“That’s good. I’m happy too.”

“Anyway, anong sabi ng Doctor? Kumusta ang lagay ko? Malala na ba?” May bahid na kalungkutan ang boses nito.

He nodded. Ayaw niyang magsinungaling. “Oo. Medyo malala na. Dahil sa hindi mo pag-inom ng gamot, mas lalala pa ang kalagayan mo. The Doctor asked me to choose between you and our baby and I choose both of you. Hindi ko kayang mawala ka’yo sa’kin. Mahal na mahal ko kayo ng baby natin.”

PUNO ng pagmamahal na inilapat niya ang mga labi sa labi ni Creed. Napapikit siya ng makaramdam ng masarap na sensasyong dulot ng paglapat ng mga labi nila.

Siya ang unang pumutol sa halik at pinakatitigan ang guwapong mukha ni Creed.

“Hindi ako iinom ng gamot o magpapa-chemo. Mabubuhay ang anak natin, Creed, hindi ko siya papatayin.” A tear escape from her eyes. “Please, tell me that our baby is going to live—”

“Mabubuhay siya, pati ikaw, mabubuhay ka rin.” Madamdaming wika nito. “Kaya natin ‘to. Hangga’t nagmamahalan tayo, malalampasan na’tin ‘to.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maramdamang kumirot na naman ang ulo niya. Hindi siya nagpahalata kay Creed na umaatake na naman ang sakit ng ulo niya, ayaw niyang mag-alala na naman ito sa kanya. He’d been through too much because of her. Ayaw na niyang dagdagan pa ‘yon.

“Are you okay, Lover?” Nag-aalalang tanong ni Creed ng hindi siya nagmulat ng mata.

She slowly opened her eyes and stared at Creed’s worried eyes. “I’m okay.” She took a deep breath. “I’m fine.”

Tumango-tango ito pero halata naman sa mukha nito na hindi ito naniniwala sa kanya. “Okay. Magpahinga ka na. Maya-maya lang, darating na ang mga magulang mo.”

Hindi na siya nakipag-argumento rito. Medyo pagod pa siya at pinipilit lang niyang maging malakas para kay Creed. Maybe she should rest to gain back her strength.

Ipinikit niya ang mga mata at sa isang iglap lang, nakatulog na kaagad siya.

“ANONG GAGAWIN natin ngayon?” Tanong ng ama ni Lockett ng maikuwento niya rito ang lahat ng sinabi ng Doctor sa kanya.

Lumapit ang ina ni Lockett sa dalaga at hinawakan medyo mapuputla nitong kamay. “Ang magagawa nalang natin ay magdasal na sana maging maayos ang lahat.”

Sinuklay niya ang buhok ng dalaga gamit ang kamay niya. “Tama ho kayo, ang magagawa natin ay ang magdasal. Hinding-hindi ako magsasawang magdasal para sa kaligtasan ni Lockett.”

Lockett’s father tapped his shoulder. “That’s good. Let’s pray.”

Nilingon niya ito at tumango rito.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating ang mga magulang niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang lungkot at pag-aalala sa kalagayan ni Lockett.

“Anak, kumusta si Lockett?” Tanong ng ama niya.

“She’s okay as she can ever be.” Sagot niya. “Nagising na siya kanina pero natulog ulit.” Ikinuwento niya sa mga magulang ang sinabi ng Doctor. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Dad. I can’t bear to see her in pain but I can’t do anything about it. Nakakainis ‘yong pakiramdam na feeling mo wala kang halaga. ‘Yon ang nararamdaman ko ngayon e.”

“Shhhh.” His mother hushed him. “Alam namin ‘yon anak. We can see it. If you could bear the pain for her, you would. Alam namin na nasasaktan ka pero kailangan mong maging matatag para kay Lockett.”

He pressed his lips together.

“H-Hey, everyone.”

Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. He smiled at Lockett when their eyes met.

“Hey, Lover.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “How’s your sleep.”

Sumimangot ito. “Dreamless.”

Napangiti siya. “Kailangan din namang magpahinga iyang utak mo. Paano ka gagaling niyan? I love the thought that you dreamed of our past, but you need to rest.”

She smiled back. “Okay. I will.” Dumako ang tingin nito sa mga magulang nito. “Hey, mom. Hey, dad. Kumusta?”

“Ikaw pa ang may ganang mangumusta.” Sarkastikong wika ng ina nito at hinalikan ito sa pisngi. “Magpagaling ka. Nandito lang kami.”

She nodded. “Okay po.” Then her eyes moved to his parents standing beside her bed. “Thanks for visiting me.”

It was his father who talked first. “Nag-alala kami sa’yo. Magpagaling ka, okay?”

She nodded again. “Okay po.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Is there a possibility na mapilit mo ang Doctor na tanggalin na itong mga tubong nakakabit sa katawan ko?”

Nagkatinginan sila ng mga magulang ni Lockett. Ang ama nito ang sumagot.

“Let’s see kung anong magagawa namin.” Anito.

Lockett smiled like everything is okay. “Thank you.”

A/N: Heto na! Enjoy reading! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top