Series History
Inspired ang series na ito dahil sa pagkahilig ko sa mga werewolf movies at baliw na baliw ako sa anime character na si Dennis ng Ghost Fighter na isang mahiwagang taong lobo. Ang seryeng ito ay hindi lamang ordinaryong werewolves ang mga characters. Sila ay mga nilalang na puno ng hiwaga at mahika. Ang kuwento ay umiikot sa digmaan ng tatlong angkan ng mga werewolves. Ang mga Alpha, Beta at Omega. Nagsimula ang digmaan sa isang teretoryo at pagpatay sa makapangyarihang pinuno ng mga Alpas. Subalit may mga inosenteng nadadamay at patuloy na inilalaban ang kapayapaan. Ang bagong henerasyon ng mga lahi ang magbabago sa pananaw ng mga ninuno. Matirang matibay. Laman sa laman. Dugo sa dugo. Ngunit sa gitna ng hidwaan ay may mga pusong handang kalimutan ang hidwaan sa pagitan ng mga lahi para lamang sa inaasam na pag-ibig. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalan gayung nalalapit ang blood moon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top