Chapter 19

Im so sorry, I am so busy, hindi ko alam na ganito ka stress ang college😌 but anyways kakayanin!And hell week is not done yet. So bear with the super delayed update😔

----

Months went so fast. It's her 6th month of pregnancy, malaki na ang tiyan niya at sobrang nahihirapan na siya. She can't do what she normally do but well, Aljun was there. Always there for her.

"Paliguan nalang kaya kita?" Sumimangot siya at kinurot niya ang tagiliran ni Aljun.

"Okay lang ako, ano ka ba. I can do it myself. Sige na, sa baba ka na."

"Sigurado ka ba? Baka madulas ka." Umiling siya at tinulak palabas ng kwarto si Aljun.

"Kaya ko na to, wait for me downstairs. 'Kay?" Walang magawa si Aljun kundi ang bumaba at hintayin na matapos si Xyra.

Fifteen minutes after, bumaba na si Xyra wearing her peach off-shoulder dress. Lumapit siya rito at inalalayang bumaba.

"Thirty minutes na lang, dadating na ang mga bisita, sigurado ka bang dito ka sa sala?" Tumango siya. Birthday ng Kuya Gabriel niya at may party sa bahay, ayaw sana ng Kuya niya pero hindi siya pumayag na walang party, once a year lang ang birthday at dapat talagang i-celebrate 'yon kasama ang pamilya at kaibigan but sad to say, hindi makaka-uwi ang mga magulang nila.

"Ikukuha kita ng spaghetti, gusto mo?" Umiling siya. She's craving mango float, 'yon ang gusto ng baby niya.

"Mango float na naman, hindi ka ba nauumay?" Mabilis na umiling, alam na alam talaga ni Aljun kung ano ang gusto niya. Lately kasi she's craving mango float and banana cake pero gusto niya talaga ang mango float lalo na pag sobrang lamig.

"Stay here, I'll get your mango float."

"Thank you Al!" She said loudly and kissed his cheeks. Napailing na lang si Aljun sa inasta ni Xyra but he loves how Xyra clings to him.

"I'll wait for you outside, sa garden lang ako." Aljun nod and hurriedly went inside the kitchen.

Siya naman ay lumabas at nagtungo sa garden. All was set and ready, mayamaya ay dadating na rin ang nga bisita ng Kuya niya, close family friends and co-workers lang ang invited.

"Good evening ma'am!" Ngumiti siya sa isang crew na nasa catering. Almost ready na rin ang lahat. Her brother is still upstairs at bababa na rin 'yon pagkadating ng mga bisita.

"Ready na ba lahat? Wala bang kulang? Problem?" Ngumiti ito sa kanya at saka umiling. She feel relieve.

"Good." Umalis na siya 'don at nagtungo sa madilim na bahagi, napahikab siya, gabi na kasi dapat six-thirty pm ay tulog na siya dapat pero minsan lang naman ang ganito. Nasanay lang talaga siya.

"Baby, huwag malikot." Sumipa kasi bigla kaya medyo kumirot ang tiyan na.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at naupo sa may mahabang bench sa garden habang hinihintay si Aljun na lumabas at ibigay ang mango float niya.

She was humming her favorite song when there's a man sat beside her. The familiar scent of a man he love..Zandro.

"Love.." Napakurap siya at saka biglang kumunot ang noo niya. Why is she calling her love? Tapos na ang lahat sa kanila.

"W-what are you doing here?" She didn't know why her hands tremble and it's started sweating while staring at him intensely.

"I want to do the right thing." Mas lalong kumunot ang noo niya.

"C'mon..what are you talking about?" Tumayo ito sa harapan niya at walang sabi na lumuhod sa harap niya at hinawakan ang malaki niyang tiyan.

"Let me.." Hindi na tapos ni Zandro ang sasabihin niya dahil dumating si Aljun na dala ang mango float niya.

"You are not allowed to." Matigas na sabi ni Aljun.

Tumayo si Zandro at hinarap si Aljun.

"And who are you to dictate me?" Ngumisi si Aljun.

"Pinagtabuyan mo siya. Itinaboy mo na parang aso tapos ngayon gusto mong panagutan siya? You hurt her once at hindi ako papayag na saktan mo ulit siya." Matapang na sabi ni Aljun. Lumapit ito sa kanya at inalalayan na tumayo, akmang aalis na sila ngunit humarang si Zandro sa daraanan nila.

"Ako ang ama at may karapatan ako.. Let's talk first Xy." Hinawakan nito ang pulso niya pero binawi 'yon ni Aljun.

"You're late.. She's mine already." Itinaas nito ang kamay niya na may singsing.

"We're engaged at huwag mo na siyang guluhin pa." Naningkit ang mata ni Zandro habang naka titig sa daliri niya.

"Really? Ikaw ang aako sa bunga ng ginawa namin?" Ngumisi si Aljun. Mukhang nayayabangan sa sinabi ni Zandro sa kanila.

"Eh ano naman? Hindi ako kagaya mo na duwag, isang baboy na walang ibang ginawa kundi ang gamitin ang kaibigan para lang mailabas ang init na nararamdaman sa katawan. Shame on you!" Zandro hand formed into fist, mukhang susuntukin nito si Aljun kaya hinila na nya si Al palayo.

"We will talk next time." Walang buhau na sabi niya at saka iniwan si Zandro roon.

"Tapang natin ah!" Biro niya kay Al. Tumawa ito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Hinahamon ko lang kung saan ang kaya, wala rin pala talaga. Ang duwag naman ng mahal mo." Napailing siya at saka pabirong binatukan niya si Aljun.

"Kapag mag-uusap kayo sabihin mo, ako na ang kakausap, gag*ng lalaki." Tumango siya.

"Sige. Huwag mo lang siyang saktan ha?"

"Of course not! Baka makasuhan pa ako ng child abuse, bata pa naman mag-isip yon!" Napahalakhak siya.

"Sira ka talaga!" Nagtawanan na lang silang dalawa habang papasok pabalik sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top