Teaser

ITINAGO ni Yani ang tunay niyang katauhan upang isalba ang kanilang angkan. Matapos ang madugong digmaan sa pagitan ng mga Alpha at Beta, ang mga kalahi niyang Omega ay nadamay. Pinaslang ng mga malulupit na Alpha ang mga magulang niya at ibang angkan. Hindi na niya alam kung mayroon pang natitira sa lahi nila maliban sa kanya.

Nakihalubilo siya sa mga tao upang maitago ang kanyang pagiging lobo. Hangad niya'y kapayapaan ngunit tila tadhana niyang maging parte ng digmaan ng tatlong angkan. Kailangan niyang iwasan ang mga Alpha na noo'y naghahari, upang maprotektahan ang mga taong kumupkop sa kanya.

Subalit sa paghahangad niya ng kapayapaan, natagpuan niya ang sarili sa bisig ng magiting na binata. Si Kipper, nabibilang sa angkan ng mga Alpha. Para sa kanyang simumpaang pangako, ginawa niya ang lahat upang maiwasan ang binata. Subalit habang lumalayo siya rito ay lalo lamang itong napapalapit sa puso niya.

Handa ba siyang isakripisyo ang kanyang damdamin para sa katahimikan? O nararapat na lamang siyang sumugal?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top