CHAPTER 20

CHAPTER 20

HINDI alam ni Creed ang gagawin. Hindi niya alam kung kakatok ba siya sa condo ni Lockett o hahayaan nalang ito? Simula ng makausap niya ito, hindi na siya mapakali. He keeps on asking himself what happened to her, pero wala namang kasagutan na pumapasok sa isip niya.

Oh fuck it!

Creed pushed the door bell of Lockett’s condo. Then after a minute, the door opened showing a very fresh looking Lockett.

“Oh.” Ngumiti ito ng makita siya. “Ikaw pala, Mr. Santillana. Anong maipaglilingkod ko sa’yo?”

Parang naputol ang dila niya dahil hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya sa mukha ni Lockett.

Creed blinked how many times when he heard a snap.

“What?” Wala sa sariling tanong niya.

Napailing-iling ang kaharap niya. “Looks like you’re not yet awake.” He froze when she reach for his hand to looked at his wrist watch. Her touch burned him and awakens a part of him. “Hmm… It’s just eight in the morning. Ang aga mo naman mangapit-bahay.” Biro nito.

“Ahm,” he took a step back. “Aalis na ako—”

Hinawakan siya ni Lockett sa braso at hinila siya papasok sa loob ng unit nito. “Come on. Nakapag-luto na ako ng breakfast at medyo marami ‘yon. So, sasamahan mo nalang ako kumain.”

Walang imik na nagpahila siya patungo sa kusina. Ang totoo, hindi na niya kailangan pang hilain. Alam niya ang lahat ng pasikot-sikot sa condo na ito.

Binitawan lang ni Lockett ang braso niya ng makarating sila sa kusina.

“Sit.” Anito at iminuwestra ang kamay sa upuan na nasa gilid ng island counter. “Ihahanda ko na ang agahan natin.”

Wala siyang imik habang naka-upo. Nakamasid lang siya sa bawat galaw ni Lockett. Nothing changed. She still move like Lockett, talk like Lockett and smile like Lockett. Ang nagbago lang ay ang mga mata nito sa tuwing tumitingin ito sa kanya. Before, her eyes glisten in love as she looked at him, now, it’s just a simple look. And of course, her hair. It’s short now. Bagay kay Lockett ang maikling buhok.

“Mr. Santillana, what do you like? Coffee or Juice?” Tanong ni Lockett habang nakatalikod ito sa kanya.

“Coffee.” Sagot niya. “And please, just call me Creed.” Its weird hearing her calls him Mr. Santillana.

Lumapit ito sa kaniya at inilapag ang isang tray na puno ng pagkain sa ibabaw ng island counter na nasa harapan niya pagkatapos ay ngumiti ito. “There. That’s our breakfast. Bacon. Oatmeal. Fried rice. Omelet. Coffee. And of course, pancakes. Hope you like my cooking.”

Wala siyang pakialam sa mga niluto nito. Nakatingin lang siya sa nakangiti nitong mga labi. If I kiss her? Would she remember me?

“Creed? Creed? Earth to Creed!”

Napakurap-kurap siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. “Yeah. Mukhang masarap ang luto mo.”

“Sana nga masarapan ka.” Anito.

Ibinalik niya ang tingin sa dalaga. “Masasarapan ako. That’s for sure.”

“Great.”

Sa halip na kumuha ito ng upuan, sa ibabaw ng island counter ito mismo naupo. Pinag-krus nito ang paa at humarap sa kanya.

Sumimsim siya ng kape para itago ang ngiti sa labi niya. She looks cute doing that.

“So, Mr. Santilla— I mean, Creed. Nagkita na ba kayo ni Daddy?”

Inilapag niya ang kape sa island counter. “Ahm, hindi pa kami nagkikita. Bakit?”

Nagkibit-balikat ito. “Wala naman. Naitanong ko lang.”

He picked up the bacon and ate it and then he asked. “Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa’yo? I mean, ngayon mo lang ako nakilala di’ba?”

She swallowed her food before answering. “Yeah, but my dad knows you and he said that you’re a close friend of mine.”

Friend. Not that word again.

“I have to go.” He can’t stand this!

Akmang hahakbang na siya paalas ng bigla nitong sinapo ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata.

Hindi siya bulag para hindi makita na nasasaktan ito. His body has a mind of its own. He walked to her then he encircled her arms around Lockett. Hinagod niya ang likod nito hanggang sa narinig niyang humihikbi ito.

He pulled away to looked at Lockett. She was sobbing.

“Lockett… what’s wrong?” Itinaas niya ang baba nito at pinakatitigan ang babae na nanakit sa kanya.

Noon, ipinangako niya sa sarili na maghihiganti siya kapag bumalik ito. Pero sa kalagayan nito ngayon, hindi niya alam kong aalagaan ba niya ito paghihigantian.

“I’m sorry.” Mabilis na tinuyo nito ang luha sa pisngi. “Minsan talaga, sumasakit ang ulo ko. Kapag kulang ako sa tulog at marami ang iniisip.”

Umakto siya na parang naiintindihan ang sinabi nito. “Bakit kulang ka sa tulog?”

Nag-iwas ito ng tingin at hindi nakalampas sa paningin niya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. What is she thinking?

“Lockett?”

“Ahm, ano kasi, I ahm, I h-have a dream last night.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi. “When I woke up, hindi na ako nakatulog. I keep on thinking about that dream. Kung totoo iyon o kathang isip ko lamang.”

Now, he’s curious of this dream of hers.

“Ano ba ang panaginip mo?”

Sinalubong ni Lockett ang titig niya bago nagsalita. “My dream was about you.” Embarrassment is visible on her face. Mukhang hiyang-hiya ito sa kung ano man ang napanaginipan nito kagabe.

“And then?” He urged her.

“And then in my dream … you were kissing me. Passionately.” Nagbaba ito ng tingin na parang nahihiya. “I was bothered, kasi sabi ni Daddy kaibigan kita, naisip ko, baka noon pa bago mawala ang memorya ko, may gusto na ako sa’yo pero baka hindi mo ako gusto. Edzel once told me that dreams are part of your memories too. Memories that you have forgotten.” Tumingin ulit ito sa kanya. “Siguro napanaginipan ko na naghahalikan tayo kasi ‘yon siguro ang gusto ko noon o kaya naman, naghalikan na tayo noon. Kahit nuong nasa Arizona pa ako, napapanaginipan na kita.” Sinapo nito ang mukha niya. “Tell me, Creed, may gusto ba ako sa’yo noon o baka naman mali ang teyorya ko?”

It took him a minute to answer.

LOCKETT wanted to press her lips against Creed, but thought better of it. Hindi porke’t naghalikan sila sa panaginip niya ay puwede nila na iyong gawin.

But she was really curious of Creed. Kagabi, pinilit niyang alalahanin kung sino ba talaga si Creed sa buhay niya pero hanggang sa sumakit ang ulo niya, wala siyang maalala.

Ngayong narito na ang lalaki sa harap niya, sana naman ay sagutin nito ang katanungan niya.

Creed opened his mouth to answer. “Whatever happens in the past, it doesn’t matter anymore. Hindi mo nga maalala e, ibig sabihin, hindi na iyon mahalaga para sa’yo. The memories you forgot are the memories you want to bury because it doesn’t mean anything to you.” Tinanggal nito ang kamay niya na nakasapo sa mukha nito. “And no, wala kang gusto sa akin.”

Tumalikod ito at naglakad palayo kanya. Siguro nga mali ang teyorya niya. Bakit ba kasi naniwala siya sa Daddy niya? Baka naman akala lang ng Daddy niya ay kabigan niya si Creed pero hindi naman yata sila magkaibigan.

Sa susunod, hindi ko na papansinin ang Creed na ‘yon! Baka ano pa ang isipin niya, isipin pa nitong may gusto ako sa kanya.

Kung wala siyang gusto rito noon, mabuti. Hindi pa stable ang kalagayan niya para problemahin ang love life niya noon, kung mayroon man. Dapat muna siyang mag-relax.

Dahil nawalan na siya ng gana kumain, inilagay niya sa Refrigerator ang mga natirang pagkain at tinungo ang kuwarto niya para magpahinga.

Habang nakahiga sa kama niya, wala sa sariling napatingin siya sa night stand. At habang nakatingin doon, may napansin siyang naka-ipit na papel sa lampshade. Out of curiosity, she picked up the paper and read it.

It’s a receipt from a Jewelry store. Dated six months ago.

Mas lalong lumalim ang pagakakunot ng nuo niya. Bakit naman may resibo rito? E wala namang tao sa unit na ito anim na buwan ang nakakaraan.

Then her eyes dropped to the name of the receipt. It is under Creed Santillana!

“Anong ginagawa ng resibong ito rito sa unit ko?” Natigilan siya ng may pumasok sa isip niya na sagot sa tanong niya. “Ibig bang sabihin nito, nasa loob ng unit ko si Creed six months ago? Pero paano nangyari iyon? Paano ito nakapasok sa unit ko?”

Mukhang kailangan kong kausapin si Creed tungkol dito.

NANG MAKALABAS si Creed sa condo ni Lockett, mabilis siyang bumaba ng building. It has been three years pero naaalala pa niya ang daan na tinahak nila ni Lockett nuong patungo sila sa bahay ng mga magulang nito para sa anibersaryo ng mga ito.

He needs answers. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang nangyari kay Lockett ng iwan siya nito. At tanging ang mga magulang lang ni Lockett ang makakasagot sa kanya. Pakiramdam kasi niya, kapag tinanong niya si Lockett tungkol sa nangyari sasakit lang ang ulo nito.

He doesn’t want to see the pain in her face as she clutched her head. Nakakapanghina ng tuhod.

Nasa parking lot siya at sasakay na sana sa kotse niya ng makita niya ang pamilyar na mukha ng ina ni Lockett. Papalapit ito sa kanya. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito?

“Good morning.” Bati niya sa ina ni Lockett ng tumigil ito sa harapan niya.

“Good morning din, iho. Naaalala mo pa ba ako?”

“Of course.” He smiled politely. “Your Lockett’s mother.”

“Mabuti naman at naalala mo pa ako. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Wika nito sabay abot sa kanya ng isang USB. “Pumunta ako rito para ibigay ito sa’yo. Here. Take it. Sana panuorin mo ang laman niyan. At sana kapag natapos mong panuorin iyan, sana mapatawad mo ang anak ko sa pang-iwan niya sa’yo.”

“Mapatawad?” Mapakla siyang tumawa. “Parang ang hirap patawarin ng isang taong hindi naman maalala ang kasalanan niya.”

Hinawakan ng ina ni Lockett ang kamay niya at pinisil iyon. “Creed, nakikiusap ako sa’yo. Give my daughter a chance. I know how much she loves you, I can see it her eyes.” Her voice was trembling. “Kung hindi mo na mahal ang anak ko, please, layuan mo nalang siya. She’s fragile at the moment. Wala siyang maalala at nasa USB na iyan ang rason kung bakit. I want to tell you myself what happened, but I think it would be better if you saw it yourself. Please don’t hurt her; she’d been through too much already. Huwag mo nang dagdagan pa.”

Wala siyang sinabi hanggang sa umalis ito. He just stared at the USB in his hand. Ano naman kaya ang laman ng USB na ito? Only one way to find out.

Mabilis siyang bumalik sa condo niya para panuorin ang laman ng USB pero natigilan siya ng makita si Lockett na nakatayo sa labas ng unit nito.

Nang makita siya nito, hinarang nito ang daraanan niya. “I have something to ask you—”

“Not now okay.” Nagmamadali siya at wala siyang pakialam sa itatanong nito. “I’m kinda busy and I don’t have time.”

Nilampasan niya ito at pumasok sa condo niya. He locked the door and then he went to his room. Umupo siya sa ibabaw ng kama at binuksan ang laptop niya. Then he plugged the USB in the USB port and then seconds later, he saw what’s on the USB.

Videos. Maybe seven to ten videos.

Creed clicked the video on the top of the folder. Bumukas ang video at nakita niya si Lockett. Mahaba at kulot pa ang buhok nito.

She was staring at the camera for a second and then she started talking.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top