Chapter 9: Second Date
{Chapter 9:Second Date}
Chesca's Pov
"Dalhin mo 'to" Sabi nya at hinagis ulit sakin ang bag nya,ghad ang bigat bigat.
Nakauwi na kaya si Tricia? Iniwan ko sya eh,diko naman sya ginising .Pumasok agad sa isip ko si Nash kamusta na kaya sya?
Sumunod na agad ako kay Travis. Sobrang tahimik lang naming dalwa,siguro dahil narin sa nangyari kagabi.
Tiningnan ko ang kamao nya at bakas parin dito ang natamo nyang sugat. Napahinto ako ng makita ko si Nash at pinag kakaguluhan, sinilip ko kung bakit at meron nanaman syang kaaway? Pero ngayon babae na at yung babae naiyak na habang yapak yapak ni Nash ang kamay nito habang nakaupo ang babae.
"Tama na,masakit" Sabi nung babae, ghad anong ginagawa nya? Balak ko na sanang lapitan sya pero may humawak sakin sa braso at napatingin ako kay Travis.
"Hayaan mo sya" Sabi nyang seryoso na walang ka emosyon emosyon
"Pero babae 'yon Travis" Sabi ko
"Hindi mo na 'yon problema" Alam kong kailangan ko syang sundin pero ngayon? Inalis ko ang pagkakahawak nya sakin at pumunta sa babaeng 'yon.Nag tinginan sakin ang lahat ng nakapalibot 'don,tumingin ako kay Travis at wala syang ekspresyon na nakatingin sakin
"A-anong ginagawa mo" Alam nya ba yung salitang reaksyon? Wala syang emosyon, mag kapatid nga sila ni Travis.
"Nash,babae sya" Sabi ko sa kanya
"And?"
"Ano? Nash babae sya alam mong wala syang gawa sayo" Sabi ko sa kanya pero seryoso parin syang nakatingin sakin
"Umalis ka dyan,baka madamay ka pa" Sabi nyang seryoso
"Madamay?"
"Wala akong paki Chesca kung kilala kita, kaya parin kitang saktan" Seryoso ba sya sa sinasabi nya?
"Seriously?" Napatingin ako sa babaeng nakaupo kanina na ngayon ay nakatayo na at may hawak ng kahoy? Syan sya nakakuha 'non? Nagulat ako ng hahampasin nya ako at nakita ko si Nash na tatakbo na papunta sakin pero bago pa sya makalapit sakin ay may yumakap sakin dahilan ng pagbagsak nya sa sahig.
"T-Travis?" Nauutal kong sabi, umupo ako ng matumba sya sa sahig. "Nash tulungan mo kong dalhin si Travis" Sabi ko
"I can" Sabi ni Travis, buhay pa pala sya. Dahan dahan syang tumayo pero nakahawak sya sa balikat nya. Nag bubulungan nanaman ang lahat ng nasa paligid namin at yung babaeng humampas kay Travis ay biglang nawala.
"Bakit kaba kasi nangingialam?" Galit na sabi sakin ni Nash kaya napayuko ako
"Akala ko kasi---"
"Mabait 'yon? Transfer ka Chesca wala kang alam" Galit na sabi ni Nash at umalis sabay din ng pag alis ng tao sa paligid namin.Tumingin ako kay Travis at nakahawak parin sya sa kanyang balikat
"Ok kalang ba?" Hinawakan ko ang balikat nya
"Damn,masakit" Sabi nyang pasigaw
"Sorry" Sabi ko sabay yuko ulit "Sana nakinig ako sayo" Narinig ko nalang ang paglalakad nya
"Tss,bilisan mo na dyan" Sabi nya sakin, habang nag lakakad kami ay nabalot nanaman kami ng katahimikan. Ghad ang bigat ng bag nya. Feeling ko mababali na ang braso ko. Huminto ako at huminto rin sya
"Teka lang" Sabi ko at binaba ko muna ang bag nya dahil ang bigat talaga "Tara na" Nag lakad na kami ulit at dalwang kamay na ang ginamit kong pandala sa bag. Pero ang bigat parin,niyakap ko nalang ang bag nya
"Tss" Sabi nya at bigla nyang kinuha ang bag nya sakin.Nilagay nya ito sa kanyang balikat pero sa kaliwa dahil masakit ang kanan nyang balikat
"Salamat pala dahil sa kanina" Sabi ko sa kanya pero hindi man lang sya sumagot.Wait? Bakit naman nya dinala ang bag nya? Kailan pa sya nag kasakit? Nang makarating na kami sa Room nya ay huminto sya at biglang humarap sakin
"Mamaya sa Canteen" Sabay pasok nya sa loob ng kanilang room,alam ko naman 'yon.
Nag lakad nalang ako papunta sa room ko pero napatingin ako sa babaeng nakatayo sa may tapat ng canteen. Si Tricia
Hawak nya ang cellphone nya at naka earphone sya.Napahinto na ako ng biglang dumating si Nash,nag tago nalang ako sa may bandang gilid.
"Sa rooftop tayo mag usap" Sabi ni Tricia kay Nash,anong pag uusapan nila? Nag simula na silang mag lakad kaya sinundan ko sila.Ghad diko alam kung tama ba na sundan ko sila. Nang makarating na sila ng rooftop ay nag tago ako ulit para di nila makita.
"Kalimutan mo na sya" Boses ni Nash ang naririnig ko
"Nash,alam mo namang----"
"Alam mo ba na muntik ka ng mapahamak kagabi? Mabuti ay nag send sakin ang txt mo kay Travis,hindi ka nya pag aaksayahan ng oras" Seryosong sabi ni Nash
"I don't care, gusto ko lang syang makausap kahit isang beses lang" Galit na sabi ni Tricia
"Para san pa? para masaktan kalang ulit?"
"Pede ba Nash,hindi mo na problema ang problema ko" Sigaw ni Tricia kay Nash
"Yun na nga eh,hindi ko problema pero pinoproblema ko" Sigaw ni Nash,ang lakas ng boses nya at nakakatakot 'yon
"Nash,please tumigil kana,kalimutan mo na ko dahil lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo"
"Hindi ko magawa,dahil hindi ko kaya"
"Kayanin mo.Aalis na ako" Sabi ni Tricia kay Nash at narinig ko nalang ang yabag nya paalis kay Nash pero bigla itong huminto,sinilip ko sila ng saglit at nakaluhod si Nash sa harap ni Tricia at dali dali ulit ako nag tago baka mahuli nila ako.
"Stay please,don't leave me again" Boses ni Nash at seryoso sya pero ramdam ko na nasasaktan sya
"N-nash"
"Don't make me cry,ano bang ayaw mo sakin? babaguhin ko ang buong pagkatao ko para sayo"
"Wala Nash,iba sya at iba ka.Hindi kayo mag katulad kahit baguhin mo ang buong pagkatao mo"
"What am I to you?"
"Friend" Tipid na sagot ni Tricia "Sorry" Sabi ni Tricia at bigla ko nalang narinig ang yabag nya kaya nag tago na ako ulit.
****
Napatingin ako sa kanya at tulala sya sa bintana,si Tricia ba ang dahilan kaya lagi syang tulala? si Tricia ba lagi ang iniisip nya?
"Ahm Nash,kamusta ka pala?" Tanong ko sa kanya at bigla syang tumingin sakin at walang emosyon
"I'm fine" Sabi nya at tumingin ulit sa bintana.Gusto ko syang kausapin pero ang hirap dahil wala naman akong sasabihin sa kanya.
Hanggang sa mag lunch na, lumabas sya ng room ng nakapamulsa.
"Don't make me cry,ano bang ayaw mo sakin? babaguhin ko ang buong pagkatao ko para sayo"
Napabuntong hininga nalang ako.Pupunta na ako ngayon sa Canteen. Paglabas ko ng Room ay agad kong nakita si Travis na nakasandal lang.Bakit sya andito? Lumapit na ako sa kanya
"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya
"Tara na sa canteen" Sinundo nya ba ko? Sinundan ko nalang sya sa paglalakad. Napayuko nalang ako sa hiya dahil pinag titinginan nanaman kami at pinag bubulungan. Nabigla ako ng bigla nya kong akbayan.
"T-Travis" Bulong ko lang sa kanya,ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya? "A-anong ginagawa m-mo?" Di man lang nya ako tinitingnan o pinakikinggan.
Hanggang sa makarating na kami sa Canteen at umalis sya sa akbay. Umupo kami sa lagi naming inuupuan.
Tumayo ako "Bibili na ko" Sabi ko sa kanya
"No thanks" Sabi ni nya kaya napakunot ang noo ko
"Di ka kakain?" Tanong ko
"Hindi" Seryoso nyang sagot sakin at biglang tumingin sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin dahil nakakahiya. "Tss" Nagulat ako ng tumayo sya at bigla nya akong hilahin,di ako makapag salita.San ba kami pupunta? Hanggang sa huminto na sya at andito kami sa likod ng senior high building? ngayon ko lang nakita 'to ah, at puro puno pala ang likod nito at ang sarap ng hangin.Umupo sya sa ugat ng puno at humiga,matutulog nanaman sya?
"B-bakit tayo nandito?" Sa wakas nakapag tanong narin sa kanya. Bigla tuloy akong natakot sa kanya lalo na ng makita ko syang magalit,parang papatay sya ng tao.
"Chesca may itatanong ako sayo" Nag mulat ang mga mata nya pero nakatingin lang sya sa taas ng puno. "Posible ba na sa maikling araw ay ----" iniintay ko ang susunod na sasabihin nya pero hindi na nya tinuloy
"A-ano?"
"Nevermind" Sabi nya at pumikit ulit,ang dalwa nyang kamay ang ginawa nyang unan sa ulo nya. "Kayo ba talaga ni Nash?" Tanong nya pero nakapikit,bakit naman nya tinatanong? "Pero alam kong iba ang gusto nya" si Tricia ba ang tinutukoy nya? Ghad, alam ko naman 'yon eh kailangan pa ba nyang ipamuka sakin na hindi ako ang gusto ni Nash?
"Oo,walang kami at walang katotohanan ang kanyang sinabi" Sabi kong seryoso,ghad.Mas masakit pala pag sayo na ng galing.
"Masakit ba?" Nagulat ako sa tanong nya "Alam ko namang may gusto sa kanya" Sabi nya kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"No,hindi no" Sabi ko sa kanya
"Talaga? kahit sabihin ko sa kanya?" Nagulat ako ng tumayo sya kaya hinawakan ko sya.
"Wag" Sigaw ko
"Akala ko ba hindi?" Tanong nya ulit sakin
"Hindi nga"
"Kung ganon, sasabihin ko lang naman sa kanya dapat hindi ka apektado" Sabi nya at hinawak ko sya ulit sa kamay
"Please wag" Sabi kong pasigaw "Wag..wag..wag"
"Bakit naman?"
"Paano kung iwasan na nya ko?"
"Ano naman sayo kung iwasan ka nya?"
"Hindi pede"
"and why?"
"Oo na..Oo na..I like him" Sigaw ko sa kanya at huminto sya sa paglalakad nya
"You like him?"Seryoso nyang tanong,tinanong nya kung gusto ko si Nash tapos nung umamin ako,tatanungin nanaman nya?.Umupo ulit ito sa may ugat ng puno "Sa tingin mo ba magugustuhan ka nya?"
"Bakit hindi?" Tumawa ito ng saglit "Anong nakakatawa"
"Ikaw magugustuhan ni Nash,para kayong langit at lupa.Sya ang langit at ikaw ang lupa na kahit kailan man ay hindi kayo pedeng mag kalapit" Ang sakit naman nya mag salita,alam kong mayaman si Nash at ako hindi pero hindi naman excuse 'yon "Isa pa,may ibang mahal si Nash"
"Alam ko" Sabi kong seryoso sa kanya
"Kung ako sayo,hindi na ako mag aaksaya ng oras sa kanya"
"Ano bang paki mo? Bakit ganyan ka umasta? bakit parang lalo mong sinasabi sakin na hindi kami bagay,hindi kami pede at layuan ko sya?" Galit ko ng sabi sa kanya at nginitian nya lang ako
"Gusto mong malaman?" Seryoso nyang sabi sakin kaya napatitig ako sa kanyang mata "Tandaan mo" Seryoso ang pananalita nya kaya bigla akong natakot "Hindi ka sa kanya,dahil sakin kalang" Bigla syang tumayo at nakapamulsang lumayo sakin,hindi ako makagalaw.
"dahil sakin kalang"
Paulit ulit sa utak ko ang sinabi nya. Sa kanya lang ako?
Nang bumalik na ako sa pag iisip ko ay tumayo ako at naglakad papasok sa building.Ghad,gusto kong mag pahangin,tumaas agad ako ng rooftop at nakita ko si Nash at puro dugo ang kamao nya.
Sinusuntok nya ang pader,ghad? Hinawakan ko ang kamay nya na isusuntok na nya sana.
"B-bitawan mo ko" Nanginginig ang kanyang boses,galit na galit sya at ramdam ko 'yon.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ko sa kanya.
"Sabi ko bitawan mo ko" Nagulat ako ng itulak nya ako dahilan ng paghulog ko sa sahig.Tumayo parin ako at humarang sa pader na sinusuntok nya,napatitig ako sa kanyang mata at nakikita kong galit sya na may halong lungkot.
"Dahil ba 'to kay Tricia?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako ng umupo sya at sumadal sa pader,nilagay nya ang kamay nya sa buhok nya. Tinabihan ko sya, ang swerte ni Tricia sa kanya, samantalang ako kailangan ko pang humiling para magustuhan nya. "Kung ayaw nya sayo edi mag hanap ka nalang ng iba,tutal madami namang babae ang nag kakandarapa sayo dito" Sabi ko pero hindi man lang sya umimik,bumuntong hininga ako "Hindi ko alam kung anong meron si Tricia na wala ang ibang babae pero ang swerte nya.May isang lalaki na tunay syang minamahal" Ngayon tumingin na sya sakin
"Sana ganyan din sya mag isip" Sabi nyang seryoso sakin "Sana ikaw nalang sya,iniisip ko din minsan na kung bakit di nya kong kayang mahalin" Nakaramdam nanaman ako ng awa sa kanya "Sana hindi ko nalang sya nakilala"
"Alam mo,kung kayo kayo talaga kaya wag mong pilitin na magustuhan ka nya" Napatingin ulit ako sa kamao nya at sobrang laki ng sugat."Tara sa clinic" Sabi ko sa kanya at nginitian nya ako, ngiting kaya akong tunawin. Nag lakad kaming dalwa hanggang sa makarating kami sa Clinic,inintay ko lang sya sa labas ng clinic.
Iniisip kung bakit ba nya gustong gusto si Tricia,dahil lang ba magada 'to at Sexy?
"Tara na" Sabi nya ng makalabas sya ng clinic at naka benda na ang kanyang kamao. Habang nag lalakad kami ay nakatitig ako sa kanya,nakaka addict ang muka nya at hindi nakakasawang tingnan. Ang gwapo nya.
"Wag mo kong titigan" Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa ibang direksyon. "Pede ba tayong lumabas ulit?" Sabi nya kaya nagulat ako.
"S-sigurado kaba?"
"Mamaya,9pm" Sabi nya at nag lakad na sya papunta sa ibang direksyon,kaya mag isa akong nag lakad papunta sa room ko. Gusto kong umirit sa kilig,bakit naman nya ako yayaing lumabas? Ghad..
Pumasok ako sa room ko,san pala 'yon pupunta,diba sya aatend ng klase?
Pero ba't nya ako niyaya? Ghad,I don't care basta mag dadate kami sa pangalawang pagkakataon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top