CHAPTER 14
CHAPTER 14
"GOOD MORNING, MA'AM AND SIR! WELCOME IN..."
"CORDOVA'S CLOTHING COMPANY!"
Tatlong saleslady ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng parang isang Mall.
"WOW! DAEBAK!" Manghal usal ko nang makita ang loob ng building.
Walang sementong humaharang sa giitna pataas, tanging mahabang escalator ang sasakyan mo paakyat para makarating ka sa bawat floor.
Sobrang ganda ng loob.
Napakaraming panindang damit, dress at kung anu-ano pa, na mukhang mamahalin dahil sa ganda ng style ng mga ito. Mapa-pambabae man o panlalaking damit ay nakakasilaw ang karangyaan...
kahit nga ang price ay parang ginto.
Kung wala ako ngayon sa trabaho kong ito, hindi ko maafford kahit isa sa mga damit na tinda rito.
At iyong mga damit sa walk-in-closet sa mansion, galing ang mga 'yon dito. Iyong mga usual na damit sa bahay ay hindi nagmumukhang pambahay. Kaya kapag suot ko para lang akong rarampa sa runway.
Ang sososyal at ganda naman kasi talaga ng mga damit.
"Mr. Hanz kayo po pala. Anak n'yo po o apo?" Tanong ng isang babae sabay turo sa akin.
Ay wow! Napagkamalan pang anak at apo ni Mr. Smith.
"Ana, wala nga akong asawa 'di ba? Ang magka-anak pa kaya o apo? Uminom ka ba ng gamot mo?"
AYYY!!
"Mr. Hanz talaga oh, napagtripan na naman ako. Pasensya na po, akala ko kasi eh. Malay ko po ba kung nag-ampon kayo 'di ba?"
"Si Arissa, bagong sekretarya ng Young Master." Pakilala sa akin ni Mr. Smith.
Napasinghap ang tatlo at umawang ang mga bibig habang nagkatinginan.
Hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa, no'ng isang babaeng may pulang buhok. Paulit-ulit nitong ginawa iyon na para bang kinukumbinsi ang sarili sa nalaman.
Tusukin ko kaya mata nito.
Bakit?
Hindi ba posibleng pwede akong maging secretary ng isang Cordova?
Aba!
Inaya na ako ni Mr. Smith papunta sa second floor kung nasaan ang School uniform Section. Naiwan naman sa ibaba si Kuya Migs kasama ng tatlong saleslady na nakatulala pa rin.
Inilibot ko ang aking mga mata habang pataas kami.
Malawak ang buong lugar. Hindi rin sikip kaya maayos at kitang kita lahat ng mga items sa loob bawat boutique. Bawat row din ay may mga labels kung para kanino o kung ano ang mga damit na naroroon.
Pagdating sa second floor ay pumasok kami ni Mr. Hanz sa isang pinto.
Hindi ito katulad ng ibang boutique na see-through ang mga pinto. Akala ko nga ay dingding lang ang pinasukan namin dahil kulay puti lang ang kulay nito. Iyon pala ay may wall paper na nakadikit sa glass wall.
Ano kayang nasa loob ng kwartong ito at nakatago?
Pagpasok sa loob, katulad ng ibang boutique damit din ang naririto sa loob. Mga school uniform nga lang.
Pero bakit kailangang itago pa?
"Mr. Smith bakit kakaiba po ang boutique na ito? Mula pa lang sa labas? Wala rin pong saleslady."
"Dahil tanging mga estudyante lang ng OdS ang pwedeng mamili ng uniform dito. At pili lang din naman ang mga kabataang nakakapasok sa eskwelahang iyon."
"Ano po bang itsura ng OdS?"
"Makikita mo rin. Ngayon, pumili ka na muna ng uniform na sukat sa iyon. Libre ang mga uniform dito kaya kahit ilan ay pwede kang kumuha. Mauuna na muna ako sa Azula dahil may kailangan pa akong gawin. Pagtapos mo dito, nasa baba si Migs. Kung may kailangan ka pang bilhin, sabihin mo lang sa kanya. S'ya ang sasama sa iyon."
"Sige po Mr. Smith. Salamat at ingat po kayo."
Kumaway ako sa papaalis na bulto ni Mr. Smith. Paglabas nito ay nagsimula na akong mamili ng uniform na ayos sa size ko.
White long sleeve, red with white and black blazer. Black coat na may linings na red and white sa pocket nito. Black and white checkered skirt na above the knee. Checkered din ang ribbon na kulay red naman na may kulay black. White high sock naman ang sa pang-paa at black high heeled shoes.
Nagandahan ako sa uniform.
Ang easthetic kasi ng black color uniform. Karaniwan kasing kulay ng uniform is white na blouse at blue na palda, kaya nagustuhan ko ito. Tapos korean style pa kaya naexcite tuloy akong pumasok.
Pagkatapos kung kumuha ng tatlong pares ng uniporme ay lumabas na ako ng hidden shop.
Dumiretso ako sa first floor kung saan naghihintay si Kuya Migs, pero wala na ito roon.
"Saan 'yon nagpunta?"
"Si Kuya Migs ba ang hinahanap mo?"
Napatingin ako sa nagsalita. Isa ito sa tatlong babae kanina.
"Ah, oo. Nakita mo ba?"
"Nauna na sa parking lot. Pinapasabi sa'yo na doon na lang s'ya maghihintay."
"Gano'n ba? Salamat!"
Aalis na sana ako ng muli itong magsalita.
"Ikaw ang bagong sekretarya 'di ba?" Tumango naman ako.
"Hindi ba nakakatakot sa mansion? Sabi kasi ng iba 'yong ibang naging sekretarya ng Young Master, tuwing kabilugan daw ng buwan nakakarinig sila ng mga alulong at ungol mula sa ika'tlong palapag. Tapos minsan naman tuwing gabi may mga nagpapakitang nilalang na kulay pula ang mata. Totoo ba iyon?"
Nanindig ang mga balahibo ko.
So, hindi lang pala ako ang nakaexperience ng ganoong kababalaghan? Maging ang nauna pa sa akin ay nakaranas din.
Iyon kaya ang dahilan kung bakit walang nakakatagal na sekretarya ang Young Master?
"Ano? Nakaranas ka rin ba ng gano'n?"
Gusto ko mang umoo, pero may part sa sarili ko na huwag ipaalam na totoo iyon.
"Wala naman. Hindi ako nakaranas ng ganoon."
Ewan ko ba. Siguro gusto ko lang protektahan ang mansion at ang boss ko?
"Siguro imagination lang nila iyon. O baka fake news lang ang mga sabi-sabi. Alam mo na, maraming tao ngayon ang gustong sumikat dahil nakagawa sila ng kakaibang balita. Lalo na iyong may kinalaman sa paranormal."
Tumango-tango naman ang babae. Tila sumasang ayon din sa sinabi ko.
"Oh, pa'no. Una na muna ako."
Kumaway na ako at lumabas na ng building.
Hoooohhhh! Mabuti na lang medyo pani iyong si ate girl. Pani-walain.
Anong oras na ba? Hindi ko pala nadala ang phone ko. Wala akong mapagtitingnan ng oras.
Nang makita ko na ang sasakyan ay pumasok na ako kaagad sa loob.
"Kuya Migs anong oras na?"
"Malapit nang mananghalian, Miss Arissa. Bakit? May bibilhin ka pa ba? O dito ka na lang ba sa labas kakain?"
"Ah, wala naman na Kuya. Sige po, balik na tayo sa mansion. Doon na lang din ako kakain. May kailangan pa rin kasi akong gagaw—"
Pero hindi kami bati ni Sir Boss. Inis ako sa kanya kaya bahala s'ya sa buhay n'ya. Oo, tama! Inis ako sa kanya, iyon nga.
Kung hindi s'ya magluluto ng lunch n'ya, bahala s'yang gutumin.
Pero...
Pero baka busy iyon sa opisina at hindi mamalayan ang oras. Gugutumin ito at kapag nagutom magkakasakit tapos mamamatay s'ya.
Naku, naku!
Mawawalan ako ng trabaho kapag nangyari 'yon.
Kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil may konsensya pa naman ako. Kahit na inis talaga ako sa kanya. Isasantabi ko muna ang inis ko para sa trabaho. Oo, iyon nga ang tamang gawin.
Ako na lang talaga ang mag-aadjust.
"Miss Arissa?"
"Tara na po Kuya Migs, balik na tayo sa mansion."
"Uyy, concern ka sa Young Master 'no?"
"Hindi po ah! Trabaho lang."
"Sus!!!"
Hindi ko na lang pinansin si Kuya Migs sa panunukso nito. Pero may parte talaga sa akin na nag-aalala, pero slight lang naman. Ang kj kaya ng lalaking iyon, masungit pa.
Medyo nakakasanayan ko na rin kasi ang pagluluto ng food ng boss ko every meal time.
Saktong alas-dose ay nakarating kami ng mansion.
"Hindi ka ba muna papasok Kuya Migs. Magluluto ako ng pananghalian."
"Hindi na, Miss Arissa. Salamat na lang. Naghihintay na kasi si Mr. Hanz sa Azula, pupunta pa kami ng Batangas. Doon na lang kami kakain."
"Ikaw ang bahala Kuya. Ingat kayo!"
Tumango naman si Kuya Migs bago paandarin paalis ang sasakyan. Pumasok naman ako sa loob dala ang ilang paper bags na naglalaman ng uniform ko at ilang school supplies.
Ibinaba ko muna ang mga dala ko sa sofa saka nagdiretso sa kusina.
Naramdaman ko naman ang presensya ng masungit kong boss na nakadungaw mula sa itaas. Ipinagsawalang pake ko iyon at tumungo na sa kusina.
Katulad ng usual kong ginagawa, kumuha ako ng isang tupperware at isang kahon ng red juice. Pang isang lingguhan pa ang pagkain ni Sir Boss pero hindi ba s'ya nagsasawa dito?
Kung ako ang kakain ng pagkain gusto ko tapos walang palyang puro gano'n, magsasawa rin ako.
Pero itong boss ko, ilang taon na yatang puro steak lang ang kinakain pero hindi nagsasawa. Wala pang kanin ah. Kakaibang sosyal naman yata ang lalaking ito.
Pero choice n'ya 'yan eh kaya dapat hindi ako nagrereklamo. Pero hindi ba talaga s'ya nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na. Char!
Next week, ipagluluto ko na lang s'ya ng ibang putahe. Para naman makakain s'ya ng ibang pagkain bukod sa steak. Isa pa para matikman din n'ya ang masarap kong luto.
Sinalang ko na ang kawali at pinainit ang mantika nito bago ko ilagay ang karne. At habang hinihintay kong magkulay golden brown ang karne, naramdaman ko na naman ang presensya ng boss ko sa likuran.
Narinig ko rin ang yabag ng mga yapak nito papasok ng kusina.
"Ms. Montecarlos!"
Pagtawag nito sa akin pero wala me pakels.
Binaliktad ko ang karne habang nagha-hum ng kanta at hindi nilingon ang masungit kong boss.
"Arissa Paige..."
Tawag nito ulit pero pangalan ko na lang.
Ang ganda pala ng name ko 'noh? At parang musika iyon sa aking pandinig nang bigkasin si Sir Boss.
Ahh, no, no no! Imagination ko lang iyon.
"Arissa Paige Montecarlos..."
Deadma ulit.
Bahala ka d'yan! Akala mo papansinin kita? Huh! Asa ka dude!
Nang masigurado ko nang maayos ang luto ng steak, hindi hilaw at hindi rin overcooked, pinatay ko na ang stove. Kumuha ako ng plato saka nilagay ang steak. Kumuha rin ako ng baso at sinalin ang red juice.
Hindi ko pa rin pinapansin ang boss ko. Na hindi ko alam kung nasa likuran ko pa ba dahil bigla itong tumahimik. Pero wala me talaga pake. Bahala s'ya d'yan!
"Arissa!" Medyo lumakas ang boses nito. "Arissa, nakakain na ako ng lunch."
Hindi ko s'ya papansi—
"ANONG SABI MO SIR BOSS?" Sabi nang hindi papansinin eh. Pero nagpantig ang dalawa kong tenga at hindi napigilang magsalita dahil sa sinabi nito. "NAKAKAIN KA NA NG LUNCH?"
Nagkibit-balikat ang damuho. Nakaupo na rin ito sa usual n'yang pwesto tuwing kakain.
"Eh marunong ka naman palang magluto ng steak mo, inuutusan mo pa ako?! Sir Boss hah, secretary mo ako at hindi taga-luto mo. Kulang na lang paglinisin mo rin ako ng mansion at maid na talaga ang trabaho ko dito."
"Gusto mo ba?"
Aba't—tingnan mo nga naman ang tinamaan ng magaling.
"Sir hah, napapansin ko na. Pinapahirapan n'yo ako 'no? Para ano? Para kusang mag quit sa trabaho ko? Hoy, masungit kong boss kahit na ganyan ka, hindi ako aalis dito. Kailangan ko ng trabaho. Saka kapag umalis ako dito wala akong ipapambayad sa inadvance kong sahod. Ako na lang mag-aadjust para sa inyo."
Ngumiti ako ng matamis bago inihain ang steak n'ya sa mesa, kasama ng knife, fork at ng kanyang red juice.
"Pero..." Sinamaan ko s'ya ng tingin. "KUNG KUMAIN KA NA SIR BOSS, PWES KUMAIN KA ULIT! Sayang naman itong niluto ko kung hindi mo kakainin. Ubusin mo 'yan, h'wag kang magtitira. Maraming tao ang nagugutom, pasalamat ka may kinakain ka." Pinaningkitan ko s'ya ng tama at inilapit ang plato sa harapan n'ya. Humalukipkip pa ako.
Pero hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o totoo ang nakita ko.
Para kasing totoo.
Ngumiti si Sir Boss.
Hindi ngiting ngiti na halos kita na ang gilagid at ngipin, kundi nakita ko ang pagkumurba ng labi nito.
"Sir Boss ngumiti ka ba?"
Bumalik na naman sa dating pokerface ang mukha nito.
Ano 'yun? Imagination lang?
Pero totoo talaga eh. Nakita ko!
Umiwas ito ng tingin at nagsimula nang maghiwa ng karne.
"You must be hungry, Arissa. Kung anu-ano na ang nakikita mo. Magluto ka na lang kaya para makakain ka na. Nalilipasan ka na ng gutom. Ayoko ng baliw na secretary kasi nahanginan. But..... I'm glad, pinansin mo na ulit ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top