Chapter 33: Trap
Nagkakagulo na ang lahat sa mansyon ni Hades at heto ako, prenteng nakaupo lang sa loob ng pribadong silid na inilaan sa akin ng pinsan ko.
Sinubukan kong muling bumangon ngunit napangiwi na lamang ako no'ng maramdaman muli nang panghihina ng buong katawan. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.
"Don't force yourself." Agad akong napalingon sa nagsalita. It was Blue. Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng suot na pantalon at isinandal ang likuran sa may pader malapit sa pinto ng silid. Napailing ako sa kanya at sinubukan muling kumilos. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako sa isipan at bigong napaupo muli sa kama.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Blue sa puwesto niya. Mayamaya lang ay naglakad na ito papalapit sa kinauupuan ko, and for the nth times, sinubukan kong muling tumayo ngunit kagaya ng kanina, I failed.
"Stop it, Ana. You need to rest," mariing sambit nito sa akin.
Napailing muli ako. "Nandito na ba sila?" I asked him.
I saw how he shook his head. So, they haven't arrived yet. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng nagising ako. The Malverine felt my dark magic earlier kaya naman paniguradong patungo na sila dito sa mansyon ni Hades! "Rest, Ana. You badly needed that one to gain back your energy." He calmly said to me.
"Sila Grayson at Myst? Wala pa rin ba silang dalawa?" I asked him again.
"Wala pa. We've lost contact to them." Napatingin ako sa kanya noong sabihin niya iyon.
Lost? "What do you mean by that?" Nag-aalalang tanong ko habang hindi inaalis kay Blue ang paningin.
"Kaming Trio ay mayroong way of communication to each other. Since kasama ni Grayson si Myst, nakapag-communicate pa kami kanina. We even reported to them our current situation here. And now, wala na. Hindi ko na sila ma-contact." Paliwanag nito sa akin.
Wala sa sarili kong ikinuyom ang mga kamao. Siguro naman ay walang masamang nangyari sa kanilang dalawa, 'di ba? That's Grayson Tyle and Myst of the Trio! They're pretty strong Agents of Tynera kaya malakas ang pakiramdaman ko, walang masamang nangyari sa kanila pabalik sa lugar na ito!
Mayamaya lang ay sabay kaming natigilan ni Blue noong makarinig kami ng pagsabok mula sa kung saan. Sa lakas nang pagsabog na iyon ay tiyak kong malapit lang iyon dito sa mansiyon ni Hades!
"They're here," seryosong saad ni Blue at mabilis na tumalikod na sa akin.
"Wait, Blue!" I called him. Tumigil ito sa paglalakad at muling binalingan ako. "Sasama ako!" I said to him.
Mabilis naman itong umiling sa akin. "No. You'll stay here, Ana. Hanggang sa bumalik ang enerhiyang nawala sa'yo kanina. Hindi mo naman siguro gustong makuha ka nila, 'di ba?" Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. "Manatili ka at magpahinga muna sa silid na ito, Ana. At kapag kaya mo na, then you can join us. We'll be waiting for you." He said then finally went outside the room.
I sighed. Sinubukang kong muling bumangon. Pero wala pa rin. Hindi ko pa rin kayang ikilos nang maayos ang katawan ko! Releasing my dark magic earlier drained my body. Hindi rin tatalab dito ang healing power ko! Paniguradong magiging pabigat lang ako sa kanila kung ipagpipilitan ko ang nais ko. Rest. Kahit ilang minuto lang, kailangan kong ipahinga ang katawan ko!
I closed my eyes and silently prayed. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanila ngayon.
Please, be safe guys. Until I fully recovered, please, be safe.
Sunod-sunod na pagsabog na ang narinig ko sa labas ng mansiyon ni Hades. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at wala sa sariling napatingin sa bintana ng silid na kinaroroonan. Gusto kong tumayo at maglakad patungo roon ngunit alam kong hindi ko iyon magagawa ngayon. I want to know what's happening outside this room. I... want to help them but my body, it's too risky for me to do anything now! I sighed for the nth times.
So, the war between the Council and the Malverine... it's already started. Totoong nangyayari na ito ngayon dito sa Dark World kung saan nanirahan ang mga kalaban namin.
Napailing na lamang ako at mariing ikinuyom muli ang mga kamao. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaang magpahingang muli ang katawan. Rest. I need to recover fast now!
"Anastasia." Napamulat ako dahil sa narinig ko. Wait... was that Grayson's voice again? "Anastasia! Can you hear me?" Oh my God! Si Grayson nga! Paanong... Hindi naman ito panaginip, 'di ba? Paanong naririnig ko ang boses nito ngayon? "Anastasia! Answer me! Can you hear me?"
"Grayson!" bulalas ko at pilit na ikinilos ang katawan. Enough with my freaking rest! "Nasaan ka?" mabilis na tanong ko ngunit hindi ito agad sumagot sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan.
I took a deep breathe then closed my eyes again. Concentrate, Anastasia. Concentrate.
"Grayson," tawag kong muli sa pangalan nito.
"Thank God you answered! Where are you?" tila natatarantang tanong nito sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago sumagot sa kanya. "Nasa mansyon pa rin ako ni Hades. Kayo ni Myst? Nasaan kayo? Nasa Dark World na ba kayong dalawa?"
"Listen, Ana! You need to get out of that place!"
Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "What's happening, Grayson? At bakit naman ako aalis sa lugar na ito?" takang tanong ko sabay tingin sa nakasarang pinto ng silid. I know, nandito na ang mga Malverine pero nandito naman sa mansyon sila Blue at Lester. Maging ang pinsan kong si Hades ay narito rin. Alam kong hindi nila ako hahayaang mapahamak sa lugar na ito. And the Council members are on their way, too!
"Anastasia, listen to me! Please! Get out of that mansion! Malapit na ako. Sa likod ng bahay ni Hades, doon ka magtungo. I'll be waiting."
Napakagat akong muli ng pang-ibabang labi ko. If he insisted na dapat na umalis ako dito, then delikado nga ang kalagayan ko. I know Grayson. Malakas ang pandama nito. If something's wrong, he'll definitely know!
Kaya naman kahit na nanghihina pa ay pinilit kong tumayo. Dahil nakapagpahinga na ako ng ilang minuto kanina, nagawa ko nang igalaw ang katawan ko. Thanks God! And now, ang tanging problema ko na lang ay kung kakayanin ko bang maglakad patungo sa pinakalikod na bahagi ng mansiyon ng pinsan ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang kumilos.
Maingat ang bawat hakbang ginawa ko. Panay ang ngiwi ko ngunit hindi ko na binigyan pansin pa ang panghihina nang katawan ko. Mayamaya lang ay napatigil ako no'ng makarinig muli ng isang malakas na pagsabog sa labas. Bahagyang umuga rin ang mansyon ni Hades. So, they're finally attacking us now!
Hindi ko na lang binigyan pinansin pa ang mga pagsabog sa labas ng mansyon. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa paglalakad!
Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang sinasabing likuran ni Grayson. Muli kong inihakbang ang mga paa at inabot na ang doorknob na nasa pinto. Pagkabukas ko ay agad ko namang hinagilap sa paligid si Grayson.
Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko dahil walang Grayson Tyler akong nakikita sa paligid. Where is he? "Grayson!" I called him out. Nagpalinga-linga ako at umaasang nauna lang ako sa kanya. "Gray!" I called his name again.
Segundo lang ay naging alerto ako no'ng makaramdam ng kakaiba sa paligid. Napaayos ako nang pagkakatayo at inihanda ang sarili. Nasaan na ba si Grayson? Sabi niya maghihintay siya rito sa akin! Bakit nauna pa ako sa kanya?
I closed my eyes and concentrate again. Just like what we did earlier, I'll try talk to him. "Grayson Tyler! Where the hell are you?" mariing tanong ko. Seconds passed; I closed my fist firmly upon hearing nothing from him. May nangyari bang masama sa kanya? Kaya ba wala siya ngayon dito? "Grayson! Can you hear me? Grayson!"
Akmang imumulat ko na sana ang mga mata ko noong makarinig ako nang pagtawa. Napaawang ang labi ko at pilit na inaalam kung kaninong tawa itong naririnig ko. I'm a hundred percent sure na hindi ito si Grayson!
"I can't believe this. I didn't know na madali ka lang pala maisahan, hah, Anastasia Miller."
Isang hindi kilalang tinig ang narinig ko mula sa kung saan. Who the hell is this? At ano raw? Madali lang akong maisahan? Napailing ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Who are you?" tanong ko habang humahakbang paatras, pabalik sa loob ng mansyon ni Hades! I don't know why but I felt numb in an instant. Siguro ay napagtanto ko na ang ibig niyang sabihin kanina. Kung wala ngayon si Grayson dito, paniguradong naisahan niya ako!
It's a fucking trap! Damn it!
Muli kong inihakbang paatras ang mga paa at noong bigla akong nakaramdaman ng presensiya sa may likuran ko, napakuyom na lamang ako ng mga kamao.
"And where do you think you're going? Hah? Miller?" tanong ng Tereshlian sa likuran ko.
It was a man. Paniguradong miyembro ito ng Malverine! "What do you want?" matapang na tanong ko sa kanya. Kahit na hindi ko ito lingunin, alam kong may sandata itong hawak at nakatutok sa akin. Idagdag mo pa na nararamdaman ko ngayon ang kung anong kapangyarihang taglay nito. I can even feel his power. It's dark... damn it! He possessed dark magic!
"Let me think." He said playfully then paused for a while. "Your power, maybe? What do you think." He continued then chuckled. Napamura na lamang ako sa isipan. This is not good. Hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko ngayon. Hindi ko magagawang makatakas sa lalaking ito!
Napangiwi na lamang ako at muling natiglan noong magsalita itong muli. "Just a little trivia, Anastasia Miller. Only those who have the magic from Book of Creation can communicate through their minds," anito na siyang nagpaawang ng mga labi ko. Can communicate through their minds? Anong ibig sabihin nito? Iyong ginawa niya ba? Iyong pagpapanggap niya bilang si Grayson? So, he was doing it through his mind? Damn it! Naisahan niya talaga ako! I can't believe it!
Wala sa sariling napabuntonghininga na lamang ako. Gusto kong kumalma ngunit alam kong imposibleng mangyari iyon. Abala ang lahat ng tauhan ni Hades. Pati na rin sila Blue at Lester! Paniguradong walang makakapansin sa kanilang wala na ako sa silid kung saan nila ako iniwan kanina!
Napailing na lamang ako at dahan-dahang inihakbang ang mga paa sa unahan ko. Mayamaya lang ay hinarap ko na ang lalaking nasa likuran ko at noong mamataan ko kung sino ito, natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko.
What the hell? Anong ginagawa nito sa lugar na ito? Is he a member of the Malverine?
"Hello, Anastasia. Surprise." He slowly said those words to me then smirked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top