Chapter 7: Date
{Chapter 7: Date}
Chesca's Pov
"Hurry" Sabi nya, sya kaya ang mag dala ng bag nya para mapabilis.
"Arte mo" Bulong ko
"Ha?"
"Bakit?" Pa inosente kong tanong.
Nag lakad na sya ulit,ako bigat na bigat sa bag nya.Bakit ba kasi bumigat ang bag nya? Dati parang wala 'tong laman,sinasadya nya ba 'to?
Napahinto ako ng makita ko si Den,si Travis nag lakad lang sya at hindi naman nya ako napansin na huminto eh.
"Den" Sigaw ko
"Chesca" Lumapit sya sakin "Bakit di ka sumulpot sa rooftop?" Ha? hindi ba sinabi ni Nash?
"Sorry ha" Sabi ko sa kanya "Mamaya ba pede?" Bahala na kay Travis
"Sige,pero siguraduhin mong pupunta ka sa rooftop ha" Sabi nya kaya tumango na ako. Napatingin ako kay Travis ay ang layo na nya kaya tumakbo na ako,nasa likod lang nya ako.
Napahinto ako ng may isang babaeng pinagkakaguluhan. Si Tricia
Tumingin sya sakin at tumingin din sya kay Travis.
"Ow hi" Sabi nya sakin. "Sino ka nga ba?" Sabi nya sakin at lumapit.
"Ako si--"
"Tricia,ba't ka andito?" Sabi ni Travis na seryoso
"Dito ako mag sesenior high,na miss ko 'to eh, at alam kong na miss din ako ng iba, na miss nila ang dating Campus Queen dito" Talaga? Dito pala sya nag aral dati. Nag lakad na ulit si Travis.
"Wait" Sabi ko kay Travis at sumabay na ulit ako sa kanya "Kinakausap kapa ni Tricia ah?" Sabi ko sa kanya
"gusto mo bang malate?" Tanong nya
"Kung ano-ano mo si Tricia?" Bigla syang huminto at humarap sakin habang nakapamulsa.
"Interesado?" Sabi nya at ngumit,yung ngiti nya nakita ko nanaman. "Nag seselos ka?" Sabi nya sabay ngiti. Napairap nalang ako bigla sa kanya.
"I'm just asking" Sabi ko at tinakpan ko ang aking bibig dahil sinasagot ko nanaman sya,baka mamaya pahirapan nya nanaman ako ng sobra. "Tara na " Sabi kong mahinahon. "Baka mamaya pahirapan mo nanaman ako" Bulong ko sa sarili ko at nauna na akong mag lakad sa kanya.Nang makadating na kami sa room nya ay binigay ko na sa kanya ang bag nya.Bago sya pumasok sa loob ay ngumiti nanaman sya, kakaiba sya.Ngumingiti rin pala sya.
Nag lakad na ako papunta sa room ko.Nagulat ako ng mahulog ako sa sahig. "Oops?" Sabi nya at tiningnan ko sya "Are you ok?" Sabi nya at inilahad ang kanyang kamay,kukunin ko na sana pero nagulat ako ng ilayo nyo 'to bigla "Ay,sorry..kaka alcohol ko lang..Alam mo 'yon? kailangan kong maging malinas,for my safe din" Tumayo nalang ako ng akin "Ahm, can I ask a question?"
"Ano?"
"By the way, I'm Patricia pero tawagin mo nalang akong Tricia."
"I'm Chesca" Sabi ko at inilahad ang kamay ko pero tiningnan lang nya ito kaya kinuha ko nalang ulit.
"About Travis, sino ka?"
"Chesca"
"No I mean, sino ka sa buhay ni Travis?" Tanong nya "Wait, ba't diko nalaman agad? Ikaw ba ang bago nyang tiga sunod?" Sabi nya at ngumiti "So, ok kalang ba?"
"I'm fine" Sabi ko .Napatingin ako sa likod nya at si Nash, naka headset lang habang nag lalakad,nilagpasan nya kaming dalwa. Napatingin ako kay Tricia at tumingin sya kay Nash pero saglit lang ito.
"So,I need to go" Sabi nya "Wait" Nilapit nya ang muka nya sa tenga ko "Wag ka ng lumapit kay Travis please" Sabi nya at bigla akong iniwan 'don.Anong ibig nyang sabihin? Akala ko ba alam nyang Slave ako ni Travis? Bakit nya ako papalayuin?
Nag patuloy nalang ako sa aking paglalakad.
Bakit nya ako pinapalayo kay Travis? Bakit? Alam nyang para akong alila ni Travis at hindi ko magagawa ang inuutos nya dahil si Travis lang ang may kakayahan na patigilin ako na lumayo sa kanya o ang graduation.Sino ba kasi sya? Kung ano-ano ba sya ni Travis? Kapamilya ba sya dahil nasa party sya. Pinsan? Kapatid? Kamag anak?
Pumasok nalang ako sa loob ng room at wala pa pala si Nash, san kaya sya pumunta? Saktong dumating narin ang teacher namin kaya nakinig nalang ako.Ghad, bakit ba ako napapatingin sa upuan nya? Asan kaba Nash?
Bigla nalang may pumasok na lalaki sa pinto dahilan ng pag ngiti ko.Umupo na sya sa tabi ko.
"San ka galing?" Tanong ko pero tiningnan lang nya ako at umiwas na ulit ng tingin. "Alam mo ang suplado mo?"
"At ang daldal mo" Sabi nyang seryoso
"Oo nga pala Nash,pede bang---" Tiningnan nya ulit ako ng seryoso kaya napalunok ako,pano ko 'to sasabihin? "Pede bang lumabas tayo mamaya?" Napatakip ako ng book sa muka ko. Alam kong ang sagwa tingnan na babae ang nag aaya,inalis ko na ang book sa muka ko pero nakatitig parin sya sakin "Please?" Sabi ko sa kanya
"Tss" Umiwas na ulit sya sakin ng tingin, ghad..nakakahiya ako
"Isang gabi lang?" Tumingin ulit 'to sakin "Promise isang gabi lang tapos di na ako magiging madaldal"
"Sigurado kaba na hindi kana magiging madaldal?" Tinaas ko pa ang aking kamay
"Promise"
"Sige,mamaya pag katapos ng klase" Sabi nya at feeling ko ay gusto kong umirit. Sorry ka nalang Nash, dahil nag pakilala kapa na ikaw ang batang 'yon. I don't care kung sikat ka dito, I don't care kung bugbugin ako ng mga babaeng nag kakandarapa sayo, sa gusto rin kita eh anong magagawa nila?
*****
Lumabas agad ako ng Room ng mag lunch na, si Den pala.Paano si Travis? Sorry Travis gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sayo,kay Nash at sa School na 'to.
Umakyat na agad ako ng Rooftop at nakita ko agad si Den na nakaupo sa sahig.Tumabi ako sa kanya.
"San mo gustong mag simula?" Tanong nya
"Sa may ari ng School na 'to"
"Si Mr. Trance ang may ari ng school na 'to, meron syang dalwang anak pero hindi masyadong mag ka close, dahil ang isang anak nya ay hindi nakatira sa kanyang bahay, ang isa naman ay kasama nya."
"Ha? Talaga? Pero paano lumayas ba yung isa nyang anak?"
"Hindi, dahil ayaw malayo ang loob ng isa nyang anak sa kanya.Mag kaiba ng nanay ang dalwang mag kapatid na 'yon kaya half brother lang ang turingan nila pero kung tutuusin ay hindi nila tinuturing na kapatid ang isa't isa."
"Bakit?"
"Dahil nga sa hindi sila mag kasama sa bahay at hindi talaga sila nag uusap, kung mag uusap sila ay galit pa sila sa isa't isa. Namatay na ang nanay ng isa sa kanila kaya lumaki syang mag isa pero hindi naman sya pinababayaan ng tatay nya dahil binibigay nito ang lahat ng pangangailangan nito"
"Oh? Ang lungkot naman ng buhay nya, lumaking mag isa tapos namatay pa ang nanay nya."
"Oo, pero ang kapatid nito nabuhay na may kasama at parang prinsipe dahil laging inaasikaso,nakukuha nito lahat ng gugustuhin nya."
"Parang hindi naman yata patas yung buhay nila diba?"
"Ayaw ng asawa ni Mr. Trance na isama ang anak nya sa ibang babae sa bahay nila kaya ayun"
"Ang sama naman ng asawa ni Mr. Trance. Di man lang sya naawa 'don"
"Ang nakakalungkot nga lang ay ang dalwang mag kapatid ay naging bad boys"
"Bad boys?"
"Oo, sayang nga eh. Ang popogi pa naman nila pero lumaki silang ganon"
"Oh? Dito sila napasok?"
"Oo naman, si Nash at Travis" Napahinto ako ng marinig ang pangalan ng dalwang 'yon. Si Nash at Travis? Mag kapatid? Paano? How? Kaya pala sila nasa Party parehas dahil hindi sila mag pinsan,mag kamag anak dahil mag kapatid sila.
"Bakit ngayon ko lang na gets?" Pero si Tricia? sino sya?
"Si Tricia pala sino sya?"
"Si Tricia? Ex sya ni Nash" Hindi ko alam pero nainis ako bigla sa babaeng 'yon.
"Paano?"
"Si Tricia dito sya pumasok ng 4th year high school at naging sila ni Nash"
"So ba't sila nag break?"
"Balita sa buong Campus na, niloko ni Tricia si Nash. Ginawang panakip butas si Nash para maalis ang sakit na nararamdaman nya dahil kay Travis?"
"Kay Travis?" Sabi ko at napakunot ang noo.
"Oo, Si Travis ay kababata ni Tricia pero may gusto ito kay Travis, umamin sya kay Travis pero sinabi ni Travis na hindi nya ito gusto at kahit kailan ay hindi sya mag kakagusto"
"Ganon kasakit yung sinabi nya? Bakit kababata naman nya si Tricia ah?"
"Nainis si Travis dahil pinagkakalat ni Tricia na meron silang relasyon ni Travis, naniwala nga ako nung una 'non eh pero hindi pala. Dumating si Nash at tinulungan sya mag move on nito pero ang pag tulong pala ni Nash ay sya rin ang masasaktan, buong akala ni Nash na ka move on na si Tricia kay Travis pero hindi pala,umamin si Tricia na ginagamit lang nya si Nash para kalimutan si Travis, umalis si Tricia sa pilipinas at pumunta sa Seoul at 'don sya nag aral pero ngayon bumalik narin sya"
"Seoul dun din ako galing" Sabi ko "Siguro mag kaiba lang kami ng School na pinasukan." Sabi ko "Alam mo Den, ayoko na dun sa Tricia na 'yon..Ghad isang Nash Garcia sasaktan nya para lang maalis ang sakit na nararamdaman nya? Ang selfish nya naman 'non" Alam ko na ngayon kung bakit nya ako pinapalayo kay Travis at never ko syang susundin no.Lalo na nalaman ko ngayo na manloloko pala sya.Mang gagamit.
Kung ganon si Travis at Nash,sila ang may ari ng School na 'to kaya ba parang wala silang paki sa mga teacher?
Biglang nag vibrate ang cellphone ko.
From: Travis
Asan ka?
"Den mauuna na ako" Gusto ko pa naman malaman ang lahat lahat kaso panira 'tong si Travis.
Pumunta na agad akong Canteen, bigla kong nakita si Nash na nag lalakad, napatingin naman ako sa likod nya si Tricia.Ghad nag iinit yung dugo ko sa kanya.
"Nash" Sabi ko kay Nash at nginitian sya pero kumunot lang ang noo nito. Tiningnan ko si Tricia at nakahinto sya.So bakit sya nakahinto? Tumingin sya sakin pero umiwas ako ng tingin.
Nakita ko nalang na lumampas na si Tricia samin.
"Anong ginagawa mo? Don't dusturb me" Sabi nya at iniwan ako sa kinakatayuan ko.Suplado mo,pumasok nalang ako sa Canteen at una ko agad nakita si Travis pero umupo sa may harap nya si Tricia,lumapit nalang ako at nasa likod na ako ni Tricia na katayo
"Trevor,kumain kana ba?" Sabi nya kay Travis
"May iniintay ako" Sino naman ang iniintay nya?
"Sino?"
"You don't care about that"
"Gusto mo ibili kita?" Biglang tumingin sakin si Travis,Oo nandito na ako
"No thanks" Sabi lang nya habang nakatingin sakin at unti unti narin lumingon sakin si Tricia. "Tatayo ka nalang ba dyan?" Sabi nya kaya umupo ako sa tabi nya. Kumalam bigla ang sikmura ko "Ba't ka late?"
"May inasikaso lang" Sabi kong tipid
"And what?" Ba't ba ang dami nyang tanong?
"Basta" Sabi ko nalang,dami nyang knows eh.
"Bumili kana ng pagkain" Sabi nyang seryoso at kumuha sa wallet nya ng pera at binigay nya sakin.Napatingin ako kay Tricia at umiwas sya ng tingin sakin. Pumunta nalang ako sa counter para bumili. Bahala sya dyan, hotdog sandwich nalang ang bibilhin ko. Bumalik na ako sa upuan at inabot sa kanya ang hotdog sandwich. Bumili naman ako ng para sakin, fries. Mamaya na ako kakain ng kanin sa date namin ni Nash.
Napatingin ako kay Tricia at nakatingin sya kay Travis habang kumakain ito.Di parin sya naka move on?
"Tricia gusto mo?" Inabot ko sa kanya ang fries.
"No thanks" Sabi nyang tipid kaya kinain ko nalang.Ang ganda nya sa totoo lang. Bakit kaya hindi sya magustuhan ni Travis?Maganda sya,sexy at mayaman. So bakit hindi? Kung ako si Travis siguro nagustuhan ko na sya. Nagulat ako ng may tumulong luha sa mata nito at dali dali nya itong pinunasan ng kamay nya at tumungo sya,diko alam pero bigla akong naawa sa kanya.Ngayon alam ko na gusto nya parin si Travis. Bumuntong hininga ito "Trevor" Sabi nito at tumingin sa kanya si Travis "P-pede ba tayong mag-usap?" Sabi nya
"For what?" Seryosong sabi lang ni Travis "Kung tungkol lang ulit 'to sa dating nangyari,pede bang kalimutan mo nalang 'yon?" Tumango si Tricia at kumain nalang si Travis.Ngayon umaagos na ang luha nya at tumayo sabay takbo labas ng Canteen. Habang si Travis ay kumakain lang pero alam kong alam nya na nasasaktan si Tricia
"Bakit hindi mo sya pinagbigyan kausapin ka?" Tanong kong inis kasi di ko na talaga kayang hindi mainis sa kanya.
"Para san? Para masaktan lang sya lalo?" Sabi nitong seryoso
"Alam mo Travis, kababata mo sya at bakit ganyan ang ugali mo sa kanya?"
"Anong gusto mo? Sabihin ko sa kanya na gusto ko sya kahit hindi dahil kababata ko sya?" Sabi nya saking inis
"Alam mo ang makasarili mo" Sabi kong inis
"And you don't care about that" Sabi nyang seryoso kaya tumahimik nalanga ko baka kung ano pang masabi ko sa kanya, nakakainis talaga sya. "Bumalik kana sa room mo" Sabi nya sakin kasi mag titime narin pala.Kaya tumayo ako at umalis na sa canteen na 'yon.Ang sama ng ugali ng lalaking 'yon kahit kailan.
Pumasok na ako sa room ko at si Nash ang una kong napansin na tulala nanaman sa tabi nyang bintana. Umupo nalang ako.
"Nash" Sabi ko
"Tss,pwede ba tumahimik ka nalang kung walang kwenta ang sasabihin mo" Suplado mo
Umub-ob nalang ako.
****
napabangon ako, the hell? nakatulog ako? si Nash may date pa kami. Napatingin ako sa tabi ko at naka ub-ob sya at pinatong ko sa desk ang ulo ko at pinag masdan sya.Ang pogi nya kahit tulog.Napangiti nalang ako, di ako makapaniwala na isang katulad mo ay sasaktan lang ng isang babae,akala ko ikaw ang nanakit ng babae. Naisip ko yung sinabi ni Den,lumaki syang mag-isa at ang lungkot ng buhay nya.
Nagulat ako ng nag mulat sya kaya napatayo ako.Tiningnan nya ako at ang sama ng tingin nya sakin.
"Gising ka na pala" Sabi nya, iniintay nya akong magising kanina? "Tara na" Sabi nya at mag dadate kami?
Lumabas kami ng Room at biglang pumasok sa isip ko si Travis. Binuksan ko yung Cellphone ko.
5 messages..
From: Travis
Asan ka?
From: Travis
Pumunta ka sa gate,hihintayin kita
From: Travis
Umuwi ka na ba?
From: Travis
Hey, reply or papahirapan kita lalo.
From: Travis
C'mon Chesca, Where are you?
Sorry Travis, umuwi ka nalang muna.
Lumabas kaming dalwa ni Nash ng Building at nakita ko si Travis kaya napahinto ako,nag iintay nga sya at nakaupo sya sa unahan ng kotse nya, bakit hindi pa nya ako iwan?
"Bakit?" Tanong ni Nash
"Si Travis" Bumuntong hininga si Nash at nagulat ako ng akbayan nya ako at bigla syang nag lakad kaya napalakad nalang din ako.
Lumapit sakin si Travis ng makita ako at tumingin sya sa kamay ni Nash.
"Tara na" Hinawakan ako ni Travis sa braso ko pero nakaakbay parin si Nash. "Bitawan mo sya"
"She's my girlfriend"
"C'mon Nash,alam kong nag kukunwari lang kayo"
"Pero ngayon totoo na" Sabi nyang seryoso
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"
"Dude, kung ayaw mo di kita pipilitin" Tumingin si Travis sa ibang direksyon at bumuntong hininga.
"Bitawan mo na sya" Ngayon napaka seryoso na ni Travis at bigla na akong natakot sa kanya pero hinila ako ni Nash dahilan ng pag bitaw ni Travis at niyakap ako ni Nash gamit ang isa nyang kamay .
"Huwag mo syang pilitin kung ayaw nya namang sumunod sayo, hayaan mo sya mag enjoy" Napatingin ako sa kamao ni Travis at naka sara na ito. Binuksan ni Nash ang kotse nya na nasa unahan lang ng kotse ni Travis,hindi nag salita si Travis at hinayaan lang nya kaming makaalis. Asan na yung yabang nya? Bakit bigla nawala ang Travis na kilala ko ,ang Travis na gustong nasusunod lagi ang gusto nya? Napatingin ako sa sidemirror at nakatayo parin sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top