Chapter Four
BUMILI si Kipper ng gasolina para sa kotse ni Yani. Mabuti na lang kumalma na ang galit sa kanya ng dalaga. Nag-iingat na siya sa mga salitang binibitawan niya at maging sa pagkilos gayung alam na niya na mainit ang dugo sa kanya ni Yani. Mahihirapan siyang makuha ang loob nito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapagdesisyon kung kanino siya papanig. Kay Leseo ba o kay Thunder? May isa pa siyang problema. Si Blaze.
Maawtoridad magsalita si Blaze at lahat ng sinasabi nito ay napapanindigan nito. Binalaan na siya nito na huwag niyang papakialaman si Yani. Alam niya hindi titigil si Blaze hanggat hindi nakukuha ang simpatiya ni Yani. Sa huli, mag-aagawan sila para lang sa nag-iisang omega. Kung tutuusin, puwede niyang puwersahin si Yani na sumama sa kanya at gawin kung ano ang napagkasunduan nila ni Leseo. Subalit bigla siyang naguguluhan. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
"Magkano ang babayaran ko sa gasolina at serbisyo mo?" tanong ni Yani sa kanya matapos maisalin niya sa tangke ng kotse ang gasolina.
"Credit mo na lang ito sa akin," tugon niya.
"May pambayad ako," giit nito.
"Hindi ako tumatanggap ng pera," aniya.
"So, ano ang gusto mo?"
Tumayo siya ng tuwid at humarap sa dalaga. Deretsong tumitig siya sa mga mata nito. Gusto niya ang mga mata nito at ang light brown na mga eyeballs.
"I want your trust and attention," hindi napag-isipang sagot niya.
Tumawa ng pagak ang dalaga. "You got my attention, asshole. Now, tell me how can I trust you? Sa palagay mo ba pagkakatiwalaan kita matapos mong pinatakas ang isang alpha? Dahil sa ginawa mo ay malalagay ako sa alanganin," anito. Pumalatak na ito.
Lumabi siya. "That's what I'm pointing out, lady. You're in danger. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka. Ang payo ko lang sa 'yo, tigilan mo na ang pag-hunting sa mga alpha. Isipin mo, nag-iisa ka lang," sabi niya.
"Hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang bata at mga militar na handang makiisa sa akin para puksain ang mga kagaya mo."
Nagtagis ang bagang niya. Bilib na talaga siya sa tapang ng babaeng ito. Ang totoo, kaya niya pinatakas ang alpha na papatayin sana nito ay para hindi ito basta maamoy ng mga alpha. Pero para sa kaligtasan nito at hindi na makarating pa kay Leseo ang tungkol dito ay siya na ang pumatay sa nakatakas na alpha. Para na rin iyon sa kaligtasan ng mga inosenteng tao. Kapag kasi nakialam ang mga tao sa mga lobo, magkakaroon ng civil war sa lugar nila.
"Alam ko napamahal ka na sa mga tao. Of course, you don't want to drag them in a mess. But you're about to betray them because of your rebellious strategy. You're no longer a hunter, nor a van helsing but a modern werewolf. You're also one of us. You're still a wolf," aniya.
Naging uneasy ang dalaga. "Hindi pa aware ang mga tao sa unti-unting pag-ubos ng pamilya nila. Obligadong kikilos ang mga tao dahil ang mga alpha mismo ang nagsimulang makialam sa mga tao. I'm a police. I know what happening in my area of responsibility. Some criminal cases are committed by wolf. We have evidence from DNA result. Nasaksihan mo naman siguro ang ibang kasama mo na nagbibiktima sa mga bars. Malinaw na plano ng mga kauri mo na sakupin ang sangkatauhan."
Dahil sa impormasyong binaggit ni Yani ay lalo lamang siyang nagduda kay Leseo. Tama ang hinala niya na may maitim na plano si Leseo sa mga tao.
"I'm not aware about that but I'm trying to investigate my fellow alpha," pahayag niya.
"You're an alpha. Once alpha, always an alpha. Hindi ko iyon nakakalimutan at kayo ang dahilan kung bakit naubos ang lahi naming mabababang uri ng lobo," may gigil na sabi ng dalaga.
"I'm not pure alpha. Isang beta ang nanay ko," aniya.
"But still, you have fifty percent alpha blood."
"That's why you won't trust me?"
Hindi sumagot ang dalaga. Binuksan na nito ang pinto sa driver side ng kotse nito. Mukhang lalayasan na siya nito.
"Are you leaving?" tanong niya.
"Of course, I can't stay here with you," sabi nito at may kinuha sa loob ng kotse.
Pagbalik nito sa kanya ay isinuksok nito ang pera sa bulsa ng jacket niya. Hindi siya nakahuma nang mabilis itong nakapasok sa kotse. Tumabi na lamang siya upang makapagmaniobra ito.
Pagdating ni Kipper sa teretoryo ng mga alpha ay nasalubong niya si Leseo sa bulwagan. Nababasa niya sa mga mata nito ang poot. Hindi puwedeng hindi niya ito kibuin. Natitiyak naman niya na hindi nito mahahalata na isa siya sa pumatay sa alagad nito.
"Lingid ba sa kaalaman mo ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga alpha sa bayan? Palagi kang lumalabas ng gabi para sa sarili mong misyon kaya umaasa ako na alam mo kung ano ang nangyayari. May ideya ka ba kung sino ang hunter na ito?" bungad sa kanya ni Leseo.
May isang dipa lang ang layo niya rito kaya kailangan niyang maging maingat sa pagbitiw ng salita.
"Alam ko ang nangyayari. Hindi ko kilala ang hunter at hindi rin ako sigurado kung tao ba ito o isa ring lobo," sagot niya na nagpoprotekta sa kanyang nalalaman.
"Gusto kong idagdag mo sa listahan mo ang hunter na ito. Dalhin mo siya sa akin, patay man o buhay," maawtoridad na utos sa kanya ni Leseo.
"Sisikapin ko pong magawa ang gusto n'yo, pinuno," aniya.
Nang iwas na siya ni Leseo ay dumeretso siya sa kanilang hang-out. Sa likod ng gusali kung saan mayroon silang barracks. Naabutan niya si Chaser at Thunder na pinagtutulungang kinakatay ang isang baboy ramo. Tamihik ang dalawa habang nagtatrabaho. Malamang alam na rin ng mga ito ang tungkol sa pagkamatay ng ilang alpha.
"Kumusta, Kipper? Mukhang busy ka, ah," kaswal na bati sa kanya ni Chaser.
"Oo. May problema tayo," sabi niya.
"Tungkol sa hunter na pumapatay sa mga alpha?" anito.
Sinipat niya si Thunder na nag-abala ring sulyapan siya. Hindi pa siya nakikipagsundo rito tungkol sa hiling nito. Alam niya naghihintay lang ito sa desisyon niya.
"Oo. Sunod-sunod na ang namamatay," aniya.
"That's a curse made by our own legacy," komento naman ni Thunder.
"Oo, dahil hindi makontento ang pinuno natin sa kung anong meron sa kanya," gatong naman ni Chaser.
Mukhang may alam ang mga ito. Meron na rin siyang mga ideya. "May balak ba si Leseo na gawing beta ang mga tao? Para ano?" hindi natimping sabi niya.
Si Chaser ang sumagot. "Palalakasin niya ang puwersa niya dahil alam niya na meron nang grupo na balak siyang pabagsakin. Sa panahon natin ngayon, hindi lang magkakaibang lahi ang nagsasalpukan, kundi laman sa laman at dugo sa dugo. Kaya hindi natin masasabi kung sino ang kakampi at kaaway."
Nabaling ang tingin niya kay Thunder na sumabat. "Only omega can saved the partition of unions. Ang mga beta at omega kapag nagsama, parang alpha rin ang lakas. Kaya gustong ubusin ni Leseo ang mga omega ay dahil alam niya na kapag nabuo ulit ito ay maglalakas-loob ang beta na bumuo ng rebellious group na pupuksa sa legacy ng alpha. Aware rin si Leseo na may mga alpha na against sa kanya," ani Thunder.
"So, kailangang patayin si Leseo para matigil ang gulo, tama?" tumbok niya.
Matamang tumitig sa kanya si Thunder. "That's not the main solution. Kahit mamatay si Leseo, nariyan pa ang sandamakmak niyang taga-sunod na kontrolado niya kahit pa siya ay mamatay," sagot nito.
"So ano ang benefits na makukuha natin kapag namatay si Leseo?" paglilinaw niya.
"Freedom and power to build our own union," mabilis na sagot ni Thunder.
"Pero kakalabanin pa rin tayo ng mga beta," sabi niya.
"That's possible if we will start the war. Huwag na nating hintayin na mangyari 'yon. Dito ay agawan ng teretoryo at kapangyarihan. Ang ibang alpha, kapag alam nilang may isang undefeated member na naghahari, hindi sila kikilos na labag sa kagustuhan nito. Hanggat buhay si Leseo, walang maglalakas-loob na magpapakitang gilas," wika ni Thunder.
"Unless if you would decided to kill him, Thunder," tukso ni Chaser kay Thunder.
"Hindi ko gagawin 'yon kung wala akong makukuhang magandang benepisyo," ani Thunder.
"We dare you, Thunder. Name what you want and we will give it to you. Of course, you need to kill Leseo," hamon ni Chaser.
Natameme si Kipper. Alam niya kung ano ang gustong kapalit ni Thunder. Awtomatikong tumitig sa kanya si Thunder, tila inuusig siya.
"Alam ni Kipper kung ano ang gusto ko," pagkuwan ay sabi ni Thunder.
Sinulyapan siya ni Chaser. Naloko na. Kumalat na ang privacy ni Yani, na dapat ay siya lang ang nakakaalam. Alam niya uusigin siya ni Chaser sa gusto ni Thunder. Matagal na nito gustong makalaya sa kamay ni Leseo. Kapag nalaman nito ang tungkol kay Yani ay siguradong kikilos kaagad ito.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto ni Thunder, Chaser. Para rin ito sa kalayaan nating lahat," ani Chaser.
Wala siyang tiwala kay Thunder. Hindi rin siya naniniwala na basta nito mapapatay si Leseo. Kadugo nito si Leseo dahil kabilang ito sa angkan nito. Kung papatayin nito si Leseo ay wala nang matitira sa angkan nito. Malakas ang kutob niya na may personal interest ito kay Yani. Isa pa, unti-unti na niyang nakikilala si Yani. Kung wala itong kuwenta sa kanya, dapat ay pinugutan na niya ito ng ulo noong natuklasan niya na isa itong omega.
"Magdesisyon ka na, Kipper. All for one, one for all tayo rito. Wala ka bang tiwala sa akin?" usig sa kanya ni Thunder.
"Oo nga naman, Kipper. Partido tayo, eh. Hindi habang buhay ganito lang tayo na nagpapakaalipin sa walang kuwentang pinuno," si Chaser.
Bumuntong-hininga siya. "Sorry, kailangan ko munang magpahinga," sabi niya saka iniwan ang mga kasama.
Dumeretso siya sa bakanteng barrack saka humiga sa papag. Ginawa niyang unan ang kanyang mga braso saka siya nagmuni-muni. Mamaya'y naramdaman niya ang presensiya ni Thunder.
"How's Yani?" tanong ni Thunder na siyang tumulak sa kanya paupo. Hinarap niya ito.
Nakasandig ito sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. "She's fine," sagot niya.
"Siya 'yong pumapatay ng mga alpha, 'di ba?" anito.
"Paano mo nalaman? Sinusubaybayan mo rin ba siya?" curious na tanong niya.
"I'm always watching her from afar."
"Kung gano'n bakit hindi mo siya puwersahin kunin kung iyon ang gusto mo?" usig niya rito.
"Galit sa akin si Yani."
"Galit?" Nangunot ang noo niya.
"Nagkita na kami dati. Nag-aaral pa siya sa college. Na-recognize kaagad niya na isa akong alpha. Pinagbintangan niya ako na pumatay sa kaibigan niya dahil ako ang naabutan niya noong naliligo sa dugo ang kaibigan niya. Pero ang totoo, tinulungan ko lang ang kaibigan niya na nilalapa ng lobo. Ang kaso, nakatakas ang isang alpha. Nagpaliwanag ako sa kanya pero hindi siya naniwala. Sinubaybayan ko pa rin siya pero hindi na ako lumalapit," kuwento ni Thunder.
"So, sumuko ka na kaagad?" usig niya.
"Hindi ako sumuko. Binigyan ko lang siya ng pagkakataong makalimutan ang nangyari. Pero baka kapag nakita niya ulit ako ay muli niya akong maalala."
"Bakit gusto mo siyang makuha?" usisa niya.
"We're destined for each other."
"What?" Napatayo siya.
"Maraming dahilan kung bakit gusto ko siyang makuha. It's not just about my personal intention. It's one of my goals in life, to build new family with her."
Pakiramdam ni Kipper ay hinahatulan siya ng kamatayan habang inuunawa ang mga sinasabi ni Thunder tungkol kay Yani. Ang ibig ba nitong sabihin ay may koneksiyon sa buhay nito si Yani?
"Do you think I'm the right creature you trust to?" seryosong tanong niya.
"You're a good friend of mine so I have to trust you. Magtulungan na lang tayo, Kipper. I'll give you what you want and I do the same way."
"So, ano ang gusto mong gawin ko? Liligawan ko si Yani para sa 'yo?" aniya.
Thunder grinned. Of course, his idea was stupid. "Hindi magandang ideya, 'yan. You have your own charm at alam kong kaya mong magpaibig ng babae. Well, puwede rin. Pero aaminin ko, wala akong gusto kay Yani. Gusto ko lang tumupad sa isang pangako."
Nag-init ang bunbunan niya dahil sa sinabi nito. "Hangal ka! Hindi basta-bastang babae si Yani. Hindi siya puwedeng paglaruan," angil niya.
"Bakit? Sino ba siya para sa 'yo? Hindi ba isa lamang siyang susi para sa nakakulong mong ninuno? At oo nga pala, bakit hindi mo pa siya dinadala kay Leseo? Hindi ba iyon ang kasunduan ninyo?" buwelta nito.
"Kapag ginawa ko 'yon, papatayin mo ako," sabi niya.
"Of course I will. Talagang papatayin kita," may gigil na sabi ni Thunder.
Ito ang matinding makakalaban niya kapag may ginawa siyang masama kay Yani. Balewala siya rito. Para lang siyang crystal na tinamaan ng kidlat kapag kinalaban niya ito. Idinaan na lang niya sa tawa ang frustration niya.
"Ang totoo, hindi ko siya kayang ibigay sa 'yo na buhay. Ne hindi ko nga siya kayang makuha sa pansarili kong interes. She's brave," aniya pagkuwan.
Napangiti si Thunder. "Alam ko 'yon. Kaya nga hinahamon kita. Good luck na lang," anito saka siya iniwan.
Bumalik siya sa higaan at pinag-iisipan ang mga susunod niyang hakbang. Napapangiti siya sa tuwing naiisip na unti-unti na rin siyang nakakapasok sa buhay ni Yani. Naalala niya, noong bata siya ay galit siya sa mga babaeng omega. Pinapahalagahan kasi ito ng Tatay niya. Kapag may nahuhuli siyang hayop na kakainin ay ibinibigay ng tatay niya sa mga gumagalang babaeng omega. Ang turing niya sa mga ito ay kaaway.
Nang hindi siya makatulog ay bumangon siya at muling gumala. Alas-dos na ng madaling araw. Tahimik na ang bayan. Nang mainip ay dinala siya ng mga paa niya sa bahay nila Yani. Nasa labas lang siya ng bakuran at nakatanaw sa bintana ng kuwarto ng dalaga. Nakabukas pa ang ilaw nito. Malamang gising pa ito. Nang bumukas ang bintana ng kuwarto ay kumubli siya sa likod ng poste ng kuryente. Dumungaw roon ang dalaga at nag-unat ng mga braso. Manipis na puting pantulog lang ang suot nito. Nakalugay ang mahaba nitong buhok.
Nang mag-ingay ang mga aso sa loob ng bakuran ay nagdesisyon na siyang umalis. Malamang naamoy siya ng mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top