CHAPTER 16
"Okay lang ba siya?" Tanong ni Zara kay Gabby. Pagdating kasi ni Zara sa bahay ng mga Florentino ay nakita niyang buhat-buhat si Xyra ni Gabby. Nahimatay raw bigla.
"She's fine. Don't worry. It's part of being pregnant." Tumango siya rito at nahiga sa gilid ng kama ni Xyra. Naawa talaga siya sa kaibigan niya.
"You want coffee?" Umiling siya. Wala siyang ganang mag kape sa mga oras na 'to.
"Well, let's talk. Tulog naman si Xyra eh." Biglang kumabog ang dibdib niya. Sobrang lakas.
"Zara..please." Marahas siyang umiling. Napapikit ang dalawa niyang mga mata habang ang mga kamay niya ay mahigpit na napahawak sa bestida niyang suot.
"W-wala na tayong dapat pag-usapan pa." She shutter a bit but she manage to say it normaly. Kahit nanginginig na ang mga labi niya.
"Ayusin natin to." Napabuntong-hinga siya. Wala na silang dapat ayusin. Tapos na ang lahat sa kanila.
"Paano natin aayusin? Wala na tayo, Gab." Mabuti na lang at hindi siya na utal, sinalubong din niya ang mga tingin ni Gabby sa kanya.
"Zara naman.." May pagmamakaawang sabi nito sa kanya.
"The moment na sinabi mo na magpapakasal ka na ay natapos na ang lahat.." Mag pait sa boses habang sinasabi 'yon.
"I'm sorry.." Mariin siyang napapikit. Sorry na naman. Sorry, palagi na lang sorry.
"You always sorry. Sorry nalang palagi, bakit? Maiibalik mo 'yong oras na buo pa ako? Na buo pa 'tong puso? I'm broke. You broke me. Matalino ka, pero napaka-bobo mo." She straightly told him. Totoo naman, intelligent people are the the most stupid too. Kapag love na ang pag-uusapan hindi nila alam kung alin ang tama at mali. Sige lang sila ng sige.
"Magsama kayo ng babae mo, kung talagang mahal mo ako hindi ka titingin pa sa iba. Temptation is always there, kahit saan at kahit kailan pero pinili mo siya eh. Pinili mo siya. Wala talagang kwenta ang relasyon na'tin no?" May hinanakit sa boses na sabi niya. She even smile at him sarcastically.
"Hindi naman sa ganon.. Mahal kita, kaya nga hanggang ngayon hindi kita makalimutan eh." She laugh at him. Kasinungalingan!
"Liar. Alam mo, ngayon ko lang na realize na halos pari-pariho talaga ang mga lalaki. Hindi kayo makontento sa isa. Alam mo bang ang laki ng pagkukulang mo bilang boyfriend ko? Pero pinili kong mag stay kasi, mahal kita." Napaiyak na siya. She's still affected. Sobra.
"Ganon ako ka tanga na kahit engage kana hindi pa rin na wawala 'yong pagmamahal ko sayo." Lumapit si Gabby sa kanya. He cupped her face and brush some tears away. Wala na siyang paki alam pa kung ano ang itsura niya. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit. Lahat-lahat.
"I'm sorry." Again. Sorry na naman.
"Don't be sorry. Sabi ko nga sayo, walang magagawa 'yang sorry mo. Sinaktan mo na ako." Winaksi niya ang mga kamay ni Gabby at tumayo. Bad timing talaga ang pagpunta niya sa bahay nila Xyra.
"Ayaw ko na sanang ungkatin pa 'to eh. It's been ten months, okay na sana ako, nasanay na ako na wala ka. Pero ito, ginugulo mo na naman ako." Natatawa niyang sabi habang umiiling siya. God knows how she suffered, how she cried every night.
"I'm a jerk, I know. I'm dont deserve you but please.. Let's be fine..ayokong ganito tayo.."Pagmamakaawa ni Gabby sa kanya. He held her hand and squeezed it. Napayuko siya. A part of her want to but there's also the part that she dont want.
"Zara..please." He hugged her from behind. A tight hug. Natigilan siya. Namiss niya ang yakap ni Gabby sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
"F-fine.." Kahit ayaw niya may part pa rin sa kanya na mas mabuting maging maayos silang dalawa. No hard feelings parang ganoon.
"Thank you.." She felt a soft kiss on her head at pinihit siya nito paharap.
"Stop crying now.." Hinalikan siya nito sa noo. Napapikit na lamang siya. Biglang gumaan ang kanyang dibdib. She felt Gabby smile while his lips are still on her forehead.
Nakakainis naman! Bakit ba mahal pa rin kita?
"Iwan muna natin si Xyra, let's go downstairs."Bulong nito sa kanya.
"Anong gagawin natin sa baba?" Ngumisi si Gabby. Naningkit naman ang dalawa niyang mata. Mukhang may kalukuhan naman itong naiisip.
"Nasa baba si Luxia." Napailing siya at pilit na kumawala sa mga bisig ni Gabby.
"I-ikaw na lang.." Mahina niyang sabi. Sumisikip na naman ang dibdib niya.
"Tara na.."Hinila siya ni Gabby palabas. Hindi siya naka palag dahil sa sobrang lakas ni Gabby.
Pagbaba nila bumungad agad ang hindi maipintang mukha ni Luxia.
Napalunok siya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at biglang nanghina ang tuhod niya.
"Anong ibig sabihin nito?" Galit na wika ni Luxia. Sobrang talim ng titig nito sa kanya.
Gusto nyang bumitaw sa kamay ni Gabby pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya.
"G-gabby.." Hindi niya alam kung narinig ba ito ni Gabby o hindi.
"Anong masama sa ginagawa namin?" Mas lalong tumalim ang tingin ni Luxia sa kanya. Lumaki pa ang butas ng ilong nito at tila umuusok na ito dahil sa galit.
"Alam kong galing kayo sa kwarto! At ikaw! Ang landi mo!" Sumugod sa kanya si Luxia pero humarang agad ang malaking katawan ni Gabby.
"Can you please stop!" Pati si Zara ay natakot sa tono ng boses ni Gabby.
"Punong-puno na ako sayo, Luxia. Leave!" Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Hindi nya alam na hahantong sa ganito ang lahat.
~~~
Next week ulit ang UD😂😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top