Chapter 4: Slave
{Chapter 4: Slave}
Chesca's Pov
"Dalhin mo 'to" Ng makababa kami ng kotse nya ay hinagis na nya sakin ang bag nya at halos mahulog na ako sa sahig.
Kahapon lang parang walang laman 'to tapos ngayon sobrang bigat. Pinapahirapan nya ba ako?
Nakasunod lang ako sa kanya habang nag lalakad sya papunta sa room nya.
Nagulat ako ng may bumangga sa kanyang babae dahilan ng pagkabasa ng Uniform nya. Dahan dahan nyang tinitingnan ang babae.Kumuha ng panyo ang babae at pinahiran ang uniform ni Travis pero si Travis ay bumuntong hininga at ramdam ko ang kanyang pagkainis.Nakapamulsa lang sya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Kahit anong punas ang gawin mo dyan hindi mo maalis 'yan" Sabi ni Travis na sobrang lamig ng boses at nakatingin parin sa ibang direksyon
"Travis,Sorry sorry talaga" Ewan ko kahit wala pang ginagawa si Travis ay paiyak na sya "Please,patawarin mo ko" Sabi ng babae na patuloy parin pinupunasan ang damit ni Travis.
"Patawarin? Paano kung sabihin ko sayo na ayoko?" Sabi nyang seryoso at tumingin na sa babae,napaatras ang babae at sobrang higpit ng hawak sa panyo nya.
"Travis,sorry" Sabi ng babae "Hindi ko naman s-sinasadya"
"Sa dami daming taong makakabangga mo,bakit pa ako?" Nagulat ako ng lumapit si Travis sa babaeng 'yon. "Akin nayan" Kinuha nya sa babae ang Soda nitong dala. At binuhos sa buhok nito,nakatungo lang ang babae habang umiiyak. "More?" sabi ni Travis na sobrang seryoso.
"Travis,wala na akong extra Uniform"
"Anong gusto mong gawin ko?" Sabi nya at bigla kong naalala ang sarili ko sa kanya.
"Please,Travis"
"Stop it" Sigaw ko kay Travis at saktong bubuhusan na nya ang babae pero napatigil sya,humarap sya sakin.
"Stop it?"
"Hayaan mo na sya"
"Seriously? Nag papatawa kaba?"
"I'm not" Seryoso kong sabi sa kanya
"I'm your master"
"Ako nalang,ako nalang ang parusahan mo" Duh.kung hindi ako mabait hindi ko gagawin 'to.Tumakbo na ang babae na binunggo si Travis.
"Are you sure?" Lumapit sya sakin.
"I'm sure,gawin mo na kung anong gusto mo" Sabi ko sa kanya kahit ang totoo lang ay natatakot ako.
"Ok sure" Sabi nya at napapikit ako ng lumapit na sya sakin.
Ha? Wala? hindi ako nababasa.
0_-
Minulat ko na ng tuluyan ang mata ko at nag lalakad na sya palayo sakin,hinabol ko sya dahil na sakin ang bag nya.
Bakit ba ang bigat nito? Nasa likod lang nya ako at sumusunod sa kanya, ayoko ngang tabihan sya.Nakakatakot sya, pero sa tingin ko may bait naman sya. Di nya ako binuhusan.
"Ayoko sa lahat ng nangingialam sa ginagawa ko" Sabi nyang seryoso pero tuloy parin sya sa paglalakad. "Hindi ko papalampasin ang ginawa mo" Anong ibig nyang sabihin? "Dahil sa ginawa mo, d-doblehin ko ang mararamdaman mong hirap"
"Doble?" Huminto 'to sa paglalakad kaya huminto rin ako,lumapit sya sakin at akala ko kung ano ang gagawin nya sakin pero kinuha lang nya ang bag nya sakin. "Sa oras na suwayin mo ko,lalong hihirap ang pag tratrabaho mo sakin" Sabi nya at nilagay na sa likod nya ang bag nya sabay layo sakin.
Habang nag lalakad ako papunta sa room ko ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa sinabi nya, ngayon parang nag sisisi na akong tinanggap ko ang kanyang offer,siguro tama nga si Vor ang dating bully kong kaklase.
"Kahit anong pagpanggap mong tapang ay alam mo parin natatakot ka"
My ghad.
Di ko na kaya.
Ayoko na.
Natatakot na ko.
Anong mangyayari sakin?
Mali ako.
Pumasok na ako sa room ko ng makarating na ako.Napatingin ako sa katabi ko.Nag susulat sya sa Notebook nya at nakasulat dito ay.... Nash
Galing nya palang mag design.Gamit lang ang black ballpen.
"Pedeng paggawa?"
"Hindi" Ang bilis ng sagot nya ha.
"Chesca lang"
"If you want,gumawa ka ng sayo" He said.Bakit ba lagi nalang syang ganyan?
"I can't,di ako marunong" Sabi ko pero hindi nya ako pinapansin "Please?" Hindi man lang sya sumagot sakin.Why so suplado Nash? "Nash, Chesca lang naman ah.Ba't ang damot mo? "
"Bakit ba lalo kang dumaldal simula ng sabihin ko sayo na ako yung batang 'yon?" I don't know why Nash,pero sa tingin ko ngayon alam ko na.Dahil nalaman ko na ikaw 'yon.Gusto na kitang makita at makusap araw araw.
"Isa lang naman---"
"Shut up" Biglang natikom ang bibig ko sa sinabi nya. Ang attitude talaga.
"Ayoko" Sabi ko sa kanya "Alam mo bang hinanap kita,inintay nung bata tayo"
"So whatever?" Napairap nalang ako sa hangin. Nakakainis sya.
"Hindi kita malimutan,that day."
"Iba na ko,hindi na ako yung batang nag ligtas sayo"
"I don't think so"
"transfer ka kaya hindi mo alam,wala kang alam sakin." He said.
"Ano bang dapat kong malaman sayo?"
"Can you please stop?" I can't stop,sorry Nash.
"I don't want"
"I said,stop" Nagulat ako ng kuhelyuhan nya ako,ngayon hindi na talaga ako makakapag salita,lahat ng mata ay nakatingin samin.
"Nash,nasasakal ako" Sabi ko,inalis nya ang pagkakahawak nya sa kuhelyo ko at lumabas sya ng room.Napahawak ako sa leeg ko,ghad? anong nangyari sa kanya? anong problema nya? babae ako at bakit sya pumapatol sa babae?
Gusto ko syang habulin pero natakot ako bigla sa kanya dahil sa ginawa nya.Ghad.
****
Lumabas ako ng room ng mag lunch na.Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko ng mag vibrate.
From: Travis
Canteen.
Napabuntong hininga nalang ako,pasalamat sya at alam ko na kung nasan ang Canteen kung hindi,hindi ko sya pupuntahan 'don.
Habang nag lalakad ako papuntang canteen ay may nag kukumpulan sa isang gilid.Bigla ulit nag vibrate ang cellphone ko.
From: Travis
Faster.
Hays.Isang silip lang sa mga taong nag kakagulo tapos pupunta na akong Canteen promise.
Sumiksik ako papunta sa may unahan ng mga taong nag kukumpulan.
"T-tama na" Sabi ng lalaking dugo na ang labi habang nakahiga sa sahig,di ako makapaniwala na nagagawa nya 'to. Seryoso lang sya habang nakatingin sa lalaking nakahiga na sugatan dahil sa kanya. "Maawa ka"
"Ikaw ang nag hamon" Sabi nyang seryoso at biglang sinipa ang lalaking nakahiga,paano nya nagagawa 'to?
"Please tama na.Nash" Ghad,ba't ba kasi ang mamaawain ko?
Mag lalakad na sana ako papalapit sa lakaking bugbog na pero may pumigil sakin at hinawakan ang akin braso.Nagulat ako ng hilahin nya ako palayo 'don.
"I said Canteen" Sabi nyang seryoso.
"Wait.Si Nash" I said pero hindi man lang nya ako nililingon. "May binubugbog sya"
"Labas kana sa problema nila" Sabi nyang napakalamig ng boses
"P-pero---"
"Can you please stop? Master mo ko sundin moko" Ba't ba lagi nalang nya sinasabing master ko sya? Alam ko nanaman 'yon ah.
"Ok fine,bitawan mo na ko" Sabi ko sa kanya pero hindi man lang nya ko binitawan at lalo pag humigpit ang hawak nya sakin, nang makarating na kami sa canteen ay umupo na kami sa bakanteng table.Tumayo ako para ibili sya. "Anong bibilhin ko?" Tanong ko sa kanya
"Egg sandwich and Soda" Sabi nyang walang emosyon.
"Yun lang?"
"May iba paba akong sinabi?"
Napairap nalang ako sa inis, parang kinokontrol nya ko.
"Egg sandwich and Soda" Sabi ko sa nag titinda at kinuha ko na ng iabot sakin.
"Halos patayin nya na 'yon" Napatingin ako sa dalwang babaeng nag uusap habang nabili. "Kawawa naman 'yon"
"Kasalanan din naman nya no, sinugod sugod nya si Nash wala naman palang gawa" Ghad, bakit ganyan ka Nash?
Pumunta na ako sa upuan kung asan ang aking 'master' duh..
Tumingin ako sa paligid at halos lahat nakatingin samin at may iba pang nag bubulung bulungan.
"Hayaan mo sila" He said.
"Pwede bang mag cr?" I ask
"No" He said with serious tone.Ghad? pati ba naman ang pag ccr ko ay hindi pede?
"Naiihi na ko, Travis"
"Umihi ka dyan" The hell? Seryoso ba sya? Akala mo totoo sa sobrang seryoso nyang mag salita
"Ano ba Travis? Ihing ihi na ko"
"Fine. Hurry" Lumabas na agad ako ng Canteen, ghad thank you. Pumunta na ako ng Cr at nag hugas ng kamay,pagkatapos ay humarap lang ako sa salamin. Hindi naman ako naiihi ayoko lang ng issue.
"Transfer?" Napatingin ako sa babaeng nag lilipstick habang nag sasalamin
"Paano mo nalaman?"
"Paano? Are you kidding me? Usap usapan ka dito. Lagi mong kasama si Travis at ang tingin ng lahat ay may relasyon kayo"
"What? No way"
"I know, may girlfriend bang sya ang nag bubuhat ng bag ng boyfriend nya? So crazy naman diba kung ganon?Pinapahirapan ka ba nya?"
"Pinapahirapan?"
"Oo,kilala ko sya at lagi syang may kasamang babae at paiba iba.Ginagawa nyang alila at sunud sunuran sa kanya, specially sa mahihirap na estudyante.Ginagamit nya ang pera nya sa gusto nya."
"Ba't nya ginagawa 'yon?"
"For just fun? Gusto nyang nakukuha ang gusto nya .A bully, isa sa prince ng Campus. Everyone was afraid of him" He's a badboy? "Kung ako sayo mag iingat ako at kung ano man ang binigay nya sayo para maging sunud sunuran ay ibalik mo na 'to"
"Malaki ang naibigay nya sakin at hindi ko na kayang bayaran 'yon" Sabi ko
"So Goodluck, I'm Den"
"I'm Chesca"
"I know"
"Pede bang sabihin mo sakin ang lahat ng meron dito sa School na 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman"
Biglang nag vibrate ang cellphone ko.
From: Travis
....................
Ghad,kahit puro tuldok lang ang txt nya alam kong naiinis na sya.
"Den pede bang bukas? Lunch?" Sabi ko "Sa Rooftop"
"Sige" Umalis na ako ng Cr at saktong paglabas ko ay nakasandal sya sa pader.
"You're so slow" Wala pa nga akong 5 minutes,ba't ba ang inipin nya? Pinuntahan nya pa talaga ako dito?
"Sorry"
"Sundan mo ko" He said,nag lakad sya palabas ng building at san naman sya pupunta? Nagulat ako ng lumabas sya ng gate pero hindi man lang sya sinita ng guard.Lalabas na sana ako ng gate.
"San ka pupunta?" Sabi ng guard.
"Kasama ko sya" travis said
Sumakay si Travis sa pula nyang kotse at sumakay narin ako.
"San tayo pupunta?"
"Cutting" Nagulat ako sa sinabi nya
"Ano bang gusto mong gawin sa buhay? Pede bang hindi na ako sumama?"
"You are my Slave"
"Pero? Pag aaral ko na yung sisirain mo?"
"And? I don't care about your future"
"Travis"
"Shut up" I hate you Travis. "Last,Don't call me Travis" Anong itatawag ko sa kanya?
"Anong itatawag ko sayo? Master?"
"Trevor"
Huminto ang kotse sa malimlim na lugar.Bumaba sya at pumunta sa isang malaking puno at humiga? Bumaba ako at pumunta sa kanya
"Bakit tayo andito?" I ask
"Gusto kong mag pahangin at mag pahinga" Sabi nya habang nakapikit, nag cutting lang kami dahil dito? bakit hindi nalang sya mag pahinga sa School?
Napaupo nalang ako sa damuhan habang sya'y nakahiga.Tulala lang ba ako dito habang inaantay syang magising? Humiga ako sa damuhan at bumuntong hininga, hanggang graduation tapos nito ay wala na.
College na ako sa susunod at hindi na sya makikita,sisiguruduhin kong hindi na ako lalapit sa kanya pag nag graduation na.
Pinikit ko ang dalwa kong mata.
***
Napamulat ang aking mata at parang pababa na ang araw.Napaupo agad ako,nakatulog ba ako? Tumingin ako sa kanya at nakasandal sya sa puno habang iniinom ang soda nya na nasa lata.
"Gising ka na pala" Ba't hindi nya ako ginising?
"Kanina kapa gising?"
"Kanina pa" Sabi nyang walang emosyon at uminom ng soda. Tumayo ako at inayos ang Uniform at pinagpagan.Sumakay sya sa kotse nya kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Tahimik lang kami habang sya'y nag dridrive.
"Alam mo na" Napatingin ako sa kanya at seryoso lang syang nag dridrive. "Kaya kaba ganyan?" Malamig nyang sabi sakin "Alam mo na kung sino ako at kung sino ako sa School" Oo,tama sya dati nasasagot ko pa sya pero ng malaman ko na isa syang Bad Boy ay triple na ang takot ko sa kanya. "Natatakot kaba sakin?" Tumingin sya sakin ng saglit at tumingin na ulit sa daan.
Noon nakapag sinungaling ako sa kanya na hindi ako takot sa kanya pero ngayon? hindi ko kayang itanggi na takot ako sa kanya,kaya hindi nalang ako sumagot sa kanyang tanong.
Huminto na ang sasakyan nya sa bahay ko,pababa na ako at nagulat ako ng umandar sya at nahulog ako sa baba,huminto sya ulit. Ghad ang sakit. Bumaba sya sa kotse nya at sumandal sa unahan nito.
"Takot ka ba?" Sabi nyang seryoso pero hindi ako makasagot. "Katulad kalang din ng ibang babaeng naging alipin ko." Sabi nyang walang ka emosyon emosyon habang nakatingin sakin.
Oo takot ako sa kanya at ngayon nag sisi na ako na pumayag ako sa offer nya,kung una palang na alam ko kung sino sya edi sana hindi na ako pumayag. Sana hindi na ganto ang ginagawa ko araw araw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top