Chapter 35

❝ Hindi ko maintindihan noon

Pero ngayong wala ka na sa tabi ko

Doon ko lang napagtanto—

Hindi ko talaga kilala ang sarili ko. ❞

   

"I'll pay for our lunch, Caleb," pagpapaalala niya sa akin bago kami naupo sa table. "My treat."

Naging suki na kami ng karinderya kung saan kami unang beses na kumain nang magkasama ni Ramona. Sinubukan ko naman siyang dalhin sa ibang karinderya na kinakainan ko pero dito niya talaga nagustuhan dahil gustong-gusto niya ang Menudo dito.

Matapos mailapag ang mga bag namin sa upuan, pumunta na kami sa harap para um-order ng lunch namin.

"Wow, may kare-kare ulit" tuwang-tuwa na sabi niya. "Kare-kare po ako and pakidagdagan ang meat and bagoong, please. Dagdagan ko na lang bayad ko, Ate."

Tumatawang tumango si Aling Margarita. "O, sige, Mona! Dadamihan ko ang karne para sa 'yo!"

Ngumiti nang malawak si Ramona. "Salamat po!"

Um-order ako ng chicken curry at rice, saka bumili na rin ako ng isang bilog na Monde special mamon para sa birthday niya. Balak ko sana siyang puntahan sa bahay nila mamaya kaso, hintayin ko na lang na papuntahin niya ako. I respect the boundaries. Sa ngayon, hindi pa niya ako pinapapunta sa bahay nila kahit isang beses pero alam ko namang may tamang oras para do'n.

Nang makuha na ang mga order ko, bumalik na rin ako sa table kung nasaan si Ramona na naghihintay sa akin. Nang makaupo, nagtataka pa siya sa dala ko.

"Ano 'yan? Bakit may mamon ka pa?"

Ngumisi ako bago binuksan 'yon at inilapag sa pagitan ng dalawang plato namin. Nakalimutan ko na wala pala kaming kandila ngayon kaya binutasan ko na lang ang gitna ng mamon bago kumuha ng yosi sa kaha na nasa loob ng bag ko. Sinindihan ko 'yon at hinithit nang isang beses para mapanatili ang sindi, bago inilagay sa gitna ng mamon na parang kandila.

"Ayan. Birthday kasi ng girlfriend ko kaso busy kami pareho sa school," panimula ko bago kinamot ang batok. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. "Happy birthday."

Tawa nang tawa si Ramona dahil sa ginawa ko. Kinuha niya ang cellphone at p-in-icture-an ang mini-cake niyang may cigarette candle bago tumingin sa akin.

"You're sweet. Thank you so much, Caleb." She smiled.

"Blow your candle so we can start our lunch."

Tumawa siya lalo nang dahil do'n. "Hindi mamamatay ang sindi, Caleb! Lalo lang lalakas."

"Then blow it still. Hintayin na lang natin na mamatay ang sindi habang kumakain. Make a birthday wish before you blow."

Natatawang nag-aalangan si Ramona pero ginawa niya pa rin ang sinasabi ko. Pinagdikit niya ang dalawang palad bago pumikit at tahimik na humiling ng kung ano man ang hinihiling niya para sa birthday niya ngayon, saka dumilat at hinipan ang sindi ng sigarilyo.

Lalong pumula ang sindi nito, dahilan para magtawanan kami ulit ni Ramona.

"Kumain na nga tayo, Caleb."

Nagsimula na siyang kumain kaya sinimulan ko na rin. "So, anong wish mo?"

Tumingin siya sa akin nang nakangisi. "It's a secret."

"Why, though?"

"Hindi natutupad ang wish kapag sinasabi sa ibang tao! Dapat alam mo 'yon, 'no!"

Natawa na lang ako nang mahina. "Hindi ko na nga masyadong tanda ano pakiramdam ng may birthday wish." Sumubo ako ng pagkain saka nginuya ito, bago nagsalita ulit. "Tagal ko na rin palang hindi umiihip ng birthday candle. Huling beses ko, hiwalay na si Mama at Papa."

Hindi ko talaga alam kung bakit bigla kong kinukwento kay Ramona 'yon. Ang saya pa naman kanina pero na-spoil ko na yata ang mood dahil hindi na siya nakangiti ngayon.

"Sorry, bigla ko lang--"

"It's okay!" pagputol niya. "I actually like it that you're voluntarily opening yourself to me." Ngumiti siya. "Thank you, Caleb. It's a great gift for me."

Tumango ako at itinuloy na ang pagkain.

"So . . . if ever you'll have a birthday wish today, ano 'yon?" tanong niya. Tumingin ako sa kan'ya nang nagtataka. "Hindi mo naman birthday kaya kahit sabihin mo, walang hindi matutupad! So, go na!" Sumubo siya ng pagkain pagkatapos.

Ngumiti ako sa kan'ya. "I wish . . . Ramona Castillo to find a reason to live everyday."

Naging mabagal ang pagnguya niya matapos kong sabihin sa kan'ya 'yon. Ilang sandali pa, ngumiti siya nang maliit sa akin bago ibinaba ang tingin sa sariling pagkain.

"Next birthday mo, you should make a birthday wish and blow a candle on top of your cake. Wish everything you want and make sure that it comes from your heart."

I smirked. "I'll only do that if I'll celebrate my birthday with you."

Tumingin ako sa kan'ya. Nakita kong marahan niyang ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak niya bago kinuha ang bote ng softdrinks saka humigop sa straw no'n.

"Hindi ko maipapangako," panimula niya matapos uminom nang kaonti doon. "Pero I will really try my best, Caleb. Ayaw kong mangako talaga ng anything regarding that dahil . . . wala namang sigurado sa mga p'wedeng mangyari sa . . . mundo. 'Di ba?"

Ang sakit marinig pero tama naman siya. Nakukuha ko ang pinupunto niya kaya kahit na nasasaktan ako, wala akong ibang magawa kung hindi ang ngumiti at tumango sa kan'ya.

"Anyway, do you want to come to my house later? Wala kasi akong kasama kung hindi si Manang."

Napaayos ako ng upo bago tumingin sa kan'ya. "H-Huh?"

Nagkibit-balikat siya. "My parents are away. May mga meeting silang ina-attend-an sa Manila dahil may hearing yata ang mga clients nila. I don't really know and I don't want to know. Si Manang kasi, nagpumilit na maghanda kahit na sinabi kong 'wag na. Sayang naman kung walang kakain, 'di ba?"

Parang hindi ako makahinga sa kaba. Kanina lang, iniisip ko 'yong tungkol sa pag-imbita niya sa akin, ah? Ngayon, iniimbita niya na talaga ako. 'Tang ina, ano bang nangyayari sa akin?

"Okay lang kung--"

"P-Pupunta ako!" mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya. "A-Anong oras ba?"

Ngumiti siya. "6:30 PM. Ikaw lang ang bisita ko, Caleb, so you don't have to worry to much. May meat naman na handa pero konti lang since mas maraming stocks ng gulay and anything vegan-food sa bahay."

Napangiti ako sa paliwanag niya. "Kahit walang pagkain, okay lang, Ramona. Sobrang okay lang."

Nang matapos kaming kumain, nagkwentuhan lang kami ng ibang mga bagay habang hinihintay na mamatay ang sindi ng sigarilyo. Hindi naman 'yon nagtagal dahil hindi ko naman masyadong nahithit 'yon kanina kaya mahina lang ang sindi. Pagkatapos n'on, kinuha ni Ramona ang sigarilyong namatay at tuluyang pinatay ang sindi, saka niya 'yon inipit sa notebook.

"Kainin natin, sayang," sabi niya bago hinati sa gitna ang mamon at ibinigay sa akin ang kalahati.

Nang maubos ang mga pagkain, binayaran niya lahat ng in-order namin, maliban sa mamon dahil binayaran ko na 'yon kanina, saka kami lumabas ng karinderaya. Hawak-kamay kaming naglakad pabalik sa campus habang nag-uusap.

"Magyoyosi ka ba before tayo pumasok?"

Umiling ako. "'Wag na. Tinatamad din ako."

Tumawa siya. "Wow, bago 'yan, ah?"

Tumigil ako sa paglalakad bago tumingin sa kan'ya. Naglakad ako papunta sa harap niya at bahagyang yumuko. "Noong nakaraan ko lang napansin, nababawasan ko na yata ang pagyoyosi ko nang hindi ko napapansin."

Pigil ang ngiti niyang nag-iwas ng tingin. "T-Talaga?"

Tumango ako. "May bago na yata akong bisyo."

Tumingin siya sa akin pero naging mas malikot ang mga mata niya na parang hindi mapakali. Siguro, tumitingin sa paligid kung maraming tao pero alam ko namang wala na. Hindi ko naman gagawin ang gusto kong gawin ngayon kung may mga tao ba, dahil alam kong hindi pa siya sanay.

"A-Ano?" tanong niya bago ibinalik ang tingin sa akin.

Ngumiti ako bago hinawakan ang likod ng ulo niya at marahang idinikit ang labi ko sa kan'ya. Gusto ko sanang alisin din 'yon makalipas ang tatlong segundo, pero nagulat ako nang maramdaman ko ang paggalaw at bahagyang pag-awang ng labi niya, dahilan para mas maramdaman ko siya.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang kapit sa uniform ko kaya hinawakan ko ang likod niya gamit ang isang kamay ko at mas nilaliman ang halik na ibinibigay sa kan'ya. Pareho kaming hindi marunong sa ginagawa namin at alam namin 'yon pero . . . mahalaga pa ba kung tama o mali ang paraan ng paghalik mo kung iisa lang naman ang gusto niyong iparamdam sa isa't isa?

Tumagal nang mahigit sampong segundo ang halik na namagitan sa aming dalawa bago kami bumitiw sa labi ng isa't isa. Humihingal kaming dalawa at parehong nag-iwas ng tingin nang makitang may dumaan sa di-kalayuan.

Tumikhim siya bago sinubukang tumingin sa akin.

"A-Anyway . . . it's not true."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Alin?"

Ngumiti siya. "Hindi dahil may bago kang bisyo kaya nabawasan ang yosi mo." Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Let's go."

Wala akong naintindihan sa sinabi niya kanina pero wala na akong pakialam do'n. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng paghalik namin sa isa't isa kanina.

'Tang ina . . . tama bang mas nakakaadik pa 'yon kaysa sa kahit na anong brand ng yosi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top