CHAPTER 21
"Mawawala ako for 3 weeks, mag-ingat ka dito ha?" May pag-aalala na sabi ni Al sa kanya. May aasikasuhin daw siya sa Korea for three weeks.
"I'll be fine here, ano ka ba. Andito naman si Kuya eh."
"Kahit na, at saka hindi naman palaging narito si Gab ah. May trabaho rin 'yong kapre na 'yon tulad ngayon." Natawa siya sa huling sinabi nito.
"Okay lang talaga ako, sige na baka ma late ka pa sa flight mo." Tumango si Al at hinalikan siya sa noo bago umalis.
Nanghihinang naupo siya sa sofa sa sala. Siya na lang ang tao dahil nasa trabaho na ang Kuya niya, hindi niya sinabi kay Aljun na kanina pa sumasakit ang tiyan niya baka kasi hindi na ito tumuloy, baka nagiging pabigat na siya.
"Baby, anong problema?" Sabi niya sabay himas sa malaki na niyang tiyan.
"A-aray naman.." Reklamo niya. Tumayo siya, hindi niya alam bakit bigla na lang sumakit ang tiyan niya, hindi pa naman nya due date, next month pa naman.
"Baby maawa ka naman kay mommy.." Lumabas siya at nagpunta sa harden, lilibangin niya muna ang sarili para naman hindi niya masyadong maramdaman ang sakit pero parang mas lumala pa ang sakit nang lumakad siya ng lumakad.
"Sht.." Sapo-sapo niya ang tiyan pabalik sa loob para kunin sana ang cellphone nya pero hindi na nya talaga kaya pang humakbang dahil sa sakit.
Napapikit na lamang siya. Hoping for someone na darating para tulungan siya.
"God!" Sigaw niya. Her water bag broke!
"Jesus, bakit ngayon pa?"
"I'm here love, I'm here." Nakahinga siya nang maluwag, pero masakit pa rin ang tiyan niya.
"Z-Zandro.." Ngumiti si Zandro sa kanya at binuhat siya palabas at sinakay sa kotse nito.
"M-make it fast p-please? Lalabas na sila." Nahihirapang sabi niya.
"H-ha? K-kambal ang anak natin?" Gulat na tanong ni Zandro. Hindi nya alam kung naka titig ba iti sa kanya dahil nakapikit siya habang iniinda ang sakit.
"Please tama na ang satsat.." Pabulong na niyang sabi.
"God! Sorry.." Mabilis naman itong pina-andar ni Zandro at ilang minuto pay dumating na sila sa ospital.
"Miss! Manganganak na 'yong misis ko!" sigaw ni Zandro habang buhat-buhat siya nito papasok. Tinulungan naman sila nito agad at dinala sa delivery room.
"Sir, diyan lang kayo sa labas." Pakiusap ng nurse.
"Please, let me in. I want to see her giving birth. I want to be with her while she's giving birth. Please?" Walang magawa ang nurse kundi pumayag and that's make Zandro more happy.
"I'll make up with you this time, I will do the right thing. Please be safe baby.." Bulong niya habang hawak na niya ang kamay ni Xyra.
"Relax lang po, Ma'am." Sabi ng doktor. "Enhale, exhale then push!" Mahigpit na napakapit si Xyra sa kamay niya habang umi-iri. Unang iri pa lang ang may luha ng dumaloy mula sa mga mata nito.
"You can do it, Love. Sshhh." Bulong niya dito at saka nihalikan ang kamay na hawak-hawk niya.
"Again, push!" Naka-apat na iri ay lumabas na ang ulo ng bata.
"It's a boy!" Hindi niya mapigilang maluha habang nakatingin sa anak niya. He can't believe. Tatay na talaga siya.
"May isa pa, relax, then enhale and exhale, push!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Xyra mukhang pagod na ito.
"Relax lang..sige push." He give her kisses on her hands para mawala naman ang pagod nito kahit kunti, she needs it and he knew it.
"Malapit na. Again, one push na lang." She let out a loid shout again as the baby girl came out.
"Congratulations! It's a baby girl!" Napaluha siya sa tuwa.
"So this is the feeling of being a father huh?" Naiiyak niya bulong sa sarili.
"Your daughter and son are healthy but we need to check them up time to time dahil kulang sila sa isang buwan. Ililipat na namin siya sa private room, sir. Congratulations ulit." Ngumiti siya at nagpasalamat.
God knows how happy he is right now. Gagawin na niya kung ano yong tama, kung ano 'yong dapat niyang gawin. Mahal niya si Xyra and he can't deny that anymore.Huli na man na ma-realize niya at least nalaman niyang si Xyra talaga ang mahal niya.
"Kuya! How is she? Ang mga bata?" Ngumiti siya sa kapatid. Mabuti at dumating na ito, kanina pa siya text ng text sa kapatid.
"They're fine. She's fine."
"What's with the smile?"
"I'm just happy. So happy right know Zara. Tatay na ako! Oh god! I can't believe it." Naningkit ang mga mata ni Zara.
"Really Kuya? Are you sure na tatanggapin ka ni Xyra?" Nawala ang ngiti ni Zandro.
"Gagawin ko kung ano ang tama ngayon, Zara. I'll do everything just to have her again." Ngumisi si Zara.
"Well, goodluck brother."
~~~
AYAN MAY UPDATE NA! Meron din bukas, pero hindi sure may date ako pero joke lang, wala akong lovelife, pahingi naman. HAHAHAHA.load na lang 10 lang pang extend ng GOSURF Ko hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top