Chapter 5: Party
{Chapter 5:Party}
Chesca's Pov
"Here" Hinagis nya ang bag nya sakin at nahulog ako sa sahig sa sobrang bigat ng bag nya.
Tiningnan ko sya at nag lalakad na sya palayo sakin,hindi nya man lang ako tinulungan tumayo at inintay.
Napatingin ako ng may biglang may sumulpot na kamay sa harap ko. I look at him,kumapit ako sa kamay nya at itinayo nya ako. Kinuha nya ang bag ni Travis at dinala.
"Don't follow him" Sabi nyang seryoso,paano ko hindi susundin ang lalaking 'yon? sa oras na 'to parang hawak nya ako
"I can't"
"Pahihirapan ka nya" Sabi nya
"Kaya ko Nash"
"You can't, hindi mo sya kilala"
"Kilala ko na sya."
"Ang gusto lang nya ay ang makuha ang gusto nya" Sabi ni Nash na napaka seryoso
"Kailangan ko syang sundin hanggang sa graduation,akin na ang bag nya" sabi ko sa kanya pero dinala nya ito.
"Tss,ako na ang mag dadala" Sabi nya at nag lakad sya kaya sinabayan ko na sya. Hanggang sa makaabot kami sa room ni Travis at nakasandal lang si Travis sa pader malapit sa room nya.
"You are my slave and he's not" Seryoso nyang sabi at tumingin sakin ng seryoso,seryosong tingin na nakakatakot na parang kaya nya akong patayin gamit ang titig nya.
"Masama bang tulungan ko sya?" Hinagis ni Nash ang bag kay Travis at nasalo 'to ni Travis gamit ang isang kamay, samantalang ako halos maputol ang braso ko sa bigat ng bag na 'yon.
"She's my Slave and I'm her master"
"She's my girlfriend and I'm her boyfriend" Napatingin ako kay Nash, anong sinasabi nya? "Masama bang tulungan ang girlfriend ko?"
"Shut up,hindi ikaw ang binayaran ko.Ikaw mamaya sa Canteen" Sabi nya sakin at pumasok sya sa room nya. Tiningnan ko si Nash at nag lalakad na sya palayo sakin kaya tumakbo ako para sabayan sya.
"Salamat sa pag dala ng bag nya" Sinuot nya ang headphone nya na nasa leeg nya, minsan diko rin sya maintindihan.Kanina nakakausap ko pa sya pero ngayon suplado nanaman sya. Inalis ko yung headset nya. "Hindi karin bastos no?" Sabi ko sa kanya "Oo nga pala,ano yung nakita ko kahapon? Bakit nakikipag away ka?"
"You don't care"
"Oo nga pala Nash,kahapon anong ginawa nyo sa Room? Anong topic nyo?"
"I don't know,ba't kaba nag cutting?" Sabi nya dahilan ng pag tingin ko sa kanya,paano nya nalaman? "Nag test kami kahapon" Sabi nya.
"Seryoso? o my ghad,seryoso kaba? pede pabang kumuha ng test? anong subject? sinong teacher? siguro naman pede pang humabol diba? hindi naman yata ganon kahirap ang tinest nyo tama?----"
"Don't worry,i'm just kidding" Nakahinga ako ng malalim sa sinabi nya. "Alam mo,isa kadin sa naging bitikma nya" Sabi nyang seryoso "Isa kadin sa babaeng papahirapan nya at gagawing alipin"
"I know,pero hindi naman mag tatagal. Hanggang graduation tapos lalayo na ako sa kanya"
"Graduation?" Tanong nya at mukang takang taka "Ang tagal naman yata? Ikaw palang ang babaeng matagal nyang gagawing alipin nya"
"Hindi ko maintindihan"
"nevermind"
"Kung tutuusin kulang pa ang ginagawa ko sa kanya dahil sa ginawa nya sakin"
"What is that?"
"Nevermind"
"Kung ano man 'yon,mali ka.Ang pag bayad nya ay susuklian mo ng labis labis" Sabi nya na walang emosyon ang boses.
Nakarating na kami sa room at pumasok na sya kaya pumasok narin ako at umupo sa tabi nya.
Chesca ano ba 'tong pinasok mo?
Tumingin ako kay Nash pero katulad ng dati ay tulala lang sya sa may bintana.
Si Den.Si Den pala,mamayang Lunch.Kakausapin ko sya sa may rooftop pero paano si Travis? Siguradong patay ako 'don kung hindi ko sya pupuntahan.Ayoko namang pag hintayin si Den sa rooftop pero hindi naman ako dadating,pupuntahan ko muna sya tapos sasabihin ko nalang sa ibang araw nalang kami mag usap.
****
From: Travis
Canteen,exact time.Don't be late.
"Pupuntahan mo na ba sya?" Seryosong sabi ni Nash,alam ko na.
"Nash pwedeng pahingi ng pabor?" Kumunot ang kanyang noo. "Si Den,basta pumunta ka sa rooftop tapos sabihin mo sa babaeng andon,sa susunod na kami mag usap" Sabi ko at hindi na sya inintay sumagot,pumunta na agad ako sa Canteen.
Nakita ko agad sya na nakaupo at nainom ng soda,mahilig ba sya sa Soda? Halos iyan lang ang kanyang pagkain.
Umupo ako sa may tapat nya.
"Naka order kana?" Tanong kong seryoso
"Hindi ako kakain" Sabi nyang walang emosyon "Sumama ka sakin" Nag lakad sya at sinundan ko sya papunta sya sa isang pinto dito sa Canteen.
Pumasok kami sa loob at may dalwang babaeng nag luluto,dito ba lutuan dito? "Sa loob ng 1 linggo ikaw ang mag liligpit" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya "Iyan ang parusa mo sa ginawa mo kanina"
Wala naman akong ginawa ah? tinulungan lang ako ni Nash,masama ba 'yon?
Umupo sya sa isang upuan at tiningnan ako ng seryoso na para bang sinasabi ng kanyang mata na mag simula kana. Umalis na yung ibang nag luluto at nag liligpit.
Ghad,sinimulan ko nalang na magligpit.Nakakainis,isang plato ngalang ang nililigpitan ko sa bahay tapos dito san damakmak.Sya kaya ang mag ligpit.
"Bilisan mo,madami pa 'yan.Baka malate ka sa next subject mo" Oo,malalate ako ng dahil sayo.
Nang matapos ko ay nag hugas na ako at tiningnan ko sya,tumayo sya at lumabas na.Lumabas na kami ng Canteen at may 10 mins pa ko.
May pupuntahan paba sya? San nanaman sya pupunta? Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa Garden at humiga nanaman sya may ilalim ng puno,hobby nya ba 'yan? Ang paghiga sa may ilalim ng puno? Umupo nalang ako sa bench dito.
Gwapo sana sya kung hindi lang masama ang ugali nya.Biglang tumunog ang cellphone na katabi nya. May natawag. 'Tricia'
Gigisingin ko ba sya? Bahala na.
"Travis.." Naalala ko na sabi nya sakin na Trevor ang itawag ko sa kanya pero mas sanay na ako na Travis ang itawag sa kanya. Minulat nya ang kanyang mata "May tumatawag sayo" Umupo sya at sumandal sa may puno at inend call lang nya yung tawag na 'yon.
Napatingin ako sa gate ng mag bukas ito at pumasok ang itim na kotse.
Huminto ito malapit sa may Fountain.
Bumaba ang isang lalaking sa tingin ko ay siguro nasa 45 na? Yung suot nya mukang mamahalin,siguro sya ang may ari ng School na 'to.Napatingin ako kay Travis at seryoso lang 'tong nakatingin 'don. Tumayo ito at lumapit sa lalaking 'yon,iniwan nya ako.Sumunod nalang ako sa kanya.
"Asan si Nash?" Tanong ng lalaking 'yon sa guard.
"Ako hindi mo ba hahanapin?" Sabat ni Travis kaya tumingin ang lalaking 'yon sa kanya. "Mr.Trance" Sabi ni Travis ulit na walang emosyon.
"Patawag si Nash" Sabi nung Mr.Trance sa guard at dali daling tumakbo yung guard.
"How about me Mr. Trance? Hindi mo ba ako kailangan?"
"Hindi ikaw ang hinahanap ko" Seryosong sabi nung Mr. Trance.
Napatingin ako sa lumabas ng building ng Senior High.Hinahangin ang buhok nya habang palapit ng palapit dito,bat ba kasi ang gwapo nya?
"Anong kailangan nyo sakin?" Wala man lang po? Ghad Nash wala kang galang
"Eto" May binigay si Mr.Trance kay Nash na isang sobre. "Kung gusto mo ay pumunta ka"
"Ano 'yan?" Kinuha ni Travis yung sobre kay Nash at binuksan "Ow. Invitation? Para lang sa Pamilya? Kamag anak? "
"Travis,stop" Seryosong sabi ni Mr. Trance
"How about me Mr. Trance?" Sabi ni Travis na inis.Tumingin sakin si Mr. Trance
"Who are you?" Sabi nya sakin,napatingin ako sa kamay ni Travis at hahawakan nya sana ako pero may biglang may humila sakin at inakbayan ako.
"Dad,she's my girlfriend" Sabi ni Nash.
"Kung gusto mo ay isama mo sya" Sabi ni Mr. Trance at sumakay na sa itim nyang kotse.Napatingin ako kay Travis at seryoso lang syang nakatingin sakin.
"Tara na" Sabi nya sakin
"Sasama sya sakin ngayon." Sabi ni Nash
"Seriously?"
"She's my girlfriend at isasama ko sya sa Party kaya bibili kami ng susuotin nya ngayon.Mamaya na yung Party" Sabi ni Nash at tumalikod na sakin si Travis
"Enjoy" Sabi nya at nag lakad na palayo.
"ano bang sinasabi mo? hindi mo ako girlfriend."
"Ngayon,girlfriend na kita" Ano 'to? Sya ang masusunod? Hinila nya ako at may isang kotse ang naka park na kulay Yellow. Sinakay nya ako 'don at nag drive na sya sabay nag pagbukas ng gate.
Huminto kami sa malaking Mall,seryoso ba sya? bibili kami ng susuotin ko? Wala akong pera.
Sumunod nalang ako sa kanya at pumasok kami sa napakadaming damit at ang gaganda.
Napatingin ako sa isang dress na kulay pink at lampas paa sya,ang ganda nya.
"Ay ma'am,bagong labas lang po 'yan" Sabi ng isang babae at sa tingin ko nag titinda sya dito "Sigurado po akong bagay sa inyo 'yan"
"Ah.Sorry po pero----"
"Kukunin na namin" Sabi ni Nash pero walang emosyon ang boses nya
"Sige po Sir"
"Here" Pinakita sakin ni Nash ang hawak nyang sandal na makulay grey. "Isama mo na 'to"
"Sige Sir"
"Nash,hindi naman ako pupunta sa Party"
"Pupunta ka " Seryoso nyang sabi. "Intayin mo nalang ako sa labas" Sabi nya kaya sinunod ko sya,pumunta ako sa harap ng kotse at umupo sa unahan.
Ilang minuto ay dumating na sya na may dalang kung ano.Ibinigay nya sakin 'yon.
"9pm mag sisimula ang party,susunduin kita"
"Nash,ayokong pumunta sa Party,hindi ako kabilang sa pamilya nyo at diko kayo kung ano-ano"
"Tss,9 pm" Bumaba ako ng kotse at pinaandar nya na 'to agad.Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa bahay ko.
3 palang may 6 hrs pa ako.Ano naman ang alam ko sa pag aayos? Nag vibrate ang cellphone ko na nasa kama.
From: Travis
Ba't gusto mo lalong pinapahirapan?
Diko naman ginusto 'to ah..
Ano kayang gagawin ko muna? Bakit ba kasi ako kinakabahan? Ano ba kasing naisipan ni Nash.
Tumingin nalang muna ako sa salamin,ghad. Chesca anong gagawin mo? Mag ayos na kaya ako? Oo tama.
Sinuot ko na yung Pink Dress at sinuot ko yung Sandal,tumingin ulit ako sa salamin na pang whole body. Ang ganda talaga ng dress na 'to. Napatingin ako sa brown hair ko. Ang gulo ng buhok ko.
Tinali ko 'to.Ok lang kaya ang itsura ko? Hays.
Kinakabahan ako,alam ko na ang mga tao 'don ay mayayaman,maganda,magagara ang suot. Alam kong maganda 'tong damit na 'to pero parang hindi nababagay sakin 'to.
Umupo muna ako sa kama ko,hays. anong gagawin ko? Inalis ko ang sandals ko,humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang muka ko.
**
Napamulat ako at napabangon ako bigla,anong oras na? 8pm? Hala di pa ako nakakaayos.
Biglang may busina kaya binuksan ko ang pinto at bumaba sya ng kotse nya at lumapit sakin.
"Anong ayos 'yan?" Seryoso nyang sabi sakin. Hays kinuha ko sa kwarto yung sandals at sinuot ko,inayos ko nalang ang pagtali sa buhok ko.Bumalik ako papunta sa kanya.Pumasok na sya sa kotse nya kaya pumasok narin ako.
Huminto kami sa---ha?
"Bakit dito?"
"Papaayusan kita,hindi kita pedeng isama ng ganyan ang itsura" Sabi nya sabay baba.Bumaba narin ako.
Pumasok kami sa loob.
"Goodmornig Sir and Maam" Sabi ng isang bakla "So ma'am ikaw ba ang aayusan?" Tumango nalang ako. "Maupo ka" Si Nash nakasandal lang sa may pinto.
Umupo ako at nakaharap sa salamin.
"Gwapo ng boyfriend mo ha" Sabi mg baklang nag aayos sakin
"Ah..hindi ko sya boyfriend" Sabi ko at ngumiti
"Totoo? Edi may chance pa ko?" Napatawa ako sa sinabi,chance? hindi nga sila mag kakilala e.
Napatingin ako sa itsura ko at hindi ko alam kung ako ba talaga 'to.Yung dulo ng buhok ko ay nakakulot.Ang pretty ko.
"Tapos na" Sabi nya..Umalis na ako sa pagkakaupo at nag bayad si Nash.Sumunod lang ako kay Nash ng sumakay sya sa kotse nya.
"Nash,hindi mo naman kailangan gumastos" Sabi ko sa kanya,sya na ang bumili ng damit ko.Pinaayusan nya pa ako,ano kayang itsura ko para sa kanya? "O-ok lang ba ang itsura ko?"
"Mas ok kaysa sa kanina" Seryoso nyang sabi.
9pm na? Bigla tuloy akong kinabahan lalo.Huminto kami ng Traffic.Sana di na umusad 'to.
Ang dilim na talaga.
"Nash pede bang ibaba ang bintana dito? Gusto ko ng hangin" Pinatay nya ang aircon nitong kotse at binaba ko na ang bintana,kinakabahan talaga ako.I need air.Tumingin akonkay Nash at ano pa bang aasahan ko? edi ang muka nyang walang ekspresyon.
Napatingin ako sa isang kotse na pula,ang ganda ng kotse pero parang nakita ko na 'to noon.
Napatingin ako sa driver 'non at naka shade,napataas ko ang bintana ng kotse ni Nash.
"Bakit?" Seryosong tanong ni Nash
"Nilalamig na ako" Sabi ko, ghad si Travis.Sabi na nga ba sa kanya yung kotse na 'yon .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top