Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)

Kanina ko pa gustong batukan itong Grayson Tyler na ito.

Mula noong nagising ako at nakita ko ang pagmumukha niya ay nakangisi na ito sa akin. Nagiging seryoso lang ito pagkausap si Lycon at ang ibang Tereshlian dito sa Persidal Village!

"Uunahin naming maglibot sa gubat." Ani ni Grayson na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo. We're going to investigate now. Finally. Lycon insisted na magsama kami ng iilang villagers para may guide kami but we refused. Kaya naman namin ang mga sarili kaya hindi na kailangan iyon.

"Can I join you?"

Natigilan ako noong marinig ko ang boses niya. It was Clarisse.

"No need, Clarisse. Kami na ang bahala dito. Just stay here." Sagot ni Grayson dito.

"Please. Let me join you. I... I just want to help." Ani pa ni Clarisse na siyang ikinabaling ko kay Grayson. I know how she feel right now. She feels like she's powerless because she can't do anything for her beloved village. Pinagtaasan ko naman si Grayson noong bumaling din ito sa akin. Looks like his decision is firm with this one. Kapag sinabi niyang no, it's definitely a no.

But not me. Alam niyang hindi ako nakikinig sa kanya.

"Sure, Clarisse. You can join us." Sambit ko at tiningnan ang babae. Ramdam ko ang masamang titig ni Grayson sa akin kaya naman muli akong bumaling sa kanya at nagtaas ulit ng isang kilay.

"She wants to help. Let her be." Sambit ko pa sabay talikod dito. Nauuna nang maglakad palabas ng bahay nila Lycon at hinayaan na silang tapusin ang usapan nila.

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid. 'Di tulad ka kagabi, madilim, mapanganib. I scanned the whole place. May mga villagers na abala sa kanya-kanya nilang gawain. I suddenly feel sorry for them. I felt something on my chest. Pain. In two days, isa sa kanila ang mawawalan ng attribute. At kapag mangyari iyon, isa sa kanila ang mamamatay ng hindi man lang alam kung ano ba talaga ang dahilan.

I closed my fist.

I won't let anyone here die again. Not when I am here. I can't let them die just like that. We need to do something to stop this... this curse!

"Let's go."

Napalingon ako kay Grayson noong nagsalita ito. Nasa tabi ko na pala ito ngayon. Nasa likod naman nito ang tahimik na si Clarisse. Tinanguhan ko ang dalawa at nagsimula na kaming maglakad patungo sa masukal na gubat ng Persidal Village. 

Maingat ang bawat hakbang na ginagawa namin at gaya noong una naming tapak dito ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Nothing. I can't sense anything. Tila may kung anong humaharang sa akin para maramdaman ang kakaibang nangyayari sa lugar na ito.

"Since when this things happened, Clarisse?" Basag ni Grayson sa katahimikan naming tatlo. Panay ang sulyap ko sa paligid at hinayaan ang dalawa sa pag-uusap. I tried to activate all my senses and hoping to feel something.

"A year ago. Noong panahong nadiskubre ko ang cursed magic ko." Sagot ni Clarisse sa naging tanong ni Grayson sa kanya. Napatango ko sa narinig ko. Cursed magic might be inborn pero hindi ito malalaman agad ng isang attribute user. It takes time for a user to know that he or she possess any of the cursed magic. Just like her.

"I was in pain that time. Binalot ng dilim ang buong kwarto ko noon. My dad doesn't know about it. Then all of sudden, nagkagulo ang buong village. The whole village was filled of screaming and crying." Pagku-kwento ni Clarisse sa amin. Pinagpatuloy ko ang pagmamasid habang nakikinig pa rin sa nilalahad ni Clarisse sa amin.

"Kahit na nanghihina, pinilit kong lumabas noon sa kwarto ko. And there. I saw Agustus. Isa sa pinakamalakas na Tereshlian na mayroon ang Persidal Village, nanghihina at halos mawalan ng malay. Noong makita ko siya, iyong katawan ko, mas lumala ang sakit na nararamdaman nito. Pero mas lalo akong nasaktan noong makita kong nawalan ng buhay ang katawan ni Agustus. His attribute gone and he died after that."

Natigilan ako sa sinabi niya. I know how painful to see someone you know died. I've experienced it before at talagang halos ikamatay ko ito noon. Iyong sakit, hindi biro iyon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at noong biglang umihip ang hangin, natigilan ako sa pagkilos. Agad akong naging alert noong may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Natigil din si Clarisse sa pagsasalita at sa paglalakad si Grayson.

"This power," rinig kong sambit ni Clarisse sa tabi ko. "Palagi ko itong nararamdaman pero wala akong makuhang sagot para dito. I feel damn useless!"

"Someone's here." Ani ni Grayson na siyang ikinakuyom ko ng kamao. Hindi na ako nagkomento sa sinabi niya noong bigla akong tumakbo sa kinaroroonan ng kapangyarihang nararamdaman namin.

"Ana!" Tawag ni Grayson sa pangalan ko at naramdaman ang pagsunod nila sa akin. Hindi ko siya pinansin pa at mas binilisan ang pagtakbo. Yes. May tao sa lugar na ito maliban sa mga villagers ng Persidal. Itong kakaibang kapangyarihang naramdaman ko noong tumapak ako sa lugar na ito, dito na masasagot lahat iyon. I'm sure of it. Itong kapangyarihang ito ang nagpapahirap sa mga naninirahan sa Persidal Village!

Bigla akong tumigil sa pagtakbo at nagpalinga-linga sa paligid. Pilit kong hinahabol ang hininga ko at hinahanap ang kapangyarihang naramdaman kanina. Damn it! The power we've felt earlier just freaking vanished! Damn!

"Anastasia!" Mariing sambit ni Grayson sa buong pangalan ko noong tuluyang makalapit na ito sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap sa kapangyarihang naramdaman kania.

Sht! I lost it!

"It's gone, Anastasia. Stop it." Ani ni Gray at marahang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya. "And please, huwag kang basta-bastang tumakbo sa kung saan! Hindi natin alam kung ano ang mayron sa lugar na ito, Ana." Pagalit na wika niya. This time ay tumingin sa ako sa gawi niya. Kita ko ang poot sa mga mata niya. Natigilan ako. He's pissed.

Stop, Ana. Huwag mong sabayan ang init ng ulo ng lalaking iyan.

Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at maingat na inalis ang kamay nito sa braso ko. I ignored Gray's deadly stares and faced Clarisse.

"Palagi mong nararamdaman iyon, Clarisse?" I asked her. Tumango naman ito sa akin.

"At bakit wala kang ginawa?" Tanong ko pa dito. Why, Clarisse?

"Ako lang ang nakakaramdam ng kapangyarihang iyon, Ana. In our village, I was the only one who felt that kind of power. Alam kong mapanganib ito. Ramdam ko ang lakas nito at wala akong ibang pagpipilian kung hindi pakiramdaman na lang ito! Ako na lang ang inaasahan ng ama ko, Ana. I can't risk my life! I'm not powerful enough to face it alone. My mom died because of this shit. Hindi ko hahayaang masira na naman ang ama ko."

I froze when Clarisse suddenly burst. I closed my eyes because of what she said.

Her mom died because of this? Damn it!

"Come on, let's move."

Hindi na ako umangal pa noong marinig kong sabihin iyon kay Grayson. Tahimik kong iginalaw ang mga paa ko at nagpatuloy na sa paglalakad. I felt an overflowing anger within me. Kung sino man ang nasa likod ng nangyayari sa lugar na ito, I'll make sure to make them pay! They took innocent lives here! Kailangan nilang pagbayaran ang pagkuha ng mga buhay ng mga inosenteng Tereshlian sa Persidal Village!

"Ana."

Napatingin ako kay Grayson noong tawagin niya ako. Mukhang kalmado na ito ngayon at wala na ang pagkairita sa mukha niya dahil sa pagtakbo ko kanina.

"Hold your anger, please. Compose yourself. We have a mission here." Seryosong wika nito na siyang ikinagulat ko. Tumango na lamang ako at walang sinabi sa kanya. Grayson knows me well. He can sense it whenever there's something wrong with me.

"We need to find them, Grayson." I manage to said. My hands are shaking right now. Shit!

"We will, Ana. But right now, I need you to relax. Reserve your energy. May paggagamitan tayo niyan mamaya." He said then smiled weakly at me.

Kahit parang aso't-pusa kaming dalawa ni Grayson, still, may pagkakataong nagkakaintindihan naman kami. And I trust him. I trust his word. At kung sinabi niyang may paggagamitan kami mamaya ng attribute ko, then I guess he already find something here.

Napatigil ako sa paglalakad noong tumigil na rin ang dalawa sa paglalakad.

Dahil sa lalim ng iniisip ko kanina, hindi ko na napansin kung nasaan na kami. Napatingin ako sa unahan namin at agarang naging alerto.

I closed my fist when I saw it.

There. I saw a unfamiliar building ahead.

"Anong building iyan, Clarisse."

"I... I don't know, Ana." Sagot nito sa akin.

"I can feel it," turan ko pa at binalingan si Grayson. Namataan ko ang pagtango nito sa akin at niyaya na kaming magpatuloy sa paglalakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top