Chapter 98: Start of War
JAMIE
"MAMA, magiging okay lang po talaga ako rito, huwag na po kayong mag-alala." Naglalakad ako pabalik-balik sa may lobby ng Girls dormitory habang kausap ko sa telepono si mama. Nag-aalala soya sa kundisyon ko rito lalo na't maiiwan ako sa Maynila.
Nagkaroon ng live broadcast si Commander Larry sa TV na mayroon daw na mga terorista na nakapasok sa loob ng Maynila na nagtanim ng mga bomba sa iba't ibang parte ng lugar. Inabisuhan niya ang lahat na panandaliang umalis sa Maynila upang masigurado ang kaligtasan ng mga mamamayan.
As soon as the people knew that news, marami na agad ang umuwi sa kanya-kanyang probinsya o umalis muna panandalian. Kabilang na doon ang maraming estudyante ng Merton Academy. Mabuti na nga lang talaga at umalis na sila sa School dahil ayokong madamay ang mga kamag-aral ko sa mangyayaring gulo sa pagitan ng mga glitches.
"Paanong hindi ako mag-aalala sa kalagayan mo, Jamie, terorista ang pinag-uusapan dito. Baka mapahamak ka diyan, anak," bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala.
"Okay lang po ako rito, 'ma, may mga sundalo pong nakabantay dito sa Merton Academy para masigurado ang kaligtasan namin." Kuwento ko.
Pero sa totoo lang ay hindi ako okay, I really want to go home and hug mom tightly. Natatakot ako para sa labanang ito. Dalawa lang naman ang maaari kong kahantungan sa gulong ito... it's either maglalaho ako o mabubuhay ako. Pero kung ako ang tatanungin, gusto kong mabuhay. Madami pa akong bagay nagl gustong gawin kasama ang pamilya ko at maging ang buong Class Zero.
"'Ma, nandiyan na si Jason 'di ba? Ipagluto ninyo po siya ng favorite niyang pagkain. Hindi man nagsasalita 'yon pero sigurado ako stress iyon sa pag-aaral niya sa Fladus Academy, na-miss no'n panigurado ang luto mong Adobo, 'ma." Sa tuwing kinakausap ko si Jason ay parati siyang umaakto na matapang sa harap ko but I know he is longing with mom's hug. He is still a 13 years old boy, alam kong hindi madali ang pinagdaanan niya sa kamay ng Black Organization.
"Sige na, 'ma, bababa ko na 'yong tawag. May mga kailangan pa akong gawin." Paalam ko. "Tatawag ako sa inyo lagi para mawala ang pangamba ninyo. B'bye 'ma."
I ended the call at napabitaw ng malalim na buntong hininga. I missed my family.
"Talagang mahal mo ang pamilya mo, Jamie," nakangiting sabi sa akin ni Claire at umupo ako sa kanyang tabi sa couch.
Kakatapos lang ng training naming dalawa kung kaya't magkasama kami. Claire is learning new ability (which is purification) while I am mastering my illusions skill. So far, so good dahil maayos na akong nakakagawa ng illusions na alam kong magiging kapaki-pakinabang sa laban. Si Ace at Kiryu naman ang nagbabantay kay Mild dahil kailangan protektahan ang kaibigan kong iyon. At si Jessica naman ang nagpapatrol sa buong Merton Academy upang malaman namin kung may susugod na lawbreakers dito.
"More than you think." Sagot ko kay Claire.
"Ay, sabi nga pala ni Teddy ay baka makabalik na sila rito sa Merton Academy mamayang hapon o bukas nang umaga." She said happily.
"Nasabi nga rin sa akin ni Seven. Sa oras na makabalik sila rito ay masisimulan na natin ang pagpaplano sa pagsugod sa pinagtataguan ng Black Organization upang mabawi ang Phoenix Necklace." Sabi ko kay Claire at tumango siya sa akin.
Ang plano ng Black Organization ay makuha si Mild at mabuhay si Deathevn. At sa oras na mabuhay si Deathevn ay mababasag ang devil hour o ang pagtigil ng oras ng mundo... sa oras na mangyari ang bagay na iyon ay mae-expose sa buong mundo ang tungkol sa aming mga glitches ng society.
We must maintain the balance of the society.
Saglit na natigil si Claire at tiningnan ang kanyang phone. "Pinapatawag tayo ni Sir Joseph, may meeting daw tayo sa Classroom." Aya niya sa akin.
Naglakad kaming dalawa ni Claire papunta sa classroom.
"Claire, hindi ka ba natatakot?" Tanong ko sa kanya "Hindi ka ba nagsisisi na naging glitch ka ng society?"
She looked up in the sky at saglit na nag-isip. "To answer your first question... natatakot ako, sa totoo lang. Pero noong nakalaban ko si Minute sa Fladus Academy, doon ko napatunayan na may magagawa ako para mailigtas ang maraming buhay. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko na makakaligtas ako ng maraming buhay... I don't mind dying, basta ba ay magpapatuloy ang buhay ng maraming tao; mapa-glitch man o normal na tao lang." bumaling ang tingin sa akin ni Claire at muling ngumiti. "Hindi ako nagsisisi na glitch ako ng society. I am proud of it." She answered.
Saglit akong napatigil at napangiti rin kalaunan, Claire changed a lot. Sobrang mahiyain ni Claire pero buhat noong nawala si Girlyay parati na niyang pinatutunayan na miyembro siya ng Class Zero. She's not just our healer but our comrade na kayang lumaban sa aming tabi.
Yumakap ako kay Claire at kiniskis ko ang pisngi ko sa kanyang pisngi. "Amen talaga sa 'yo, Claire!"
"J-Jamie ano ba! Nahahawa ka na kay Mild sa pang-aasar." She pouted.
Pagkarating namin sa Classroom ay nandoon na sina Mild, Kiryu, at Ace. "Yow, Jamie-girl!" Ace greeted me. Kaming lima lang ang nandito dahil nga nagpa-patrol si Jessica at nasa Northford Academy sina Teddy, Kiran, at Seven.
Umupo ako sa aking upuan ngunit patuloy sa pamemeste sa akin si Ace at napairap ako sa ere. "Jamie, may itatanong ako sa 'yo," sabi niya.
Ace act like he is really okay pero sa aming lahat ay alam kong siya ang pinaka takot na takot. Muntik na siyang mamatay noong nakaraan and it was a traumatic experience for him. Tapos siya pa ang in-charge sa pag-lead sa amin kapag wala si Seven kung kaya't pressure din iyon para sa kanya.
He always act like a carefree type of person but deep inside... he worry a lot.
"Ano na naman 'yon?"
"Bakit 'yong ballpen, nilalagay sa pencil case? Sige nga isipin mo nga."
Napairap ako sa ere sa walang kuwenta niyang tanong. "Eh, bakit 'yong bracelet, hindi mo nilalagay sa ngipin mo?" Ganti ko. Ewan ko ba kay Ace, ang talinong tao pero noong nadikit siya kay Teddy ay puro kalokohan na rin ang nasa isip.
Ngayon ay naniniwala na ako na isinugo si Teddy ng impyerno para magpalaganap ng kabungulan sa buong Pilipinas.
Our conversation was interrupted when Sir Joseph entered the room. Napaayos kaming upo lahat at nakinig sa mga sinasabi ni Sir.
"Claire, nagagawa mo na ba 'yong bagong ability mo?" Tanong niya.
"Kaunting practice pa, sir," sagot ni Claire sa kanya.
"Once na nakabalik na rito sina Seven ay gagawa na agad tayo ng plano upang mabawi ang Phoenix Necklace sa kanila. Isa pa rin itong delikadong kuwintas na naglalaman ng malakas na kapangyarihan... hindi lang natin ito puwedeng hayaan sa kamay ng Black Organization," napatango ako sa paliwanag ni Sir Joseph.
"Sir, nakalikas na ba ang lahat ng tao rito sa Maynila?" Tanong ko.
"As expected, hindi lahat ng tao ay susunod sa utos ng Gobyerno. May mga taong hindi limikas at nanatili rito. We can't blame them, nandito sa Maynila ang mga negosyo nila at may mga taong walang kakayahan na humanap ng panandaliang matutuluyan sa ibang lugar." Paliwanag ni Sir Joseph sa amin.
"Pero para rin naman sa kanila ang gusto nating mangyari." Malumanay na sabi ni Claire.
"We can't force them since karapatang pantao nila iyon. Pero marami pa rin ang panandaliang lumikas at umalis ng Maynila... hindi na tayo mangangamba na maraming tao ang madadamay sa laban ng mga glitches. Oo may mga tao pa rito pero marami sa mga glitches ang handang tumulong sa atin sa labang ito. Tatapusin na natin ang gulong ginawa ng Black Organization," napangiti kami sa paliwanag ni Sir Joseph sa amin. "We will maintain the peace and the balance of this world."
Napatigil kaming lahat noog biglang huminto ang lahat ng bagay sa paligid— the devil hour is running. "A-Anong nangyayari?" Tanong ko at nagmamadali kaming lumabas ng classroom.
Inaasahan ko ng mangyayari ang gulong ito pero iba ang pakiramdam ngayong nandito na ako sa sitwasyon.
Napatingin kami sa paligid at tila nanlambot ang tuhod ko sa kaba. May malalaking lawbreakers ang lumilipad sa paligid na tumutungo rito sa Merton Academy.
Sa hindi kalayuan ay nakita namin si Jessica na tumatakbo tungo sa aming direksyon. "Sir! Sinusugod tayo!" She shouted. "May mga lawbreakers sa iba't ibang direksyon ng Merton Academy... ang dami nila."
"Shit, wala pa sina Seven dito." Reklamo ni Sir Joseph. "Ace, ikaw muna ang in-charge dito. Hihingi ako nang tulong sa Asosasyon para back-up-an tayo at pababalikin ko na rito sina Seven." Utos ni Sir Joseph.
Naiwan kaming anim dito. Kitang-kita ko ang takot sa mata ni Ace. I tapped his back. "Ace, ikaw na ang bahala sa amin." Sabi ko. I know he is scared but he just need a little push para bumalik siya sa kanyang huwisyo. I know Ace, he is scared pero hindi 'yan tatakbo. He will not leave his comrades.
Malakas na pagsabog ang narinig namin sa hindi kalayuan at ramdam namin mula rito ang pagyanig ng lupa. We saw one establishment na unti-untig bumabagsak at makapal na usok ang lumalabas mula rito.
"Jamie, Claire, at Jessica... kayo ang bahala sa mga lawbreakers. Claire kung may sugatan mang Glitch, heal them immediately." Utos ni Ace sa amin.
"Yes, sir." We answered.
"Kaming dalawa ni Kiryu ang bahala kay Mild." He said at tumakbo na silang tatlo.
Pinagmasdan ko ang mga malalaking Lawbreakers na nasa himpapawid. Napakarami nila, alam kong sa puntong ito ay pipilitin na ng Black Organization na makuha nila si Mild sa amin.
"Ako na ang bahala sa mga Level 1 lawbreakers na nasa ibaba lang," sabi ni Jessica at nag-summon ng maraming bangkay sa paligid. "Kayong dalawa na ang bahala sa malalaking lawbreakers. Mag-iingat kayo." She said and ran.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Claire. "Paramihan tayo ng mapapatay na lawbreakers?" She asked habang pinupusod ang kanyang buhok.
Hindi ako nabibigong pahangain ni Claire, she used to be the scaredy-cat member of Class Zero but now... I am proud of our St, Claire.
Inilabas ko ang dagger ko. Claire casted spell on my feet para bumilis ang galaw ko. "Hindi ako magpapatalo sa 'yo, Claire." Sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako tungo sa mga lawbreakers.
This will be our last battle... hindi ko hahayaang magtagumpay ang Black Organization sa kanilang binabalak.
***
ACE
Tumatakbo kami nila Kiryu patungo sa isang building dito sa Merton Academy. Kailangan naming itago si Mild. Our goal is to protect Mild at all cost hangga't wala sina Seven and we must succeed with it.
"Ace, hayaan mo akong gamitin ang ability ko... kaya kong makontrol ang mga lawbreakers na nand—"
"Mild, if you transform again sa pagiging creature mo... you will be noticeable." Sabi ni Kiryu sa kanya. "Iyon ang bagay na iniiwasan natin."
"Magtiwala ka kanila Jamie at sa ibang glitches na nandito sa Merton Academy." Sabi ko sa kanya.
Huminto sa pagtakbo si Mild kung kaya't napatigil kaming dalawa ni Kiryu. "Ace, Kiryu... Class Zero din ako. I promised that I will fight beside you guys, habambuhay na lang ba ako magtatago sa likod ninyo?"
"If that will save everyone's lives... we don't mind na habambuhay na magtago ka sa likod namin." Kiryu answered innocently
Kumamot ako ng aking ulo dahil sa nangyayari. "Gusto mo ba talagang lumaban, Mild?" Tanong ko sa kanya. "Your power is helpful pero sana aware ka sa magiging consequence ng desisyon mo. Kapag napansin ka ng Black Organization... maging ang buhay naming dalawa ni Kiryu ay malalagay sa panganib. Pero kung epektibo mong magagamt ang kapangyarihan mo... we can kill them and avoid a larger casualty." Paliwanag ko sa kanya.
Saglit na natahimik si Mild bago seryosong tumingin sa amin. "Let's do this."
"Seryoso ka, Ace, kukunsintihin mo 'to?" Tanong ni Kiryu sa akin at nagbitaw ng buntong-hininga. "Well, hindi tayo ang big four kung hindi tayo nagiging pasaway."
"Let's protect Mild at all cost but she will fight with us. We are Class Zero..."
"We are family." They smiled and Mild use her ability and transformed into a Qilin.
Malakas na umalulong ang kakaibang creature na 'to at napatigil sa pagsugod sa amin ang mga lawbreakers.
"Anong kailangan nating gawin?" Tanong ni Kiryu habang nasa quadrangle kami ng school.
"Kailangan lang natin hintayin ang pagbalik nila Seven dito sa Merton Academy," sagot ko sa kanya at napatango si Kiryu sa akin. Naging Sampung Kiryu ang aking nasa tabi. "Sa pagbalik nila Seven ay tsaka natin paplanuhin ang pagtungo sa kuta ng Black Organization."
Tumakbo si Kiryu para kalabanin ang mga Lawbreakers habang ako ay tumayo sa gitna ng quadrangle. Inipon ko ang lakas ko sa aking kanang kamay at dumaloy ang makapal na kuryente mula rito.
Itinapat ko sa kalangitan ang aking kamay at unti-unting nagbago ang panahon. Mula sa pagiging maaraw ay naging madilim ang buong lugar at nagsimulanh umulan at naglalabas ng malalakas na kidlat na pinapatama ko sa malalaking lawbreakers na nasa himpapawid.
"Magsisimula pa lang ang laro natin." Nakangisi kong sabi habang pinagmamasdan ang mga lawbreakers na naglalaho sa tuwing tinatamaan sila ng kidlat.
Basang-basa ako ng ulan at pansin na sa paligid ang pagiging magulo nito dahil sa nagaganap na labanan ng mga glitches at Lawbreakers.
Habang nasa quadrangle ako ay napatingin ako sa Qilin na nasa aking likod ko. "Ayos ba?" Tanong ko sa kanya.
It howled loudly. "Mangha ka naman sa akin, Mild, ako lang 'to."
Habang nakatayo kaming dalawa ay isang mabibigat na yabag ng paa ang narinig ko sa 'di kalayuan. Napatingin ako kung saan ito nanggagaling— nakita ko si Hugo na naglalakad sa aming direksyon.
Like I expected, Black Organization is after Mild.
"Mild, bumalik ka muna sa normal mong anyo," utos ko na ginawa naman ni Mild.
"Magbabayad kayong Class Zero!" Sigaw ni Hugo at malakas niyang inihagis ang isang malaking piraso ng bato tungo sa aming direksyon. Bago pa ito makalapit sa aming direksyon ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko upang patamaan ito ng kidlat at mahati sa maliliit na debris bago pa makalapit sa aming direksyon. "Pinatay ninyo ang mga kasama ko!" Malakas na sigaw ni Hugo.
"You also killed our friends. Our family!" Ganti ko sa kanya.
Bumalik dito si Kiryu upang maprotektahan naming dalawa si Mild. "Hindi lang natin siya hahayaan na makalapit kay Mild." Utos ko kay Kiryu.
"I will distract him at ikaw na ang bahalang umatake sa kanya." Naging isang dosenang Kiryu ang nandito at tumakbo siya tungo sa direksyon ni Hugo upang pigilan itong makalapit sa amin.
Nilabas ko ang pana ko at bumunot ng palaso sa aking likod.
Hindi ninyo mabubuhay si Deathevn at sisiguraduhin ko iyon. Binitawan ko ang palaso at bumubulusok ito sa direksyon ni Hugo.
Nagsisimula na ang huling laban namin sa Black Organization at sisiguraduhin naming kami ang mananalo sa giyerang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top