Chapter 6: Smile

{Chapter 6: Smile}

Chesca's Pov

Huminto kami sa isang bahay,hindi na 'to bahay.Mansion na 'to.Palasyo na 'to.

Ang daming tao sa loob pero mga nakaupo lang at ang gaganda ng suot nila.

"Humawak ka sakin" Seryosong sabi ni Nash. "Ays" Kinuha nya ang aking kamay at inikot sa braso nya,ghad.Pumasok kami sa loob,mas maganda ang loob nito.

"Nash" Sabi nung Mr. Trance. "Nice choice" Sabi ni Mr. Trance ng tumingin sya sakin. Napatingin ako sa pinto ng may lalaking pumasok. Bakit sya andito? Tumingin sya sakin at tiningnan nya ako paa hanggang ulo at bigla itong lumapit samin

"Marunong ka naman pala mag ayos" Sabi nyang seryoso at walang reaksyon sa sinabi nya,bakit sya ganyan? bakit lagi syang seryoso? ang pagiging seryoso nya ang nakakapagpatakot sa kanya.

"Travis,wag mong guguluhin ang party na 'to" Sabi ni Mr. Trance .Kung andito si Travis? Mag ka mag anak sila ni Nash?

"Of course Mr.Trance" Sabi nya

"Nash sumama ka muna sakin" Sabi ni Mr.Trance at inalis ni Nash ang kamay ko sa braso nya at umalis sya kasama si Mr. Trance.Nash ba't moko iniwan? Tumingin ako kay Travis at seryoso lang ang itsura nito.

"Tandaan mo na ako parin ang Master mo,kaya susundin mo ang iuutos ko" Sabi nya sakin na seryoso, nilapit nya ang muka nya sa tenga ko "You are Slave" Bulong nya sakin. "Sumunod kalang sakin" Nag lakad sya kaya naka sunod lang ako sa kanya.

"Travis" Sabi ng isang babae

"Hi Mom" Ang ganda naman ng Mama nya muka pang bata. Napatingin ako sa babaeng sumulpot sa tabi ng mom ni Travis,ang ganda nya.Kapatid ba sya ni Travis?

"Travis,Andito pala si Tricia" Sabi ng mom ni Travis at nakangiti.Bigla itong tumingin sakin at naging seryoso ang itsura.

"Travis..I miss you" Sabi nung Tricia at yayakapin sana si Travis pero umiwas 'to.

"Sino sya?" Seryosong sabi ng mom ni Travis

"Travis.Tara kumain?" Sabi nung Tricia

"No thanks" Sabi ni Travis na wala nanamang emosyon.

Kim Jennie as Patricia Mendez

"Chesca" Napatingin ako sa tumawag sakin si Nash,lumapit sya sakin at hinila ako.

"Bitawan mo sya" Napatingin ako kay Travis ng hawakan nya ang isa kong braso habang ang isa nyang kamay ay nakapamulsa.

"Sayo ko dapat sabihin 'yon" Sabi ni Nash na walang emosyon. Ba't ba lagi nalang silang seryoso?

"Nash?" Napatingin si Nash kay Tricia pero umalis din ang tingin nito.

"Bitawan mo na sya" Seryosong sabi ni Nash

"Ba't naman kita susundin?"

"Bibitawan mo sya o ako ang aalis sa kamay mo?" Natakot ako bigla kay Nash.

"So Go" Seryosong sabi ni Travis

Binitawan ako ni Nash at hinawakan nya si Travis sabay alis ng kamay ni Travis sa braso ko.Nagulat ako ng kuhelyuhan ni Travis si Nash.

"Walang gulong magaganap" Nagulat ako ng alisin ni Mr. Trance ang kamay ni Travis sa kuhelyo ni Nash,napatingin ako sa mom ni Travis at nakatingin 'to sakin at titig na titig sakin.Nakakatakot ang titig nya.

"Travis,sinabi ko na wag kang mang gugulo" Sabi ni Mr. Trance

"Ano pabang bago? Ako lang naman ang may kasalanan" Sabi ni Travis at sinagi si Nash sabay ng pag alis,susundan ko ba sya? Sumunod si Tricia at sumunod kay Travis. He's my master.Susunod na sana ako ng hawakan ni Nash ang kamay ko.

"Hayaan mo na sya" Sabi ni Nash na seryoso. Nag lakad ito sa isang lamesa at umupo,umupo narin ako sa tabi nya.

"Pede bang mag tanong? Sino si Tricia?" Tanong ko kay Nash at nagulat ako tumingin ito ng sobrang seryoso sakin.May mali ba akong nasabi?

"You don't care about her" Sabi nyang inis.

**

3rd Person's Pov

"Trevor wait" Sabi ni Tricia

"Don't follow me,stupid" Inis na sabi ni Travis sa kanya

"Sa ayaw o sa gusto mo susunod ako sayo" Huminto si Travis at umupo sa isang bench,tinabihan sya ni Tricia. Hinawakan ni Travis ang buhok nya "Galit ka nanaman?"

"I'm not" Sabi ni Travis na inis

"Seriously? Kilala kita Trevor,sa oras na humawak ka sa buhok mo alam kong galit ka.Because of Tito?" Tanong ni Tricia sa kanya

"Lagi nalang nyang nakikita yung nga pagkakamali ko" Sabi ni Travis na inis

"Trevor,alam mong ganon talaga si Tito. "

"To me"

"Hindi lang naman sayo"

"How about Nash, Tricia?" Galit na sabi ni Travis,bumuntong hininga si Tricia

"Trevor,bata palang tayo alam mo na kung bakit diba?"

"So how about me? his son?" Sabi ni Travis na sobra na ang galit. "Hindi ko alam kung paano ko sya tatawaging Dad"

"Trevor,Dad mo parin sya"

"I know Tricia, pero hindi nya ko tinuturing na anak,paano ko din sya ituturing na ama?"

Bumuntong hininga ulit si Tricia "Hindi ko alam kung paano mababawasan ang galit mo kay Tito Trance. Siguro naman tinuturing ka nyang anak,wala namang amang hindi gusto ang kanyang anak lalo na ikaw,ang gwapo mo kaya,matalino at talented"

"Pero sa mga mata nya kabaliktaran ang lahat ng 'yan"

**

"Nash,malalasing ka nyan" Sabi ni Chesca,dahil umiinom si Nash.

"Wala kang paki,lumayo kana sakin"

"No..Lasing kana nga" Sabi ni Chesca at hinihila si Nash pero masyado 'tong malakas kaya naitulak sya nito dahilan ng pagkalaglag nya sa sahig. Tumingin sa kanya ang ibang bisita kayabl tumayo sya agad.

"Pede ba iwan mo na ako dito" Sabi ni Nash na lasing.

"Ano bang gagawin ko sayong lalaki ka? Hindi ko naman alam na nag iinom ka pala" Sabi ni Chesca

"Please lumayo kana sakin" Sabi ni Nash na lasing na lasing na at tuloy tuloy parin sa pag iinom.

"Bakit ako lalayo sayo kung alam kong ganyan ang kalagayan mo? Nash naman, ikaw pa ang mag hahatid sakin pauwi eh" Sabi ni Chesca na inis

"You want money for Taxi?"

"Wag na..May utang pa nga ako sayong pera dahil da Uniform" Sabi ko

"Please leave me" sabi ni Nash kaya napairap nalang si Chesca sa inis

"Ano ba talagang problema mo? kanina ok kapa ah?"

"Gusto mo bang malaman?" Nagulat si Chesca ng lumabas ng mansion si Nash kaya dali dali nyang sinundan 'to.Umupo 'to sa may fountain.

"Nash akin na nga 'yan" Kinuha ni Chesca ang hawak nitong bote ng alak

"Ibalik mo nga sakin 'yan" Lasing na sabi ni Nash

"No..bakit kaba nag lalasing? "

"You don't care"

"I care" Sabi ni Chesca kaya napahinto sya

"May paki ka?" Sabi ni Nash na seryoso pero lasing "You worry about me?"

"Ghad Nash naman,umayos ka naman.Sinong mag hahatid sayo pauwi? Bawal kang mag drive"

"I can"

"You can't Nash" Sabi ni Chesca.

"Ba't ba nangingialam ka sakin? Buhay ko 'to"

******

Chesca's Pov

"Ba't ba nangingialam ka sakin? Buhay ko 'to"

Dahil may gusto ako sayo Nash.Lalo na nung araw na malaman ko na ikaw yung batang 'yon.Dahil sa pinapakita mo sakin ngayon,nililigtas mo ako kay Travis at feeling ko ikaw ang knight shining armor ko.

"Basta" Sabi ko sa kanya. "San ba ang address ng bahay mo?" Napatingin ako sa isang direksyon,dalwang tao na nag lalakad.

Si Travis at yung Tricia.

"Mag kapatid ba sila?" Tanong ko kay Nash

"Hindi" Ngayon napatingin na ako kay Nash at napaka seryoso na nya,parang hindi na sya lasing,bigla na akong natakot sa kanya.Kanina lang palasing lasing sya tapos ngayon seryoso nanaman sya.Tumingin sakin si Travis kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nash,nawala na ba ang pag kalasing mo?" Sabi ko kay Nash.Hinawakan ko sya sa balikat pero inalis nya agad ang kamay ko

"Umalis kana" Sabi nya sakin,pero ngayon parang hindi na sya lasing sa sobrang pag ka seryoso nya.

"P-pero---"

"Shut up,umalis kana" Nagulat ako ng sigawan nya ako,anong nangyayari sa kanya? "Umalis kana" Seryoso jyang sabi kaya umalis ako sa tabi nya at pumunta na sa daan.Bakit sya ganon? nakakatakot sya.Mag tataxi na ako,ghad wala akong dalang pera,mag lalakad nalang ako,hindi pede Chesca   hindi mo alam ang pasikot sikot dito sa lugar na 'to baka maligaw kapa.

Tumingin ako kay Nash at wala na sya sa may Fountain. Ghad hindi ko sya pedeng iwan dito,ilang beses na nya akong tinutulungan tapos iiwan ko lang sya. Tumingin muna ako sa daan tapos tumalikod para bumalik pero napahinto ako ng may nakaharang sa daan ko dahilan ng pag kauntog ko sa dibdib nya,unti unti akong tumingin sa kanya. Travis

"San ka pupunta?" Seryoso nyang sabi

"Kay Nash?"

"Dito ka lang,ako ang dapat sinasamahan mo dahil ako ang master mo" Sabi nya "Akala mo ba hindi ko alam na nag papanggap lang kayo ni Nash na meron kayong relasyon?" Sabi nya,hindi ko naman alam na sasabihin ni Nash na girlfriend nya ako,kahit ako nabigla lang dkn

"Si Nash kailangan ko syang balikan"

"Inaasikaso na sya ni Tricia "

******

3rd Person's Pov

"Inaasikaso?" tanong ni Chesca at nakaramdam sya ng inis.

"Tsk,ihahatid na kita" Sabi ni Travis sa kanya na sobrang seryoso kaya hindi na sya nakasagot. Biglang kumalam ang sikmura ni Chesca kaya tumungo ito sa hiya. "Stupid"

"Ano bang gusto mong pag usapan natin Nash?" Seryosong sabi ni Tricia kay Nash,nasa likod sila ng mansion para mag usap.

"About me and you" Seryosong sabi ni Nash

"Nash naman,alam mo namang matagal na 'yon.Isang taon na ang nakakalipas" Sabi ni Tricia sa kanya at nagulat sya ng itulak sya ni Nash sa pader at kinulong sa braso nito.

"Bakit Tricia?"

"Nash ang tagal tagal na---" Sinuntok ni Nash ang pader at akala ni Tricia ay sya ang masusuntok.

"Ang tagal na nga pero bakit yung sakit na iniwan mo sakin hindi ko malimutan,hindi kita malimutan" Sigaw ni Nash

"Nash lasing ka"

"Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko at sinasabi ko Tricia"

"Nash naman,pede bang kalimutan mo na ang lahat" Nakatungong sabi no Tricia

"Kalimutan? Paano? Madali lang para sayo sabihin 'yan dahil hindi ikaw ang nakakaramdam" Sabi ni Nash na galit,kaya napaiyak nalang si Tricia. Inalis ni Nash ang braso nya sa pader at tumalikod kay Tricia at ginulo ang kanyang buhok "Isang taon kong sinubukan na kalimutan ka pero hindi ko maggawa,nung gabing 'yon hindi na maalis sa isip ko lahat ng sinabi mo,bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" Humarap ulit sya ay Tricia na umaagos ang luha

"Sorry"

"Bakit hindi nalang ako yung gustuhin mo Tricia?"

"Sinubukan kong gustuhin ka pero hindi ko kaya na niloloko ka dahil may gusto akong iba" Sigaw nito

"Tama ka,gusto mo sya pero hindi ka nya gusto Tricia."

"I don't care kung gusto man nya ako o hindi basta ang alam ko lang ay ang gustuhin sya"

"At ako? Ok lang sayo na masaktan ako? ok lang na kalimutan mo ang lahat ng ginawa ko para sayo?"

"Nash hindi ko naman kinalimutan ang lahat ng 'yon" Naiyak na sabi ni Tricia "Nung gabing 'yon,sinabi ko lang ang lahat ng totoo kong nararamdaman pero hindi ko kinalimutan ang lahat ng ginawa mo paro sakin"

"pero hindi mo pinapahalagahan ang lahat ng 'yon" Sigaw ni Nash

"Tinigil ko ang meron satin dahil ayokong lokohin ka"

"Bakit nung araw na sinaktan ka nya,sinubukan ko bang tumigil na pasayahin ka para lang maalis yang sakit na nararamdaman mo"

"sorry Nash"

"Sana hindi nalang kita pinasaya at tinulungan ng araw na 'yon,sana pinabayaan nalang kita kung alam kolang na sa bandang huli ako ang masasaktan"

******

Chesca's Pov

Kulang nalang ay pati plato ay kainin ko. Gutom na gutom talaga ako.

"Are you done?" Sabi ni Travis kaya tumango nalang ako,tumayo sya at lumabas ng restaurant kaya sinundan ko nalang sya

Sumakay kami sa kotse nyang pula.

Habang naandar ang kotse nya ay feeling ko ay ang sarap ng pakiramdam ko, ang sarap sa pakiramdam ng hangin kaysa sa aircon.Binuka ko ang palad ko at niraramdam ang hangin,ang sarap sumakay sa kotse nya.

Napahinto kami dahil nanaman sa Traffic.Biglang pumasok sa isip ko si Nash, kamusta na kaya sya? Nakauwi na kaya sya?

"Simula ngayon,hindi ka na lalapit kay Nash" Napatingin ako Travis ng bigla itong mag salita. "Naiintindihan mo ba ako?" Baliw ba sya? Ako iiwasan si Nash? No way.Never.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Napahinto ako sa pagsasalita ko ng masagot ko sya.Ngumiti ito sakin at nag drive na sya ulit ng mawala bigla ang traffic. Wait..Kinusot ko ang mata ko, ngumiti ba  talaga sya sakin? Huminto na kami ng makarating na kami sa bahay ko. Bumaba ako na parang wala sa sarili at narinig ko nalang ang paglayo ng kotse nya. Ngumiti ba talaga sya?

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nag bihis ng pang bahay, humiga ako sa kama at tulala sa taas.

Paulit ulit sa isip ko ang pag ngiting nyang 'yon,ba't di maalis sa isip ko? nakakainis yung ngiti nyang 'yon,nakita ko na syang ngumiti pero ngiting inis,ibang iba ang ngiti nya kanina kanina,nilagyan ko ng unan ang muka ko.

"Chesca,lahat ng tao ngumingiti" Sabi ko sa sarili ko

Ok kakalimutan ko na ang ngiting 'yon, pag bilang ko ng tatlo diko na iisipin 'yon.

1.....2.....3......Ghad,hindi ko kaya, ang gwapo nya nung oras na 'yon nakakainis..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top