CHAPTER 57

CHAPTER 57


NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin.

"Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko.

"Ganoon po ba 'yon, Mommy?"

"Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo."

"Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"

Natameme ako sa sinabi ng aking anak.

"Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo."

"So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"

Napakunot ang noo ko.

"Mr. Cordova?"

"Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"

Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.

Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa bayan namin? O sadyang mapagobserba lang talaga ang anak ko sa paligid n'ya kaya alam n'ya ang ganitong mga balita?

Sa susunod ay hindi ko na iiwan si Zion sa Tito Alexis n'ya, dahil kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ng baklitang iyon sa anak ko.

Pero sa kabilang banda ay totoo naman ang sinabi nito. Kamukha nga ni Zion ang lalaking nasa magazine na tinawag ng anak kong si Mr. Cordova. Bukod sa pagkakahawig, pareho rin silang dalawa ng mga mata. Kulay berde rin kasi ang kulay ng mata ng anak ko. Ang pagkakaiba lang, matingkad ang kulay ng mata ng lalaking nasa larawan habang mapusyaw naman ang pagka-green ng kay Zion.

Kaya nga minsan ay napagkakamalang may lahing foreigner si Zion dahil sa kulay ng mata nito at maging ang maputing balat. Sinasabi ko na lang na pinaglihi ko si Zion sa mga napapanood kong Korean actors sa tv. Tutal ay uso naman iyon ngayon.

"Medyo busy kasi si Mommy sa work, baby Zion, kaya wala na akong time para sa mga balitang katulad n'yan."

"Oo nga po, Mommy. Minsan po pasyal naman tayo nina Tita at Tito. Last year pa po tayo nakompleto eh, puro po kasi kayo trabahong tatlo."

Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi ng anak ko. Ramdam ko ang tampo sa kanyang boses pero nakangiti pa rin ito.

Hinaplos ko ang kanyang buhok saka hinalikan ang noo.

"Don't worry baby, promise ni Mommy maglalaan na s'ya ng mahabang oras para makasama si baby Zion. Pasensya ka na baby ah."

"Ayos lang po, Mommy ko. Alam ko naman po na ginagawa n'yo 'to for me. Pero Mommy, nagpromise ka na po ah, kaya dapat don't break your promise po."

"Opo, promise po ni Mommy. Bukas magkasama tayong mag-gogrocery kasi inubos na ng Tito Alexis mo ang mga pagkain sa ref."

Humagikhik naman ang anak ko habang tumatango.

Sa tuwing ginagawa n'ya iyon napapangiti na lang ako. Ang cute cute kasi ni Zion kapag tumatawa, lalo na kapag tuwang tuwa ito. Zion is my happy pill since he came to my life—to our life. Isang ngiti lang ng cute kong anak ay mahahawa ka na rin ng ngiti nito hanggang sa makalimutan mo 'yong mga problema mo.

PAGDATING ng gabi, matapos naming kumain ay maaga kong pinatulog si Zion.

"Good night baby!"

"Good night po Mommy!"

I kiss him on his forehead bago ko inayos ang kumot n'ya. Nang ipinikit na ni Zion ang mga mata ay pinatay ko na ang ilaw at hinayaang bukas ang lampshade, saka ako lumabas ng kwarto.

Nagtungo na ako sa kwarto ko para gawin ang ilang trabaho para sa susunod na linggo. Naisipan ko kasi na magleave muna kahit two weeks lang. Para naman magkaroon kami ng bonding ni Zion. Namiss ko rin kasing mamasyal kasama ng anak ko nang walang iniisip na trabaho o kahit ano pa man. Nagiguilty rin kasi ako dahil totoo naman ang sinabi ng anak ko, puro na lang ako trabaho at minsan ko na lang din nababantayan ang anak ko.

Since pwede na kasing maiwan si Zion sa bahay kasama ng Nanny or Tita Moneth n'ya, naituon ko na ang atensyon ko sa restaurant. At kapag umuuwi na lang ako sa bahay pagkatapos ng trabaho nakakasama ko ang anak ko. Hindi katulad noong wala pa s'yang muwang. Pero ngayon, parang mas alam pa nga n'ya ang mga nangyayari sa paligid kaysa sa akin na ina n'ya.

Umupo ako at hinarap ang aking computer. Marami akong kailangang gawin ngayon. Kailangan ko rin palang mag print ng menu na s'yang lulutuin next week kapag nasa leave ako. Si Chef Marcus na ang bahala sa restaurant, tiwala naman ako sa kanya. Kinuha kong chef si Marcus na nag-apply bilang chef noong kabubukas pa lang ng restaurant, para naman kapag wala ako, may kapalit ako sa pagluluto. Kasama rin naman n'ya si Alexis kaya kahit wala ako, alam kong nasa mabuting kamay ang restaurant.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtatype nang maalala ko 'yong lalaking nasa magazine.

I click the search tab saka ko nilagay ang pangalang Cordova. Ilang saglit pa'y maraming article ang lumabas about sa lalaki. Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang pinakasikat na article tungkol sa negosyo nito.

"Azula Hotel and Restaurant?" bigkas ko sa pangalan ng isang malaki at marangyang building.

Sa picture pa lang ay halata ng gawa ang building sa mamahaling materyales, paano pa kaya kung sa actual mo na makikita. Sure ako na ginto ang halaga ng building hanggang sa accomodation sa hotel at maging ang mga pagkain sa restaurant doon.

Nakalagay din sa article na karaniwan ay kasali sa elite families lamang ang pumupunta roon. At kapag may malalaking okasyon ang mga mayayaman ay doon nila ginaganap ang party.

Mahihiyang tumapak ang katulad namin sa lugar na iyon. Para kasing hindi kami nababagay sa ganoon kagandang building.

Napatitig ako sa larawan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y nakapunta na ako dito. Pakiramdam ko'y nakita ko na ang lugar na ito sa personal. My instict telling me that I really know this place.

Pero bakit hindi ko maalala na nakapunta na ako sa ganito kaganda at karangyang lugar?

Ah, ewan!

Ipinilig ko ang aking ulo upang maalis iyon sa aking isipan. Napaka-imposible. 

Nagscroll pa ako hanggang sa isang larawan na naman ang nakita ko. But this time larawan na ito ng tatlong lalaking nakasuit ng mamahaling suit. Formal na formal ang datingan ng tatlo at kapansin-pansin ang pagkakamukha ng mga ito. May pagkakaiba man sa physical features, pero hindi maitatangging magkakapatid ang tatlo.

Nakatayo ang dalawang lalaki sa magkabilang side ng isang lalaking nakaupo. Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng lalaking nasa kanan at sak ng nakaupo. Pareho kasing walang kangiti-ngiti ang dalawa. Hindi katulad ng lalaking nasa kaliwa na mukhang friendly dahil sa maaliwalas at nakangiti nitong mukha.

"First Elite Family? Cordova Cousins?"

Natutop ko ang aking bibig sa nabasa.

Ibig bang sabihin nito sila ang magpipinsang Cordova? Ang isa sa pinakamayayaman at bilyonaryong Bachelors dito sa San Roque?

"OMG!"

Nabalita kasi one time ang magpipinsang ito. Marami kasing kababaihan ang nagtatanong kung bakit wala pang mga nobya o asawa ang tatlo kahit na harap-harapang nagkakandarapa na ang mga kababaihan sa kanila.

Siguro'y ayaw pa lang nilang matali sa isang relasyon kaya inienjoy pa nila ang kanilang kalayaan. That's what I thought. May mga lalaki naman kasing ganoon 'di ba?

Well, its their life not mine, so why bother?

Tumagal ang titig ko sa picture nang kilala ko ang lalaking nakaupo sa gitna ng dalawang lalaki.

Ang kulay berde nitong mga mata ay walang emosyon. You will feel intimidated with his blank and deep stare. Para bang hinahalukay nito ang iyong pagkatao base sa titig nito.

I don't know why but I feel strange.

His stare gave voltage of electricity that run down to my entire body. His presence is something.

"Creepy."

Bulong ko nang makaramdam ako ng pangingilabot. Nagtaasan din ang mga balahibo ko sa braso at batok nang tila may hanging dumaan sa aking likuran.

Mabilis akong lumingon ngunit wala namang kakaiba sa loob ng kwarto.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Natagpuan kong bukas iyon at hindi nakasarado ang kurtina.

"Kaya naman pala. Pero sinarado ko naman ito kanina ah. Baka binuksan ko ulit at nakalimutan ko lang."

Akmang isasarado ko na sana ang kurtina nang may biglang kumalabog mula sa labas. Binuksan ko ang glass window at sumilip doon. Inilibot ko sa labas ang paningin ngunit wala namang tao.

At saka wala nang nagpapagala-gala kapag gabi dito, dahil isa sa mga private subdivission na ang kinatatayuan ng bahay namin. Bawal na rin ang maiingay. At isa pa wala namang tumatambay sa labas.

Saan galing iyong kalabog?

Nagkibit-balikat na lang ako at sinarado na lang ulit ang bintana. Baka pusa lang iyon ng kapit-bahay.

Ngunit nang maisarado ko na ang bintana ay may biglang tumama na isang bagay sa bubog ng bintana. Dahilan para gumawa iyon ng malakas na ingay. Nagkaroon din ng maliit na lamat ang bubog at...

"Ano 'to?"

Bigla akong kinabahan nang maaninaw ang kulay pulang bumakas sa bubog ng bintana. Dali-dali kong binuksan iyon ay tiningnan.

"D-dugo?"

Sinilip ko ang binagbagsakan ng bagay na tumama sa bintana at nagulat ako nang makitang isang uwak iyon. Patay na ito at nagkalat din ang dugo sa semento dahil sa malakas na pagkakatama nito sa bubog kanina.

"Oh my gosh! Saan galing ang ibon na iyan?"

Kawawang ibon. Bakit kailangan pa n'yang sumalpok sa bintana ko. Ang why of all houses here, bakit dito pa? Bigla tuloy akong pinanindigan ng balahibo sa katawan.

Saglit akong natigilan ng may bigla akong maalala. Para bang nangyari na ang scene na ito sa akin noon. Hindi ko lang maalala kung kailan.

De javu?

Then a sudden image of a guy flash through my mind.

What was that?

Hindi ko maaninaw ang mukha ng lalaki pero parang kilala ko ito.

Bigla akong kinabahan.

Dali-dali kong sinarado ang bintana maging ang kurtina. At muli akong bumalik sa pagkakaupo. Ngunit pagtingin ko sa aking computer na kanina lang ay bukas pa, pero ngayon ay patay na ito.

"Anong nangyari?"

Pilit kong binubuhay ang computer pero ayaw.

"Hala naman! Anong nangyari? Bakit biglang namatay?"

Kahit anong gawin ko ay ayaw pa ring mabuhay. Napasandal ako sa sandalan ng upuan at huminga ng malalim.

Inaantok lang siguro ako kay kung anu-ano na ang nakikita ko. Mabuti pa'y itutulog ko na lang ito. Ipapaayos ko na lang siguro kay Ranz ang computer ko bukas.

Nakapagtataka naman. Bakit bigla na lang itong namatay?

Weird.

This past few days ay medyo nahihirapan akong matulog agad dahil siguro sa pagod at hagard sa Restaurant. Kailangan ko talaga ng leave para magkaroon naman ako ng mahaba-habang tulog.

Pagkahiga ko'y pinilit ko na lang na makatulog agad para hindi ko na rin maisip pa iyong nangyari kani-kanina lang. At hindi naman ako nahirapan dahil agad akong nilamon ng kadiliman.

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nag-iisa lang ako at wala akong makita kahit kaonting liwanag.

Nasaan ako?

Anong ginagawa ko sa ganito kadilim na lugar?

"Hello? May tao ba riyan? Hello!!"

Pero walang sumagot. Nag echo lang ang boses ko sa napakasikip na lugar na ito. Para akong nasa isang kwarto. Kwarto na ako lang ang naririto.

"Arissa..."

Nagpalinga-linga ako nang makarinig ng boses, kahit na wala naman akong makita sa paligid dahil madilim.

"Sino ka? Magpakita ka sa'kin? Sino ka? Nasaan ako?"

"Arissa..."

Muling nagsalita ang tinig. Tanging pagtawag lang sa pangalan ko ang ginagawa nito at hindi man lang sinasagot ang mga tanong ko.

Nasaan ba kasi ako?

Bakit ako napunta rito?

"Arissa, I'm sorry! I'm so sorry!"

Bakit ito nagsosorry sa akin? Sino ba ang taong ito?

"Arissa..."

Ang boses na iyon.

Tinig iyon ng isang baritonong boses ng isang lalaki. Para bang narinig ko na 'yon somewhere. Para bang pamilyar na pamilyar sa pandinig ko ang tinig na iyon. Pati na rin ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan ko.

"Magpakita ka, please!"

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Napatakip ako ng mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na bigla na lang lumabas sa kung saan.

"Arissa..."

Pinilit kong imulat ang mga mata para makita ang lalaking nagsalita na nasa harapan ko na. Kasabay ng pagmulat ko'y s'ya ring pagkagulat ko sa sunod na nangyari.

Inisang hakbang ng lalaki ang pagitan namin at kasunod niyon ay ang pag-awang ng kanyang bibig na tila gusto akong kagatin. Pero hindi lang iyon ang ikinagulat ko. Kitang kita ng dalawa kong mata ang pagbabago ng kulay ng mga mata nito. Ang dating kulay berdeng mga mata ay naging kulay ng dugo. At nakita ko rin ang matitilos na pangil nito na handa na akong kagatin.

"AAAAHHHHHH! BAMPIRAAAA!"

HINAHAPONG napabalikwas ako ng bangon sa kama. Hawak ang dibdib dahil sa kaba, inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa loob ako ng aking kwarto at wala ako sa madilim na lugar na kinaroroonan ko kanina.

Isang panaginip.

Panaginip na para bang totoo.

"Mommy! Mommy! Good morning!"

Napatingin ako sa pintong bumukas. Iniluwa niyon ang anak kong naka-pajama pa habang tumatabo papalapit sa kama. Bibong umakyat ito sa kama saka ako hinalikan sa pisnge at niyakap ng mahigpit.

Ngayon ko lang napansin na umaga na pala. Sikat na sikat na nga ang haring araw.

Napangiti ako at ginawaran ng halik sa noo ang aking anak.

"Mommy, breakfast is ready na po. Halika na po, mag-gogrocery pa po tayo, remember?"

Mas lalo akong napangiti.

"Opo, babangon na po si Mommy. Mauna na ka pong bumaba susunod na lang po si Mommy kasi maghihilamos po muna s'ya."

My baby Zion giggled.

"Okay po, Mommy!"

Bumaba na si Zion sa kama saka lakad-takbong nagtungo sa pintuan. Pero muli ako nitong tinawag bago pa makalabas ng pinto.

"Mommy."

"Yes po baby? May problema ba?"

"Last night po, nanaginip ako. Nakakatakot po. Pero sabi no'ng guy sa panaginip ko, huwag akong matatakot sa kanya kasi kilala ko s'ya. Mommy pamilyar po 'yong guy sa dream ko po, para pong nakita ko na s'ya pero 'di po ako sure kung sino s'ya."

Natigilan ako sa sinabi ng anak ko.

Panaginip.

I also had a dream about a guy last night. Pero hindi ito ordinaryong tao.

"It's okay, baby. Panaginip lang iyon. Hindi iyon totoo. Go na, wait mo si Mommy sa baba."

"Okay po, Mommy!"

Nang makalabas si Zion ay para bang bigla akong kinabahan. Kabang ngayon ko na lang ulit naramdaman.

Is it because, there is a big posibility na pareho lang kami ng napanaginipan ng anak ko?

Na magkadugtong ang panaginip na iyon? Na may kinalaman ang lalaking nasa panaginip namin sa nakalipas na taong hindi ko matandaan?

Kung ganoon, I need to find a way to dig those forgotten memories.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top