Chapter Two(Unedited)

PASADO alas-tres pa lamang ng madaling araw ay nagising si Yani dahil sa naririnig niyang alulong ng mga lobo mula sa malayo. Kapag ganoong may buwan ay hindi siya nakakatulog nang maayos. Nababalisa siya at mainit ang pakiramdam niya sa kanyang katawan. Kahit nasanay siyang mabuhay na parang normal na tao ay hindi pa rin niya maitatago ang pagiging lobo niya.

Nang hindi pa rin siya makatulog ay bumangon siya at lumabas ng kanyang kuwarto. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator. Nakakarinig pa rin siya ng alulong. May naririnig din siyang ingay ng mga tao mula sa malayo. Matagal na siyang nagdududa na may kinalaman ang mga alpha sa sunod-sunod na kaso ng missing person at mga murder case na naging positibo ang biktima sa rabbis.

Lumabas siya ng bahay at tumambay sa malawak na garahe. Lumanghap siya ng sariwang hangin. Simula noong napunta siya sa puder ni Hulio ay natutunan na niyang kontrolin ang kanyang sarili na huwag kumain ng mga buhay na hayop. Tumingala siya sa kalangitan. Naging sentro ng paningin niya ang bilog na buwan. Hindi naman full moon. Habang nakatitig siya sa buwan ay unti-unti niyang nararamdaman ang mabilis na reaksiyon ng tunay niyang katangian bilang lobo. Anumang sandali ay maari siyang magpalit ng anyo pero pinigil niya. Kapag nagpalit siya ng anyo ay mas mabilis siyang maamoy ng mga alpha.

Nang makarinig siya ng mga sigaw ng tao sa 'di kalayuan ay hindi niya napigil ang kanyang pagbagsik. May taong nasa panganib at nararamdaman niya ang presensiya ng mga lobo. Nang matiyak na mga beta ang lobo ay nagdesisyon siyang lumabas at suyurin ang lugar kung saan niya naaamoy ang mga lobo.

Pagdating niya sa makitid na kalsada ay namataan niya ang babaeng nilusob ng itim na lobo. Bago nito tuluyang malapa ang babae ay sinugod na niya ito. Nakapulot siya ng malaking bato na siyang ipinukpok niya sa ulo ng lobo. Bumulagta ito sa sahig.

"Tumakbo ka na!" utos niya sa babae.

Iika-ika namang tumakbo ang babae dahil naputol pa ang isang takong ng sapatos nito. Nakaamoy pa siya ng presensiya ng ibang lobo. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay saktong susugod sa kanya ang isa pang abuhing lobo. Bago siya nito magalaw ay tinamaan na ito ng paa niya sa dibdib. Tumalsik ito.

Kahit hindi siya magpalit ng anyo ay taglay pa rin niya ang lakas niya bilang lobo. Pero kapag ganoong nagagalit siya ay magiging maamoy ang pagiging lobo niya. Pero bago pa makompirma ng kaaway na isa siyang lobo ay kailangan na niya itong patayin.

Mabilis na nakabangon ang lalaking lobo. Muli siya nitong sinugod. Nawalan siya ng panimbang nang bigla siya nitong daganan. Sinakal niya ito. Ramdam niya ang lakas nito na nagbabadya siyang talunin. Mahihirapan siya kung hindi siya magpapalit ng anyo. Nang ga-daliri na lamang ang agwat ng bunganga nito sa mukha niya ay napilitan siyang magpalit ng anyo.

Sa kanyang pagpapalit ng anyo ay nagkaroon siya ng lakas na maunahan sa pagkagat sa leeg nito ang kaaway. Nang kumalas ito sa kanya ay kaagad siyang bumangon at tuluyan itong nilapa hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Naalarma siya nang makasagap siya ng presensiya ng mga alpha. Hindi siya puwedeng magbalik ng anyong tao dahil napunit na ang damit niya. Kung uuwi naman siya sa bahay nila ay masusundan siya roon ng mga kaaway. Tumakbo na lamang siya at naghanap ng matataguan.

Mabibilis ang mga alpha. Halos natunton na ng mga ito ang lokasyon niya. Pumasok siya sa under contraction na gusali. Kumubli siya sa loob ng palikuran na hindi pa tapos at wala pang pinto. Doon na siya nag-anyong tao. Wala man lang natira sa suot niya. Makakatulong ang anyong tao niya para mawala sa pang-amoy ng mga alpha ang presensiya niya.

Nang malayo na sa pang-amoy niya ang mga alpha ay nagdesisyon siyang lumabas para maghanap ng puwedeng ipangtakip sa hubad niyang katawan. May nakita siyang basyo ng sako ng semento. Puwede na iyong pagtiyagaan. Ipinagpag niya ito saka pinunit gamit ang matulis niyang kuko.

Natigilan siya nang makaramdam siya ng yabag na papalapit sa kanya. Hindi niya maamoy ang presensiya ng tao. Maaring isa rin itong uri ng lobo.

"Ano'ng ginagawa mo sa lugar na ito?"

Kumislot siya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Maagap niyang ibinalot sa katawan niya ang napunit na sako. Masyado itong maliit at husto lang na matakpan ang dibdib niya't kaselanan. Mabuti na lang hindi ganoon kaliwanag ang paligid dahil sa bintana lang na nakabukas lumulusot ang liwanag mula sa buwan.

Marahas niyang hinarap ang lalaki. Nasorpresa siya. Tanda niya ang mukha nito. Ito ang lalaking tumulong sa kanya noong isang gabi na nakipagbuno siya sa isang alpha. Humakbang ito palapit sa kanya. Nang huminto ito may isang dipa ang pagitan sa kanya ay hinigpitan niya ang takip ng kahubaran niya. Ganoon naman ang paglakbay ng paningin ng lalaki sa katawan niya.

"Where's your partner?" tanong nito.

Tumikwas ang isang kilay niya. "Ano'ng partner?" maang niya.

"Your sex partner. Iniwan ka ba niya matapos kang gamitin? Ang cheap naman niya. Maraming desenteng hotel or motel bakit dito ka pa niya dinala?"

Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Uminit ang bunbunan niya dahil sa maling naisip nito. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Wala akong ka-sex at lalong hindi ako narito para sa bagay na 'yan," walang abog na sabi niya.

"So, what are you doing here? Isa ka ba sa construction worker nitong building na dito na inabot ng gabi? At bakit wala kang damit?" curious na sabi nito.

Napalunok siya. Paano ba siya magpapaliwanag?

"Uh... kuwan, n-nalasing ako at-at bakit ba ako magpapaliwanag sa 'yo? Sino ka ba?" iritableng sabi niya nang ma-realize na wala namang pakialam ang lalaking ito kung ano ang problema niya bakit siya naroon sa lugar na iyon.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Mamaya'y hinubad nito ang suot nitong itim na jacket na mabalahibo at mahaba ang laylayan.

"Here, wear it. Baka mapag-tripan ka ng mga lasing," sabi nito sabay abot sa kanya ng jacket.

Hindi na siya nangimi pa. Mabilis niyang kinuha ang jacket saka isinuot. Hanggang hita niya ang laylayan at mabuti may zipper ito. Ligtas na ang kahubaran niya.

"Thank you," sabi niya pagkuwan.

"Nakita na kita, eh. Your face looks familiar. Ikaw ba 'yong pulis na nakipagbuno sa mga lobo?" sabi nito sapagkuwan.

Bumuntong-hininga siya. "Oo, may problema ba?" tanong niya sa maangas na tinig.

"Wala naman. I'm just expressed. Curious pa rin ako bakit ka narito. Naka-duty ka ba?" anito.

"Hindi. Katulad ng sinabi ko, nalasing ako at nagising na lang ako sa lugar na ito," pagsisinungaling niya.

"At wala ka nang damit? Sabi mo nalasing ka. So, baka meron kang kasamang lalaki kanina at iniwan ka matapos ang naganap sa pagitan ninyo," pilit nito.

Uminit na naman ang bunbunan niya. "Wala nga akong kasama," napipikong tugon niya.

"Kung gano'n, bakit wala kang damit?"

Nagtagis ang bagang niya. Hindi na niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Mas pinili niyang manahimik.

"Okay, huwag mo na lang ako sagutin baka stress ka na. Saan ka ba umuuwi? Ihahatid na kita sa inyo?" sabi na lamang nito.

"Huwag na. Salamat na lang," mabilis niyang tanggi. Hindi siya puwedeng magtiwala sa lalaking ito gayung ramdam niya ang presensiya ng lobo sa katauhan nito.

"Hindi ka na safe sa ganitong oras. Huwag mong idahilan sa akin na isa kang pulis. Mas madaling lusutan ang mga kriminal na tao kaysa mga lobo. Aware ka naman siguro roon," anito.

"Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa concern," aniya saka nilagpasan ang lalaki.

Hindi pa siya nakakalayo rito.

"Sandali lang, miss," awat nito sa kanya.

Huminto siya sa paghakbang saka muling hinarap ang lalaki. Nakaharap na ito sa kanya.

"Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" seryosong tanong nito.

Hindi siya kaagad kumibo. Naisip niya, pangalan lang naman ang sasabihin niya. Hindi niya iyon ikapapahamak.

"I'm Yani," tipid niyang sagot saka siya tumalikod.

"Cute name. I'm Kipper, don't forget my name. Take care anyway," sabi nito.

Na-absorb ng utak niya ang sinabi nito lalong-lalo na ang pangalan nito. Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lang ang biglang pagsikdo ng puso niya.

"Thanks," sagot niya saka siya tuluyang humakbang pababa ng hagdan.

PAGDATING ni Yani sa bahay ay kaagad siyang dumeretso sa banyo ng kanyang kuwarto. Naligo siya ng maligamgam na tubig. Habang nakatutok siya sa lumalagaslas na tubig ng shower ay biglang dumapo sa kukoti niya si Kipper. Naisip niya, lobo si Kipper pero kakaiba para sa kanya ang presensiya nito. Hindi ito katulad ng ibang lobo na ibang-iba ang aura at pakikitungo sa mga tao. Parang katulad din niya ito na itinatago ang tunay na katangian. Na-curious tuloy siya rito.

Hindi niya maamoy kung anong lahi ng mga lobo si Kipper. Wala sa aura nito ang bangis ng isang alpha at hindi rin beta o omega. Pero ramdam niya ang lakas nito. Marami na siyang na-encounter na mga lobo, mapa-alpha man o beta pero kakaiba si Kipper. Kung hindi niya papansinin ang wolf side nito ay iisipin niya na isa lamang itong ordinaryong lalaki.

Habang nakapikit siya at mayuming nagkukuskos ng sabon sa katawan ay sinakop naman ng imahe ng binata ang isip niya. Kung pisikal na anyo ang titingnan, aminado siya na isa si Kipper sa mga lalaking may malakas na sex appeal at attractive para sa kanya. Hindi ito literal na guwapo. Ang mukha nito ay nakakaagaw atensiyon. Halos perpekto rin ang hubog ng katawan. Total package ika nga.

Dumilat siya at ipinilig ang kanyang ulo.

Bakit ko ba siya iniisip? Isa siyang ekstrangherong lobo na hindi dapat pagkatiwalaan, sentimiyento ng isip niya.

Matapos magbanlaw ay binalot niya ng tuwalya ang hubad niyang katawan. Natigilan siya nang mapatingin siya sa hinubad niyang jacket na isinabit niya sa likod ng pinto. Bumalik na naman sa isip niya si Kipper. Bumuntong-hininga siya at tuluyang lumabas. Kaagad siyang nagbihis.

Hindi na siya natulog ulit dahil alas-singko na ng umaga. Nagtungo na lamang siya sa kusina at nagluto ng almusal. Nang marinig niya ang yabag na pababa ng hagdan ay nagtimpla siya ng kape. Nagising na rin si Hulio.

"Hija, ang aga mo namang nagising," bungad sa kanya ng ginoo nang makapasok ito sa kusina.

Ibinigay na niya rito ang natimpla niyang kape. Tinanggap naman nito iyon saka ito lumuklok sa silyang katapat ng preparing table.

"Nahirapan na po kasi akong matulog ulit kaya bumangon na ako," aniya. Hindi niya ikinukuwento rito ang mga panakaw sandali niyang paglabas ng bahay sa alanganing oras. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi naman po. Ganito na talaga ako sa tuwing lumalabas ang buwan. Hindi ko pa rin maiiwasan ang natural kong katangian," aniya.

"Oo nga naman. Nag-aalala ako para sa 'yo, anak. Nabalitaan ko na dumarami na ang namamatay kagagawan ng mga lobo. Noon ay hindi naman nakakarating ang mga iyon sa bayan. Baka wala na siyang mabiktimang ibang hayop sa gubat kaya mga tao naman ang pinapatay nila at kinakain."

"Maaring iyon po ang dahilan. Pero ramdam ko na may iba pa silang pakay kaya sila narito," aniya.

"Ano naman ang pakay nila?"

"Baka isa na ako sa pakay nila. Hindi titigil ang mga matataas na lahi ng lobo hanggat may natitirang katulad ko. Alam kasi nila na kapag umusbong ulit ang lahi ko ay mauulit ang digmaan. Maaring gusto nilang mabura ang ibang lahi ng lobo para sila ang umangat."

"Hindi ko maintindihan. Ano ba ang layunin ng mga lobo?"

"Nag-aagawan ng teretoryo ang mga lobo. Karamihan sa kanila ay pumapatay para lang mabuhay. Ang pagkakaalam ko, payapa noon ang pamumuhay ng mga lobo. Walang lamangan at walang minamaliit. Nagsimula ang digmaan dahil sa ganid na miyembro ng alpha. Gusto niya mas umangat sila at kilalaning pinakamalakas. Inalipin nila ang katulad naming mabababa. Hindi nakatiis ang mga ninuno ko. Nagdesisyon silang lumaban at kalabanin ang mga alpha na sumakop na rin sa teretoryo namin. Doon nagsimula ang madugong digmaan. Pero sa huli, nanaig pa rin ang mga alpha," kuwento niya.

"Kung gano'n ikaw na lang ang natitira sa lahi mo?"

"Hindi ko po sigurado. Baka meron pa na katulad ko at nagtatago rin."

"Kung hindi mananahimik ang mga lobo, dapat ay kumilos na ang mga tao para matugis sila."

"Tama po kayo. Ang kaso, ayaw paniwalaan ng mga kasama kong pulis na mga lobo ang pumapatay."

"Pero ang sabi mo, naging positibo sa rabbis ang mga biktima."

"Opo. Kailangan pa nilang humingi ng mas matibay na ebidensiya."

"Anong ebidensiya? Wala akong tiwala sa bagong officer ng istasyon ninyo. Baka may kinikilingan siya," naiinis na sabi ni Hulio.

"Nagdududa nga rin po ako. Kapag tungkol sa lobo ang isyu, walang kibo si Gen. Carlos," aniya.

"O baka nakikinabang siya sa mga lobo."

"Maaring tama kayo."

Inihain na niya ang niluto niyang almusal. Sinangag at pritong daing na bangus ang niluto niya. Kumain na rin siya.

MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Kipper. Maingay na sa labas ng kuwarto. Hindi talaga siya sanay na mas mahaba ang umaga kaysa gabi. Karamihan sa katulad nila ay nocturnal. Mas aktibo sila sa gabi lalo na kapag may buwan.

Paglabas niya ng kuwarto ay kaagad siyang nagtungo sa gubat at naligo sa batis. Nakatutok siya sa bumabagsak na tubig nang maramdaman niya ang presensiya ng lobo. Nagmulat siya ng mga mata. Namataan niya si Thunder na inaamoy ang hinubad niyang damit. Umahon siya at nilapitan si Thunder. Nagsuot lamang siya ng underwear.

"May naamoy ako sa damit mo," sabi nito.

"Ano'ng amoy?" seryosong tanong niya.

"Amoy ng isang omega."

Bigla siyang kinabahan. Napakalakas talaga ng pang-amoy ni Thunder. Kahit hindi siya nahawakan ng ibang lahi ng lobo basta nakaharap niya ito ay naamoy ito ni Thunder.

Nasilayan niya ang light green na mga mata ni Thunder. Ang normal nitong eyeball ay kulay dilaw. Kapag nagpapalit iyon ng kulay, ibig-sabihin ay hindi ito kalmado.

"Nasaan ang omega?" usig nito sa kanya.

"Nawala siya sa paningin ko," sagot niya.

"Pero nakaharap mo siya, tama?"

Hindi siya makapagsinungaling kay Thunder. "Oo. Hinayaan ko siyang umalis," aniya.

Napansin niya ang mariing pagkuyom ng mga lapad ni Thunder. Nagtagis ang mga bagang nito.

"Babae siya, tama?" tumbok nito.

Sasabihin sana niyang hindi pero ayaw niyang magalit sa kanya si Thunder. Mamaya ay kumalma rin ito. Tumango na lamang siya bilang tugon sa tanong nito.

"Pamilyar sa akin ang amoy ng omega na 'yon. Iniisip ko tuloy kung bakit mo siya pinaalis," sabi ni Thunder habang sinusuyod siya ng tingin.

Napangiti siya. "Mukha siyang inosente at ramdam ko na wala siyang kinalaman sa digmaang naganap," aniya.

"O baka dahil na-attract ka kaagad sa kanya," tudyo nito sa kanya.

"I saw her naked. Kakatapos lang niyang mag-transform dahil sa kagustuhan niyang makalayo sa mga alpha," sabi niya.

"Hindi mo ba siya kayang hulihin na buhay?" pilyo ang ngiting tanong ni Thunder.

"Bakit ko naman siya huhulihin na buhay?" curious na tanong niya.

"Ibigay mo siya sa akin. Kapag buhay siyang nakarating sa akin, ako mismo ang magpapalaya sa mga ninuno mong mga beta na nakakulong."

Nanlalaki ang mga matang tumitig siya kay Thunder. Ano kaya ang binabalak nito?

"Seryoso ka ba? Paano mo palalayain ang mga bilanggo?" aniya.

"Papatayin ko si Leseo. Siya lang naman ang hadlang sa kalayaan ng lahat, 'di ba?"

Naalarma siya. Alam niyang magagawang patayin ni Thunder si Leseo pero ni minsan ay hindi niya naisip na gagawin nito iyon. At kapalit lang ay buhay ng babaeng omega na nakilala niya? Nagdududa siya sa ideya ni Thunder.

"Bigla ka atang naging rebelde, Thunder. Bigyan mo ako ng mas matibay na dahilan para sundin kita," sabi niya.

"Gusto lang kitang tulungan."

"Pero may kapalit."

"Isang omega lang naman," anito.

"Hahanapan kita ng omega basta maging tapat ka sa akin."

Pilyong nugmiti si Thunder. "Gusto ko ang babaeng omega na nakilala mo. Si Yani. Siya lang, wala nang iba," matatag na sabi nito.

Binato niya ng mapang-usig na tingin si Thunder. Nawindang siya nang banggiting nito si Yani.

"Ano'ng kailangan mo sa kanya?" sigurestang tanong niya.

"Hindi mo na kailangang malaman. Labas iyon sa kasunduan."

Nagulo na ang isip ni Kipper. Nang makita niya si Yani ay nagsimulang nagulo ang isip niya. Hindi tuloy niya malaman kung dapat pa ba niya itong ipagkanulo sa mga alpha. Wala siyang tiwala kay Leseo at sa pagkakataong iyon ay wala na rin siyang tiwala kay Thunder. Kilala niya ito. Kapag may gusto itong gawin o makuha, nagtatagumpay ito na walang kahirap-hirap.

"Bigyan mo ako ng panahong mag-isip, Thunder," pagkuwan ay sabi niya.

"Hindi mo kailangang mag-isip kung wala kang espesyal na interes kay Yani, Kipper."

Natigilan siya. Kung tutuusin, pareho ang kapalit ng serbiyo niya kay Leseo at sa hinihinging pabor ni Thunder. Bigla siyang nairita.

"Bakit kilala mo si Yani? Bago tayo magkasundo, gusto kong malaman kung ano ang pakay mo sa kanya," aniya.

Matamang tumitig sa kanya si Thunder. Nagbago na naman ang kulay ng mga mata nito. Hindi ito komportable sa sinabi niya.

"Saka ko na sasabihin sa 'yo kapag nasa akin na siya. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya papatayin," sagot nito, bagay na lalong nagpainis sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Kung tutuusin, makukuha nito si Yani na hindi kailangan ang tulong niya.

"Interesado ka pala kay Yani, bakit hindi ikaw ang personal na humuli sa kanya?" usig niya sa kasama.

"Hindi siya basta sasama sa akin gayung alam niya na isa akong tunay na alpha."

"Puwede mo namang daanin sa dahas."

"Mahina ako pagdating sa babae, Kipper. Hindi ko kayang manakit ng katulad niya. Mas madali mo siyang makuha dahil hindi niya masasagap ang dugong alpha sa 'yo. Hindi siya basta lalaban sa alam niyang mababa ang lahi."

Namangha siya. Mukhang maraming alam si Thunder tungkol kay Yani. "Gusto mo ba si Yani?" walang gatol na tanong niya kay Thunder.

Hindi sumagot si Thunder. Inaantabayanan pa rin niya ang sagot nito. "Kapag hindi mo ako sinagot, ibig sabihin ay gusto mo talaga ang omega na 'yon," aniya.

Biglang tumawa si Thunder. Nakakaloko ito. Mariing kumunot ang noo niya.

"Alam naman natin pareho na karamihan sa mga omegang babae ay magaganda. Magaganda rin ang quality ng ugali. Sabi nga ng lolo ko, perfect mate ng alpha ang omega. Magiging rare at katamtaman kasi ang timpla ng susunod na henerasyon. Pero alam mong ayaw kong nahuhumaling sa babae. Ayaw ko sa kahinaan ko," ani Thunder.

"Duwag ka lang sa usapang pag-ibig."

"Ano ba ang pag-ibig para sa katulad natin? We can spread our legacy without love. Just fuck a woman and let her carry our child and get birth. Normal na tao lang ang nalululong sa pagmamahal."

Naiinis siya sa mga salita ni Thunder. Mukhang alam na niya kung ano ang pakinabang ni Yani sa puder nito. Noon lang niya naisip na may pagka-sakim din si Thunder. Pero ito ang nakitaan niya ng sense of leadership. Kapag napatay nito si Leseo, ito ang titingalaing pinuno. Bigla siyang naingganyo sa inaalok nitong oportunidad sa kanya.

"Iwan mo muna ako rito. Magpapalamig lang ako," aniya pagkuwan.

"Sige. Kalabitim mo lang ako kapag nakapagdesisyon ka na," sabi ni Thunder saka siya iniwan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top