Chapter 18
"Xy..wake up. May bisita ka." Naalimpungatan siya dahil sa boses ng Kuya niya. Gusto pa niyang matulog.
"Sorry to wake you up but there's a guy waiting for you outside." Napabangon siya. Hindi naman siguro si Zandro ang nasa labas,hindi ba?
"S-sino?"Sobrang lakas ng kabog ng dibdid niya.
"The guy you introduced to me yesterday." Parang nabunutan siya ng tinik. Nawala ang kaba niya at tumayo.
"Mag-aayos lang po ako, baba rin ako." Tumango ang Kuya niya.
"Bilisan mo, baka mainip 'yon sa kakahintay, kanina pa kita ginigising ayaw mong magising."
"Sorry naman, sige na. I'll fix myself first." She said and she get off to her bed. Lumabas na rin ang Kuya Gabby niya kaya nag-ayos na siya. Hindi na siya magtataka kung paano na laman ni Aljun kung saan siya nakatira.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay agad siyang bumaba. Nadatnan niya sa sala ang dalawa na seryosong nag-uusap.
"Aljun, Kuya.."Tawag niya sa atensyon ng dalawa.
"Xy." Tumayo si Aljun at inalalayan siyang maupo.
"How are you?" He asked.
"I'm fine..ano bang pinag-uusapan niyo ni Kuya?" Ngumiti si Aljun sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"I..We..I mean.." Parang nahihirapan siyang sabihin ito sa akin kaya napatingin siya sa Kuya Gabby niya.
"He wanted to marry you." Nagulat siya. Nilingon niya si Aljun at napakamot lamang ito sa ulo.
Ano bang nakain nito at gusto siyang pakasalan?
"Kung ayaw mo, okay lang naman. Suggestion ko lang." Sabi ni Aljun sabay tawa. Pero naguguluhan talaga siya. Bakit gusto ni Aljun na pakasalan siya? Anong dahilan? Dahil ba buntis siya o ano?
"Mag-usap muna kayo, iwan ko muna kayo dito." Tumayo ang Kuya niya at iniwan silang dalawa. Hinarap niya si Aljun na nakatitig sa kanya.
"Ano? Explain.." Napakamot uli ito sa batok niya at ngumiti sa kanya.
"Ayaw mo ba?" Napalunok siya. His playful smile make her confuse, parang may plano ito na hindi niya alam kung ano.
"May plano ka no?" Ngumisi si Aljun sa kanya.
"Kaibigan nga kita! Want to know my plan?" Sumimangot siya. Baka mapano ang baby niya.
"Don't worry, hindi makakasama sa baby ito, we just pretend na ikakasal tayo, you know just an act para naman mag-selos ang daddy ni baby diba?" She frown. Hindi nga alam ni Zandro na buntis siya ng anak nila, na anak nila ang dinadala niya.
"Ano ka ba! Cheer up! Diba mahal mo siya? I'm giving this opportunity to you.." Mabilis siyang umiling.
"I'm done loving him, Al. Ayuko na. Sawa na ako sa kakalimos ng pagmamahal, sawa na ako sa kakahintay kung kailan niya ako mamahalin. I had enough and it is enough. Tama na ang lahat ng 'yon."
"You matured. Noon lagi mong sinasabi sa akin na mahal mo siya at hindi mo kayang ipagpalit o iwan man lang si Zandro." Ngumiwi siya ng marinig ang pangalan ng lalaking nanakit sa kanya.
"Sino ba namang hindi? Ayuko na sa kanya. Ang pangit niya." Parang batang sabi niya kaya napatawa si Aljun sa kanya.
"Sus, nagsalita ang hindi patay na patay sa lalaking 'yon noon."
"Noon 'yon. Noon. Past!" Malakas na napatawa si Al at ginulo ang buhok niya.
"Ayaw mo talaga?" Umiling siya.
"Ayaw. Malaking pabigat lang ako sayo."
"E, kung sa pinsan ko?" Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata niya.
"Binibinta mo ako, ganon?" Tumawa ulit ito.
"Hindi, gusto ko lang na may mag-alaga sa'yo. Try him, gwapo naman 'yon at saka mas yummy pa kay Zandro." Sinapak niya ito sa braso kaya napa-aray ito.
"Ipakilala kita, actually uuwi siya mamaya. Hindi halatang mag pinsan kami kasi may lahing hapon at koreano ang lalaki na 'yon."
"Artista?" Natatawang sabi niya kay Al.
"Oo! Bagay kayo 'non!" Napailing na lang siya sa kalukuhan ng kaibigan.
"Seryoso ako, minsan na nga lang siya magbakasyon dito eh."
"Al, wala akong panahon sa mga ganyan at saka tignan mo nga oh! Lumalaki na ang tiyan ko." Napatingin si Aljun sa tiyan niya.
"Eh ano naman? Maganda ka pa rin naman! Magugustuhan ka 'non!" Tumawa na lang siya sa mga kalukuhan ng kaibigan. Well, she's happy na dumalaw ito sa kanya, naibsan ang pagkabagot niya sa bahay. Hindi na rin kasi dumadalaw si Zara dahil busy sa thesis nito.
"Tika, wala ka bang pasok?"
"Wala. Kaya nga andito ako eh." Napatingin ito sa relo na nasa bisig nito.
"Malapit na palang mag 10:35, aalis na ako Xy, susunduin ko pa si pinsan eh, ipakilala kita sa susunod na araw." Tumayo ito kaya tumayo na rin siya.
"Ihahatid na kita sa labas." Pero umiling si Aljun.
"Huwag na, hindi naman ako maliligaw sa bahay nyo at saka, baka mahirapan ka pa at si baby." Nagulat siya nang hawakan nito ang tiyan niya. Wala pang ibang nakakahawak nito kundi siya lang kaya nakakapanibago.
"Alis na ako, alagaan mo si baby ha? Bye!" Tanging ngiti at tango lang ang naitugon niya.
-----
Semi-finals today, pilit na UD bahala kayo diyan. Hahaha. Try ko ulit mag UD bukas, baka kasi may training ulit. Grabi 'yong muscles pain mukhang papatayin ako. HAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top