Chapter 19

❝ Binabaliw mo ako.

Sa simpleng pagbabago mo

Ginulo mo ang isip ko.

Ano bang ginawa ko?

P'wede bang sabihin mo?

Ayaw ko nang ganito tayo.

Nasanay na akong . . .

Maingay ka kasama ako. ❞

   

Thirty minutes na ang nakalipas simula nang matapos ang klase para sa hapon. Hindi pa rin bumabalik ang malay ni Mona, sabi ng school nurse noong dumalaw ako kanina, pero sabi nila, okay naman na raw siya. Kailangan lang ng pahinga.

Hindi ko rin alam kung nakakailan na ba akong stick ng yosi ngayon. Ganito pala ka-boring magyosi nang mag-isa dito sa smoking area. Hindi na ako sanay nang walang nakasandal sa tabi ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kapag nagkita ulit kami ni Mona. Ano bang dapat kong sabihin sa kan'ya? Dapat bang iparamdam ko sa kan'ya na . . . hindi niya dapat gawin 'yon sa sarili niya? Dapat bang sabihin ko sa kan'ya na . . . willing akong tulungan siya sa mga problema niya?

Pero sabi ni prof kanina, maging normal lang ako sa harap ni Mona. 'Wag ko raw iparamdam sa kan'ya ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba nararamdaman ko 'to? Kung ibang tao ba ang nakakita ng mga nakita ko kanina, mararamdaman din nila yung sikip ng dibdib na naramdaman ko kanina?

Kung ibang tao ba ang nakakita ng lahat ng 'yon, mabo-bother din ba sila sa kung anong gagawin nila kapag nagkita ulit sila ni Mona?

Kung ibang tao ang nakakita n'on . . . magiging desidido ba silang tulungan si Mona . . . katulad ko ngayon?

Pero hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit naghihintay pa ako kay Ramona dito sa smoking area kahit na hindi naman ako sigurado kung dadaan ba siya dito kapag uuwi na siya.

Alam kong may pakialam naman talaga ako sa kan'ya pero . . . normal ba na masaktan nang ganito? Normal lang bang masaktan nang sobra-sobra matapos mong malaman na sinasaktan ng isang tao ang sarili niya?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na tindig ng katawan ang lumabas mula sa gate ng campus. Lumingon siya sa gawi ko. Doon ko nakita ang pamumulta pa rin ng labi at ng mukha niya. Ngumiti siya sa akin bago naglakad papalapit.

Anong . . . anong gagawin ko?

Dapat bang ngumiti rin ako o dapat na maging neutral lang ako?

Kung magiging neutral lang ako sa kan'ya ngayon, paano kung maisip niya na . . . wala siyang karamay sa mundo?

Huminto siya sa harap ko. Nataranta ako nang kumabog ang puso ko nang malakas, kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti sa kan'ya.

"O-Okay ka na ba?" tanong ko sa kan'ya.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang naging dismayado siya simula nang ngumiti ako sa kan'ya. Ang kaninang malawak na ngiti ng namumutla niyang labi, nawala ang lahat na parang bula bago tumingin sa sahig. Nakita niya ro'n ang dami ng upos ng sigarilyo na naubos ko.

Hindi ko na mabilang kung nakailan na ako pero simula nang dumating ako kanina dito, halos isang oras na ang nakakaraan, hindi pa ako tumitigil sa paghithit ng usok mula sa yosi.

Masyado yata akong naparami ngayon. Dahil ba sa . . . pag-aalala 'to?

"Uuwi na ako."

Matapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad paalis ng smoking area. Minadali kong ubusin ang natitira sa hawak kong yosi bago nagmadaling sumunod sa kan'ya.

Mabilis lang din kaming naghintay, dumating na ang jeep na sasakyan namin pauwi. Tulad ng nakagawian, pumwesto ako sa dulo dahil wala namang laman ang jeep. Pero napatigil ako sa pagpwesto nang maayos nang makita ko na pumwesto si Ramona malayo sa akin.

Nagkaroon ako ng dillema kung anong dapat kong gawin. Dapat bang manatili ako rito sa pwesto ko o dapat ba akong lumipat sa tabi niya?

Pero bakit? Anong sasabihin kong dahilan kung bakit ako lumipat sa tabi niya?

Bago pa man ako makapagdesisyon, napuno na ang jeep. Nawalan na ako ng pagkakataon na lumipat sa tabi ni Ramona gaano ko man kagusto. Nagsimula nang umandar ang jeep palayo sa campus. Hanggang sa ilang minuto na ang nagdaan, hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Ramona.

Ano bang nagawa ko? Anong mali ang nagawa ko? Bakit siya nagagalit sa akin? Nalaman niya bang alam ko na ang tungkol sa itinatago niya?

Hanggang sa kailangan na naming bumaba. Dahil ako ang nasa dulo, ako ang naunang bumaba. Hinintay ko siya sa babaan pero nilampasan niya lang ako na parang hindi kilala. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang dahil do'n.

Tahimik akong sumunod sa kan'ya sa paglalakad. Pinanonood ko lang ang likod niyang papalayo nang papalayo sa akin habang ako, marahan lang na naglalakad. Ayaw kong pilitin siyang kausapin ako o harapin.

Kung gusto niya ng katahimikan, sasamahan ko siya . . . kahit gaano katagal niya gusto.

Nang makarating kami sa harap ng village nila, hindi na siya nagpaalam pa sa akin. Deretso lang siyang pumasok sa loob nang hindi ako tinitingnan. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin siyang tuluyan nang nakalayo sa akin.

Fuck . . . ano ba kasing ginawa ko?

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, napabuntonghininga na lang ako bago naglakad na papauwi sa bahay ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa buong araw, hanggang sa makarating na ako sa loob ng bahay.

Itinapo ko ang bag sa kung saan at ibinagsak ang katawan sa couch. Kinuha ko sa bulsa ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick, saka sinindihan bago hinithit. Lumingon ako sa center table kung nasaan ang ash tray at napatigil sa nakita.

Dalawang pirasong upos ng sigarilyo lang ang mayroon doon. 'Yon pa ang naiyosi ko kagabi.

Anong nangyayari sa akin? Parang kailan lang, punong-puno ng upos ng sigarilyo ang ash tray ko, ah? Bakit ngayon . . . dalawang piraso na lang ang nandoon?

Naisip ko ang dami ng nagamit kong yosi kanina habang nasa smoking area. Hindi ko alam kung ilan 'yon pero hindi ko na matandaan kung kailan yung huling beses na nakahithit ako ng ganoon karaming yosi. Sa buong buhay ko na naninigarilyo ako, kanina ko lang nagawa 'yon sa loob lang ng halos isang oras.

Kaya siguro parang nahihilo ako at sumasakit ang lalamunan ko.

Napatingin ako sa yosi na hawak ko na matapos kong humithit ng dalawang beses. Pinatay ko 'yon sa ash tray at ipinikit ang mga mata, saka nag-isip nang mabuti.

Napapansin ko na dalawa hanggang tatlo lang ang nasisigarilyo ko sa smoking area. Minsan, isa lang. Dito naman sa bahay, ganoon lang din. Sobrang konti kung ikukumpara ko sa bilang ng yosi na nagagamit ko noon.

Anong nangyayari? Akala ko ba, stress-reliever ko itong yosi? Bakit hindi na ako masyadong nagyoyosi ngayon? At bakit kanina lang ulit ako nakarami?

Nagbuga ako ng buntonghininga nang mas dumami pa ang dumagdag sa isip ko ngayon.

***

Kinabukasan, maaga akong naghintay kay Ramona sa sakayan ng jeep bago pumasok. Nakatatlong yosi na ako sa umaga, wala pa rin siya. Samantala noon, nauuna pa siya sa akin.

Hindi kaya siya papasok ngayon?

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka mamaya, kung ano nang nangyari sa kan'ya.

Pinatay ko na ang sindi ng natitirang kalahati ng ikatlo kong stick bago nagpunta sa village kung saan nakatira si Ramona. Lumapit ako sa guard na naka-duty.

"Good morning po," pagbati ko rito.

"Oh, hijo. Good morning sa 'yo!" masigla niyang bati sa akin.

"Uhh . . ." Tumingin ako sa loob ng village pero walang kahit na isang tao ang makikita doon. "Si Ra--uhh--si Mona po? Hindi po kaya siya pwedeng makausap? P'wede po ba kayong tumawag sa kanina at . . . pakitanong kung hindi po siya papasok ngayon?"

Nagkunot-noo ang guwardiya bago tumawa nang bahagya. "Kaninang-kanina pa pumasok si Ms. Mona, hijo. Hindi ba kayo nag-usap bago pumasok?"

Umawang ang bibig ko nang bahagya at nakaramdam ng lungkot sa narinig. Galit talaga siya sa akin.

"Hindi ko ho naitanong kung anong oras siya papasok, eh."

Tumawa ang guwardiya. "Hay, ang sarap maging bata. O, sige! Tawagan mo na siya o kung hindi naman, pumasok ka na at nang makita mo na ang minamahal mo!"

Matapos niyang sabihin 'yon, tumawa siya nang tumawa at parang tinataboy ako gamit ang stick niya o kung anong hindi ko maipaliwanag. Gusto kong magpaliwanag sa kan'ya na walang namamagitan sa amin ni Mona na katulad ng iniisip niya, pero ano bang pakialam ko sa iisipin nila? Bahala na sila.

"Sige ho, salamat po."

Tumakbo na ulit ako pabalik sa sakayan ng jeep. Wala na ang jeep na nandoon kanina. Mukhang napuno na ng pasahero at umalis na. Napatingin ako sa relo ko. May 35 minutes pa bago mag-start ang unang klase para sa umaga pero mukhang hindi naman mapupuno ang jeep sa loob ng limang minuto.

Mukhang mali-late ako. Napabuntonghininga na lang ako bago naghanap ng tricycle na p'wedeng maghatid sa akin sa campus. Sobrang laki ng diperensiya ng pamasahe sa jeep at tricycle pero gusto ko nang pumasok!

Tang ina naman. Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa attendance ko?

Nang makitang wala ring tricycle na available dahil karamihan ay may sakay rin na estudyante o empleyado, sumuko na lang ako. Sumakay na ako sa bagong jeep na nakapila at hinintay na mapuno ito ng pasahero.

7:10 AM nang umalis ang jeep. Doon pa lang, alam kong mali-late na ako sa klase. Pero bahala na. Ang importante naman, makakapasok pa rin ako. Wala naman akong pakialam sa attendance ko. Kaya ko namang pumasa nang hindi kumpleto 'yon.

7:37 AM nang makarating ako sa campus. Hindi ko na tinakbo pa ang gate hanggang sa building namin dahil ano pa bang saysay ng pagtakbo ko? Late pa rin naman ako dahil 7:30 AM ang start ng klase.

Nang makarating ako sa classroom, masama ang tingin sa akin ng professor pero wala akong pakialam. Hinanap ko kaagad si Ramona. Nakita ko siyang nakatingin lang sa harap habang magkahawak ang dalawang kamay na nakapatong sa table, pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"You're ten minutes late, Eusebio."

Nagbuntonghininga ako bago yumuko. "I'm sorry, Sir."

Nagbuntonghininga rin ang prof namin bago ibinalik ang tingin sa class record na nasa table niya. "Go to your seat."

Tumango ako at naglakad na papasok ng classroom. Tumingin ako kay Ramona at dumaan ako sa gilid niya. Hindi ko alam kung bakit doon pa ako dumaan, eh nasa gilid naman ang upuan ko.

Tang ina, nagpapapansin ba ako? Eh hindi rin naman ako pinansin. Hindi pa ako tinatapunan ng tingin simula nang dumating ako dito hanggang ngayon!

Padabog akong naupo sa upuan ko at nangalumbaba, pinananatili ang tingin kay Ramona. Ilang sandali pa, itinuloy na ng professor namin ang dini-discuss niya kanina bago pa ako dumating.

  

I'm sorry that it took us almost two weeks before we can have this chapter! I was busy the past two weeks. My auntie died. I had to stay in the wake since I'm the only one that can do that until morning with no problems. Also, I've been very busy sorting things about my personal life. I had anxiety attacks so I had to take extra care of myself. I'm sorry.

I'll try to post another chapter(s) tonight or later at midnight. I hope you liked this chapter and the next chapters that I will try to write (type haha) tonight!

Thank you so much for your support! God bless! <3


-mari 🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top